Derick Parfan
Sa mga isyu sa bansa natin ngayon, napakaraming usap-usapan at mga opinyon at mga sentimiyento kung sino ba dapat ang managot at maparusahan. Kung sino ba dapat ang ma-impeach, kung sino ba dapat ang maaresto, kung sino ba dapat ang makulong sa mga corruptions at scandals sa government. Iba’t ibang istorya ang maririnig natin, iba’t ibang ebidensya ang ihaharap sa atin. Ang iba totoo, ang iba hindi totoo. Mamimili ka ngayon kung ano ang paniniwalaan mo. Nakakalito, ang gulu-gulo.
Marami man tayong hindi alam, marami man tayong confusions, marami mang mga disagreements, one thing is sure. Lahat tayo ay makasalanan, nagkasala, at dapat managot sa kasalanang ginawa natin. All of us. Romans 3:23, “For all have sinned and fall short of the glory of God.” Wala ni isa man ang nakapasa, nakaabot sa pamantayan ng Diyos. Lahat bagsak. Hindi lang tayo dapat ma-impeach at mapatalsik sa pwesto. Hindi lang tayo dapat maaresto at makulong. Dapat sa ating lahat ay mahatulan ng kamatayan. Romans 6:23 “For the wages of sin is death.” Wala tayong excuse. Wala tayong palusot. Wala tayong masisising iba. Hindi tayo makakapagtago o makakatakas sa Diyos.
Ito ang kuwento ng Genesis 3 na sinimulan nating pag-aralan last week. Natukso ng ahas, sumuway si Eba sa malinaw na utos ng Diyos na ‘wag kakainin ang prutas ng tree of the knowledge of good and evil. Alam niyang kamatayan ang kabayaran ng kasalanang iyon, pero ginawa pa rin niya. Binigyan din niya ang asawa niya, at kumain din. Nagkasala si Eba, nagkasala si Adan. Hindi sila makapagtatago sa Diyos, bagamat tinangka nilang gawin. Hindi pwedeng ituro ni Adan si Eba at ipasa ang sisi sa kasalanang ginawa niya, pero yun nga ang ginawa niya. Hindi pwedeng sisihin ni Adan ang Diyos, pero yun nga ang ginawa niya. Hindi pwedeng sisihin ni Eba ang ahas, pero yun ang ginawa niya. Sila ang nagkasala, sila ang mananagot sa kasalanan nila.
At damay tayong lahat diyan. Dahil ang Genesis 3, ang kuwento ng pagbagsak ng tao sa kasalanan, or the fall, ay hindi lang kuwento na hawig sa kuwento natin (although hawig nga) o illustration na pwede nating gamitin to make sense of what is happening sa buhay natin (although nag-eexplain talaga ‘yan). Ito ang kuwento natin, this is our story. Diyan tayo lahat nanggaling. Ang kasalanan ni Adan ay kasalanan nating lahat. Ang consequences ng kasalanan niya ay pagdurusahan nating lahat. Not to shift blame, tulad ng ginawa nila, but to own up to our responsibility.
Yes, pag-uusapan natin kung paano ba tayo dapat mag-respond sa kasalanan. Mahalaga naman talaga na aminin natin, humingi tayo ng tawad sa Diyos, at talikuran ang kasalanan, instead na itago, balewalain, at sisihin ang iba. But that question is secondary. Ang pinakamahalaga ay ito: paano nagre-respond ang Diyos sa kasalanan? Kasi, if we get the answer to this question wrong, magiging mali rin ang pag-respond natin sa kasalanan.
Ang Diyos ba ay Diyos ng katarungan? Na dahil siya’y banal ay hindi niya palalampasin ang kasalanan, ipapataw ang parusang nararapat dito? Of course. Ang Diyos ba ay Diyos ng kahabagan? Na meron siyang awa para patawarin ang mga makasalanan at magkaroon ng buhay sa halip na kamatayan? Yes. Pero merong dilemma. Kung ang Diyos ay Diyos ng katarungan at paparusahan niya ng kamatayan ang tao sa Genesis 3, wala nang matitirang tao. Paano na yung plano niya na punuin ang buong mundo ng mga taong dala-dala ang larawan niya? Kung ang Diyos naman ay Diyos ng awa, at buburahin na ang kasalanan ng tao, paano na ang kabanalan at hustisya niya? Pwede bang parang alikabok ‘yan na wawalisin at ilalagay na lang sa ilalim?
