Ang Paghihintay

Genesis 8

Derick Parfan

Facebook
Email

Paano kung matagal dumating ang hinihintay mo?

Palagi naman tayong may hinihintay. Hinihintay mo ang kaibigan mo o ka-transaction mo sa business, kasi may usapan kayo na oras ng meeting n’yo. Paano kung matagal dumating at late pa? Hinihintay mo ang parcel mo sa Shopee. Paano kung delayed pa? Hinihintay mo na dumating ang ibibigay sa ‘yo ni Lord na asawa. Paano kung hanggang ngayon wala pa rin? Hinihintay mo na sagutin ni Lord ang prayer mo para magbago ang anak mo o ang asawa mo. Paano kung ilang taon na ay ganun pa rin, walang nagbabago. Hinihintay mo na sagutin ni Lord ang prayer mo na makilala ng kaibigan mong unbeliever ang Panginoong Jesus pero matigas pa rin ang puso.

Mainipin tayo. Gusto natin ngayon instant, andyan na, mabilisan. Kapag tingin natin ay may delays, at hindi ayon sa expectations natin, madali sa atin ang magreklamo, mainis, magalit. Humihina rin ang tiwala natin sa Diyos sa kakareklamo at pagkainip natin sa paghihintay. Nandun din yung pride na akala naman natin ay entitled tayo na makuha yung mga bagay na ine-expect nating makuha sa panahong gusto natin.

Ang ugat nito ay unbelief, mali at kulang na pagkilala sa kung sino ang Diyos. Yes, alam nating makapangyarihan ang Diyos. Sa isang iglap lang, kaya niyang ibigay ang hinihintay natin. “Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila’y iniligtas sa hirap at dusa” (Ps 34:6 MBB). Yes, alam nating mabuti ang Diyos, at wala siyang anumang mabuting bagay na ipagkakait sa mga anak niya. “Those who seek the Lord lack no good thing” (Ps 34:10 ESV). But, he is also sovereign, ibig sabihin, malaya siyang magpasya kung kanino niya ipaparanas ang kabutihan niya, kung anong mabuting bagay ang ibibigay niya sa atin, at kung kailan niya ito ibibigay. Wala tayong karapatang mag-demand sa Diyos na kumilos ayon sa sarili nating pamamaraan at timetable. God is absolutely free to act ayon sa kanyang pasya. Yun ang ibig sabihin ng pagiging Diyos ng Diyos. He is God and we are not.

I hope and pray na sa pagsubaybay natin sa kuwento ng pagkilos ng Diyos sa buhay ni Noah sa Genesis 6-9 ay mas nakikilala natin what it means for this God, Yahweh, to be God. Sa chapter 6 pa lang, sa pagsasabi ng Diyos ng kanyang plano kay Noah, kung paano niya paparusahan ang buong mundo dahil sa kasamaan ng mga tao, nakita nating nangyari nga sa chapter 7 nung nagpadala siya ng malakihang baha na ikinamatay ng lahat ng tao at hayop. Maliban lang kila Noah, sa pamilya niya, at sa mga hayop na pinapasok ng Diyos sa loob ng barkong ipinagawa niya kay Noah. Kung ano ang plano ng Diyos, yun ang natupad. Kung ano ang iniutos ng Diyos kay Noah, yun ang ginawa niya. Eksakto sa kung ano ang gusto ng Diyos. Eksakto sa oras na itinakda ng Diyos.

At kasama sa oras na itinakda ng Diyos ay kung gaano katagal sila Noah na pipirmi sa loob ng barko, bago tuluyang humupa ang baha, at pwede na silang lumabas. Chapter 7 ends with this: “Ang mga tao at mga hayop sa daigdig ay nilipol ng Diyos, maliban kay Noe at sa kanyang mga kasama sa barko. Nagsimulang bumabâ ang tubig pagkatapos ng 150 araw” (Gen 7:23-24 MBB). Ibig sabihin, for five months—simula nang umulan nang malakas, at naglabasan ang mga tubig, hanggang sa bumaha at namatay ang lahat ng nasa labas ng barko—nandun lang sila sa loob. Hindi ‘yan staycation. Hindi ‘yan cruise sa isang luxury liner. Mga hayop ang kasama mo sa loob. Imagine yung maaamoy mo. Yung ingay. Yung discomfort. Hindi ka makapamasyal. Hindi ka makapag-mall.

