Ang isang expositional sermon ay isang sermon na kinukuha ang main point ng isang passage ng Scripture, ginagawa itong main point ng sermon, at inilalapat ito sa buhay ng mga tao ngayon.
Ang isang expositional sermon ay isang sermon na kinukuha ang main point ng isang passage ng Scripture, ginagawa itong main point ng sermon, at inilalapat ito sa buhay ng mga tao ngayon.
Ang Chalcedonian Definition ang pinakamalinaw na pahayag hanggang ngayon sa persona ng Panginoong Jesu-Cristo. Ipinapahayag nito kung sino si Cristo ngayon: Diyos at tao, isang persona sa dalawang kalikasan. Kilala rin ito sa paglalatag ng isang serye ng mga pagtanggi ng mga katuruan tungkol kay Cristo kapag itinuturo nito na ang mga kalikasan ni Cristo ay “walang pagkakahalo, walang pagbabago, walang pagkakahati, walang pagkakahiwalay.”
Ang Diyos ang lumikha sa atin, nag-imbita at tumawag sa atin para lumapit sa kanya. Siya rin ang bumaba at nagligtas sa atin, para ilapit ang sarili niya sa atin. Patuloy din tayong binabago ng Espiritu for God himself. Ang Diyos ang punto ng lahat. Siya ang ending ng kuwento ng buhay natin. He is our highest good, our greatest joy, our everlasting treasure.
Sino ang dapat mong pakinggan kung saan ka pupunta o kung paano tayo dapat mamuhay? Kung ano dapat ang misyon at ambisyon mo sa buhay? Hindi ikaw siyempre. Kundi si Cristo. Ang makita natin siya nang mukhaan ang pinaka-destinasyon na patutunguhan nating lahat na nakay Cristo. Si Cristo ang pinakapunto ng lahat ng paglilingkod at pagpapagal na ginagawa natin. Christ alone—hindi ang mga idols sa puso natin—is worthy of our exclusive service and devotion.