Also, in terms of personal preferences, we cry out for justice kapag ibang tao ang pinag-uusapan: “Ikulong ang mga kurakot! Patalsikin sa pwesto ang mga sinungaling! Parusahan ang mga nagkasala!” Tama naman. Pero kaya rin ba nating sabihin ‘yan sa lahat, lalo na sa sarili natin? Our brand of justice is selective justice at best. ‘Pag sa sarili nating kasalanan ang pag-uusapan, we appeal for mercy, for second chance, for understanding, for patience. Pero, meron bang hangarin sa puso natin na i-extend ang ganitong mercy and forgiveness and patience sa mga taong nakagawa ng malaking kasalanan sa atin? The way we respond sa kasalanan ay nakadepende largely sa pagkilala natin sa Diyos.
Meron din namang nag-aadvocate—tulad ng lumang heresy na tinatawag na Marcionism—na ang Diyos ng Old Testament (si Yahweh!) ay Diyos ng katarungan, malupit kung magparusa, pero ang Diyos ng New Testament (ang Ama ng Panginoong Jesus!) ay Diyos na mapagmahal, mapagpatawad, at maawain. That is a false dichotomy. Hinahati nito o pinaghihiwalay ang katangian ng Diyos na hindi dapat paghiwalayin, creating two gods out of one God.
Pero hindi ganyan ang Diyos na makikita natin simula pa lang ng Old Testament sa Genesis 3. Ipinakilala siya na Yahweh Elohim. Nang nagkasala ang tao, kailangang humarap sila sa Diyos, kailangang sumagot sila sa mga tanong ng Diyos. God demands accountability. Yes, he responds in mercy and patience and grace. Hindi kaagad ibinagsak ng Diyos ang hatol ng kamatayan sa kanila. Parehong Diyos pa rin ang makikita natin sa pagpapatuloy ng kuwento ng Genesis 3. Itong verses 14-24 ay mahahati sa dalawa. Ang una, verses 14-19 ay ang pagsasalita o speech ng Diyos tungkol sa paggawad ng hatol sa kanilang kasalanan. Ang ikalawa, verses 20-24 ay ang ginawa o acts ng Diyos sa pagpapatupad ng kanyang hatol sa mga makasalanan. Sa bawat bahaging ito, pansinin natin na ang katarungan ng Diyos ay hindi nakahiwalay sa kanyang kahabagan. Ang pinagsama ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao!
Unahin muna natin ang paggawad ng Diyos ng kanyang hatol sa verses 14-19—una sa ahas, then sa babae, at panghuli sa lalaki. Magkakaibang hatol dahil magkakaiba ang uri ng kanilang kasalanan, bagamat pare-pareho silang nagkasala.
Ang unang hatol na iginawad ng Diyos ay sa ahas. Yung sinabi ka kanina na katarungan at kahabagan ng Diyos ay applicable lang sa mga taong nagkasala. Hindi kasali si Satanas at ang mga kasamahan niyang mga anghel na nagrebelde rin laban sa Diyos. Sa katigasan ng puso nila sa paghihimagsik laban sa Diyos, walang tigil ang pagkakasala nila, walang repentance, walang forgiveness sa kanila, only judgment. Evident ito dahil hindi tulad ng lalaki at babae, hindi na tinanong ng Diyos ang ahas. Wala siyang permission to speak or appeal his case.
Ang Diyos lang ang magsasalita sa eksenang ito. And his word, his judgment is final, unappealable, dahil tama palagi ang judgment na galing sa Supreme Court of the universe. “At sinabi ng Panginoong Yahweh sa ahas…” (Gen. 3:14 MBB). Ang paggamit ng pangalang “Yahweh” sa bahaging ito ay nagbibigay ng pag-asa sa mga taong makasalanan tulad ng mga Israelitang unang nakarinig ng kuwentong ito, pag-asa na merong Diyos na faithful sa kanyang covenant para tuparin ang kanyang plano ng pagliligtas sa mga makasalanan. Pero walang maaasahang ganito ang ahas, only judgment. At makatarungan ang hatol na ito ng Diyos: “Dahil sa ginawa mo…” Heto ang kabayarang nararapat sa ginawa ng ahas, sa kanyang panunukso sa babae, pagsasalita ng kasinungalingan laban sa Diyos, sa kanyang pagpatay sa sangkatauhan. “…ikaw lang ang susumpain sa lahat ng mga hayop, maamo man o mabangis. Mula ngayon, ikaw ay gagapang, kakain ka ng alikabok habang buhay” (Gen. 3:14 PV).
