Happy 39th Anniversary to you, Baliwag Bible Christian Church. It is a great privilege for me to share the Word to you and encourage you in the Word sa inyong ika-39th na anibersaryo.

Everytime na merong church anniversary, madalas ko naiisip: Saan ba nangaling ang tradition na ito? Kasi sa America bihira lang mag celebrate ng anniversary mga churches doon. Usually, every 5 years or every 10 years. Pero sa atin, every year. Kasi nga, anniversary, diba?

Magandang tradition na i-celebrate ang blessing ng Panginoon sa isang local church. Pag-isipan dapat ng bawat member: ano ang mga blessing na kanilang natanggap dahil sa church.

  • So, kung ikaw ay member ng BBCC, ano bang blessing ang meron ka dahil sa church na ito?
  • Kung member ka sa ibang church—anong blessing ang natanggap mo dahil sa iyong church?
  • Kung ikaw naman ay isang bisita at marahil ang iyong church o religious background ay kakaiba sa Baliwag Bible Christian Church, pwede mo rin pagmasdan ngayon: anong klaseng mga blessing ba ang meron sa isang church na kagaya ng BBCC?
  • Kung ikaw naman ay madalas uma-attend at mananampalataya kay Cristo, pero hindi pa member, anong mga blessing ang sana meron ka kapag ikaw ay naging member ng BBCC?

Ano ba ang mga klase ng blessing na natatanggap ng isang congregation sa kanyang church? Yan ang makikita natin sa passage ngayon. Buksan natin ang Bible sa Eph 4:7–14. Follow as I read.

“But grace was given to each one of us according to the measure of Christ’s gift. 8 Therefore it says, “When he ascended on high he led a host of captives, and he gave gifts to men.” 9 (In saying, “He ascended,” what does it mean but that he had also descended into the lower regions, the earth? 10 He who descended is the one who also ascended far above all the heavens, that he might fill all things.) 11 And he gave the apostles, the prophets, the evangelists, the shepherds and teachers, 12 to equip the saints for the work of ministry, for building up the body of Christ, 13 until we all attain to the unity of the faith and of the knowledge of the Son of God, to mature manhood, to the measure of the stature of the fullness of Christ, 14 so that we may no longer be children, tossed to and fro by the waves and carried about by every wind of doctrine, by human cunning, by craftiness in deceitful schemes.”

Ito po ang argument: The church is one of God’s gracious means for gospel growth. In other words, isa sa mga paraan para bigyan tayo ng blessing or biyaya ng Diyos ay sa pamamagitan ng church. Or, ginagamit ng Diyos ang church para ibigay sa atin ang mga blessing na kailangan natin sa ating buhay Kristiyano. Ano ba ang kailangan natin? Merong at least apat sa text.

1. We need Christ (4:7–10)

Ano sabi sa v. 7? But grace was given to each one of us. Sa bawat isa merong biyaya na galing sa Diyos. Ano ba ang meaning ng “grace”? Ang grace ay basically biyaya ng Diyos or blessing or favor na binibigay nya sa mga taong hindi karapat-dapat nito.

Halimbawa, kung ikaw ay nagbabayad ng upa sa bahay nyo. Tapos na-late ka sa pagbabayad. Sasabihin mo sa landlord sa pinangungupahan mo, “pahingi po ng grace period.” Ano yung grace period? Yun yung favor na ibibigay sa ‘yo kahit na hindi mo deserve. Ang favor ay extra two days para magbayad, grace period. Kapag ikaw ay student, yung project n’yo due sa Monday. Tapos hindi mo natapos. Ano sasabihin sa teacher or sa prof? “Pahingi po ma’am/sir ng grace period.” Hindi ka deserving ng extra days kasi lumabag ka sa syllabus. Hindi obligated yung teacher or yung landlord na bigyan ka. Ito ay favor na hinihingi mo at their mercy.

