Ang mga Wika

Facebook
Email

Mahalaga ang language o wika para sa maayos na communication. Nilikha tayo ng Diyos na communicating o speaking creatures, in his image, so tulad din ng Diyos na nagko-communicate o nagsasalita sa atin. Nagsasalita siya sa lenggwaheng maiintindihan natin. Para marinig natin kung ano ang gusto niyang sabihin, hindi para guluhin o lituhin lang tayo. So, mahalaga ang same language para magkaintindihan. Pero sa ngayon, maraming mga languages, kaya crucial din ang translation. Halimbawa, yung libro na isinulat ko noong 2021, Five Solas, One Gospel, ay nakasulat sa Taglish, para mas maraming Pilipino ang maintindihan ang mensahe nito. Meron ding ministry sa Mindanao na nag-translate nito sa Cebuano o Ceblish, para magamit nila sa Bible school nila. Meron din akong mga kaibigan na nag-suggest na i-translate ito sa English para mabasa rin ng mga hindi Pilipino.

Matrabaho ang publishing at translation work, tulad din ng preaching na kailangang ihanda at i-deliver para maintindihan ninyo. Malaki rin ang need para sa mga Bible translation projects para maintindihan ang Salita ng Diyos sa sariling wika. Sa English, maraming iba’t ibang versions ng Bible na available (English Standard Version, New International Version, New American Standard Bible, Legacy Standard Bible, King James Version). Sa Tagalog din (Magandang Balita Biblia, Ang Biblia, Ang Salita ng Diyos). Ayon sa JoshuaProject. net, merong 7,396 languages sa buong mundo, at 3,756 dito ang meron nang translation ng Bible na originally ay isinulat sa Hebrew, Aramaic, at Greek (756 languages with a full Bible; 1,726 languages with a New Testament; 1,274 languages with Scripture portions). Kaso 3,640 languages pa ang nangangailangan ng translation. 

A lot of work ang kailangan pang gawin. Kasi ang mandate sa atin ay “to make disciples of all nations (Gk. panta ta ethne)” (Mt 28:19). In discipling all nations, crucial ang languages. Si Jhok at Jean nasa Japan. Kailangan nilang matutunan ang Japanese para mai-communicate mabuti ang salita ng Diyos sa mga Japanese, or yung mga Japanese kailangang matuto ng English. Si Ate Judith sa Thailand ganun din. Mahirap kasi kapag hindi nagkakaintindihan.

Maraming kailangang gawin para matapos ang Great Commission. Ang tanong: Matatapos ba yung misyon na ibinigay sa atin ng Panginoong Jesus? Meron tayong mga pagdududa, pwedeng panghinaan tayo ng loob. Kasi nga, paano naman matatapos ‘yan kung ang mga churches nga hindi pa magkasundo, hindi magkaintindihan, nag-aaway-away pa. Sa maraming churches, nagiging baluktot, o malabo, o ina-assume na lang ang gospel. Tapos marami pang mga Christians ang ambisyon sa buhay makamundo, puro pansarili, hindi man lang iniisip ang kahalagahan ng church sa buhay nila, walang gospel ambition for the nations.

Pero anumang pagdududa sa puso natin ay mapapalitan ng pag-asa, lalo na kapag narinig mo ang sinasabi ng Panginoong Jesus sa Matthew 24:14, “And this gospel of the kingdom will be proclaimed throughout the whole world as a testimony to all nations, and then the end will come.” Hindi siya nag-uutos dito na yung gospel ay ipahayag natin sa buong mundo, although implied yun. Ang sabi niya, siguradong mangyayari yun “Will be proclaimed…and then the end will come.” Mangyayari ang plano ng Diyos, at walang anumang plano ng tao ang makahahadlang sa plano ng Diyos.