Sa Genesis 1-2, mga words of blessing galing sa Diyos ang naririnig natin. Pero dito for the first time, yung salitang “curse” o sumpa sa ahas. Wala siyang mararanasang pagpapala galing sa Diyos. Ito ring sumpang ito ang mararanasan ng lahat ng susunod sa daang nilalakaran ng ahas (see Eph. 2:1-3). Wala ring point na pag-usapan kung may paa raw ba ang ahas noon o baka lumilipad at gumagapang na ngayon dahil sa parusa ng Diyos. We don’t know for sure. Ang point nito ay ipakita sa atin na ang kalagayan ng ahas ngayon na gumagapang sa lupa at kumakain ng alikabok ang consequences ng pagrerebelde ni Satanas laban sa Diyos. Ang kasalanan niya ay panunukso sa pagkain, so kakain siya ngayon ng alikabok. Tinangka niyang itaas ang sarili niya kapantay o higit sa Diyos, he will be utterly humiliated. Ang pagkain ng alikabok ay senyales na isasadlak siya ng Diyos sa pinakamababa at pinakamasaklap na kalagayan (see Mic. 7:17). Kasama na rito ang “total defeat” (John Sailhamer, Genesis, Expositor’s Bible Commentary, 1:90) na makikita natin sa susunod na bahagi ng hatol ng Diyos.
“Ikaw at ang babae, aking pag-aawayin, anak mo’t anak (sa Hebrew, seed o binhi) nya, palagi kong paglalabanin. Dudurugin ng kanyang anak ang iyong ulo, at ang sakong ng anak nya ay tutuklawin mo” (Gen. 3:15 PV). Bahagi ng hatol ng Diyos ang perpetual conflict or war not just against God, kundi maging laban sa mga taong appointed by God to be his image-bearers. Hindi lang ito pakikipaglaban ng ahas sa babae, kundi ng anak ng ahas (literally, seed of the serpent) at ng anak ng babae (literally, seed of the woman). Hindi lang ito labanan sa pagitan ni Satanas at ng mga demonyo at ng mga tao tulad ng ginawa niya laban kay Job. Ito rin ay labanan ng mga taong kapanalig ni Satanas laban sa mga taong kabilang sa bayan ng Diyos. Think of Cain vs Abel sa susunod na chapter. Or Pharaoh king of Egypt na may simbolo ng ahas sa kanyang korona laban sa mga Israelitang inalipin nang mahabang panahon. O ng Babylon laban sa Judah.
Ultimately, itong conflict na ito ay nagkaroon ng fulfillment nang harapin ni Satanas ang Panginoong Jesus—isang taong anak ng babae—mula sa pagtukso sa kanya sa wilderness hanggang sa kanyang kamatayan sa krus. Akala ni Satanas nagtagumpay siya laban sa babae. Akala niya nagtagumpay siya laban sa anak ng babae. Oo, nasugatan niya ang sakong ni Cristo nang siya ay ipako sa krus, pero sa pamamagitan nun ay dinurog niya ang ulo ng ahas, tinanggal ang kamandag nito, at nagtagumpay si Cristo sa kasalanan at sa kamatayan. Ang kanyang muling pagkabuhay ang pruweba nito. Sa mga salita ng paghatol ng Diyos laban sa ahas, maririnig ang pag-asa ng plano ng pagliligtas ng Diyos. Kaya tinawag ang verse na ito na protoevangelium o first gospel o unang mabuting balita. Yes, hanggang ngayon, para bang kasamaan ang namamayani. Pero tulad nung nangyari sa garden of Eden, at nung nangyari sa krus ni Cristo, God is sovereignly at work. Bilang na ang mga araw ni Satanas. Ang Diyablong ito, ang ahas, ang mandaraya, at mamamatay-tao, one day ay itatapon ng Diyos sa “lake of fire” kasama ng mga tagasunod niya at sila’y parurusahan, “they will be tormented day and night forever and ever” (Rev. 20:10).
Pagkatapos ng sa ahas, ang sumunod namang hatol na iginawad ng Diyos ay ang sa babae. Dalawang bahagi ito. Ang una ay tungkol sa panganganak, at ang ikalawa ay ang relasyon sa asawa. Two of a woman’s greatest joys will be turned into two of her greatest sorrows as well. Ganito ang sabi ng Diyos sa babae:
Pararamihin ko ang paghihirap mo sa iyong paglilihi; manganganak kang may paghihirap, ngunit ang iyong pagnanais ay para sa iyong asawa, at siya ang mamumuno sa iyo. (Gen. 3:16 AB)
Merong painful consequences ang kasalanan ni Eba, may paghihirap. Kapag naririnig natin ‘yan, hindi natin napapansing sa paghatol na ito ng Diyos ay meron pa ring awa at habag. Sabi ng Diyos, kapag kinain nila yung ipinagbabawal na prutas, “You shall surely die” (Gen. 2:16). Dito, ang sabi niya, “I will surely multiply your pain…” (Gen. 3:16). Hindi pa siya mamamatay. Mahirap ang magiging buhay niya, pero may buhay pa siya! Tapos sabi niya na maghihirap ang babae sa paglilihi, pati yung panganganak, magle-labor siya, masakit ‘yan. Mahirap ang magbuntis na nandun yung pag-aalala kung mabubuhay ba ang bata sa sinapupunan mo, yung pag-aalala sa magiging future din ng anak mo. Mahirap yung panganganak. Mahirap din yung pagiging nanay sa pag-aalaga at pagpapalaki ng anak. Maraming sakit ng puso, pagluha, at pangamba. Consequences din ‘yan ng kasalanan. Pero habag pa rin ng Diyos na sa pamamagitan ng panganganak ay darami ang tao na siyang katuparan ng mandato ng Diyos na, “Be fruitful and multiply and fill the earth” (Gen. 1:28). At sa pamamagitan ng hirap ng pagbubuntis at panganganak at pagiging nanay, isisilang balang araw ang Tagapagligtas ng sangkatauhan—ang Anak ng Diyos, na ipinanganak ng isang babae:
Ngunit nang sumapit ang tamang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak na isinilang ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo’y maituturing na mga anak ng Diyos. (Gal. 4:4-5 MBB)
Ang ikalawang bahagi ng hatol ng Diyos sa babae ay tungkol sa hirap ng kanyang relasyon sa kanyang asawa: “ngunit ang iyong pagnanais ay para sa iyong asawa, at siya ang mamumuno sa iyo” (Gen. 3:16). Sa ESV, “Your desire shall be for your husband, and he shall rule over you.” Pwedeng ibig sabihin nito na kahit na alam ng babae na mahirap mag-anak, gugustuhin pa rin niya ito, at gugustuhin niyang magkaasawa kasi hindi naman siya magkakaanak kung walang lalaki. Dahil sa kasalanan, kakapitan ng babae ang lalaki para makuha ang gusto nito. Pero isang mas malamang na tamang interpretasyon nito ay hawig sa sinabi sa Genesis 4:7 dahil malapit yun sa text na ‘to at pareho nung dalawang salita na ginamit dito. Ito yung sinabi ng Diyos na warning kay Cain tungkol sa sinful desire na nasa puso niya: “ang kasalana’y tulad ng mabangis na hayop na laging nag-aabang upang lapain ka. Nais nitong pagharian ka (ESV, “it’s desire is for you”). Kaya’t kailangang mapaglabanan mo ito” (ESV, “you must rule over it”). So, yung desire ng babae ay yung desire to control, yung desire na siya ang manguna at masunod, na kontra naman sa disenyo ng Diyos sa pag-aasawa. As a result, merong battle of the sexes, sa halip na harmonious relationship. At yung lalaking sinabing, “he shall rule over you,” ito yung rule na hindi loving and respectful and gentle, kundi yung domineering at may pang-aabuso sa awtoridad na bigay ng Diyos. ‘Yan naman ang nakikita at nararanasan nating nangyayari.
