Derick Parfan
Ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa haba ng buhay. Sino sa inyo ang gusto ng mahabang buhay? Tulad ng lola ni Kathleen na namatay nitong nakaraang araw, 99 years old? Sino sa inyo ang gusto ng maikling buhay? Tulad ng mga mga estudyante sa Tacloban na namatay dahil sa pamamaril ng dalawang kabataan? Siyempre ayaw rin naman natin ‘yan. Kapag haba ng buhay ang pag-uusapan, siyempre pag-uusapan din natin ang kamatayan. Pero maraming tao, napag-uusapan lang ‘yan kapag may nabalitaang ibang tao na namatay. Pero kung ang sarili nating kamatayan ang pag-uusapan, ano ang mararamdaman mo? Ang iba parang deadma lang, na para bang matagal pa ‘yan. Nagpaplano tayo ng mga gagawin next month or next year na para bang sure na sure tayo na buhay pa tayo sa oras na yun. But we don’t know. Hindi natin hawak ang buhay natin. “Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo’y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala” (Jas 4:14 MBB).
Ang iba naman, natatakot na dumating ‘yan, sa sarili man nila o sa mahal nila sa buhay. Natural naman, kasi hindi naman talaga isang mabuting bagay ang kamatayan. Natatakot na mawalan ng mahal sa buhay. Natatakot dahil hindi alam kung ano ang haharapin pagkatapos ng kamatayan. Natatakot dahil inaalala ang mga maiiwanang mahal sa buhay. Pero anuman ang nararamdaman ninyo tungkol sa kamatayan, kailangan pa rin nating pag-usapan. Hindi natin pwedeng iwasan. Hindi natin dapat iwasan.
Kasi sa Bible din naman, sa simula pa lang sa Genesis, tinatalakay na ‘yan. Sinabi na ng Diyos kay Adan na kapag kumain sila ng bunga mula sa tree of the knowledge of good and evil, “you shall surely die” (Gen 2:17), bagay na kinontra naman ng ahas nang tuksuhin niya si Eve, “You will not surely die” (Gen 3:4). Pero pinaniwalaan pa rin ng tao ang ahas kaysa sa Diyos. Hindi man sila agad namatay, eventually darating ‘yan sa kanila. Heto ang hatol ng Diyos: “…maghihirap ka hanggang sa malibing. Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin” (Gen 3:19).
Kaya lang, ang unang recorded na kamatayan sa kasaysayan ay hindi yung kay Adam or kay Eve. Ito ay ang kamatayan ni Abel na anak nila dahil siya’y pinatay ng kanyang kuya na si Cain. Ang pagpatay ay isang horrible crime. Hindi ito dapat sine-celebrate o ipinagmamalaki. Yun nga lang, itong si Lamech, na ikapitong henerasyon mula kay Adam through the line of Cain, ipinagyayabang pa: “may pinatay akong isang kabataan, sapagkat ako’y kanyang sinugatan” (Gen 4:24).
Habang palala nang palala from one generation to another itong lahi ni Cain, mukhang may naaaninag namang pag-asa sa ipinalit ng Diyos kay Abel. Dito nagtapos yung text natin last time:
Muling sinipingan ni Adan ang kanyang asawa, at ito’y nanganak ng isa pang lalaki. Sinabi ng ina, “Binigyan ako ng Diyos ng kapalit ni Abel na pinatay ni Cain;” at ito’y tinawag niyang Set. Si Set ang ama ni Enos. Noon nagsimulang tumawag sa pangalan ni Yahweh ang mga tao sa kanilang pagsamba. (Gen 4:25-26)
Kung paanong nakilala ang lahi ni Cain sa kanilang human accomplishments—sa paggawa ng city, sa development sa science, technology, arts, music, at maging sa paggawa ng kasalanan tulad ng sexual sins at violence at cruel sense of justice, ibang-iba naman itong lahi ni Seth. Mas nakilala sila hindi sa kanilang human accomplishments, kundi sa kanilang relasyon sa Panginoon—sa pagsamba, sa panalangin, sa paglilingkod, sa pagtitiwala, sa pagsunod sa kanya. Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasang pag-usapan at harapin ang katotohanang ang destinasyon ng lahat ng tao—lahi man ni Cain o lahi man ni Seth—ay kamatayan. Pagdating sa chapter 5, ipinagpatuloy yung nasimulan sa dulo ng chapter 4 tungkol sa pagsubaybay sa lahi ni Seth from one generation to another.