Saving Grace
Yan ang nature ng grace. Tayo ay unang nakatanggap ng grace from God sa salvation. Niligtas tayo “by grace,” meaning hindi natin pinaghirapan at hindi tayo worthy ng kaligtasan ng Diyos. In fact, God is perfectly just na parusahan tayong lahat for our sins. Yet, s’ya ay gracious, giving us salvation sa pamamagitan ng buhay at kamatayan ni Cristo para magbayad sa kasalanan natin at para magbigay ng righteousness sa sinumang mag-repent at magtiwala kay Cristo.

Sanctifying Grace
Pero ang grace ng Diyos ay hindi lamang binibigay sa kaligtasan, kundi ito ay nagpapatuloy sa ating buhay Kristiyano. Gusto ng Diyos na patuloy tayong bigyan ng kanyang grace o blessing o favor. Ang “grace” na ito ay “sufficient” para tayo ay mapalakas sa araw-araw, kahit sa ating weakness tayo’y napapalakas ng grace.

Pano ba nakukuha ang grace na ito? Ano pa sabi sa v. 7? Iyong grace ay according to the measure of Christ’s gift. Ang biyaya ng Diyos ay naaayon sa biyaya na binibigay ni Cristo. Si Cristo ang source ng blessing or grace sa church. Paano ito binibigay ni Christ? O bakit ito binibigay ni Christ sa church? Tignan natin sa v. 8, Therefore it says, “When he ascended on high he led a host of captives, and he gave gifts to men.” Ito ay part ng ginawa ni Christ para sa atin. Ito ay quotation galing sa Psalm 68, kung saan si David (pre-figuring the Messiah) ay nagre-rejoice sa Diyos sa kanyang victory over his enemies. Ngayon naman Christ shows his victory by descending to the earth, dying on the cross, and defeating death by his resurrection. Pinapaliwanag ni Paul sa v. 9, (In saying, “He ascended,” what does it mean but that he had also descended into the lower regions, the earth? 10 He who descended is the one who also ascended far above all the heavens, that he might fill all things.). Paul is picturing Christ as a conquering king who receives the spoils of war galing sa mga kalaban n’ya, and then, he distributes these gifts to his people. Kaya right before ascension, Christ gave gifts for the advancement of his church.

Kaibigan, kailangan mo si Cristo. Si Cristo ang pinadala ng Diyos para mamuhay ng perfect life at namatay sa krus para bayaran ang mga kasalanan ng mga taong magrerepent sa kanilang kasalanan at magtitiwala lamang kay Cristo. Sa ikatlong araw, siya ay namuhay na muli. Ang meaning nun, tinanggap ng Diyos ang kanyang sacrifice. Ito ang paraan ng Diyos para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.

Pero brothers and sisters, kailangan natin si Cristo, hindi lang dahil siya ang ating Tagapagligtas, kundi dahil siya ang patuloy na nagpapalakas at gumagabay sa ating buhay Kristiyano. Siya ang ating Savior, Lord, King, but also Sustainer, Grace-Giver, and Shepherd ng church who supplies all our needs, and dispenses grace or blessing.

Means of Grace
So, kung nagbibigay ng grace si Christ—paano natin ito makukuha? Maraming mga paraan or avenues kung saan pwede natin makuha or ma-access ang grace ng Panginoon. Ang tawag dito ay “ordinary means of grace.”

Halimbawa, saan ba nanggagaling ang tubig n’yo? Ito ba ay galing sa gripo? Kahit anong bukas mo sa gripo kapag walang supply ng tubig galing sa Baliwag Water District, walang lalabas na tubig. Ganun din sa kuryente. Kahit anong pindot mo ng switch, walang kuryente kung walang supply from Meralco. Sabihin natin merong namang supply ng kuryente from Meralco. Pero hindi mo ito ma-access kung hindi mo pipindutin ang switch ng ilaw; o bubuksan ang gripo.

Ganun ang means of grace. God wants to give us grace through Christ. Available ito para sa atin sa pang-araw-araw natin na blessing at favor. Pero kung hindi mo pipindutin yung switch, hindi mo ito makukuha. Ang switch ay ang “means of grace” kagaya ng prayer, Bible reading, Bible study, or even church attendance.

