Makikita natin sa Psalm 23 na mabuti talaga ang Diyos sa atin na kanyang mga anak. Mabuti ang Diyos araw-araw, at magpakailanman. Pero dahil madali para sa atin ang makalimot at pagdudahan ang kabutihan ng Diyos, especially sa mga panahong tayo’y lumalakad sa “libis ng lilim ng kamatayan,” paano nga ba natin palaging maaalala ang kabutihan ng Diyos?
Psalm 23:4 • Si Yahweh, Aking Gabay
Gaano man kahirap ang daan na nilalakaran mo ngayon o lalakaran mo balang araw—anuman ‘yang libis ng lilim ng kamatayan na itinakda ng Diyos na lakaran mo, mao-overcome natin ang anumang takot sa puso natin kung aalalahanin natin at paniniwalaan natin na si Yahweh, ang Panginoong Jesus mismo, ang kasama natin.
Psalm 23:1-3 • Si Yahweh, Aking Pastol
Ang Psalm 23 ay awit ni David, na awit ni Cristo at tungkol kay Cristo, at awit din ng bawat Kristiyano na mga tupang ang pastol ay si Cristo. Kaya, lumapit ka kay Cristo, patuloy na magtiwala sa kanya, sundin ang boses niya, at masusumpungan natin ang kapahingahan, kasiyahan, at kalakasang hinahanap natin. Sigurado ‘yan.
Psalm 119:97-104 • Sweeter than Honey
Ang pag-ibig sa Diyos at sa kanyang salita ay hindi lang natin sinasabi kapag Sunday sa mga prayers at mga songs natin. Ito ay nag-uumapaw sa pang-araw-araw nating buhay as we seek to obey God in all areas of our life. Sabi nga ng Panginoong Jesus, "ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin"(John 114:21 ASD). Ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi ang ating ultimate goal. It is a means to an end...at ang end goal ay mas ma-enjoy natin ang love relationship natin sa Diyos.