Mahahati ito sa sampung bahagi mula kay Adam hanggang kay Noah. Record ng sampung tatay at kung sino ang naging anak nila. Simula kay Adam (Gen 5:1-5), papunta kay Seth (Gen 5:6-8), then kay Enosh (Gen 5:9-11), Kenan (Gen 5:12-14), Mahalalel (Gen 5:15-17), Jared (Gen 5:18-20), Enoch (Gen 5:21-24), Methuselah (Gen 5:25-27), Lamech (Gen 5:28-31), and then lastly, Noah (Gen 5:32). Itutuloy naman ang kuwentong ito sa chapters 6-9 na ang featured character ay si Noah. Aside from Noah, dito sa chapter 5 ay meron ding mahahalagang bagay na mapapansin kay Adam, Enoch, at Lamech, dahil merong pagkakaiba yung mga sections nila kung ikukumpara sa iba. Titingnan natin ‘yan mamaya sa theological highlights.
Pero bago yun, tingnan muna natin kung anu-ano yung elements na common sa sampung ito. Tingnan nating halimbawa yung kay Seth sa verses 6-8, at mapapansin n’yong sa lahat ng binanggit pang iba ay heto yung mga common elements, na mahahati sa tatlong numbers:
Pare-pareho ‘yan. Yung kay Noah nga lang, sinabi lang kung ilang taon siya nung nagkaroon siya ng tatlong anak, 500 years old (Gen 5:32). Tapos yung continuation niyan nasa dulo pa ng chapter 9: “…nabuhay pa si Noah nang 350 years. Namatay siya sa edad na 950” (Gen 9:28-29).
If we will pay attention dun sa common na paulit-ulit na elements sa chapter na ‘to—common sa sampung pangalang binanggit, merong hina-highlight dito na theology. Yun ang unang titingnan natin.
At ang unang highlight ay ito: sa haba-haba ng buhay ng tao, may katapusan din—ang kamatayan. Yes, kumpara ngayon, mas mahaba ang buhay ng tao noon. Kung pagsasama-samahin ang timeline dito, mula kay Adam hanggang sa dumating ang baha, aabot ito ng 1,656 years. Yun ay kung walang “gap” sa genealogy na binanggit dito. Tapos ten generations lang lahat ‘yan. Pinakamatanda si Methuselah, 969 years. Pinakabata si Enoch, 365 days. Ngayon, simula ng pagkatapos ng baha, umikli na ang buhay ng tao, hanggang 120 years na lang (Gen 6:3). Bihira na nga ang aabot diyan.
Ang mga taon ng aming buhay ay pitumpung taon,
o kung malakas kami ay walumpung taon,
ngunit ang mga ito ay hirap at kaguluhan lamang,
ang mga ito’y madaling lumipas, at kami ay nawawala.
(Ps 90:10 AB)
May mga lumalagpas pa rin naman dito. Ayon sa Guiness World Records, si Jeanne Louise Calment of France ang pinakamahaba ang buhay , 22 years and 164 days (1875-1997). Ang pinakamatanda namang buhay pa ay si Ethel Caterham of the United Kingdom, na malapit nang mag-117 years old (born 1909). Ang haba ng buhay ng tao ay ebidensya ng habag ng Diyos, sa pagkakaloob sa atin ng buhay at ng mga kailangan natin para mabuhay nang matagal. Ebidensya rin ito ng mahabang pasensya ng Diyos, lalo na sa panahon ng Genesis 5. Hindi pa tuluyang ibinagsak ng Diyos ang full effect of the fall, kaya mahaba pa rin ang buhay ng tao. Ang tagal niyang pinagtitiisan ang tao na nagkakasala sa kanya araw-araw. Amazing patience!