Natutunan na natin ang puntong iyan sa Genesis 10. Dito ipinakita kung paanong mula sa tatlong anak ni Noah nagmula ang iba’t ibang bansang kumalat sa buong mundo. Mula kay Japheth “nagmula ang mga bansa sa baybay-dagat at mga pulo. Bawat isa’y nagkaroon ng sariling lupain at wika” (Gen 10:5). Ang lahi naman ni Ham ay “nanirahan sa iba’t ibang lupain at naging iba’t ibang bansa na may kani-kanilang wika” (Gen 10:20). Ganun din ang lahi ni Shem “ayon sa kani-kanilang angkan, wika at bansa” (Gen 10:31). Nagtapos ang Genesis 10 dito: “Ito ang mga bansang nagmula sa mga anak ni Noe mula sa kanilang mga angkan. Sa kanila nagmula ang lahat ng bansa na lumaganap sa buong daigdig pagkatapos ng baha.” Natutunan natin dito na God works everything perfectly according to his perfect plan, fulfilling his glorious and global purposes. 

Ito namang kuwento ng Genesis 11:1-9, na titingnan natin ngayon, ay mas familiar sa atin, tungkol sa Tore ng Babel. Pero hindi ito chronologically pagkatapos ng Genesis 10. But, nangyari within the timeline ng Genesis 10, para bigyang linaw kung paano o ano ang ginagawa ng Diyos para matupad ang plano niya particularly kapag ang mga tao ay nagkakasundo at nagkakaisa sa pagsalungat sa plano ng Diyos. Sa Genesis 10, nakita natin na nangyari ang plano ng Diyos para sa buong mundo. Dito naman sa Genesis 11, kung paano o ano ang ginawa ng Diyos para mangyari yun.

Sa pasimula: May isang wika (v. 1)

Sa pag-aaral natin ng Genesis 1-11, ipinapakita sa atin ng Diyos ang simula ng lahat. Dito sa chapter 11, makikita naman natin ang simula kung paano ngayon nagkaroon na ng iba’t ibang wika, lahi, kultura, bansa. Bakit hindi isang wika lang, isang lahi lang, isang kultura lang, isang bansa lang? Bakit marami? Sa simula naman hindi ganito, “Sa simula’y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig” (Gen 11:1 MBB). Buong mundo ang tinutukoy rito, “the whole earth.” Most likely, kung saan noon nakaabot ang mga tao, na malamang ay hindi pa sa lahat ng dako ng mundo kasi nagsimula ulit sa panahon ni Noah. Ang point, isang language pa lang, “one language and the same words.” Kung anong language yun, hindi natin alam. Basta, madali silang nagkakaintindihan, hindi kailangan ng translation. Isang language lang. Is that good? Kung nagkakaisa ang mga tao, nagkakasundo, nagkakaintindihan, okay naman talaga yun. Hindi naman yun masama. 

Mainam ba na nagkakaintindihan kayong mag-asawa? Kapag nagpaalam si mister, “Pwede ba akong lumabas kasama ang mga kaibigan ko?” Sagot ni misis, “Sige.” Oo ba ‘yan, o “Sige subukan mo!” Nagkakaroon ng breakdown sa communication kapag hindi nagkakaintindihan. Mag-aaway ‘yan mamaya. Siyempre, mas maganda kung pareho kayo ng lenggwahe, pareho ng iniisip, ng mindset, ng pinaplano. Mabuti nga na merong isang lenggwahe sa simula, pero hindi pa yun ang pinakaplano ng Diyos na mangyari. Simula pa lang ‘yan. At anumang mabuti, may capacity tayo to turn something good into something bad.

Ang makasariling plano ng tao (vv. 2-4)

Paano nangyayari ‘yan? Kung ang isang mabuting bagay ay ginagawa natin para sa pansarili nating hangarin—for self-centered reasons. Na para bang tayo ang nasa sentro ng mundo. O kung ginagawa natin ito nang hiwalay sa Diyos. Kung sarili natin ang gusto nating itinataas. Tingnan natin sa verses 2-4 kung paanong ganito nga ang plano ng tao.

Pumirmi (v. 2)

“Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan (o, mula sa silangan), nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar at doon na nanirahan” (Gen 11:2). Doon na sila sa Shinar nanirahan, doon na sila pumirmi. Wala namang masama dun. Kaysa naman pagala-gala ka, no permanent address. Siyempre gusto natin nakapirmi, naka-settle down, para may stability, para may long-term security. 

Pero hindi ba’t narinig na natin ang pangalan ng lugar na Shinar sa Genesis 10? Kung saan nakilala natin si Nimrod na isang mighty warrior, “At ang simula ng kanyang kaharian ay ang Babel, ang Erec, ang Acad, ang Calne, sa lupain ng Shinar” (Gen 10:9-10 AB). So, ito yung mga tao na ang naghahari sa kanila ay si Nimrod, na para bang naghahari-harian, sa halip na sa paghahari ng Diyos sila magpasakop. 

At yung reference sa “silangan,” na sa maraming passages sa Bible ay nag-iindicate ng movement palayo sa Diyos. Ang Eden nasa “silangan” (Gen 2:8). Mula rito ay pinalayas ng Diyos sina Adam at Eve, “At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin” (Gen 3:24). At si Cain: “Iniwan ni Cain si Yahweh at tumira siya sa lupain ng Nod, isang lugar sa silangan ng Eden” (Gen 4:16). Pumirmi siya roon dahil natakot siyang maging “palaboy at pagala-gala” (Gen 4:14 AB). Si Lot, na pamangkin ni Abraham, ganun din, pilini niya ang Jordan sa “dakong silangan” at iniwan niya si Abraham (Gen 13:11).

Walang masama kung pumirmi ka ng tirahan dito sa Bulacan, o lumipat kayo sa Canada. Pero kung ang desisyon na ‘yan ay magiging dahilan ng paglayo mo sa Diyos, o kaya ay ginawa mo lang dahil gusto mo lang, o mas magiging kumportable ang buhay mo, pag-isipan mong mabuti: Sino ba talaga ang nasusunod sa buhay mo? Sino ba talaga ang haring nasa trono—ikaw o ang Diyos?

Nagtrabaho (v. 3)

Ganun din sa pagtatrabaho. Ano ang ginawa nila sa Shinar? “Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento” (Gen 11:3 MBB). Literally, nag-usap-usap sila at nagplano, “Come, let us make bricks, and burn them thoroughly.” Mabuti ang trabaho. Gusto nga ng Diyos nagtatrabaho tayo, kesa naman tatamad-tamad. Mainam din na hindi lang solo sa trabaho, may kasama, maraming kasama, may team work. Lalo na kung mga construction projects na tulad nito. Mas malaki ang proyekto, mas maraming kailangang magtrabaho. Kailangang pagbutihan ang trabaho. Mainam din na pagyamanin natin ang anumang bagay sa nilikha ng Diyos. Science, technology, engineering, okay ‘yan. 

Ang hindi okay ay yung mga sira-sirang kalsada sa Baliwag na hindi naman inaasikaso. Ang hindi okay ay yung mga bilyon-bilyong nakukurakot sa mga flood control projects kaya hindi nagagawa at nagkakaroon ng maraming baha sa iba’t ibang lugar. Hindi ‘yan good job, obviouly. Pero itong mga taga-Shinar, magandang trabaho naman ‘yang pinagpaplanuhan nila. But again, anumang mabuting bagay na ginagawa natin ay masasabi nating talagang mabuti hindi lang kapag pinaghuhusayan natin ang ginagawa natin—sa opisina, sa work from home, sa homemaking, o homeschooling, o sa college, o sa business, o sa ministry sa church. Hindi lang ‘yan kung ano ang ginagawa natin at paano natin ginagawa, kundi bakit ba natin ginagawa. Mahalaga ang motibasyon sa trabaho. At kung hindi ‘yan para sa Diyos, mabuti ba yun? “Whether you eat or drink (or work), o whatever you do, do it all for the glory of God” (1 Cor 10:31). ‘Yan ba ang motivation natin? ‘Yan ba ang motivation ng mga taga-Shinar?