Sa passage natin ngayon, Ang focus ay ang church. Ito ang means kung saan binibigay ni Cristo ang kanyang grace-gifts.

2. We need church leaders (4:11)

Ano ba ang mga gifts na ito? Basahin natin sa v. 11, And he gave the apostles, the prophets, the evangelists, the shepherds and teachers. Ang grace-gifts ni Christ ay mga tao. Marami sa kanila patay na, kagaya ng apostles at prophets. Ang church ay naka-build sa foundation ng mga apostles and prophets at si Christ ang chief cornerstone. This tells us that we need church leaders.

Kahit na wala na ang mga apostles, sila ay gifts that keep on giving. Nagbebenefit parin tayo sa kanila kasi nababasa natin ang mga sinulat nila sa New Testament. Ito ay sinulat ng mga apostol o mga malalapit sa kanila, gaya nila Mark or Luke. Kapag binabasa natin ang Bible natin, naa-access natin ang mga inspired na turo ng mga sinaunang mga church leaders. Kailangan pa rin natin sila hanggang ngayon.

Pero binanggit rin ni Paul ang mga “evangelists.” Sino ito? Nung bata ako kapag sinabi mong “evangelist,” ang naiisip ko ay yung mga naglilibot sa iba’t ibang lugar para mag-preach. Ito ay kagaya nila George Whitefield, D. L. Moody, or Billy Graham. Pero sa NT, ang “evangelist” ay mostly mga tao sa church na particularly gifted pagdating sa pag-share ng gospel (or evangel) sa mga non-Christians. I think that is the meaning ni Paul dito sa “evangelist,” kagaya ni Philip na tinawag na evangelist sa Acts 21:8. Sabi ni Paul Kay Timothy, “do the work of an evangelist,” (2 Tim 4:5), meaning, mag-share ka rin ng gospel sa mga hindi pa nakakakilala kay Jesus.

Finally, merong shepherds and teachers or pastor-teacher. Yun talaga ang intention ni Paul as Pastor-teacher. Kasi yun ang primarily na ginagawa ng isang shepherd or pastor, ay magturo. Pano n’ya ginagawa ito? Tatlong paraan: the shepherd (1) gathers the sheep; (2) guides the sheep; and (3) guards the sheep. At lahat ito sa pamamagitan ng teaching.

The pastor gathers the sheep, the church, every Lord’s Day to learn from the Word in worship. Ngayon hapon, tayo ay nag pray in the Word, sing the Word, read the Word, and now listening to the preaching of the Word.

The pastor also guides the sheep. Ganun din, through teaching. Minsan ang teaching na Ito ay one-on-one or counseling. Pero teaching pa rin from the Word. Ang pag-gabay ng mga pastors or elders sa buhay natin ay sa pamamagitan ng Word—Hindi galing sa sarili nilang opinyon.

The pastor guards the sheep. Maraming mga false teaching dyan. Isa sa tungkulin ng pastor ay protektahan or i-guard ang mga sheep from false teachers.

Hindi ka ba nagpapasalamat sa Diyos sa inyong mga church leaders? We need church leaders. So, pray for your pastors. Protect your pastors. Provide for them, especially those who labor in the Word or yung mga vocational pastors.

3. We need church members

Bakit ba binigay sa atin ni Christ ang mga different church leaders? Yung mga dahilan ay nasa v. 12: to equip the saints for the work of ministry, for building up the body of Christ. Bakit merong church leaders? Ang main reason for church leaders ay so they can “equip” the saints. Sino yung “saints”? Ito ang church or church members.

Importante rin pala ang mga church members. Sila yung saints. Kaya nangangaral ang mga pastor-teachers ay para ang mga saints—church members—ay equipped. Ano yung equipped? Handa sila, trained sila sa salita ng Diyos. Equipped para saan? Equipped para sa ministry. Yun ang sabi sa v. 12, For ministry (4:12a).

