Garrett Kell: Ang encouragement ay ibinabahagi nang may pag-asa na palalakasin nito ang loob ng isang tao sa Panginoon. Ipinapakita nito ang evidences of grace sa buhay ng isang tao para makita niya na ginagamit siya ng Diyos. Itinuturo nito ang isang tao sa mga pangako ng Diyos na nagtitiyak sa kanya na lahat ng kinakaharap niya ay nasa ilalim ng kontrol ng Diyos.
Lubos na Pinagpala (Eph. 1:3)
Sa Ephesians 1:3 ay makikita natin na inilahad sa atin ni Pablo ang pagpupuri sa likas na kabutihan at mabubuting ginawa ng Diyos para sa atin. Wala tayong mabuting bagay na ibinibigay sa kanya. Wala rin naman talaga tayong maibibigay sa kanya na hindi sa kanya nagmula. Kaya marapat lang na siya’y ating sambahin, pasalamatan, papurihan at parangalan.
Abraham Part 2 – Great Blessings, Severe Famine (Gen. 12)
Ang kuwentong ito ay paalala sa atin na bagamat dapat nating tingnan si Abraham bilang huwaran ng pananampalataya at pagsunod sa Diyos, siya rin ay isang makasalanan na tulad natin. Marupok ang pananampalataya, at kailangan pang matutunan kung pano makinig at sumunod sa salita ng Diyos. Higit sa lahat, dapat nating matutunan na ang Diyos ay 100% committed to his word.
