Madalas nating sabihin ang salitang "gospel" pero hindi ako sigurado kung kaya natin itong ipaliwanag. Sa tulong ng librong "Ano ang Gospel?" ni Greg Gilbert, at ng study guide na ito, umaasa kami na mahihimok nito ang mga di-Kristiyano na pag-isipan ang kanilang katayuan sa harap ng Diyos, habang ang pananampalataya ng mga Kristiyano ay mas mapapatibay.
