Ang kabuuan ng Gospel of Matthew ay nakabatay sa iisang tanong. Tinuruan ni Jesus ang kanyang mga disciples tungkol sa maling katuruan ng mga Pariseo at Saduceo. Sinabi niya, “Mag-ingat kayo sa kanila.” At pagkatapos ay tinanong niya ang kanyang mga disciples: “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” (Mat. 16:13).

Sinabi nila na may nagsasabing siya si Juan na Tagapagbautismo o si Elias o Jeremias o isa sa mga propeta. Pagkatapos ay tinanong ni Jesus ang tanong na bumabago sa lahat: “Ngunit para sa inyo, sino ako?” (Mat. 16:15). Siyempre, sumagot si Pedro. At sa pagkakataong ito ay tama na ang sagot niya: “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy” (Mat. 16:16).

Sa puntong ito, sinabi ni Mateo na sa wakas ay nagsimula si Jesus na ipaliwanag sa kanyang mga disciples na siya ay mamamatay at muling mabubuhay. Mula sa puntong ito, lahat ng bagay ay magbabago. Bakit? Dahil wala nang mas mahalagang katanungan kaysa sa tanong na “Sino si Jesus?”

Isinulat ni Greg Gilbert ang librong Sino si Jesus? upang matulungan ang mga babasa nito na sagutin ang napakahalagang tanong na ito. Sinulat namin ang study guide na ito para gabayan ka sa pagbabasa ng kanyang libro. Simple lang ang structure; at hindi ganoon kataas ang goals. Isa lamang itong simpleng pagtingin sa bawat chapter ng libro, para mapilitan kang magdahan-dahan at pag-isipang mabuti ang iyong binasa.

Para kanino ito? Ang sinumang Kristiyano ay makikinabang mula sa libro ni Greg Gilbert at sa study guide na ito. Nangangako kami na pag-aalabin nito ang iyong pag-ibig kay Jesus, kahit alam mo na ang sagot sa mahalagang katanungang ito. Pero higit pa riyan, ang librong Sino si Jesus? ay para sa mga taong hindi alam ang sagot sa tanong na ‘yan. Ibig sabihin, ang librong ito—at, kung loloobin ng Panginoon, ang study guide na ito—ay nakadisenyo na maging evangelistic tool. Hindi exclusively pero yun ang pangunahing layunin.

So paano mo gagamitin ang study guide? Para sa ‘yo lang ba? Puwede. One-on-one ba? Puwede rin. Sa small groups? Oo naman! Sa madaling salita, hindi naman ganoon kahalaga kung paano. Umaasa kami na ang mga nakatatandang miyembro ng church ay gamitin ito para i-disciple ang mga bagong Kristiyano, at ang mga Kristiyano na ay gamitin ito para ibahagi ang gospel sa kanilang mga kaibigan at pamilya. At baka higit pa riyan, hindi natin alam. Gamitin mo ito sa kung paano mo ito nais gamitin. Ang Panginoon ay napararangalan kapag nakatuon ang isip at puso ng kanyang mga anak sa kanyang Anak na si Jesus.

Nawa ay magkaloob ang Diyos ng maraming mata na makakita, mga tainga na makarinig, at mga pinalambot na puso upang pagmasdan ang kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Jesus. – Alex Duke

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply