Ang Walang Anak

Genesis 11:10-32

Derick Parfan

Facebook
Email

Kahalagahan ng “Introduction”

Nandito na tayo ngayon sa dulo ng Genesis 1–11, na mako-consider natin na “introduction” o “panimula” ng Genesis. Hindi lang intro ng Genesis, kundi intro rin ng Pentateuch o five books of Moses (Genesis to Deuteronomy), intro rin ng Old Testament (Genesis to Malachi), at intro rin ng buong Bible (Genesis to Revelation). Mahalaga ang introduction—kapag ipapakilala mo ang guest speaker para magkaroon ng konting background ang mga makikinig sa papakinggan nila; kapag sisimulan mo ang isang essay o article para ipakita mo kung bakit mahalaga ang isusulat mo, kung ano ang problem o issue at paano mo ia-address yun; kapag magsusulat ka ng isang kuwento, para magkaroon ng ideya ang mga susubaybayan sa kuwento kung tungkol saan ang buong kuwento, kung sino ang main characters, at kung anu-ano ang aabangan para magkaroon ng resolution ang conflict o tension sa story.

Ganun din sa kuwento ng Bibliya. Mahalaga itong introduction na mababasa natin sa Genesis 1–11. At bago natin ito tapusin ngayon, mahalagang balikan kung paano nakatulong ang nakaraang 18 weeks we spent para mapakinggan ang maikling bahaging ito ng malaking Kuwento ng Bibliya.

Ang layunin ng Bida

Nakilala natin kung sino ang Bida sa kuwentong ito, at kung ano ang layunin niya. Ang Bida sa simula pa lang ipinakilala na, “In the beginning God…” (Gen 1:1). At ano ang layunin niya bakit niya nilikha ang lahat, lalo na ang tao ayon sa kanyang larawan—para ilarawan o ipakilala ang Diyos sa buong mundo, para magpakarami ang mga tao at punuin ang buong mundo ng mga larawan ng Diyos para ang pangalan ng Diyos ang maitanyag nang higit sa lahat. Layunin ng Diyos na pagpalain ang tao, ibigay ang lahat ng pangangailangan natin, ilapit tayo sa kanya, at ma-enjoy ang mabuting relasyon sa ibang tao. Yun ay dahil ang Diyos ay mabuti, dakila, makapangyarihan, at sapat. Siya ang Bida.

Ang problema ng kontrabida

Maganda, napakaganda ng layunin ng Diyos. Pero merong kontrabida. Hindi lang ang ahas sa hardin na tumukso sa unang tao. Pati ang tao, sa pagsunod sa ahas, ay bumagsak sa kasalanan, nagrebelde sa mabuting layunin ng Diyos, at lumayo sa presensya ng Diyos. Sa halip na magpakarami, pinapatay ng tao ang kapwa tao—tulad ni Cain sa kanyang kapatid na si Abel, tulad ni Lamech na mula sa lahi ni Cain. Sa halip na matanggap ang pagpapala ng Diyos, nagkaroon ng pag-aaway, pumasok ang sumpa, ang hirap, ang kamatayan. Sa halip na gumawa ng mabuti tulad ng Diyos na pinakamabuti sa lahat, puro kasamaan na lang ang nasa puso ng tao. Sa halip na kumalat at punuin ang buong mundo ng mga tao, pinili nilang magkaisa’t pumirmi na lang sa isang lugar (tulad ng nakita natin last week sa ginawa ng mga tao sa Shinar, Gen 11:1–9). Sa halip na itanghal ang katanyagan ng pangalan ng Diyos, tinangka nilang gumawa sila ng tore na abot sa langit to make a name for themselves. Sino ang kontrabida sa kuwentong ito? Ikaw, ako, tayong lahat.