Siyempre naman, dapat nga maging grateful ka kasi hindi ka namatay sa baha. May buhay ka pa. Pero kailangan ba talaga tumagal nang ganito? Kaya naman ng Diyos sa isang iglap lang bumaha nang malaki at mamatay agad yung mga paparusahan niya, tapos sa isang iglap, mawala na rin ang baha! Kaya ng Diyos yun! Meron bang mahirap para sa Diyos? Wala naman, di ba? Pero tumagal pa nang limang buwan ang tubig, bago magsimulang humupa. Ibig sabihin, tatagal pa pala. Yes, a little more than one year bago ‘yan tuluyang humupa. Baka ganito na ang daing natin sa Diyos: “How long, O Yahweh? Will you forget me forever?” (Ps 13:1 LSB).

Kapag matagal tayong naghihintay, ibig sabihin ba nun na nakakalimot ang Diyos?

Covenant: Ang Pag-alala ng Diyos (8:1-5)

Inalala ng Diyos si Noah (v. 1a).

Malinaw ang sagot sa tanong na ‘yan sa bungad ng chapter 8, “Hindi kinalimutan ng Diyos si Noe, at ang lahat ng may buhay, at ang lahat ng hayop na kasama niya sa sasakyan” (Gen 8:1 AB). Mas positively sa literal translation, “But God remembered Noah…” (ESV). Hindi ibig sabihin na for five months ay nakalimutan siya ng Diyos. Na para bang may inasikaso muna siya, o nakatulog muna siya, at sinabing, “Ooopppss…si Noah nga pala, nakalimutan ko.” Ang Diyos ay hindi tao na nakakalimot, maraming inaasikaso at kaya lang gawin ay one or a few tasks at a time. God is all-powerful. God is all-knowing. Wala siyang nakakalimutan. Ang salitang “remember” kapag in-apply sa Diyos ay may kinalaman sa “covenant.” Sinabi na ng Diyos kay Noah bago pa ang baha, “I will establish my covenant with you…” (Gen 6:18). Yung actual na pakikipagtipan ng Diyos kay Noah ay mangyayari pa pagkatapos ng baha, “Behold, I establish my covenant with you…” (Gen 9:9). Pero dito pa lang, habang nasa loob pa sila ng barko, habang hindi pa humuhupa ang baha, meron nang ginagawa ang Diyos para ipahayag ang kanyang katapatan sa pagtupad ng kanyang covenant kay Noah. Our God is a covenant-keeping God.

Significant ito para sa mga Israelita, na pinangakuan ng Diyos ng isang lupain, bilang bahagi naman ng tipan ng Diyos kay Abraham (see Gen 17:7-8). Pero naalipin sila sa Egipto for 430 years! Napakatagal! Dumaraing na sila dahil sa hirap na kanilang nararanasan. Nakakalimot ba ang Diyos? “Narinig ng Dios ang kanilang hinaing, at inalala niya ang kanyang kasunduan kina Abraham, Isaac, at Jacob” (Ex 2:24 AB). “God remembered his covenant.” Hindi ibig sabihin na sa haba ng panahong iyan ay walang ginagawa ang Diyos. Ang ibig sabihin, ayon sa panahong itinakda ng Diyos, heto na, meron siyang gagawin decisively para sa mga taong itinalaga niyang maligtas. Gagawa ang Diyos sa panahong pinagpasyahan niya.

Hindi lang si Noe ang inalala ng Diyos, kasama dito “ang lahat ng may buhay, at ang lahat ng hayop na kasama niya sa sasakyan” (Gen 8:1 AB). Pati ang pamilya niya, pati nga ang mga hayop inaalala ng Diyos, ikaw pa kaya na anak ng Diyos? “Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?” (Mat 6:26 MBB). Ano nga naman ang ipag-aalala mo, kung inaalala ka ng Diyos? Walang kalilimutan ang Diyos sa sinumang itinakda niyang iligtas. Walang mawawala, walang mapapahamak kahit isa. God is sovereign sa pagpapadala ng baha; he is also sovereign sa paghupa ng baha.

Pinahupa ng Diyos ang baha (vv. 1b-5).

Ano ang ginawa ng Diyos? “Kaya’t pinaihip niya ang hangin (sa Hebrew ruah), at nagsimulang humupa ang tubig” (Gen 8:1). Hawig ito account ng simula ng paglikha ng Diyos, “…kumikilos ang Espiritu (Heb. ruah) ng Diyos sa ibabaw ng tubig” (Gen 1:2). Then, pinaghiwalay ng Diyos ang tubig. Gayundin bago makatawid ang mga Israelita sa Red Sea, nang “itinapat ni Moises ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat. Magdamag na pinaihip ni Yahweh ang isang malakas na hangin (Heb. ruah) mula sa silangan at nahati ang tubig” (Ex 14:21). God is sovereign—malaya at makapangyarihang gumagawa ayon sa kanyang pasya—sa paglikha, sa paghatol (sa pagtaas ng baha), at this time sa pagliligtas (sa paghupa ng baha). God is sovereign both in judgment and salvation (Duguid, ESV Expository Commentary, 1:104).

“Nagsimulang humupa ang tubig.” Hindi agad-agad, bagamat kaya ng Diyos na gawin ‘yan. Dahil sa gawa ng Diyos, not merely because of natural processes, “Huminto ang mga bukal at tumigil ang pagbuhos ng ulan. Patuloy na humupa ang tubig, at pagkaraan ng 150 araw ay mababa na ang baha” (Gen 8:2-3). So, additional five months pa, ten months in total na na nasa loob sila ng barko. Pwede namang gawin ng Diyos na mas mabilis ‘yan, pero kung itinakda ng Diyos na ganyan katagal, at kung gusto ng Diyos na maghintay pa sila, ‘yan nga ang gagawin ng Diyos. He is God, we are not.

Bandang kalagitnaan ng limang buwang iyon, “Sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat noong ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan” (Gen 8:4). Saktong petsa, importanteng detalye to remind us na hindi ito feel good o basta inspirational story lang. Totoong kuwento, totoong nangyari, totoong gawa ng Diyos sa eksaktong petsa na itinakda niya. Ang salitang “sumadsad” ay “came to rest” sa ESV. Katunog ng pangalan ni Noah, na pangalang ibinigay ng kanyang tatay sa kanya, hoping na siya ang “magbibigay sa atin ng ginhawa” (Gen 5:29 AB). Pero bago yung kapahingahan at ginhawang iyon, kailangan pa nilang maghintay.

Hanggang tuluyang mawala ang baha. “Patuloy ang paghupa ng tubig at nang unang araw ng ikasampung buwan, lumitaw ang taluktok ng mga bundok” (Gen 9:5 MBB). Malapit na, makakalabas na rin sila sa wakas. Pero at this point, hindi pa rin safe or ideal na lumabas na sila. Konting tiis pa.

Reflections

Pero at this point, malinaw na ang nangyayaring ito ay hindi “natural” but “supernatural.” Divinely superintended ang paghupa ng baha. Gawa ng Diyos. May ginagawa ang Diyos. Kahit hindi sa paraan o sa timetable na inaasahan natin, basta ang mahalaga may ginagawa ang Diyos. The question remains, bakit pa kasi niya papatagalin? Hindi pa ba sapat yung ten months na paghihintay

Perseverance: Ang Paghihintay ni Noah (8:6-14)

Pinalipad ni Noah ang isang uwak (vv. 6-7).

Hindi pa. By this time, simula sa verse 6, nag-shift ng focus ang story mula sa ginawa ng Diyos sa first five verse papunta sa ginawa ni Noah. “Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng barko na kanyang ginawa” (Gen 8:6). Alam naman na natin na si Noah ang gumawa ng barko. Pero bakit inulit pa? Maybe para ituro sa atin na ang gawa ng tao ay hindi sapat. Ang buhay natin, after all, ay tungkol primarily sa gawa ng Diyos—sa ginawa ng Diyos, sa ginagawa ng Diyos, sa gagawin ng Diyos.