Pansinin natin na merong magkaibang hatol sa babae at sa lalaki, na nagpapakita hindi lang ng pagkakaiba ng nature ng kanilang kasalanan, kundi pagkakaiba rin ng roles and responsibilities ng lalaki at babae sa disenyo ng Diyos.
Kaya pagdating sa paggawad ng hatol sa lalaki, mas mahaba. Bilang siyang pinagkatiwalaan ng primary responsibility, mas malaki rin ang pananagutan niya sa Diyos. Hindi siya pwedeng umapela na bawasan ang sentensya niya. He is not a mere accessory to the crime. Sabi ng Diyos sa lalaki, “Dahil nakinig ka sa asawa mo at kinain ang prutas na pinagbawal ko…” (Gen 3:17 PV). Hindi naman palaging masama na makinig sa asawa natin. We also need their voice. Pero kung wala nang boses ang lalaki, hindi na nagsasalita, at passive na, at ang pinapakinggan ay ang boses ng tao na salungat sa boses ng Diyos, yun ang kasalanan ng lalaki. Na ginawa rin later on ni Abraham nang makinig siya sa boses ng asawa niyang si Sarah na hindi pa nagkakaanak at nagsabing anakan ni Abraham ang servant niyang si Hagar. Ang lalaki ang dapat na may authority na mag-lead sa kanyang asawa sa ilalim ng authority ng Diyos. Na siyang hindi ginawa ni Adan.
Dahil dito, merong dalawang bahagi rin ang gawad na hatol sa kanya. Ang una ay may kinalaman sa hirap ng pagtatrabaho, “…susumpain ko ang lupa nang dahil sayo. Habang buhay mahihirapan ka sa pagtatanim, para magkaron ka ng makakain. Tutubo sa lupa, mga tinik at damo, mga ligaw na halaman ang kakainin mo. Pagpapaguran mo ang iyong pagkain…” (Gen. 3:17-19 PV). Ang sinumpa ng Diyos yung ahas kanina, ngayon naman yung lupa. Take note, hindi si Adan ang directly sinumpa ng Diyos. Hindi ba ‘yan ebidensya ng habag ng Diyos na hindi sumpa ang nais ng Diyos sa tao kundi ang patuloy na tanggapin niya ang pagpapala ng Diyos sa kabila ng kanyang malaking pagkakasala. Although siyempre, he will also suffer yung consequences ng pagsumpa ng Diyos sa lupa.
Hindi ang trabaho ang hatol ng Diyos sa kasalanan. Nakita na natin na ang trabaho ay nais na ng Diyos sa simula’t simula pa. Nilagay si Adan sa garden of Eden para maging gardener nito, “para bungkalin at alagaan ito” (Gen. 2:15 PV). Dahil sa sumpa sa lupa, ang trabaho ng tao ay magiging mahirap, nakakapagod, merong mga frustrations at disappointments. Mahihirapan din naman ang babae sa pagtatrabaho bilang ezer kenegdo ng lalaki. Pero ito ay sinabi directly sa lalaki dahil ito ay primary responsibility na bigay sa kanya ng Diyos. Ang ganda ng buhay nila sa garden of Eden, na malaya silang makakakain, ay nagbago dahil sa kasalanan. “Pagpapaguran mo ang iyong pagkain” (Gen. 3:19 PV). Dahil sa kasalanan ng pagkain ng ipinagbabawal ng Diyos, ang consequences nito ay ang hirap din sa pagkain. Kaya maraming hirap sa paghahanap ng trabaho, sa pakikisalamuha sa mga katrabaho, kulang ang sweldo, minamaltrato. Lahat ‘yan ay consequences ng kasalanan ng tao. Pero hindi ba’t habag ng Diyos na may lakas pa siya para magtrabaho, na nakakakain pa siya!