Nagpasikat (v. 4)

Obviously not. Kasi, “Ang sabi nila, ‘Halikayo at magtayo tayo ng isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak sa daigdig’” (Gen 11:4). “Come, let us build ourselves a city…” Magandang hangarin naman na magplano na gumawa ng isang city tulad ng Singapore o Dubai. Ang ganda niyan. O kung magpatayo ka ng bahay, okay naman ‘yan. Pero, kung inaakala mo na magagawa mo ‘yan sa pamamagitan lang ng sariling lakas mo, sariling resources mo, sariling talino mo, yun ang problema. “Unless the Lord builds the house, those who build it labor in vain. Unless the Lord watches over the city, the watchman stays awake in vain” (Ps 127:1).

Dun sa city, gagawa rin sila ng “toreng abot sa langit.” Gagawa sila ng toreng napakataas na para bang tinatangka nilang maging mataas din na tulad ng Diyos. Hindi ba’t ganito ang kasalanan nina Adam at Eve, tulad ni Satanas, na nagnasang maging kapantay ng Diyos? O posible rin, sabi ng isang commentary, na itong abot sa langit na tore ay ang pagtatangka ng tao na mapalapit sa Diyos. Maybe, tulad ng mahabang hagdan na abot hanggang langit na nakita ni Jacob sa panaginip niya kung saan manhik-manaog yung mga anghel (Gen 28:1217). Pero mali pa rin, kasi inaakala mo na kaya mong makalapit sa Diyos sa sarili mong pamamaraan at lakas. Arrogance at pride din ‘yan. 

Mas obvious yung motive nila dito, “upang maging tanyag tayo,” “let us make a name for ourselves.” Yun pala ang pinakamotibo. Para sa katanyagan ng sariling pangalan, para makilala sila, para sumikat sila, para palakpakan sila, para parangalan sila. ‘Yan ang gusto ng naghahari-harian na tulad ni Nimrod, to build his own kingdom, for his own agenda. Yung pinakamataas na skyscraper ngayon ay ang Burj Khalifa. Nakita namin ‘yan ni Jodi nang pumunta kami sa Dubai. Ang taas ay 828 meters, merong 163 floors. Bakit sila gagawa ng ganyan kataas? Kung palakihan naman ng mall, dalawa sa Pilipinas nasa top ten sa buong mundo—SM Mall of Asia at SM North Edsa. At ang largest indoor stadium, ang Philippine Arena na merong 55,000 seats, na ipinatayo ng Iglesia ni Cristo. Para ba sa pangalan ni Cristo? Obviously not, dahil hindi nga nila kinikilala ang kadakilaan ni Cristo bilang Diyos. Nung isang araw, kabubukas lang, ang bagong pinakamalaki, ang KingDome sa Davao na may 75,000 seats, na ipinatayo ng grupo ni Apollo Quiboloy, ang self-proclaimed na Son of God na nasa kulungan ngayon dahil sa maraming mga kaso.

Tayo rin naman, nagtatayo tayo ng sarili nating mataas na tore. Mas maraming pera, mas mataas na posisyon sa kumpanya, mas mataas na educational attainment, mas maraming ministry accomplishments, mas malawak na social media influence. Para saan? Para ba sa pangalan ng Diyos o para sa sarili nating pangalan? Para masabi ba kung gaano ka-powerful ang Diyos at work through us or para ma-highlight ang sarili nating accomplishments? Gusto ba talaga nating magpasakop sa paghahari ng Diyos o mas gusto natin tayo ang nasusunod, at ang theme song sa buhay ay, “I did it my way”?

Ano pa ang gustong mangyari ng mga taga-Shinar? “…at huwag nang magkawatak-watak sa daigdig.” Okay namang pumirmi sa isang lugar kung yun ang gusto ng Diyos. Kapag sinabi ng Diyos na stay, you stay. Kapag sinabi ng Diyos na go, you go. Ano ba ang gusto ng Diyos sa mga tao? Hindi yung magkaisa laban sa plano ng Diyos, kundi magkaisa para sumunod sa gusto ng Diyos. Anong gusto niya? “Be fruitful and multiply and fill the earth” (Gen 9:1). Nilalabag nila ang mandato na bigay ng Diyos kay Noah at sa lahat ng mga tao. ‘Yan ang yabang ng tao sa pagmamataas at paglaban sa Diyos. Sabi ni Kenneth Mathews, “Human cooperation, when it is fueled by autonomy and directed toward self-interest, is shown by the story to be shallow, impotent hubris” (Genesis 1-11, p. 450). Kahambugang puro hangin lang. Walang laman.