Ang solusyon sa problema

Nasaan ngayon ang solusyon sa problemang ito? Wala sa tao, kundi nasa Diyos. ‘Yan ngayon ang susubaybayan natin sa buong kuwento ng Bibliya, na itong problemang ito ay nagkaroon ng solusyon sa pagdating ni Cristo at sa kanyang ginawa sa krus para sa atin. Pero dito pa lang sa Genesis 1–11, meron nang pahiwatig kung paano ‘yan gagawin ng Diyos. Ang paglikha ng Diyos sa tao in his image (Gen 1:26) ay naghahanda sa pagdating ng Anak ng Diyos, the image of the invisible God (Col 1:15), na naging tao at namuhay kasama ng mga taong makasalanan. Ang mga salita ng Diyos sa ahas tungkol sa anak ng babae na dudurog sa ulo ng ahas (Gen 3:15) ay nagkaroon ng katuparan sa pagdating ni Cristo at sa kanyang gawa sa krus na siyang nagtanggal sa kamandag ng ahas, ang kasalanan at ang kamatayan (1 Cor 15:55–56). Ang pagtakip ng Diyos sa kahihiyan nina Adan at Eba (Gen 3:21) ay naghahanda sa katuwiran ni Cristo na siyang idadamit sa kahihiyan natin na dulot ng ating mga kasalanan. Ang pag-asa para sa bagong sangkatauhan sa pamamagitan ni Noah ay naghahanda sa pagdating ng bagong Adan, walang iba kundi ang Panginoong Jesus (Rom 5:12–21). Ang pagbaba ng Diyos para tingnan ang toreng itinatayo ng mga tao (Gen 11:1–9) ay paghahanda sa pagbaba ng Diyos para abutin ang mga makasalanan sa pamamagitan ni Cristo na siyang nagbigay sa atin ng buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang sariling buhay sa krus.

Kaya naman mahalaga na ang introduction, ang Genesis 1–11, ay hindi nagtapos sa pagrerebelde at paghatol ng Diyos sa mga gumawa ng tore ng Babel. On a more positive note, itong Gen 11:10–32 ay paghahanda naman na ginagawa ng Diyos sa pagdating ng isang mahalagang tao sa redemptive history, walang iba kundi si Abraham na siyang tampok na karakter sa Genesis 12–25. At ito’y mahahati sa dalawang bahagi. Ang una ay ang kasaysayan (“generations,” sa Hebrew toledot) ng lahi na nanggaling kay Shem (Gen 11:10–26). Ang ikalawa ay nakafocus na sa lahi (“generations,” toledot) ni Terah, na galing din kay Shem, at siyang ama naman ni Abraham. Ano naman ang itinuturo sa atin ng panibagong listahan na ito ng mga pangalan—tulad ng nakita na natin sa Genesis 5 at Genesis 10? Let us start with some observations tungkol sa mga features ng bawat bahaging ito.

“The generations of Shem” (Gen. 11:10-26)

Unahin natin itong “generations of Shem”:

Ito ang lahi na nanggaling kay Shem. Nung 100 years old na si Shem, dalawang taon after ng baha, naging anak nya si Arpachshad. 11 Tapos, nabuhay pa sya ng 500 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 12 Nung 35 years old na si Arpachshad, naging anak nya si Shelah. 13 Tapos, nabuhay pa sya ng 403 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 14 Nung 30 years old na si Shelah, naging anak nya si Eber. 15 Tapos, nabuhay pa sya ng 403 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 16 Nung 34 years old na si Eber, naging anak nya si Peleg. 17 Tapos, nabuhay pa sya ng 430 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 18 Nung 30 years old na si Peleg, naging anak nya si Reu. 19Tapos, nabuhay pa sya ng 209 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 20 Nung 32 years old na si Reu, naging anak nya si Serug. 21 Tapos, nabuhay pa sya ng 207 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 22 Nung 30 years old na si Serug, naging anak nya si Nahor. 23 Tapos, nabuhay pa sya ng 200 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 24 Nung 29 years old na si Nahor, naging anak nya si Terah. 25 Tapos, nabuhay pa sya ng 119 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 26 Nung 70 years old na si Terah, naging anak nya sina Abram, Nahor, at Haran. (Gen 11:10-26 PV)

Wala namang unusual, walang ibang side comments, tuluy-tuloy lang itong listahan ng generations na galing kay Shem. Para mas maintindihan natin ang significance nito, mahalagang tingnan natin kung ano ang connection nito sa ibang sections sa Genesis.

Connection with Genesis 10

Unahin natin ang connection nito sa Genesis 10, yung naunang toledot section: “These are the generations of the sons of Noah…” Dito, naka-trace ang mga lahi at mga bansa na nanggaling sa tatlong anak ni Noah: Shem, Ham, at Japheth. So malawak ang sakop nito. Sa Genesis 11, naka-focus lang sa line ni Shem. Binanggit na rin ang lahi ni Shem sa Genesis 10, pero ang dulo nun ay kay Joktan at sa mga anak nito (Gen 10:26-29). Pero sa Genesis 11, ipinagpatuloy ang linya hindi kay Joktan, kundi sa kapatid nitong si Peleg na ang comment sa Genesis 10 ay ito: “sapagkat noong panahon niya ay nagkahiwa-hiwalay (katunog sa Hebrew ng Peleg) ang mga tao sa daigdig” (Gen 10:25 MBB). Malawak ang plano ng Diyos para sa buong mundo, nakita natin ‘yan sa Genesis 10. Pero dito sa Genesis 11, ipinapahiwatig na yung line of promise, o linya ng panggagalingan ng anak ng babae na dudurog sa ulo ng ahas ay manggagaling hindi kay Ham, hindi kay Japheth, kundi kay Shem, patungo kay Peleg, patungo kay Terah, na ama ni Abraham. Malaya ang Diyos na pumili—he is sovereign!—kung kaninong tao manggagaling ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo, na ipinakilala sa unang verse ng New Testament, “the son of Abraham” (Mat 1:1).

Connection with Genesis 5

Kung broad ang Genesis 10 kumpara sa Genesis 11 na linear, mas hawig ito sa Genesis 5 na linear din ang genealogy, na nagsimula sa ganito: “These are the generations of Adam…” Tapos ay naka-trace ang linya sa anak niyang si Seth hanggang kay Noah, a total of ten generations. Tulad din ng sa line mula kay Shem hanggang kay Abraham na ten generations dito. Dahil ang “ten” ay nag-iindicate ng perfection sa Bible, nagpapahiwatig ito ng katuparan ng perpektong plano ng Diyos.

Meron ding pagkakahawig at pagkakaiba yung pattern ng pagpapakilala ng bawat lahi. Sa Genesis 5 ganito halimbawa: “When Seth had lived 105 years, he fathered Enosh. Seth lived after he fathered Enosh 807 years and had other sons and daughters. Thus all the days of Seth were 912 years, and he died” (Gen 5:6-8). Dito naman sa Genesis 11, verses 10-11 for example, “When Shem was 100 years old, he fathered Arpachshad…And Shem lived after he fathered Arpachshad 500 years and had other sons and daughters.” Pareho din ‘yan sa Genesis 5. Ang kaibahan? Missing yung third line na nagsasabi kung ilang taon ang total years na nabuhay siya, at yung statement na siya’y namatay: “Thus all the days of [Shem] was [600] years, and he died.” Implied naman na ‘yan sa Genesis 11, i-add mo lang yung 100+500 = 600, and obviously, namatay naman sila. Hindi na kailangang sabihin. Pero, dahil sinabi sa Genesis 5, nangangahulugang ang emphasis nun ay ang i-highlight ang hatol ng Diyos dahil sa kasalanan ng tao: “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Rom 3:23). Pero dahil hindi binanggit sa Genesis 11:10-27, sa generations ni Shem, mas mabilis yung takbo ng mga pangyayari dito, as if rushing sa pagdating na ni Abraham, para i-highlight ang katapatan ng Diyos sa kanyang pangako, at ang kanyang probidensya sa pagkilos para tuparin ito from one generation to another.