Ang ikalawang bahagi ng hatol ay yun nang kamatayan, “…hanggang bumalik ka sa lupa kung saan ka nanggaling. Sa lupa ka galing, sa lupa ka rin babalik” (Gen. 3:19 PV). “…for you are dust, and to dust you shall return.” Kahit anong trabaho ang gawin natin, kahit anong fitness program ang gawin natin, kahit anong ingat ang gawin natin sa pagkain, kahit gaano karami ang pera natin sa pagpapagamot, kahit gaano ka-advance ang technology, lahat tayo ay mamamatay, malalagutan ng hininga, ibuburol, pagkakapehan, paglalamayan, ililibing, mabubulok ang katawan. Babalik tayo kung saan tayo nagmula (Gen. 2:7). Again, consequences ng kasalanan, hatol ng Diyos. Yes, kasama ang babae na mamamatay. Pero ito ay directly sinabi kay Adan dahil sa kanyang kasalanan nasadlak ang buong sangkatauhan sa sentensya ng kamatayan. “Dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao” (1 Cor. 15:21 MBB). Ang pangalan ng taong ito ay Adam, ang lupa ay adamah. Paalala ng mababang kalagayan ng tao, at ang patutunguhan niyang mababang kalagayan din, ibabaon sa ilalim ng lupa.
“You will surely die,” sabi ng Diyos. Ang kamatayan ay garantisado sa lahat ng tao, only with a few exceptions tulad nina Enoch, Elijah, at mga taong madaratnang buhay sa pagbabalik ni Cristo. Maging si Jesus ay namatay, inilagak ang kanyang katawang walang buhay sa libingan, pero muling nabuhay sa ikatlong araw! Hindi kamatayan ang katapusan natin. Dahil kay Cristo, merong pag-asa ng muling pagkabuhay. “Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao. Sapagkat kung paanong namamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayundin naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo” (1 Cor. 15:21-22 MBB). Dahil kay Cristo, ang ikalawang Adan na umako ng kamatayang nararapat para sa unang Adan. Hindi ba ‘yan ebidensya ng malaking habag ng Diyos sa tao?
Pagkatapos nating makita na ang Diyos na naggawad ng hatol sa tao ay Diyos ng katarungan at Diyos din ng kahabagan, makikita rin natin ‘yan sa pagpapatupad ng kanyang hatol sa kanyang ginawa sa verses 20-24. Ang sistema ng gobyerno rito ay hindi demokrasya na merong tatlong magkakahiwalay na branches ng government: legislative, judiciary, at executive branches. Ito ay isang monarchy, merong isang Haring namamahala. Siya ang legislative, ang nagtakda ng batas. Siya ang judiciary, hukom na humahatol sa mga lumabag sa batas. Siya ang executive, ang nagpapatupad ng kanyang batas at paghatol.
Ang hatol? Kamatayan. Bago i-execute ‘yan nang tuluyan, sa habag ng Diyos ay binigyan pa ang tao ng pag-asa sa buhay. “Eve ang pinangalan ni Adam sa asawa niya, dahil sya ang nanay ng lahat ng tao” (Gen. 3:20 PV). Hindi si Eba ang nag-suggest kung ano ang gusto niyang pangalan. Ang lalaki ang nagpangalan sa kanya, indicative ng authority na meron siya sa babae. Una na siyang tinawag na “babae” na nagsasabi ng kanyang kaugnayan sa lalaki na kanya ring pinagmulan (Gen. 2:23). Dito naman, Eve, na tumutukoy sa kanyang destiny (Expositor’s Bible Commentary, 1:93). Ayon sa textual notes ng ESV, yung Eve “sounds like the Hebrew for life-giver, and resembles the word for living.” Ang babaeng responsable sa pagdadala ng kamatayan sa sangkatauhan, kasama ni Adan, ay isang nanay, isang “life-giver.” Ang babaeng nararapat mamatay ay buhay pa rin. Pinangalanan siya ni Adan dahil merong pag-asa na galing sa Diyos. Hindi lang sila buhay, kundi ang buhay ay magpapatuloy sa mga magiging anak nila at mga apo at mga apo sa tuhod.