Ang mabuting plano ng Diyos (vv. 5-8)

‘Yan ang papatunayan ng Diyos sa ikalawang bahagi ng kuwentong ito. Pagdating sa verse 5, hanggang verse 8, nagkaroon na ng shift sa story, mula sa gawa ng tao (ang kanyang makasariling plano) tungo sa gawa ng Diyos (ang kanyang mabuting plano). Ano ang ginawa ng Diyos in response sa ampaw na kahambugan ng tao?

Bumaba (v. 5)

Una, bumaba siya. “Bumabâ si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga tao” (Gen 11:5). Si Yahweh, na siyang nag-iisang Diyos at Hari ng buong mundo, ng buong sangnilikha, na siyang pinakamataas sa lahat at hindi kayang abutin ng tao, ay kailangang bumaba para makita ang toreng itinatayo ng tao. This is a form of mockery. Kumbaga, itong mga tao, ipinagmamalaki na napakataas ng kanilang ginagawa, pero ang Diyos ay kailangan pang bumaba para lang makita yun! Pinagtatawanan lang sila ng Diyos sa kanilang ginagawa.

Bakit nagbabalak maghimagsik ang mga bansa?     
Sa sabwatan nilang ito’y anong kanilang mapapala?
Mga hari ng lupa’y nagkasundo at sama-samang lumalaban,     
hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang…

Si Yahweh na nakaupo sa langit ay natatawa lamang,     
lahat ng plano nila ay wala namang katuturan. (Ps 2:1-24)

Yung “itinayo ng mga tao” literally ay “which the children of man had built” (ESV), hawig sa lenggwahe ng Genesis 6:1-4 tungkol sa mga “sons of God” at “daughters of men.” Dito naman, merong contrast. Hindi ito yung “city” na itinayo ng mga anak ng Diyos, o bilang pagsunod sa Diyos, kundi ng mga anak ng tao, o bilang pagsunod sa kagustuhan lang ng tao. Ito rin yung contrast sa libro ni Augustine na “The City of God.” Yung city of man, mula pa kay Cain, hanggang dito sa city-building sa Shinar, hanggang ngayon, ay yung city na itinatayo nang hiwalay sa Diyos, sa sariling pamamaraan ng tao, at para sa pansariling layunin for self-glorification. In contrast, yung city of God ay yung city na itinayo nang nakakabit sa Diyos, sa pamamaraan ng Diyos, at para sa layunin ng Diyos, for his own glory and fame. Tanungin natin ang sarili natin: do we belong to the city of God or to the city of man?

Tiningnan (v. 6)

Pagkatapos bumaba ng Diyos, tiningnan niya ang gawa ng tao, at heto ang nakita niya. “Sinabi niya, ‘Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan’” (Gen 11:6). Ang sitwasyon ng tao sa simula, “one people…one language.” Ang nakita ng Diyos, this is not good. Kasi nga ayaw maghiwa-hiwalay ng tao. Mainam magkaisa, pero merong mga maling pagkakaisa, tulad nito. Tulad din ng ecumenical movement na for the sake of unity ay nakukompromiso na ang integrity ng gospel na siyang dapat na pangunahing basehan ng pagkakaisa ng mga churches.

Sa ESV, “And nothing that they propose to do will now be impossible for them.” Hindi ito nangangahulugang nate-threaten ang Diyos sa magagawa ng tao na para bang darating ang point na magiging unstoppable na ang mga tao sa mga balak gawin. No, hindi tayo sovereign at omnipotent. Ang Diyos lang ang sovereign at almighty. Nakikita nga dito ang “liit” ng ginagawa ng tao from God’s own perspective. Sinasabi lang dito ng Diyos na malaki ang potential ng tao na mas maging masama pa at maghimagsik laban sa kanya. So, God must act to stop their plans. Kailangang mag-intervene ang Diyos. Hindi lang ito penalty sa kahambugan ng tao, ito rin ay preventive measure (Mathews, 471). Wala naman talagang magiging successful para hadlangan ang plano ng Diyos. Aminado si Job, “Alam kong ang lahat ng bagay ay kaya ninyong gawin, at walang makakapigil sa lahat ng inyong balakin” (Job 42:2). 