This note on death will resume in verse 32 about Terah: “The days of Terah were 205 years, and Terah died in Haran.” Isa pa itong key difference ng Genesis 11 sa Genesis 5. Sa Genesis 5, ang haba ng buhay ng tao, hanggang 900 years pero sa Genesis 11, paikli na nang paikli, fulfilling God’s word in Genesis 6:3 “My Spirit shall not abide in man forever, for he is flesh: his days shall be 120 years.” Dito sa Genesis 11, mahaba pa rin, pero considerably shorter na kung ikukumpara sa Genesis 5. God is faithful sa words of promise niya. God is truthful sa words of judgment niya.

Connection with Genesis 12–25

At ang pinakamahalagang connection nitong genealogy sa Genesis 11 ay sa Genesis 12-25 na ang focus ay ang kuwento tungkol kay Abraham. Kaya ang dulo ng genealogy na ‘to ay si Abraham, para ipakilala, para mag-serve as introduction, as preparation sa gagawin ng Diyos sa pamamagitan ni Abraham, kung paanong ang pagpapalang plano niya para sa buong mundo ay manggagaling sa isang lahi: “in you,” sabi ng Diyos kay Abraham, “all the families of the earth shall be blessed” (Gen 12:3). Konektado ang plano ng Diyos kay Abraham sa plano ng Diyos para sa buong mundo. There is nothing random sa mundong nilikha ng Diyos. Everything is according to plan.

“The generations of Terah” (Gen. 11:27-32)

Puntahan natin ngayon ang sumunod na toledot section, yung ikalawang bahagi, “the generations of Terah” sa Genesis 11:27-32. Ito na yung bungad ng pagpapakilala kay Abraham, at magpapatuloy ang kuwentong ito hanggang Genesis 25 na, na magsisimula naman ng bagong toledot: “These are the generations of Isaac, Abraham’s son…” (Gen 25:19). Tingnan natin kung ano ang simula ng lahi ni Abraham:

Ito ang lahi ni Terah na tatay nina Abram, Nahor, at Haran. Si Haran ang tatay ni Lot. 28 Naunang namatay si Haran kesa sa tatay nya. Namatay sya sa lugar kung saan sya pinanganak, dun sa Ur sa Babylonia (ESV, Ur of the Chaldeans). 29 Naging asawa ni Abram si Sarai, at napangasawa ni Nahor si Milcah na anak ni Haran. Anak din ni Haran si Iscah. 30 Baog si Sarai kaya hindi sya magkaanak. 31 Sinama ni Terah ang anak nyang si Abram, ang apo nyang si Lot na anak ni Haran, at ang manugang nyang si Sarai na asawa ni Abram, at magkakasama silang umalis sa city ng Ur sa Babylonia (ESV, Ur of the Chaldeans) para pumunta sa Canaan. Nakarating sila hanggang sa Haran, tapos dun na sila tumira. 32 Dun na rin namatay si Terah sa edad na 205. (Gen 11:27-32 PV)

Tatlong pangalan dito yung worth noting dahil magpapatuloy yung story nila sa mga susunod na chapters. Siyempre, una si Abram, ibig sabihin ay “father,” na later on ay papangalanan ng Diyos na Abraham, ibig sabihin ay “father of a multitude.” Then, si Sarai, na asawa ni Abraham, na later on ay papalitan ang pangalan ng Sarah. Then, si Lot, na anak ng kapatid ni Abraham na Haran, na namatay sa bahaging ito, kaya nasa puder na ni Abraham.

Important question: Bakit si Abraham ang pinili ng Diyos na magdadala ng line of promise? Ano ba ang kaibahan niya? Kababayan din naman niya itong mga taga-Shinar (Babel) na nagkaisang magrebelde sa layunin ng Diyos. Tapos sinabi pa ng Diyos through Joshua: “Noong una, ang inyong mga ninuno ay nanirahan sa kabila ng Ilog Eufrates. Isa sa mga ito si Terah na ama ni Abraham at ni Nahor. Sumamba sila sa mga diyus-diyosan. Tinawag ko si Abraham buhat sa lupaing iyon…” (Jos 24:2-3 MBB). Idol-worshipers ang pamilya nila. Pero pinili siya ng Diyos unconditionally, ayon sa kanyang malayang kapasyahan at kagustuhan.

With that theological backdrop, tingnan natin ang ilan sa mga features ng bahaging ito:

Death (vv. 28, 32)

Ang una ay ang kamatayan. Dalawang beses binanggit. Naunang mamatay ang anak bago ang tatay. Namatay si Haran habang sila ay nasa Ur pa (Gen 11:28). Then, si Terah naman sa Haran (lugar na kapangalan ng anak niya), noong naglalakbay sila papuntang Canaan: “Dun na rin namatay si Terah sa edad na 205” (Gen 11:32 PV). Karaniwan naman talagang namamatay ang tao, wala namang kakaiba dun. Pero nananatiling problema ang kamatayan na kailangang solusyunan. Sino ang magbibigay sa atin ng pag-asa na merong buhay pagkatapos ng kamatayan? Ang kamatayan ay isang banta o threat sa katuparan ng pangako ng Diyos. Buhay pa si Abraham. Hindi siya pwedeng mamatay agad, kailangang magkaanak muna siya, para maipagpatuloy ang lahi niya kung sa kanya nga yung chosen line of promise.

Barrenness (v. 30)

Hindi lang kailangang hindi agad mamatay si Abraham. Kailangan ding magbuntis ang kanyang asawang si Sarah. Pero ang problema? “Baog si Sarai kaya hindi sya magkaanak” (Gen 11:30 PV). This is the first time sa Bible na merong binanggit na hindi magkaanak. In a culture na expected sa isang babae na magkaanak, malaking problema ‘to. Paano matutupad yung “be fruitful and multiply” kung hindi ka magkaanak? Paanong kay Abraham manggagaling yung anak ng babae na dudurog sa ulo ng ahas kung ang asawa nga niya ay imposibleng magkaroon ng anak.

Imposible sa tao, pero walang imposible sa Diyos. Aabangan natin sa pagpapatuloy ng kuwento kung paanong mag-iintervene ang Diyos, kung paano niya idi-display ang katapatan niya sa kanyang pangako, kung paano niya idi-display ang kapangyarihan niya na gawin ang isang bagay na humanly impossible. Meron nga naman bang imposible sa Diyos? Kung sa isang salita niya lang, “Let there be light,” ay nagkaroon nga ng liwanag; kung sa pamamagitan ng hininga niya ay nagkaroon ng buhay ang tao, siguradong kaya niya ring bigyang-buhay ang patay na kapasidad ni Sarah na magdalang-tao. Ang kuwento ng Bibliya ay puno ng mga listahan ng mga babaeng baog at imposibleng magkaanak—si Rebekah na asawa ni Isaac na naging anak nina Abraham at Sarah na baog ay baog din (Gen 25:21). Si Rachel na asawa ni Jacob na anak ni Isaac ay baog din (Gen 29:31). Ang nanay ni Samson, ang asawa ni Manoah, ay baog din (Judg 13:2-3). Si Hannah, bago niya ipanganak si Samuel, baog din (1 Sam 1:2). Ang nanay ni John the Baptist, si Elizabeth, na pinsan ni Mary, ay baog din (Luke 1:36). Sa Bibliya, ang kawalan ng abilidad na magkaroon ng anak ay hindi itinuturing na parusa na galing sa Diyos, bagamat epekto rin ng fallen condition ng tao, kundi isang entablado para itanghal ang biyaya at kapangyarihan ng Diyos sa pagtupad ng kanyang redemptive purposes—to testify na ang pagliligtas na ito ay maa-accomplish lang sa pamamagitan ng gawa ng Diyos at hindi ng gawa ng tao.