Hindi natin alam kung at this point ay repentant na ang tao at meron nang pagtitiwala sa Diyos. Ang emphasis ng kuwentong ito ay ang gawa ng Diyos, hindi ang gawa ng tao. At ano ang sumunod na gawa ng Diyos? “Gumawa si [Yahweh Elohim (Yahweh God)] ng mga damit mula sa balat ng hayop para kay Adam at sa asawa nito, at dinamitan nya sila” (Gen. 3:21 PV). Tapos na ang Diyos sa lahat ng ginawa niya sa paglikha, kaya nga nagpahinga na siya sa ikapitong araw (Gen. 2:1-3). Pero dito gumawa siya ulit dahil nagkasala ang tao. Kailangang may gawin ang Diyos para tayo ay maligtas. Gumawa ang tao ng pantakip na dahon sa kanilang kahubaran (Gen. 3:7), pero hindi yun sasapat. Ang Diyos ang gumawa ng damit para sa kanila. Gawa sa balat ng hayop. Malamang merong pinatay na hayop para sila ay madamitan. Hindi pa sila ang pinatay, merong pinatay para manatili silang buhay dahil sa proteksyong binigay ng Diyos sa kanila, para hindi sila mamatay sa lamig o sa init. Hindi ba’t napakabuti ng Diyos sa mga taong makasalanan na nararapat lang na mamatay? Ultimately, lahat ito ay nakaturo kay Cristo na siyang papatayin in our place, para matakpan ang kahubaran natin, para mabalot tayo ng katuwiran ni Cristo na siyang proteksyon na kailangan natin sa bagsik ng poot ng Diyos sa kasalanan.
Makatarungan ang Diyos kung magparusa. Siya ang Hari. Goldsworthy defined the kingdom of God as “God’s people in God’s place under God’s rule.” E nagrebelde sina Adan at Eba sa pamamahala ng Diyos, kaya palalayasin sila sa lugar kung saan kasa-kasama nila ang Diyos sa garden of Eden. Ganito nagtapos ang Genesis 3, sa verses 22-24:
Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay.” Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan. Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.
Positively, katulad na naman ng tao ang Diyos dahil nga nilikha ang tao sa larawan ng Diyos. Pero yung tinukoy rito ng Diyos sa kanyang divine self-speech (“katulad na natin ngayon ang tao…”) ay negative, dahil tumutukoy ito sa ginawa nilang kasalanan sa paglalagay sa sarili nila sa posisyong sa Diyos lang nararapat, ang magpasya kung ano ang mabuti at masama. Pinagbawalan sila ng Diyos na kumain sa tree of the knowledge of good and evil, pero pinili pa rin nila ang kamatayan kaysa sa buhay—ang kumain sa tree of life. Yun din ang pinili ng mga Israelita, kaya pinalayas sila sa lupaing bigay ng Diyos. Yun din ang pinipili natin hanggang ngayon, in choosing to disobey God we are choosing death. Bilang hatol ng Diyos, pinalayas sila, para hindi na magkaroon ng access sa tree of life. Gusto ng Diyos na mabuhay tayo forever, pero wala tayong karapatan to live forever, at wala rin tayong magagawang paraan to live forever sa sarili nating effort.
May cherubim na nakabantay, mga heavenly creatures ‘yan na may pakpak. Tapos may espadang may nagliliyab na apoy. No entry. Tulad din ng ark of the covenant na ginawa noong panahon ni Moises, simbolo ng trono ng Diyos, nasa loob yung tablets ng ten commandments, sa ibabaw merong figures ng cherubim, nasa holy of holies yun (Ex. 25:10-22). Ibig sabihin, walang sinuman ang makakapasok doon nang hindi namamatay. Pero ang good news, nagpagawa ang Diyos ng tabernacle, para ‘yang mini-garden of Eden. Ibig sabihin, gusto ng Diyos makasama muli ang tao, na ang tao ay mabuhay forever kasama siya. Isang araw, sa dulo ng istorya ng Bibliya, sa Revelation 22, last chapter ng Bible, lalabas ulit ang tree of life, meron nang karapatan sina Adan at Eba na kumain ng prutas sa punong iyon and enjoy yung buhay na bigay ng Diyos forever (Mathews, 212). Kasama tayong mga nakay Cristo. Dahil kay Cristo na anak ng babae na siyang ibinitin ang katawan sa punongkahoy ng krus, inako ang sumpang nararapat sa atin para pagpapala ang tanggapin natin. Ang nagbigay ng buhay at siyang natatanging may karapatang mabuhay magpakailanman ay namatay so that we will live forever with God. “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon” (Rom. 6:23).