Mabuhay ka man ng ganyan kahaba, o higit na mas maikli, the fact remains, na mamamatay ang tao. May hangganan ang buhay natin. Kaya nga bawat yugto dito sa Genesis 5, ang dulo, paulit-ulit. “…at siya’y namatay…at siya’y namatay…at siya’y namatay…” (AB). Sa hinaba-haba ng buhay nila, marami silang accomplishments totoo ‘yan. Pero ang pinakamahalagang kontribusyon nila sa kasaysayan ay ang pagkakaroon ng mga anak. Pagkatapos, ang dulo, “at siya’y namatay.” Masaklap. Marami mang makaalala sa ‘yo at umiyak kapag namatay ka, ilang araw lang ‘yan, ilang taon lang ‘yan, makakalimutan ka na. Maikli ang buhay ng tao, tandaan natin ‘yan. Kaya mainam na maging prayer natin, “Kaya’t turuan mo kami na bilangin ang aming mga araw, upang kami ay magkaroon ng pusong may karunungan” (Ps 90:12 AB).
At yung susunod na apat na highlights naman ay manggagaling sa mga elements ng chapter na ‘to na may pagkakaiba naman sa ibang bahagi.
Unahin natin yung sa unang tao, kay Adam, sa verses 1-5. Ito ang pinakamahabang bahagi. At unique yung first two verses. Bago sabihing siya’y namatay sa verse 5, binalikan muna ang tungkol sa paglikha sa tao na nakita natin sa Genesis 1. Nagpapaalala na walang kamatayan sa simula.
Ito ang aklat ng mga salinlahi ni Adan. Nang lalangin ng Diyos ang tao, siya ay nilalang sa wangis ng Diyos. Lalaki at babae silang nilalang, at sila’y binasbasan at tinawag na Adan ang kanilang pangalan, nang araw na sila’y lalangin. (Gen 5:1-2 AB)
“Ito ang aklat ng mga salinlahi ni Adan…” (Gen 5:1). Sa ESV, yung “salinlahi” ay “generations,” sa Hebrew ay toledot. Talaan ng mga ipinapanganak, talaan ng pagsasalin-salin ng buhay. Common structural marker ito sa Genesis. Sampung tulad nito ang makikita natin all throughout the book. Ito na yung pangalawa. Yung una ay sa Genesis 2:4, “Ito ang kasaysayan (generations, toledot) tungkol sa langit at lupa…” Ang susunod naman ay yung kay Noah na (Gen 6:9).
Itong Genesis 5:1-2 ay summary ng Genesis 1:26-28. Nagpapaalala na ang Diyos ang lumikha sa tao, ang Diyos ang nagbigay ng buhay sa tao, na ang intensyon ng Diyos ay basbasan ang tao. Ibig sabihin, pagpalain, pahabain ang buhay, ibigay ang kailangan sa buhay. Hindi para mamatay o patayin. “Adam” ang ibinigay na pangalan sa tao, hindi lang sa lalaki, kundi sa tao, ibig sabihin, “Sangkatauhan” tulad ng salin ng MBB. Na nagpapaalala na tayong lahat ay galing kay Adam. Ang Israel galing kay Adam, na nilikha sa larawan ng Diyos. Ibig sabihin, dahil ang Diyos ay may buhay, sa kanya galing ang buhay na meron tayo. Ang Diyos lang ang may walang hanggang buhay, pero nais niya na ma-reflect sa atin ang buhay na ito sa pamamagitan ng pagkakaroon din ng mahabang buhay.
Mahalaga ito sa mga Israelita na alalahanin nilang ito ang puso ng Diyos para sa kanila. Kalalabas pa lang ni sa Egipto, reklamo na agad nila kay Moises, “Wala na bang mapaglilibingan sa amin sa Egipto kaya mo kami dinala sa ilang para dito mamatay? …mas gusto pa naming maging alipin kaysa mamatay dito sa ilang” (Ex 14:11-12 MBB). Tapos after one year, malapit na sila sa promised land, nagreklamo na naman, “Mabuti pang namatay na tayo sa Egipto o kaya’y sa ilang kaysa tayo’’y patayin ng ating mga kaaway sa lupaing pinagdalhan sa atin ni Yahweh…” (Num 14:2-3). Iniligtas sila ng Diyos para mabuhay sila, hindi para patayin.