Ginulo (v. 7)

Kaya, ang sumunod na ginawa ng Diyos, sinabi niya yung kanyang balak na guguluhin sila, na bubulabugin ang kanilang building project. Sabi niya, “Ang mabuti’y bumabâ tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan” (Gen 11:7). Sa ESV, “Come, let us go down…” Hawig ito sa sinabi ng Diyos sa paglikha sa tao, “Let us make man…” (Gen 1:26), na nag-iindicate ng speech o pakikipag-usap ng Diyos sa sarili niya sa pagpaplano kung ano ang gagawin niya. Although possible na nag-iindicate din ito ng plurality sa Diyos, that is why we confess one God, three persons. Pero walang malinaw na ganyan sa text. Ang malinaw, parallel ito sa balak o plano ng mga tao kanina, “Come, let us build ourselves a city…” (Gen 11:4). Ngayon naman, sasabihin ng Diyos, “Heto ang plano ko. Tingnan natin kung kaninong plano ang masusunod.” Ang plano ng Diyos, guluhin sila para hindi sila magkaintindihan, para mahinto yung project nila. 

So let us not assume na kapag nagplano tayo sa buhay, at magpe-pray tayo, “Lord, bless our plans,” ay mag-eexpect tayo na susuportahan nga ng Diyos ang plano natin. God will never support our plans kung ang mga planong ito ay taliwas naman sa kalooban ng Diyos. Determinado at strong ang commitment ng Diyos na guluhin ang mga plano natin—gaano man kabuti ang mga ito sa tingin natin—para matupad ang plano niya, na siyang pinakamabuti sa lahat.

Ikinalat (v. 8)

Yun na nga ang ginawa ng Diyos, isinakatuparan ang plano niya. “Kaya’t ikinalat sila ng Panginoon mula roon sa ibabaw ng buong lupa, at huminto sila sa pagtatayo ng lunsod” (Gen 11:8 AB). Kaninong plano ang nasunod? Hindi ang plano ng tao, kundi ang plano ng Diyos. “Ang isang tao’y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig” (Prov 19:21 MBB). For some time, pwedeng plano natin ang nasusunod, pero hindi ‘yan magtatagal, hindi ‘yan ultimately magiging successful. Ayaw nilang kumalat sa buong mundo, gumawa sila ng paraan para hindi mangyari yun, pero meron bang mahirap para sa Diyos? Wala. In the end, ang plano pa rin ng Diyos ang natupad. Kaya ganun ang nabasa natin sa Genesis 10, dahil sa ginawa ng Diyos dito sa Genesis 11. “The will of God superseded the designs of the nations. Only through submission to God’s commands can they enjoy true security” (Mathews, 472).

Madi-disappoint tayo kapag may mga plano at pangarap tayo na natigil, hindi natupad, nadiskaril. But that’s okay. Hindi naman tayo ang Diyos. Hindi naman tayo ang may kontrol ng lahat sa buhay natin. Hindi naman natin hawak ang future. Hindi naman tayo ang nakakaalam kung ano ang higit na mabuti. Instead of boasting, pakinggan natin ang salita ng Diyos:

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami at kikita nang malaki.” 14 Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo’y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala. 15 Sa halip ay sabihin ninyo, “Kung loloobin ng Panginoon, mabubuhay pa kami at gagawin namin ito o iyon.” 16 Ngunit kayo’y nagmamalaki at nagyayabang, at iyan ay masama! (Jas 4:13-17)

Sa katapusan: Maraming wika (v. 9)