So, sino gagawa ng ministry? Trabaho ba ng pastor ang ministry? (Medyo trick question ito). Ang tamang sagot ay, oo, pero hindi lang yung pastor kundi yung buong church. Yung main task ng pastor is to equip yung saints para yung saints ay makagagawa ng ministry.

Anong ministry ang meron ka sa church? Minsan iniisip natin yung malaking ministry—drama ministry, sports ministry. Magpapa-basketball tournament tayo at merong preaching para makarinig yung mga unsaved. Wala namang mali sa ganitong pag-iisip. Pero merong mas simpleng paraan na gawin ang “church ministry.”

Meron ba kayong membership directory or at least listahan ng lahat ng members sa church? Ito actually ay napaka-simpleng tool for ministry. Sinasabi ko minsan sa church namin, yung aming directory ay ang ministry gameplan. Ang bawat isang pangalan doon ay ministry. Iba dyan kailangan bisitahin for encouragement. Yung iba, siguro, may sakit, dalhan mo ng Jollibee. At lahat sila kailangan ng prayer and God’s Word. So, sino ang pwede mong puntahan o yayain magbasa ng Bible together? Or kung hindi Bible isang book—marami kayong resources from Treasuring Christ na pwede n’yong basahin together. Free advertisement po. O kaya, wala masyadong oras, sobrang busy, yayain mo lang mag-pray. Magkita tayo for 10 minutes. Pray lang tayo. That’s ministry. Ang ministry po ay hindi po events sa church, kundi mga tao sa church.

In addition sa directory—sino ang mga tao na nilagay ng Panginoon sa buhay mo na hindi pa nakakakilala kay Cristo? Yun ang mga target natin for evangelism. Sino mga kapitbahay mo? Classmates? Katrabaho? Kalaban sa basketball? Sino barbero mo? Manikurista mo? Sino mga kamag-anak mo? Minsan siguro intimidating na puntahan ang mga ito at mag-Bible study. Pero d’yan papasok ang church. Sino sa church ang pwedeng sumama sa ‘yo at tulungan ka para mag-evangelize sa mga kapitbahay o kamag-anak mo?

Nakikita n’yo ba kung bakit we need the church? Nakikita n’yo ba kung paano nagiging blessing at grace from Christ sa atin ang church leaders at members? Church leaders equip the saints, and the saints do the work of the ministry, at ano ang mangyayari? Tignan natin sa dulo ng v. 12.

For edification (4:12b).
Kapag ang saints ay equipped para gumawa ng ministry, [anong result?] ang church ay na-eedify. Napapalakas at lumalago ang church. Pero kailangan para mangyari ito—tulong-tulong lahat. Kaya we need church members. Kailangan natin ang bawat isa. Kailangan natin i-practice ang “one anothering.” Ito ang responsibility ng bawat isang member.

Kapag kayo nagpatuloy sa ministry and loving one another and encouraging one another, forgiving one another, provoking one another to love and good works, with the blessing of Christ, mas lalo pang napapalakas at mapapatibay Ang Baliwag Bible Christian Chruch to display the glory of God dito sa Baliwag. Hanggang kelan ba gagawa ang church ng ministry para mabuild up ang church?

4. We need gospel growth

Positive Results (4:13).
After ni Christ magbigay ng gifts, which are church leaders, para ma-equip ang church members, para sila ay mag-ministry for edification, ito ang magiging resulta. Basahin natin sa v. 13: until we all attain to the unity of the faith and of the knowledge of the Son of God, to mature manhood, to the measure of the stature of the fullness of Christ. Ang dini-describe dito ay gospel growth. “To the Unity of the faith and knowledge of the Son of God.” Meron tayong pagkaka-isa sa faith. Ito ay tumutukoy sa body of Christian teaching—yan ang gospel truth. Meron tayong unity in the gospel of faith, ang ating pagkakaintindi sa Christian message, and meron ding unity sa pagkakakilala kay Jesus, the Son of God. “To mature manhood, to the measure and stature of the fullness of Christ.” Until we reach maturity. Ano ba ang itsura ng isang mature Christian? Ano ang pang-measure? Ito ay measured by the stature of the fulness of Christ. So, patuloy tayo mag-ministry and edify one another hanggang maging mature tayo kagaya ni Cristo. We grow in knowing Christ and being like Christ.