Movement (v. 31; 12:1)

Isa pang feature ng bahaging ito ay ang movement ng pamilya ni Terah. Mula sa city of Ur, bumiyahe ang pamilya ni Terah papunta sa Canaan. Sa Haran, namatay na si Terah. Ito namang sina Abraham ay nag-decide na na dun na mag-settle (Gen 10:31). Unlike itong nakita natin sa story ng mga taga-Shinar na piniling mag-stay lang sa isang lugar para hindi sila magkahiwa-hiwalay, at kailangan pang mag-intervene ang Diyos para lang kumalat sila, itong sila Abraham ay lumipat ng lugar. Kung sinabi ng Diyos na go, then go. Kapag sinabi niyang stay, then stay. Pero at this point, parang wala pa ang Diyos sa eksena, mga idol worshippers nga kasi sila. Pero one day, magsasalita ang Diyos kay Abraham, at heto ang sasabihin niya, “Sinabi ni Yahweh kay Abram, “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo” (Gen 12:1 MBB). Ano ang naging tugon ni Abraham? “Sumunod nga si Abram sa utos ni Yahweh” (Gen 12:4).

Ang kahalagahan ng mga ginagawa natin, as we move from one place to another, as we move from one phase of our life to another, ay nakakabit sa pagsunod at pag-ayon sa utos at layunin ng Diyos.

From Theology to Life

Now, is it reading too much into our text? Tama lang ba na sabihin ‘yan samantalang wala namang binabanggit sa teksto natin na pangalan ng Diyos, gawa ng Diyos, at salita ng Diyos? Parang absent naman siya dito? Kung “In the beginning God…” (Gen 1:1). Tapos sa dulo din ay ang Diyos: “I am the Alpha ang the Omega (the first and last letters sa Greek alphabet),” says the Lord God, “who is and who was and who is to come, the Almighty” (Rev 1:8). Simula, dulo, and everything in between, ay ang Diyos, hindi siya absent kundi patuloy na gumagawa—always at work—sa paglipas ng panahon, from generation to generation. Ito yung matatawag na secret providence of God—ang patuloy na paggawa at pamamahala ng Diyos sa kanyang nilikha at sa kasaysayan, maging sa mga panahong hindi natin nakikita ang ginagawa niya. Now, paano natin ikokonekta ang theology na ‘to sa buhay natin?

Trusting God‘s work in history

Una, it is about trusting God’s work in history—you don’t always see it, but you can trust that is for good. May ginagawa ang Diyos sa buhay natin. May ginagawa ang Diyos sa kasaysayan. May ginagawa ang Diyos sa bansa natin. May ginagawa ang Diyos sa buong mundo. Ang nakikita lang natin ay yung mga masasamang balita sa TV o social media feed natin. Pero kung merong mabuting Diyos na may mabuting layunin, ibig sabihin, meron din siyang mabuting ginagawa, at lahat ng ginagawa niya ay mabuti at para sa ikabubuti nating mga minamahal na anak ng Diyos. “And we know—alam natin ‘yan—that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose” (Rom 8:28). Alam mo ba ‘yan? Inaalala mo ba ‘yan? Nagtitiwala ka ba na mabuti ang Diyos?

Trusting God’s work in the ordinary

Ikalawa, it is about trusting God’s work in the ordinary—it seems ordinary, but you can trust that he is accomplishing something extraordinary. Hindi natin kailangang maghintay ng isang spectacular event para masabing, “God is truly at work sa buhay ko!” Papasok sa eswelahan, papasok sa opisina, mag-aalaga ng anak, magpapahinga, pupunta sa church, kakanta, makikinig ng sermon, magte-take ng Lord’s Supper—all ordinary things, but God is doing extraordinary things. Or at least, inihahanda tayo nito for his extraordinary work in the future. Tulad ni Abraham, nag-asawa siya, namatay ang kapatid niya, namatay ang tatay niya, nag-migrate sila sa ibang lugar—lahat ‘yan ay paghahanda ng Diyos sa kanya for the future na inilaan ng Diyos para sa kanya, at para sa buong mundo, at para sa atin din, way before niya malaman kung ano ang gusto ng Diyos na mangyari. Nagtitiwala ka ba na gaano man kaordinaryo ang nangyayari sa buhay mo, meron kang Diyos na extraordinary and he is doing extraordinary things sa buhay mo?

Trusting God’s work in the difficulty

Ikatlo, it is about trusting God’s work in the difficulty—what is impossible with man is possible with God Almighty. Imposible kay Sarah na magkaanak. Pero alam na natin later on sa Genesis kahit 90 years old na siya, kahit baog siya, magkakaanak siya. Hindi dahil sa galing ni Abraham, hindi dahil sa advancement ng medical technology, kundi dahil ang imposible sa tao sa posible sa Diyos. With God all things are possible. Hindi ko sinasabing kung kayong mag-asawa ay ilang taon nang naghihintay ay magkakaroon din ng anak in the future. Pero kayang gawin ‘yan ng Diyos kung gugustuhin niya. At kaya niya ring bigyan kayo ng anak through adoption kung yun ang plano ng Diyos. At kaya niya ring bigyan kayo ng patience and contentment and joy kahit wala pa kayong anak—yung patience and contentment and joy na humanly impossible without the help of God. Anuman yung humanly impossible—yung conversion ng kapamilya ninyo, yung accomplishment ng Great Commission, yung pagre-revitalize ng isang church na naghihingalo na, whatever—ay posible sa Diyos. Nagtitiwala ka ba na ang Diyos ay ang Diyos na Makapangyarihan sa Lahat at walang imposible sa kanya?

Trusting God’s work in redemptive history

Lastly, it is about trusting God’s work in redemptive history—the good, the extraordinary, and the impossible find their fulfillment in Christ. Lahat ng nangyari sa kasaysayan, mula kay Adam hanggang kay Noah, mula kay Shem hanggang kay Abraham, mula kay Abraham hanggang kay Jacob/Israel, mula kay Judah hanggang kina Joseph at Mary, ay paghahandang lahat sa pagdating ng pinakamabuti sa lahat, ang Tagapagligtas na si Jesus, ang anak ng babae na dumurog sa ulo ng ahas pagkatapos na siya’y tuklawin sa sakong (Gen 3:15) sa kanyang kamatayan sa krus. Ang Anak ng Diyos naging tao, ordinaryong tao, anak ng isang karpentero, but he came to do God’s extraordinary work—ang iligtas ang mga makasalanan. This salvation is impossible with man. Imposibleng magbuntis si Mary na isang virgin, pero posible through the Holy Spirit. Imposible na ang isang tao ay makasunod sa lahat ng utos ng Diyos, pero posible dahil si Cristo ay hindi nagkasala. Imposible na ang isang tao ay magbayad ng kasalanan ng marami, pero posible because Jesus’ death is a ransom for many (Mark 10:45).

“History is itself nothing other than the outworking of God’s plan to fulfill his promise to redeem a people for himself” (Iain Duguid, ESV Expository Commentary). Kabilang ka na ba sa mga taong nagtitiwala kay Cristo para sa kanilang kaligtasan? Kung hindi pa, ito na ang panahon para pagsisihan mo at ihingi ng tawad ang buong buhay mong inaakala mong ikaw ang bida, ang buong buhay mo na paglaban o pagkontra sa mga mabuting utos at layunin ng Diyos, at pagtiwalaan ang kabutihan, kapangyarihan, at kasapatan ng ginawa ni Cristo sa krus para iligtas ang mga makasalanang tulad mo at tulad ko.

So, as we end our series sa Genesis 1-11, tandaan natin ang mahalagang aral na itinuturo sa atin ng huling bahaging ito: Ang Diyos ang malayang nagpapasimula at makapangyarihang nagpapatuloy ng kanyang gawa sa buhay natin para ihanda tayo para sa mabuting gawaing itinakda niya para sa atin. Hindi man natin nalalaman ang lahat ng ginagawa ng Diyos, maging sa mga ordinaryong bahagi ng buhay natin, maging sa mahihirap na bahagi ng buhay natin, dapat tayong magtiwala sa Diyos na tapat at makapangyarihang gumagawa para tuparin ang kanyang plano sa buhay natin at sa pamamagitan natin. Ang garantiya na God is truly trustworthy sa anumang bahagi ng buhay natin ay walang iba kundi si Cristo na ibinigay ang buhay para sa atin, at ang Banal na Espiritu na siyang ibinigay niya sa atin at nasa atin na forever.