Tulad ng mga nagtayo ng tore. As we humble ourselves and submit to God’s plan, maiiwasan nating sapitin ang sinapit ng Babel. Dito pa lang sa dulo sinabi kung ano ang ipinangalan sa lugar na yun. “Kaya’t ang ipinangalan dito ay Babel, sapagkat doon ay ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa, at mula roon ay ikinalat sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa” (Gen 11:9 AB). Mula sa isang wika, nagkaroong na ng maraming wika. Mula sa isang pamilya, nagkaroon na ng iba’t ibang lahi at bansa. Yun ang plano ng Diyos. Yun ang natupad. Hindi ang plano ng Babel, na katunog ng Hebrew na balal, na ang ibig sabihin ay “confused” o “ginulo.” 

Babel symbolizes the dream of human civilization. It is an attempt to meet human means by the peaceful means of invention, language, utopian planning, social cooperation, creativity, culture and technology. Yet God declares the dream a nightmare in a story that to this day represents a primal act of divine judgment. (Dictionary of Biblical Imagery, “Babel, Tower of,” p. 66).

Theological Reflection

Sa dulo ng kuwentong ito, matututunan natin ang isang mahalagang theological lesson. Guguluhin, o sisirain ng Diyos ang makasariling plano ng tao para tuparin ang kanyang mabuting plano sa buong mundo—para sa katanyagan ng kanyang pangalan. 

Hindi lang Babel. Kundi later on, ang Babylon (=Babel) na siyang lumusob at umalipin sa Judah noong 586 BC. At para sa mga Israelita na unang nakarinig ng kuwentong ito, ‘yan din ang ginawa ng Diyos sa Egypt na umalipin sa kanila nang higit 400 taon. Pati ang Persian, Greek, at Roman Empires na pumalit sa Babylon sa history. At lahat ng mga tao, lahat ng grupo ng tao, na nagkakaisa sa paghihimagsik sa magandang layunin ng Diyos. 

Baka ikaw ‘yan, na hanggang ngayon ay naghahari-harian sa buhay mo. Listen to this:

Kaya’t magpakatalino kayo, mga hari ng mundo,     
ang babalang ito’y unawain ninyo:
Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang,     
sa paanan ng kanyang anak yumukod kayo’t magparangal,
baka magalit siya’t bigla kayong parusahan.
Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan. (Ps 2:10-12)

Ang “anak” na tinutukoy rito ay walang iba kundi si Cristo. Oh, that you will find refuge in Christ alone!

Gospel Connection

Si Cristo ang Diyos na ating kanlungan. Sa kanya tayo makakapirmi, makakapanirahan, makakapagtatrabaho ayon sa layunin ng Diyos, makapagbibigay-karangalan sa Diyos. Dahil kay Cristo at para kay Cristo, mararanasan natin ang tunay na pagkakaisa—lahat ng lahi, lahat ng wika, lahat ng bansa. Ito ang pangako ng Diyos Ama sa Diyos Anak: “Hingin mo ang mga bansa’t ibibigay ko sa iyo, maging ang buong daigdig ay ipapamana ko” (Ps 2:8). Hindi niya kailangang angkinin yun para sa sarili niya. Hindi niya kailangang pakinggan ang tukso ni Satanas: “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kaharian sa mundo” (Mat 4:8-9). Hindi siya naghangad ng katanyagan para sa sarili niyang pangalan. Ang mga nagtayo ng Babel, gusto nila ng pangalan para sa sarili nila. Ang pangako ng Diyos kay Cristo, tulad din ng sabi niya kay Abraham, “I will make your name great” (Gen 12:2). Dahil nga hindi tayo makaaabot sa Diyos, siya na mismo mula sa langit ang bumaba sa lupa para abutin tayo. Bumaba siya hanggang sa pagiging isang alipin, hanggang sa kamatayan sa krus.