Kita n’yo? Sa Genesis 3 pa lang, kakarating pa lang ng bad news sa kuwento ng Bibliya, meron na agad good news. Maririnig na natin ang gospel—at least in seed form—sa Old Testament pa lang. We don’t have to wait sa New Testament para marinig ‘yan. Although siyempre we need the New Testament para makita natin nang mas malinaw ang gospel na ‘yan. Pero dito pa lang sa Genesis 3, meron nang itinatama ang Diyos sa mga maling pananaw at pag-iisip natin. Let us put together kung ano yung itinuturo sa atin ng Diyos mula pa kanina, and I encourage you to also spend some time reflectng kung ano ang itinuturo ng Diyos sa ‘yo personally.
Una, yung tamang pagtingin sa Diyos mismo. Hindi mo kailangang mamili kung sinong Diyos ang paniniwalaan at sasambahin mo—kung yun bang Diyos na banal, matuwid, at makatarungan o yung Diyos na mapagmahal, maawain, at mahabagin. Ang Diyos ay makatarungan at ang Diyos ay mahabagin. Hindi ‘yan either/or, kundi both/and. Hindi ‘yan minsan makatarungan, minsan naman mahabagin. No! Makatarungan at mahabagin all at the same time! Totoong nakakatakot ang bagsik ng parusa ng Diyos sa mga makasalanan, pero inaanyayahan din tayo ng Diyos na lumapit sa kanya dahil siya ay mahabagin sa mga makasalanang lumalapit sa kanya.
Ikalawa ay yung tamang pagtingin sa buhay. Ang buhay natin sa labas ng garden of Eden ay mahirap na buhay. Sa tuwing nararanasan natin ang hirap—financial difficulties, relational brokenness, mga hurts at disappointments sa buhay, pagkawala ng mahal sa buhay, chronic illnesses—paalala ito na nararanasan natin ang consequences ng pagbagsak ng tao sa kasalanan. At ito ay righteous judgment of God. Kapag lumalabas sa bibig mo, “I don’t deserve this!”, alalahanin mong totoo ngayong you don’t deserve this, but you deserve worse, you deserve death, you deserve hell. The fact na humihinga ka pa, may lakas pa para magtrabaho, nakakakain tatlo o limang beses sa isang araw, may mga taong nakakasama mo at nagmamahal sa ‘yo, hindi ‘yan para masabi mong, “I deserve this!” No, lahat ng mabubuting bagay na nae-enjoy mo ngayon ay dahil lang sa biyaya, habag, at awa ng Diyos. You deserve none of these things. Zero.
Kaya naman nagkakaroon din tayo ng tamang pagtingin kay Cristo. Ang makatarungang hatol ng Diyos sa kasalanan ng tao ay inako ni Cristo, ang anak ng babae na dumurog sa ulo ng ahas, sa kanyang kamatayan sa krus. Ang kanyang muling pagkabuhay ang pag-asa na tayo’y maibabalik sa presensya ng Diyos at sa buhay na walang hanggan kasama siya. Ang katarungan at kahabagan ng Diyos sa ating mga makasalanan ay parehong natagpuan sa krus ni Cristo. Si Cristo ang dahilan at ang paraan kung bakit hindi na natin dapat katakutan ang hatol ng Diyos. “Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus” (Rom. 8:1 MBB). Ano na ngayon ang nasa atin? “Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal na nagmumula sa langit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo” (Eph. 1:3). Mula sa parusang nararapat sa atin tungo sa pagpapalang di-nararapat sa atin. Habag at awa ng Diyos ‘yan. Sa pagtingin natin kay Cristo, ‘yan ang makikita natin. Habang mas lalo nating nakikita kung gaano karami, kung gaano kagrabe ang kasalanan natin, mas lalo tayong dapat tumingin kay Cristo.
Kaya tayo nagtitipon linggo-linggo, para sama-samang tumingin kay Cristo. Kaya tayo nakikinig ng salita ng Diyos, para sama-samang tumingin kay Cristo. Kaya tayo umaawit, para sama-samang tumingin kay Cristo. Kaya tayo nagsasalu-salo sa Hapag ng Panginoon, para sama-samang tingnan at tikman si Cristo. Ito ang pagkaing dapat nating kainin at pagpiyestahan, now and forevermore.