Pero may gagawin pa rin tayo. Ayaw naman natin na naghihintay tayo na walang ginagawa. Ano ang ginawa ni Noah? Mula verse 7 hanggang verse 12, may kinalaman ito sa pagpapalipad ng ibon—dalawang ibon. Ang una ay ang uwak, “Pinalipad niya ang isang uwak at ito’y nagpabalik-balik hanggang matuyo ang tubig sa lupa” (Gen 8:7). Pero hindi na bumalik. Maybe, ayon kay Ian Duguid, dahil ang ibong ito ay categorized as “unclean,” sanay na kumain ng mga patay na hayop. Bakit pa nga naman babalik sa barko?

Pinalipad ni Noah ang isang kalapati…tatlong beses (vv. 8-12).

Kumuha pa si Noah ng isang ibon, this time kalapati naman, categorized na ‘to as “clean.” “Pagkatapos nito [maybe after seven days din, similar sa pattern ng mga kasunod] pinalipad naman niya ang isang kalapati upang tingnan kung wala nang tubig” (Gen 8:8). Ang misyon: para ma-check ni Noah “kung wala nang tubig.” Kapag may tubig pa, walang madadapuan ang kalapati. Yun na nga, “Palibhasa’y laganap pa ang tubig, hindi makalapag ang kalapati, kaya’t nagbalik ito at muling ipinasok ni Noe sa barko” (Gen 8:9). Hindi pa tapos ang paghihintay. Another seven days, “Pitong araw pang naghintay si Noe, at pinalipad niyang muli ang kalapati pagkatapos nito. Pagbalik nito kinagabihan, may tangay na itong isang sariwang dahon ng olibo. Kaya’t natiyak ni Noe na humupa na ang tubig” (Gen 8:10-11 MBB2018). Mababa na ang tubig. Meron nang sariwang dahon, sign of life, magandang senyales ‘yan. Malapit na talaga! Seven days again, “Nagpalipas ng pitong araw si Noe saka pinalipad muli ang kalapati. Hindi na ito nagbalik” (Gen 8:12). Ito ang kuwento ng kalapati ni Noah. Ito ang kuwento ng kanyang paghihintay, ng kanyang perseverance and patience.

Reflections

Sa panahon ng paghihintay, hindi natin alam kung gaano katagal, hindi natin alam kung kailan matatapos. Ano ang gagawin natin? Maiinip na ba tayo? Magrereklamo na ba tayo? Pagdududahan na ba natin ang Diyos na para bang walang ginagawa? Wala man lang siyang sinasabi kay Noah for almost one year! Ito namang mga Israelita, na for almost 40 years ay paikut-ikot sa disyerto, hanggang kailan? Magtitiwala ba sila sa Diyos na gagawa ang Diyos, magpo-provide ang Diyos ng kailangan nila, na tutuparin niya talaga ang pangako niya, na tatapusin niya ang sinimulan niya? Meron din tayong ganyang mga tanong lalo na’t tumatagal ang paghihintay natin.

But, ask yourself, Will you use this time of waiting para mas mahubog ang tiwala mo sa Diyos? Yun naman ang gusto ng Diyos. Hindi para manadya na inisin tayo. Kundi para mas patibayin ang pagtitiwala natin sa kanya. Yes may gagawin tayo, pero in the end ang kailangan nating gawin ay hintayin ang gagawin ng Diyos, at pakinggan kung ano ang sasabihin ng Diyos.

Sa wakas, tuyo na ang lupa (vv. 13-14).

Nagtapos ang bahaging ito sa pag-recap kung gaano katagal naghintay si Noah, simula nang pumasok sila sa barko. “Noon ay 601 taóng gulang na si Noe. Nang unang araw ng unang buwan, inalis ni Noe ang takip ng barko at nakita niyang natutuyo na ang lupa” (Gen 8:13). Bagong taon, birthday pa nga. Nakita niyang natutuyo na. Yehey, malapit na talaga. Tapos a little over one year, kung ang reference natin ay yung Genesis 7:11, “tuyung-tuyo na”: “Nang ikadalawampu’t pitong araw ng ikalawang buwan, tuyung-tuyo na ang lupa” (Gen 8:14). Malamang, pwede na silang lumabas. Okay na. Pero bakit hindi pa siya lumalabas, ano pa ang hinihintay niya? Sabi siguro ng asawa’t mga anak niya, “Tara na.” Tapos marinig pa niya ang ingay ng mga elepante na hindi na mapakali. Ano pang hinihintay niya?