Ito ang nananatiling puso ng Diyos sa mga tao, kahit sa mga taong makasalanan: “Sapagkat wala akong kaluguran sa kamatayan ng sinuman, sabi ng Panginoong Diyos. Kaya’t magsipagbalik-loob kayo, at mabuhay” (Ezek. 18:32 AB). Binigyan ka ng Diyos ngayon ng mas mahabang buhay kaysa sa iba, humihinga ka pa ngayon, ibig sabihin gusto ng Diyos na mabuhay ka pa. “Nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan” (2 Pet 3:9 MBB).
At ‘yan naman ang dahilan bakit may kamatayan, dahil may kasalanan. Ito ang ikatlong highlight: Pumasok ang kamatayan dahil sa kasalanan. Dito pa rin tayo kay Adam. Pansinin n’yo na yung nagkaroon siya ng anak, si Seth, hindi lang sinabi kung ilang taon siya nun, may additional comment pa: “Nabuhay si Adan ng isandaan at tatlumpung taon, at nagkaanak ng isang lalaki na kanyang wangis, ayon sa kanyang larawan, at tinawag ang kanyang pangalan na Set” (Gen 5:3 AB). Si Adan ay namatay sa edad na 930 years (Gen 5:5) dahil sa kanyang kasalanan. Sinabi ng Diyos na siya’y tiyak na mamamatay kapag sumuway siya sa utos ng Diyos (Gen 2:17), ganun nga ang nangyari. Si Seth ay namatay sa edad na 912 years (Gen 5:8) dahil siya rin ay makasalanan na tulad ng kanyang tatay. Mula pa nang ipanganak siya, like father, like son. Adam “fathered a son in his own likeness, after his image” (Gen 5:3). Nilikha si Adam in the image and likeness of God. So, ang good news, nakay Seth din ang image of God tulad ni Adam. Ang kaibahan, itong larawan na ‘to ay nasira at nadungisan at corrupted na dahil sa kasalanan. Not totally lost, kasi meron pa rin tayong capacity to reflect God’s image sa buhay natin, pero broken by sin. Parang salamin, basag, hindi na makita nang malinaw ang larawan ng Diyos. Yun ay dahil sa kasalanan.
At dahil sa kasalanang minana natin sa ating mga magulang, kaya tayo daranas din ng kamatayan. Sabi ni apostol Pablo, “Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala” (Rom 5:12 MBB). Pati nga mga bata, pati mga sanggol, ay apektado nito. “Ako’y masama na buhat nang isilang, makasalanan na nang ako’y iluwal” (Ps 51:5). Totoo ‘yan kay David na dapat lang mamatay dahil sa kanyang kasalanan. Totoo rin ‘yan sa anak niya kaya nga namatay nang maaga, pitong araw pa lang (2 Sam 12:18). Totoo rin ‘yan sa unang henerasyon ng mga Israelita na mga nangamatay sa paglalakbay sa disyerto. Yun ay dahil sa sarili nilang kasalanan.
Bakit may mga namatay na estudyante sa Tacloban? Kasi merong pumatay sa kanila na mga kabataan din? Bakit naman sila pumatay? Yung iba sisisihin yung video games, o kaya yung kapabayaan ng mga magulang, o kaya yung batas tungkol sa pagpaparusa sa mga kabataang nakagawa ng krimen, o kaya yung gobyerno. Posible namang may factors lahat ‘yan. Pero primarily, ang isang tao, matanda o bata, ay may kapasidad na gumawa ng ganitong karumal-dumal na bagay dahil sa kasalanang nasa puso niya mula pa nang siya ay isilang. Hindi man maparusahan ng tamang hustisya ang mga makasalanan, pero sa hustisya ng Diyos ay walang makakatakas. “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Rom 6:23). Ang tao ay namamatay dahil sa kasalanan, hindi primarily dahil sa kasalanan ng iba although nangyayari ‘yan, kundi dahil sa taglay nating kasalanan. Walang sinumang namamatay na maituturing talaga na inosente.
Walang sinuman sa atin ang makakatakas sa kamatayan. Kahit anong gawin mong paraan, kahit regular kang mag-exercise, kahit puro healthy ang kinakain mo, kahit marami ka pang pera na pampagamot sa ospital. ‘Yan ang ipinapaalala sa atin ng paulit-ulit na refrain sa Genesis 5 na “he died…he died…he died…”
Except? Enoch! Sa lahat ng binanggit dito siya lang ang hindi namatay. “Nung 65 na si Enoch, naging anak nya si Methuselah. Tapos nabuhay si Enoch nang 300 years kasama ang Diyos (ESV, walked with God). Umabot siya sa edad na 365. Namuhay syang kasama ang Diyos (ESV, walked with God), tapos bigla syang nawala kasi kinuha sya ng Diyos” (Gen 5:21-24 PV). Si Enoch ang pinakabata sa lahat, 365 years old lang! Pero hindi siya namatay, “bigla syang nawala kasi kinuha sya ng Diyos” (Gen 5:24). Dito siguro galing yung sinasabi natin, “‘Wag kang masyadong mabait, baka kuhanin ka na ni Lord.” Ang kaibahan lang, mamamatay pa rin tayo. Si Enoch hindi namatay. Bukod sa kanya, ganyan din si Elijah, na bigla ring “iniakyat sa langit” (2 Kings 2:11 MBB).
Hindi ito normal na human experience. Ibig sabihin, ito ay supernatural work ng Diyos. Malinaw ang theology nito tungkol sa salvation: Ang Diyos, tanging ang Diyos lang, ang makapagliligtas sa atin mula sa kamatayan. Ito ang pag-asa natin sa kabila ng paulit-ulit na refrain, “and he died…and he died…and he died.” Ang kamatayan ay hindi katapusan, hindi ito ang final word para sa mga anak ng Diyos. Merong buhay pagkatapos ng kamatayan. Sa case ni Enoch, life after life. May katapusan ang buhay, pero merong walang hanggang buhay na naghihintay pagkatapos nito. Ito yung buhay na makakasama natin ang Diyos forever. At ito ay para lang sa mga taong namumuhay na kasama ang Diyos sa buhay sa mundong ito.
Ito yung dalawang beses na binanggit sa record tungkol kay Enoch: he “walked with God,” sa verse 22 at verse 24. Ito ang malaking kaibahan niya kay Lamech. Hindi yung Lamech na tatay ni Noah (Gen 5:28-29), kundi yung Lamech na ikapito mula kay Adam through Cain na nakita natin sa Genesis 4:19-24 na babaero at basagulero at bayolente. Itong si Enoch, ikapito rin mula kay Adam through Seth, nakilala for this reason: “he walked with God” (Iain Duguid, ESV Expository Commentary, 1:80). Like Adam and Eve sa garden of Eden bago sila mahulog sa kasalanan. Dalawang beses binanggit dito to emphasize na ito yung dahilan kung bakit iniligtas siya ng Diyos mula sa kamatayan. Hindi dahil siya ay walang kasalanan. Hindi dahil sa sarili niyang mabuting gawa, kundi dahil ito ay nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos. Not by his own works, but by faith: “By faith Enoch was taken up so that he should not see death, and he was not found, because God had taken him. Now before he was taken he was commended as having pleased God” (Heb 11:5).
Relatively speaking, si Enoch ang may pinakamaikling buhay dito sa Genesis 5. Nagtuturo ito sa atin na ang pinakamalaking blessing sa buhay na ito ay hindi yung mahabang buhay, hindi yung maraming kayamanan, hindi yung maraming accomplishments, hindi yung maraming nakakakilala, kundi ang buhay na characterized by walking with God (Duguid, 1:82). Dahil if you are not walking with God now, kapag namatay ka, ‘wag kang aasa na you will spend eternity with God then.
Totoo na exceptional ang case ni Enoch. But it doesn’t mean na iilang tao lang ang ililigtas ng Diyos mula sa kamatayan. Si Enoch, wala naman siyang nailigtas na tulad niya na hindi naranasan ang kasaklapan ng kamatayan. Ang asawa niya, ang mga anak niya, namatay rin. Pero sa plano ng Diyos, merong Savior, at tungkol dito yung huling highlight ng Genesis 5: Ang Diyos ang magpapadala ng kanyang tagapagligtas. Dito, yung tagapagligtas na yun ay nasasalamin kay Noah, na anak ni Lamech:
When Lamech had lived 182 years, he fathered a son and called his name Noah, saying, “Out of the ground that the Lord has cursed, this one shall bring us relief from our work and from the painful toil of our hands.” (Gen 5:28-29)
Ang pagpapangalan kay Noah ay prophetic, o nag-aanticipate ng mangyayari sa susunod. Ang ibig sabihin ng “Noah” ay “rest” o “pahinga.” Sa haba ng buhay ng tao, ganun din kahaba ang hirap sa pagtatrabaho, hirap sa pagpapalaki ng mga anak, hirap sa pagkakasakit, hirap sa pagharap sa kamatayan. Pero merong mga umaasa sa Diyos, itong lahi ni Seth na tumatawag sa pangalan ni Yahweh (Gen 4:26). Tulad ng tatay ni Noah, na umaasa na ang Diyos ang magpapadala ng “binhi ng babae” na tatapos sa sumpa na dulot ng kasalanan. Si Noah ba yun? Sinabi sa Genesis 6 na tulad din ni Enoch ay namuhay siya na kasama ang Diyos, at kinalugdan siya ng Diyos (Gen 6:8-9). Sa kuwento ng Genesis 6-9, totoo na gagamitin siya ng Diyos para iligtas ang mga tao mula sa malaking baha. Pero walong tao lang ang nakasama niyang maligtas—at maraming hayop!
Hindi man si Noah ang binhi ng babaeng ipinangako ng Diyos na darating, sa kanya pa rin manggagaling ang Tagapagligtas na ito na siyang magliligtas sa atin mula sa kamatayan, mula sa lahat ng hirap at sakit ng buhay na ito na dulot ng kasalanan, at magkakaloob sa atin ng walang hanggang buhay para makasama ang Diyos forever. Siya si Jesus, at sa kanyang talaan ng mga ninuno ay binanggit ang sampung tatay na nakita natin sa Genesis 5: “the son of Noah, the son of Lamech, the son of Methuselah, the son of Enoch, the son of Jared, the son of Mahalaleel, the son of Cainan, the son of Enos, the son of Seth, the son of Adam” (Luke 3:36-38). Ang malaking pagkakaiba, siya lang ang tinawag na “the son of God” (Luke 3:38). Si Adam ay anak din ng Diyos by creation. Si Cristo ay anak ng Diyos by eternal generation. Hindi siya nilikha. Siya ang “image of the invisible God” (Col 1:15).
Perfect image, hindi broken image. Walang bahid na kasalanan. Better than Enoch, he walked with God perfectly, intimately, all the time, merong unbroken fellowship with the Father. Dahil diyan, siya lang talaga ang makapagbibigay ng tunay na kapahingahan, ng buhay na walang hanggan pagkatapos ng kamatayan. Dahil sa krus, dumaan siya mismo sa kamatayan para akuin ang sumpa na dulot ng ating kasalanan. Siya lang ang namatay at pinatay na wala talagang kasalanan. Sa ikatlong araw siya’y muling nabuhay at nagtagumpay laban sa kasalanan, sa kamatayan, at sa kasamaan. Ang Tagapagligtas na ipinangako ng Diyos ay dumating na. “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon” (Rom 6:23 MBB). Maikli lang ang buhay niya pagkatapos na siya’y ipanganak bilang tao, tatlumpung taon lang, pero ang kaloob niya sa mga makasalanan ay buhay na walang hanggan.
Kung pagsasama-samahin ang limang theological highlights na ‘to, pwede nating i-summarize this way: Ang lahat ng nakay Adan ay mamamatay, gaano man kahaba ang ating buhay. Ngunit ang lahat ng nakay Cristo, sa pamamagitan ng pananampalataya, ay may buhay na walang hanggan kasama ang Diyos, gaano man kahirap ang maging buhay natin sa mundong ito.
Ngayon, what does it mean for us? Mahalaga ang theology, pero mahalaga rin ang application nito.
Una, para sa ‘yo. Malaki ang tyansa na mamamatay ka. Natural lang na katakutan mo ‘yan. Siyempre, you will lose something very precious kapag namatay ka. That something precious ay yung buhay na galing sa Diyos. Alangan namang wala kang pakialam kung mamatay ka. Siyempre, concern din natin kapag namatay ang mahal natin sa buhay. Pero higit na dapat nating paghandaan ang araw ng kamatayan natin. Handa ka na ba? Hindi St. Peter Plan ang higit mong kailangan, kundi plano ng Diyos na isinakatuparan sa pamamagitan ni Cristo. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (John 3:16). Hindi ka lang mamamatay kung wala ka kay Cristo, mapapahamak ka, you will perish for all eternity in hell. Pero kung nakay Cristo ka, mamamatay ka, pero meron kang buhay na walang hanggan. Nakakatakot pa rin ang kamatayan, pero masasabi mong ang kamatayan ay pakinabang kung ang buhay mo ay si Cristo (Phil 1:21), yun ay kung namumuhay ka na kasama si Cristo simula ngayon. Ang tanong, bata ka man o matanda: sumasampalataya ka ba kay Cristo? Are you walking with Christ now? If not, don’t expect na you will walk with Christ in eternity.
Ikalawa, para sa pamilya mo. Lalo na sa mga anak natin. Concern ka kung ano ang ipapamana mo sa kanila? Meron ka nang ipinamana—ang kasalanan. So, sa tulong ng Diyos, gawin natin ang lahat ng magagawa natin hindi lang para ibigay sa kanila yung mga bagay sa mundong ito. Higit sa lahat, ipamana natin sa kanila si Cristo. Akayin natin sila palapit kay Cristo. Hindi lang quality family time ang kailangan nila. Ang kailangan nila ay ang makilala at makasunod kay Cristo. Ituro natin sa kanila kung ano ang halaga ng buhay, ang layunin ng buhay, at kung paano sila magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ipamana natin sa kanila ang pananampalatayang meron tayo. Hindi ‘yan mangyayari by default. Kailangang ipanalangin, kailangang paulit-ulit na magturo, at magtiwala sa pagkilos ng Diyos.
Ikatlo, para naman sa church natin. We live our lives together, hindi kanya-kanya. Ang hirap na nga ng buhay, siyempre kailangan natin ng tulong. Kaya kung nakay Cristo ka, mahalaga rin na miyembro ka ng Diyos. Sa pasanin sa buhay, sa pagharap sa kamatayan, sa pagpapaalala ng mabuting balita sa isa’t isa, kailangan natin ang isang pamilya, our church family. Make sure na hindi ka lang member, kundi aktibong nakikibahagi sa church—para meron palaging magpapaalala sa ‘yo kung gaano kahalaga ang buhay, that Jesus is our life. You don’t have to and you cannot walk with God alone.
At panghuli, para sa mundo, para sa mga taong wala pa kay Cristo. Meron tayong misyon na sama-sama nating pagtutulungan. Ang mga taong sa mundong ito, ang mga kapitbahay natin, ang mga kamag-anak natin, ang mga Muslim, ang mga Buddhists, ang mga Kristiyano lang sa pangalan pero hindi genuinely converted, papunta silang lahat sa kamatayan. At sa araw na yun, they will not truly rest in peace kung wala sila kay Cristo. Sabihin natin sa kanila na kailangan nila ng Tagapagligtas, at ‘yan ay walang iba kundi si Cristo, na siyang makapagbibigay sa kanila ng tunay at walang hanggang kapahingahan.
Para sa lahat sa atin, anumang hirap ang harapin natin, at pagdating man ng araw ng kamatayan natin, pakinggan natin ang Panginoong Jesus na nagsasalita sa atin, tulad ng sinabi niya kay apostle John: “Huwag kang matakot! Ako ang simula at ang wakas, at ang nabubuhay! Namatay ako ngunit tingnan mo, ako’y buháy ngayon at mananatiling buháy magpakailanman. Hawak ko ang mga susi ng kamatayan at ng daigdig ng mga patay” (Rev 1:17-18 MBB). Hawak ni Cristo sa kanyang mga kamay ang buhay natin, ang kamatayan natin, at ang walang hanggang buhay natin. So, ano pa ang ipag-aalala natin sa buhay? Si Cristo ang ating pag-asa sa buhay at sa kamatayan.