Therefore God has highly exalted him and bestowed on him the name that is above every name, so that at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father. (Phil 2:9-11)

Lahat ng lahi ay dapat na kumilala sa pangalan ni Cristo. Kasi, there is no other way. “And there is salvation in no one else, for there is no other name under heaven given among men by which we must be saved” (Acts 4:12). At itong si Cristo rin ang nagpadala sa kanyang Espiritu, bumaba ang Holy Spirit during the feast of Pentecost sa Jerusalem, “parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila” (Acts 2:3). Tapos napuspos sila ng Holy Spirit, nagsalita sa iba’t ibang wika. Merong taga-Parthia, Media, Elam, Mesopotamia, Judea, Cappadiocia, Pontus, Aais, Phrygia, Pamphylia, Egypt, Libya, Rome, Crete, Arabia. Narinig nila ang mga tagasunod ni Jesus na nagsasalita sa sarili nilang wika ng “tungkol sa mga kahanga-hangang ginawa ng Diyos” (Acts 2:11). Ang layunin ng Diyos sa Babel, nagkaroon ng higit na katuparan sa Jerusalem during Pentecost. 

At kapag ang church ay nananatiling kumportable sa sarili nilang lugar at nakakaligtaan ang utos ng Panginoon, “You will be my witnesses in Jerusalem (hindi lang sa Jerusalem!) and in all Judea and Samaria, and to the end of the earth” (Acts 1:8), siya na mismo ang gagawa ng paraan para ikalat sila. Even if means na gagamitin niya ang mga taong lumalaban sa kanya to fulfill his purposes, tulad ng matinding persecution sa Jerusalem dahil kay Saul (later on, nakilala as the apostle Paul!). As sa result of that, “ang lahat ng sumasampalataya ay nagkawatak-watak (o nagkahiwa-hiwalay, tulad ng nangyari sa Babel) at napunta sa iba’t ibang lugar sa lupain ng Judea at Samaria” (Acts 8:1). Ito ang zeal or passion sa puso ng Diyos, ang maikalat ang mabuting balita ni Cristo sa buong mundo for the fame of his name. 

Ito rin yung dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay nakakalat din sa buong mundo. Yes, naging dahilan yung kahirapan sa Pilipinas, para maghanap ng ikabubuhay sa ibang bansa. Pero ultimately, hindi para balang araw ay dagsain ng mga Pilipino sa America ang US Open ngayon sa New York at palakpakan ang Filipina tennis player na si Alex Eala. Nakakalat ang mga Pilipino sa buong mundo, magtatrabaho ka dito o sa ibang bansa, not for any other name but the name of Jesus.

Life Application

Ang tanong: ito rin ba ang hangarin ng puso mo? Ano ang pangarap at ambisyon mo sa buhay? Yumaman? Sumikat? Ano ba dapat? Dapat tayong mamuhay—at magkaisa bilang isang iglesia—hindi para sa sarili natin kundi para sa katanyagan ng pangalan ng Diyos sa buong mundo. I-evaluate natin palagi kung ang layunin at plano ba natin sa buhay at sa church ay naka-align sa layunin at plano ng Diyos. We are not building our own kingdoms. We are not building our own brands. We are not working for the fame of our own name. Bakit ka nag-aaral ng engineering o PhD? Bakit ka nag-eexpand ng business? Bakit merong Baliwag Bible Christian Church? Bakit tayo nagbibigay ng offerings? Bakit tayo nagpapakapagod in doing the work of the ministry? Why do we share the gospel? Why do we pray for the nations? Bakit tayo nagpapadala ng mga missionaries? Bakit may Treasuring Christ PH at nagpo-produce ng mga resources at nag-oorganize ng mga healthy church seminars? Bakit we’re praying for a big conference this October with Mark Dever and other speakers? Not for our own name, but for the fame of God’s name among the nations. 

We long for that day, na babalik ang Panginoong Jesus. At makikita natin “ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman!…mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika,” nakatayo sa harap ng trono ng Diyos, sa harap ng Panginoong Jesus, the Lamb who was slain and by his blood “ransomed people for God from every tribe and language and people and nation” (Rev 5:9), at kasama tayong malakas na nagpupuri sa Diyos, “Salvation belongs to our God who sits on the throne, and to the Lamb!…Blessing and glory and wisdom and thanksgiving and honor and power and might be to our God forever and ever! Amen” (Rev 7:9-1012).