Ephesians 5:7-14 • Paglakad sa Liwanag

Sa halip na tayo’y makibahagi sa mga gawain ng mga di-Kristiyano (mga gawa ng kadiliman), dapat na tayo’y ‘wag matitinag na magpatuloy na mamuhay ayon sa liwanag at maging matapang na ilantad ang mga gawa ng kadiliman sa liwanag ni Cristo. At para mas maging personal sa atin ang application nito, kailangang matutunan natin ang dalawang bagay: gospel-driven confession at gospel-exposing confrontation.

Ephesians 5:1-6 • Paglakad sa Pag-ibig

Ang buhay Kristiyano ay ang pamumuhay nang may paglago sa pag-ibig. Paano tayo lalago sa pagmamahal? Ang pagmamahal ng Diyos ay dapat nating tularan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Ang anumang karumihan ay dapat nating talikuran. Ang kaparusahan ng Diyos ay dapat nating katakutan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Hindi lang ito sa sarili mong paglago sa kabanalan. We have to realize na may responsibilidad tayo na tulungan ang bawat isa sa ganitong paglago

Ephesians 4:17-24 • Ang Bagong Buhay kay Cristo (Part 1)

Itinuturo sa atin ni Pablo sa vv. 17-24 ng Ephesians 4 ang ganito: Nang matutunan natin ang katotohanang nakay Cristo, nagkaroon na tayo ng bagong pagkatao; kaya dapat lang na iwanan na natin ang ating dating pamumuhay at ipamuhay ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Nakilala na natin ang tamang daan. Wala na tayo sa dating daan, kaya dapat na magpatuloy tayo sa bagong daan. Ito ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Ito ba ang naglalarawan ng buhay mo ngayon?