Salvation: Ang Paglabas ni Noah (8:15-19)

Pinalabas na ng Diyos sila Noah (vv. 15-17).

Boses ng Diyos. Yun ang pinakamahalaga sa lahat. Hindi ang pasya ni Noah. Hindi ang suggestion ng asawa niya. Hindi ang magandang condition sa labas ng barko. Boses ng Diyos ang nagsabi na pumasok sila sa araw na sinabi niya, boses din ng Diyos ang magsasabi na lumabas sila sa araw na sasabihin niya. Heto na nga:

Sinabi ng Diyos kay Noe, “Lumabas ka na sa barko kasama ng iyong asawa, mga anak at mga manugang. Palabasin mo na rin ang lahat ng mga hayop na kasama mo—maamo at mailap, gumagapang at lumalakad sa lupa, at pati ang mga ibon. Hayaan mo silang dumami at manirahan sa buong daigdig.” (Gen 8:15-17).

Salita ng Diyos ang kailangan natin. This all-powerful and sovereign and universe-creating word from God. Mula pa sa Genesis 1, “And God said…And God said…”, paulit-ulit, na pagkatapos niyan, something big is about to happen. Ito na ang araw na itinakda ng Diyos. “This is the day that the Lord has made; let us rejoice and be glad in it” (Ps 118:24). Kung paanong nasiyahan ang Diyos sa mga hayop na nilikha niya sa ikaanim na araw, “maaamo, maiilap, malalaki at maliliit” (Gen 1:24-25), kung paanong noong araw ring iyon ay nilikha niya ang tao na “mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit,” at sinabihan sila ng Diyos na “be fruitful and multiply” (Gen 1:22, 28), ganun din ang ginagawa ng Diyos dito. Ang araw na ito ay day of re-creation, a new creation, the day of salvation. Binabago niya ang mundong sinira ng kasalanan, dahil sa pagsuway ng unang tao sa salita ng Diyos.

Lumabas na nga sila Noah (vv. 18-19).

At sa salita ng Diyos, sa utos ng Diyos, sumunod si Noah. Sabi ng Diyos, sumunod sila. Yun naman dapat. Yun din naman ang makakabuti sa kanila. God’s word is always good, always for our good. “At lumabas na nga si Noe at ang kanyang asawa, mga anak at mga manugang. Gayundin, sunud-sunod na lumabas ang lahat ng hayop, mailap at maamo, lahat ng gumagapang at lumalakad, pati ang mga ibon ayon sa kani-kanilang uri” (Gen 8:18-19). Ilan ang taong lumabas? Walo, eksakto kung ilan din ang pumasok. Ilan ang lumabas na hayop? “Lahat…lahat…” Lahat ng itinakda ng Diyos na iligtas ay naligtas, hanggang sa dulo. Ang sinimulan ng Diyos tinapos niya. Lagi naman niyang tinatapos ang sinimulan niya. The Lord is our salvation.

Reflections

Itong sinabi ng Diyos kay Noah, “Go out…” (Gen 8:16), ay mga salita na nagbibigay ng relief sa kanila na sa wakas ay makakalabas na sila, makakalaya na sila sa isang taong pagkakakulong sa loob ng barko. Ito rin ay alingawngaw ng salita ng Diyos sa hari ng Egipto na umalipin sa mga Israelita sa loob ng apatnaraang taon. “Thus says the Lord [Yahweh], the God of Israel, ‘Let my people go…’” (Ex 5:1). Pero matigas ang puso ng haring ito. Stubborn. Pero higit na makapangyarihan ang Diyos. He can overcome any resistance to fulfill his saving purposes for his people. Hindi agad-agad. Kailangan nilang maghintay. Pero eventually, matapos ang sunud-sunod na mga supernatural acts of God, displaying his power for judgment and for salvation, nakalabas din sila. “Huling araw ng ika-430 taon nang umalis sa Egipto ang lahat ng lipi ng bayan ni Yahweh. Nang gabing iyon sila iniligtas ni Yahweh at inilabas sa Egipto…” (Ex 12:40-41). Pagkatapos nito, 40 years pa na magpapaikut-ikot sila sa disyerto, parang mga ibong palipad-lipad at walang madapuang mapapahingahan. Will they trust God na ang paghihintay nila ay mauuwi sa pagdating nila finally sa lupang ipinangako sa kanila ng Diyos?