Negative Results (4:14).
Paano kapag hindi nangyayari ang mga ito? Ano ba ang gusto nating maiwasan? Yan ang mga negative results, see v. 14: “So that we may no longer be children, tossed to and fro by the waves and carried about by every wind of doctrine, by human cunning, by craftiness in deceitful schemes.”

Kapag hindi tayo nagmature, ano ang negative result? Para tayong uto-tong mga bata, madaling matangay ng kahit anong doctrine at malinlang ng false gospel. Hinantulad ni Paul ang mga hindi lumalagong Christians sa mga bata. Alam n’yo ba kung paano mo mapapakain ang mga bata ng gulay? Nung bata ako, kagaya ng karamihan ng mga bata, hindi ako masyadong kumakain ng gulay. Pero sabi ng tito ko, alam mo ba kung ano kinakain ng mga Teenage Mutant Ninja Turtles? E nung bata ako, yun ang favorite cartoons ko. So, sabi ng Tito ko, favorite daw nila ay okra. Naniwala naman ako kaya ‘yun naging mahilig ako sa okra.

Brothers and sisters, kapag tayo ay hindi lumalago at napapalakas sa ating kaalaman ng gospel sa karunungan at sa pamumuhay, madali tayong mauuto ng false teaching. Kailangan nating lumago sa Salita ng Diyos sa knowledge of Christ at maging like Christ para hindi tayo maloko ng kahit sinong teacher sa YouTube, mga podcasts, or any other pseudo-Christian books. Marami ng umalis from the faith or are in spiritual danger because they follow around every wind of doctrine.

Maybe ilan sa inyo ay nagdududa sa katuruan ng Bible on sexual ethics, gender, historicity of Adam, justification by faith, or errors in the Bible? Kapag ikaw ito, kaibigan, God has given you the church—ang leaders at ang members—para tulungan kang mag-isip at malaman ang turo ng Bible sa mga topics na ito. You don’t have to think through this alone.

Nakikita n’yo ba how the church is a means of God’s grace to you? Mga kabataan, nakikita n’yo ba bakit mahalaga sa parents n’yo ang church gathering?

Conclusion

If you are a Christian, your spiritual growth is linked with the growth of the body. Kapag ikaw ay lumalago, Ang paglago mo ay nakakaapekto sa buong church. If you are growing in Scripture and your walk with God pero hindi nag-gogrow yung church, maybe yung growth mo ay kulang pa sa application. Your growth has reached the head and the heart but not the hands.

Kaibigan, kung hindi ka pa Christian, I hope na nakita mo na walang unity at togetherness at love na pwede mangyari sa church kung wala ang gospel ni Jesus. The only way that diverse people with nothing in common could love one another sacrificially—putting up with one another and forgiving each other’s sin—ay dahil na-experience nila ang love ni Jesus sa cross. Ang nagpapatawad ay ang mga nakatanggap ng kapatawaran sa lahat ng kanilang kasalanan through Christ.

Kung ikaw naman ay isang Christian, pero hindi ka pa member ng kahit anong Gospel-preaching church, I hope nakita mo na God’s will para sa ‘yo ay makabilang sa isang congregation.

Sa mga members ng Baliwag Bible Christian Church, do not underestimate ang role mo sa pag-preserve ng faith ng mga ibang members dito. We need Christ. We need church leaders. We need church members—all for our corporate gospel growth.


*Preached by Ptr. Jared Garcia, of Pines City Baptist Church in Baguio City, during the 39th Anniversary Worship Celebration of Baliwag Bible Christian Church

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply