
Sino ang nangunguna sa church? Bakit ito mahalaga sa Diyos? Ang panimulang pagtalakay nito sa maikling librong ito tungkol sa leadership structure ng church ay nag-uugnay ng iba’t ibang church leadership roles sa isa’t isa at sa kaluwalhatian ng Diyos.
Ano ang ibig sabihin ng mga Kristiyano kapag sinabi nila ang tungkol sa “gospel ni Jesus”? Ang ibig sabihin ng salitang “gospel” ay “mabuting balita.” Kaya ang tinutukoy ng mga Kristiyano na gospel ay walang iba kundi ang mabuting balita tungkol kay Jesus! Ang mensahe ng Diyos ay ito, “Mabuting balita! Narito ang paraan kung paano ka maliligtas!” Iyan ay isang balita na hindi mo maaaring balewalain. Hindi lang dapat pakinggan. Kailangan din ng pagtugon.


Anuman ang iniisip mo tungkol kay Jesus, hindi maitatanggi ang kahalagahan at epekto ni Jesus sa kasaysayan ng mundo. Maraming nagsasabi na kilala nila si Jesus, pero tama nga ba ang pagkakilala nila kay Jesus? Heto ang isang maikling panimula tungkol sa kung sino si Jesus, ano ang mensahe niya, ano ang ginawa niya, at ano ang kahalagahan niya sa buhay natin.
Hindi dapat paniwalaan ang lahat ng nababasa mo. Alam natin ‘yan. So, bakit maaasahan ang Bible? Para sagutin ‘yan, kailangang masagot ang ilan pang mga katanungan. Historically reliable ba ito? Accurate ba ang mga Bible translations? Accurate ba ang pagkakopya sa mga orihinal? Itong mga orihinal nga ba ang dapat na nasa Bible? Kapani-paniwala ba ang mga orihinal na sumulat? Nagkamali ba ang mga orihinal na sumulat? Ano ang dahilan mo para maniwala?


Maaaring isa ka sa mga nag-iisip kung sulit ba ang mag-commit sa isang local church. Ang librong ito ay napapanahong paalala na ang church ay hindi lang basta isang livestream—ito ay isang essential fellowship ng mga miyembro ng pamilya ng Diyos na isinusulong ang misyon ng Diyos. Sinasagot nito ang tanong na, “Ganun nga ba talaga kahalaga ang church para sa isang Kristiyano?”
Sa Coronavirus at si Cristo, inaanyayahan ni John Piper ang mga babasa nito sa buong mundo na tumayo sa di-magigibang Batong Sandigan, walang iba kundi ang Panginoong Jesu-Cristo. Kay Cristo lang natin matatagpuan ang lakas na kailangan natin sa pamamagitan ng Diyos na sovereign sa lahat, at siyang nagtatakda, nangangasiwa, at naghahari sa lahat ng bagay para matupad ang kanyang mga layunin–his wise and good purposes.


The story of the Protestant Reformation is a recovery of the gospel. At yung gospel na ito ay summarized in the five solas of the Reformation. At the heart of the gospel is the doctrine of justification by grace alone (sola gratia) through faith alone (sola fide) in Christ alone (solus Christus). Saan galing ‘yan? By what authority ang basis natin ng doktrinang iyan? From Scripture alone (sola Scriptura). Para saan ang lahat ng iyan? For the glory of God alone (soli Deo gloria). The five solas are practical. They are historical. But more importantly, they are biblical. Kailangan natin ng rediscovery of the gospel today in our churches. We need a modern reformation.
Kung ikaw ay nakay Cristo, saang church ka man kabilang, prayer ko na magbigay sa ‘yo ang librong ito ng panibagong kalakasan at matibay na pag-asa na matatagpuan sa Diyos na makapangyarihan at mahabagin sa lahat. Kung ikaw ay isang pastor o tagapagturo din ng Bibliya, prayer ko na maging isang helpful resource ang librong ito para maituro mo ang salita ng Diyos sa maraming mga tao ngayon na dumaranas ng kalungkutan, depression, anxieties, at mga struggles sa kanilang pananampalataya.


Lahat tayo ay may natitira pang kasalanan sa puso natin. Kailangang lumaban, kailangang patayin ang kasalanan. Hindi natin ito kaya sa sarili natin. Pero sapat ang biyaya ng Diyos – the love of God, the gospel of Christ, the power of the Spirit, and the people of God – para tulungan tayo sa labang ito. This book is for all Christians who are struggling against sin and struggling to trust the only Savior of their soul. That means it’s for all of us.
Everything we are doing, trying to do, and must do in our church is about disciple-making. Our mission is to make disciples of all nations. At kung ‘yan ang nag-iisang misyon natin, mainam na alam natin ang ibig sabihin nito. Ang isang disciple ay sumusunod kay Jesus, binabago ni Jesus, at ibinibigay ang buhay sa misyon ni Jesus. We’ll explore this definition in this book. At kaugnay nito, titingnan natin ang anim na bahagi ng identity ng isang disciple – learner, worshiper, family member, servant, missionary and disciple-maker.


Wala nang tanong na mas mahalaga pang sagutin maliban dito: “Sino si Jesus?” at “Ano ang isang Cristiano?” Sa Following Jesus, makikita natin ang itinuturo ng Bibliya sa sagot sa mga tanong na ito: Si Jesus ang Panginoon ng lahat na namatay para sa ating mga kasalanan at muling nabuhay sa ikatlong araw. That is the gospel. Ano naman ang isang Cristiano? Siyang naligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, nagsisisi at tumatalikod sa kasalanan, at nagtitiwala at sumusunod kay Jesus.
While most of these e-books are free, they took hundreds of hours to write and publish. We encourage you to make a donation of any amount to Treasuring Christ PH. This will enable us to continue producing and distributing gospel-centered resources to many Filipino Christians.
For more info, you can send us an email.
Your message has been sent
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.


Gospel Centered teaching nakakahamon ng buhay, nakakatulong hindi lang sa karagdagan ng kaalaman lalo higit sa espiritwal na buhay. . purihin ang Dios.
Salamat dito ko nasumpungan ang Gospel centered na katuruan,karamihan puro
” Prosperity gospel” natabunan na ang Tunay na turo. Na si Jesus Ang Cristo!
Wow na wow pastor. Ipalimbag na yan hehehe…I’ll share these resources po!
God be praised po sa ministry niyo po, I praise GOD po talaga dahil sa book na Five Solas and One Gospel. Sana po may book din na about sa doctrine of Grace .😁