Itong mga kuwento ng paghihintay ng bayan ng Diyos sa Old Testament, ultimately, ay hindi nagtatapos sa pagtira nila sa lupaing ibinigay sa kanila ng Diyos. Eventually, palalayasin na naman sila diyan. Ito ay anino lamang ng isang Tagapagligtas na talagang pinakahihintay ng bayan ng Diyos. Sa pagsarado ng tabing ng kuwento ng Old Testament, halos 400 years din na nanahimik ang Diyos. Hanggang dumating ang isang anghel na dala-dala ang salita ng Diyos sa isang babaeng ang pangalan ay Maria, at sinabi, “Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Mat 1:21). Iyan—si Jesus—ang pinakahihintay natin na higit sa lahat ng hinihintay natin ngayon. Dumating na siya! The time of waiting for God’s salvation is over. Ang kailangan nating gawin? Tumawag sa kanyang pangalan: “At sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas” (Acts 2:21). Do you believe that? Nagtitiwala ka ba sa kanya?

God is sovereign in our salvation. Hindi ang pagtawag natin ang decisive factor sa kaligtasan natin kundi ang pagtawag ng Diyos, ang biyaya ng Diyos na mag-oovercome sa lahat ng resistance at rebellion sa puso natin. Kasama ang mga anak natin, ang pamilya natin, at maging ang mga tao na nasa kabilang dako ng mundo, “Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos” (Acts 2:38-39). Totoo, naghihintay pa rin tayo, kailan ba ililigtas ng Diyos ang mga anak natin, kailan ba magkakaroon ng bunga sa pag-eevangelize natin, hanggang kailan ba magtitiis ang mga misyonero sa mga Muslim bago magkaroon ng conversion sa pagsunod kay Cristo. Hindi dahil mabagal ang Diyos, hindi dahil nakalimot ang Diyos.

Mga minamahal, huwag ninyong kalilimutan na sa Panginoon, ang isang araw ay tulad ng sanlibong taon, at ang sanlibong taon ay tulad ng isang araw lamang. Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan. (2 Pet 3:8-9)

Ang lahat ng itinakda ng Diyos na magsisi at sumampalataya kay Cristo ay tiyak na lalabas sa kanilang pagkakaalipin sa kasalanan, tatawag sa pangalan ng Panginoon, at maliligtas. Even us, we can have this assurance, na kahit alam nating ligtas na tayo dahil kay Cristo, pero naghihintay tayo na malubos ang kaligtasang ito sa pagbabalik ni Cristo. Tulad ni Pablo sa Philippians 1:6, “And I am sure of this, that he who began a good work in you will bring it to completion at the day of Jesus Christ.” Paano tayo nakatitiyak? Dahil ba sa gawa natin? Dahil ba sa diskarte natin? Dahil ba sa determinasyon natin? Dahil ba mas matiyaga tayong maghintay kaysa sa iba? No, dahil kay Cristo, dahil siya ang katuparan ng pangako ng pagliligtas ng Diyos, we can “hold fast to the hope set before us. We have this as a sure and steadfast anchor of the soul…” (Heb 6:18-19). Dahil si Cristo na namatay, at muling nabuhay, at umakyat sa langit ay nananatiling “buháy magpakailanman”: “Dahil dito, lubusan niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya’y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila” (Heb 7:24-25).

Merong katiyakan na hindi mababalewala ang paghihintay natin, gaano man ito kahaba. Ang sinimulan ng Diyos, tatapusin niya. Ang kaligtasang nasa atin na, lulubusin niya.

In light of this, dahil sa pagliligtas sa atin ng Diyos—mula pa sa pagplano niya ng kaligtasan, hanggang sa pagsasakatuparan nito kay Cristo, hanggang sa paglalapat nito sa atin sa pamamagitan ng Espiritu, hanggang sa paglulubos nito sa pagbabalik ni Cristo—how then should we respond? Paano ba nag-respond si Noah? Worship.

Worship: Ang Paghahandog sa Diyos (8:20-22)

Naghandog si Noah sa Diyos (v. 20).

“Si Noe ay nagtayo ng altar para kay Yahweh. Kumuha siya ng isa sa bawat malinis na hayop at ibon, at sinunog bilang handog” (Gen 8:20). Si Yahweh, ang Diyos na tapat sa kanyang pangako, a covenant-keeping God, the God who saves, ay karapat-dapat sa pagsamba. Yun naman ang na-recognize ni Noah. Kaya kinuha niya yung mga hayop na nakatalaga para sa paghahandog at “sinunog bilang handog.” Hindi lang ito basta expression ng pasasalamat sa Diyos. Alam ito ng mga Israelita, na ang mga burnt offerings ay recognition na ikaw ay makasalanan. Makasalanan si Noah. Nagsi-signal ito na ang kaligtasang kailangan ay hindi lang from the dangers of the flood, but from the judgment of God sa kasalanan. Kailangang may tumubos, may pumalit. Makakalapit lang tayo sa Diyos sa pagsamba kung merong substitute sacrifice.

Ito naman din ang point ng system of sacrifices sa Israel, na ultimately ay nakaturo sa once and for all sacrifice ni Cristo sa krus para sa ating mga makasalanan. “Minsan lamang naghandog si Jesus, at ito’y pangmagpakailanman, nang ihandog niya ang kanyang sarili” (Heb 7:27). Hindi na siya kailangang ihandog pa nang paulit-ulit tulad ng ginagawa sa misa ng Romano Katoliko, galing sa Latin na masse, na ang ibig sabihin ay “sacrifice.” Hindi altar ang nasa sentro ng pagsamba natin, kundi pulpito, dahil dito ipinapahayag natin ang natapos nang ginawa ni Cristo sa krus para sa atin. Once and for all. Ito lang ang sacrifice na katanggap-tanggap sa Diyos.

Tinanggap ng Diyos ang handog ni Noah at nagbitaw ng pangako (vv. 21-22).

Kaya, “Nang maamoy ni Yahweh ang mabangong samyo nito, sinabi niya sa sarili…” Or sa Ang Biblia, “…sa kanyang puso, ‘Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa tao, sapagkat ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kanyang pagkabata. Hindi ko na rin muling lilipulin ang lahat ng nabubuhay na gaya ng aking ginawa” (Gen 8:21 AB). Tinanggap ng Diyos ang handog ni Noah. Heto ang puso ng Diyos, in contrast sa puso ng tao na “masama mula sa kanyang pagkabata.” Gaano man kalaki ang baha na ipadala ng Diyos sa mundo, hindi nito mae-eradicate ang kasalanan sa puso ng tao. Ang kailangang ibuhos ay ang Espiritu ng Diyos sa puso ng tao, na siya namang ipinangako ng Diyos sa new covenant (Ezek 36:26-27), na nagkaroon naman ng katuparan sa Pentecost (Acts 2:17).

Sa kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos, ang pangako ng Diyos at ang ginagawa niya para tuparin ito ang nangingibabaw. Hindi yun salita ng tao, hindi yung gawa ng tao. Kaya dito sa paghahandog na ginawa ni Noah, pangako ng Diyos in response to this ang highlight. Ito yung pangakong galing sa puso ng Diyos. Awa ng Diyos na hindi na muling pababahain tulad nito sa mundo natin ngayon. Gaano man ka-devastating ang mga floods ngayon, they are mercy kumpara sa judgment sa time ni Noah. Para pa ngang umaawit ang Diyos habang binibigkas ang pangakong ito:

Hanggang naririto’t buo ang daigdig,     
tagtanim, tag-ani, palaging sasapit;
tag-araw, tag-ulan, tag-init, taglamig,     
ang araw at gabi’y hindi mapapatid. (Gen 8:22 MBB)

Ang paglipas ng bawat araw, ang pagsikat at paglubog ng araw, ang pag-ulan, bawat panahon, ay ebidensya ng common grace and mercy ng Diyos sa lahat ng tao—Kristiyano man o hindi. Ito yung “kindness” ng Diyos na dapat sana ay mag-lead para magsisi ang mga makasalanan. Pero sa tigas ng puso ng tao, ang sasapitin lang nila ay ang pagdating ng araw ng paghatol, pagpaparusa, pagbubuhos ng poot ng Diyos (Rom 2:4-5).

Reflections

Pero para sa ating mga nakay Cristo, wala tayong dapat ikatakot sa araw na yun. Our salvation is already secured by Christ, so we wait with anticipation and eager longing. At hindi masasayang ang paghihintay natin. Pero hindi lang ito tungkol sa paglipas ng mga araw, ng mga panahon. Kundi sa dulo ng kasaysayan, ang pagdating ng ating Tagapagligtas. So, as we wait, we worship, kasi nakakalapit na tayo sa Diyos through Christ.

Lumalapit ka ba sa Diyos sa pagsamba on the basis of your own goodness? Or on the basis of the good work Christ has done for you? Ang basis ba ng katiyakan mo na maliligtas ka sa pagbabalik ni Cristo ay nakadepende sa sarili mong performance, o will power o determination to keep yourself in the faith, or sa Diyos na nag-iingat sa ‘yo, kay Cristo na patuloy na nag-iintercede para sa ‘yo, at sa Espiritu na patuloy na nagpapalakas ng pananampalataya mo?

Conclusion

Ito ang kahalagahan na alam natin ang buong kuwento ng pagliligtas ng Diyos na nasasalamin sa kuwento ni Noah sa Genesis 8. Kung paanong sa verses 1-5 ay nakita nating inalala siya ng Diyos—hindi kinalimutan!—makikita natin na ang Diyos ay tapat sa kanyang covenant o sinumpaang pangako. Kung paanong sa verses 6-14 ay nakita nating naghintay si Noah mula sa pagpasok hanggang sa makalabas ng barko, makikita natin na kailangan ang patience at perseverance sa pagtitiwala natin sa Diyos. Kung paanong sa verses 15-19 ay nakita nating pinalabas na sila ng Diyos, makikita nating ang Diyos ang lulubos ng kaligtasan o salvation para sa atin. Kung paanong sa verses 20-22 ay nakita nating ang tugon ni Noah ay pagsamba sa Diyos, makikita nating ang layunin ng salvation ay worship, iniligtas tayo ng Diyos para sambahin siya.

Ano ang gusto ng Diyos na matutunan natin tungkol sa kanya sa lahat ng ito? Tapat na gumagawa ang Diyos—kasama ang Anak at ang Espiritu—para lubusin ang kaligtasan ng lahat ng itinakda niyang iligtas. Hindi makakalimot ang Diyos sa pangako niya. Hindi aabandonahin ng Diyos ang lahat ng sa kanya. Tatapusin niya ang sinimulan niya.

How do we then respond in light of that truth tungkol sa Diyos? Kaya maging matiyaga tayo sa paghihintay, patuloy na magtiwala sa gawa ng Diyos, at patuloy na lumapit sa kanya sa pagsamba. Maging matiyaga kasi maaaring maghintay pa tayo ng ilang panahon, o mahabang panahon, bago tuluyang mapasaatin ang lahat ng ipinangako ng Diyos na nakay Cristo. Patuloy na magtiwala sa gawa ng Diyos kasi mapanghahawakan natin ang mga pangako niya. Tapat ang Diyos, hindi nagsisinungaling ang Diyos. Patuloy na lumapit sa kanya sa pagsamba kasi ginawa na ni Cristo ang lahat to secure our salvation. Kaya patuloy tayong sumamba, magsama-sama tuwing Linggo, pagsaluhan ang Banal na Hapunan, ipanalangin ang mga kaibigan at kapamilya natin na wala pa kay Cristo, dalhin ang mabuting balita ng kaligtasan sa iba’t ibang sulok ng mundo, at maging tapat sa anumang o sinumang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos, habang hinihintay natin ang pagbabalik ni Cristo na ating Tagapagligtas. Hindi sayang ang anumang paghihintay natin.