Sinabi ko last week na itong Ephesians 2 ay makakatulong sa atin para magkaroon ng mas malawak na pananaw tungkol sa kaligtasang tinanggap natin mula sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Ang focus ng verses 1-10 ay yung bagong buhay na meron tayo—dati tayo ay mga patay spiritually, pero ngayon ay binigyan ng buhay ng Diyos. Hindi tayo naligtas sa pamamagitan ng anumang gawa natin. Ang kaligtasang tinanggap natin ay magbubunga ng mabuting gawa dahil sa bagong buhay na meron tayo. Sa verses 11-22 naman ang focus ni Paul ay bigyang-diin ang bagong relasyon na meron tayo sa Diyos dahil sa ginawa ni Cristo sa krus para sa atin. Dati ay malayo tayo sa Diyos, pero ngayon ay inilapit na at ipinagkasundo. Ang dulot nito ay bagong relasyon hindi lang sa Diyos kundi sa bawat isa, sa mga kapatid din natin na nakay Cristo. Anumang alitan, anumang pag-aaway, anumang di-pagkakasundo, lahat ‘yan ay masosolusyunan sa pamamagitan ng mabuting balita ni Cristo. The gospel transforms not just our relationship with God, but also our relationship with one another sa church.
Obviously, may direct application ‘to kapag meron tayong problema sa personal relationship sa iba, at kung tumutulong tayo na maayos ang relasyon ng iba. Pero ‘wag nating isipin na ito ay applicable lang kapag may mga times of conflict. Madali kasi na i-excuse natin ang sarili natin at sabihing, “Okay naman ako. Wala naman akong kaaway. Wala naman akong sama ng loob sa iba. Wala rin naman sigurong galit sa ‘kin.” Well, that’s good kung ganun. Pero kailangan din nating tanungin: Meron ka bang ginagawa para mas magkaroon ng higit pang pagkakaisa sa church? Wala ka ngang nakakaaway, pero sinu-sino ang nagiging kaibigan mo na sa church, nagiging ka-close, at talagang nagiging intentional para tulungan sa paglago sa pananampalataya? Kung hindi ka pa member ng isang local church, bakit? Ano ang humahadlang sa ‘yo in making a commitment to be in covenant relationship with other Christians? Kung kuntento ka na na dumadalo lang sa worship service, at wala nang ibang commitment aside from that, bakit? Sang-ayon ba yun sa kalooban ng Diyos para sa bawat Kristiyano? Naiintindihan mo ba talaga kung ano ang ibig sabihin ng pagiging “church”? Mararanasan mo ba talaga ang pagiging kabilang sa church kung very limited ang involvement mo?
Those are important questions na kailangan nating sagutin. Kaya napakapraktikal ng itinuturo ni apostol Pablo dito sa verses 11-22. Natapos natin last week yung verses 11-16. Ngayon naman, sa verses 17-22, titingnan natin:
- Una, sa verses 17 at 18, ang mabuting balita ng ginawa ng Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu hindi lang para sa relasyon natin sa Diyos kundi para sa bawat isa: “Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat ang Magandang Balita ng kapayapaan, sa inyong mga Hentil na noo’y malalayo, at sa mga Judio na malalapit. 18 Dahil kay Cristo, tayong lahat ay nakakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu.”
- Ikalawa, sa verses 19 at 20, titingnan natin kung paano nagkaroon ng church, ano ang bago nating identity at ano ang foundation na tinatayuan ng church: “Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. 20 Tulad ng isang gusali, kayo’y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus.”
- Ikatlo, at panghuli, sa verses 21 at 22, titingnan natin kung ano ba ang layunin natin bilang mga miyembro ng church, ano ba ang responsibilidad natin sa Diyos at sa isa’t isa: “Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang templo na nakatalaga sa Panginoon. 22 Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay sama-samang itinatayo bilang tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.”
At sa bawat bahagi nito, titingnan natin kung ano ang itinuturo sa atin ni Pablo (theology), at kung ano ang implikasyon o application nito hindi lang sa indibidwal na buhay Kristiyano natin, kundi sa sama-sama nating pamumuhay sa church.
A. The Peacemaking Gospel and the Trinity (vv. 17–18)
Una nating tingnan sa verses 17 at 18 ang mabuting balita ng ginawa ng Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu hindi lang para sa relasyon natin sa Diyos kundi para sa bawat isa: “Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat ang Magandang Balita ng kapayapaan, sa inyong mga Hentil na noo’y malalayo, at sa mga Judio na malalapit. 18 Dahil kay Cristo, tayong lahat ay nakakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu.” Nagsimula ito sa salitang “At…” sa salin ng Ang Biblia, bagamat hindi lang natin makikita sa MBB. Pero obviously, nakadugtong ito sa mga naunang discussion ni Paul sa verses 11-16 tungkol sa ginawa ni Cristo (“sa pamamagitan ng dugo ni Cristo,” v. 13; “Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus,” v. 16) hindi lang para i-reconcile tayo pabalik sa Diyos, kundi para ayusin din ang relasyon natin sa isa’t isa, “pinagbuklod sa iisang katawan” (v. 16). Clearly, nagpapakita na ang church ay pagsasama-sama ng mga makasalanang tinubos ni Cristo at meron nang bagong relasyon sa Diyos at sa bawat isa bilang magkakapatid kay Cristo. At ang lahat ng ito ay naging posible because of the gospel. Paano naging mabuting balita ang gospel na ‘to?
- The gospel of peace (v. 17)
Sa verse 17, sinabi niyang ang gospel na ito ay “Magandang Balita ng kapayapaan.” Kapag sinabing kapayapaan, hindi lang ito tumutukoy sa isang kalmadong pag-iisip o pakiramdam at walang ingay o kaguluhan na nangyayari sa paligid. Rather, ang tinutukoy nito ay maayos na relasyon. Sa verse 14, sinabi na niya na si Cristo mismo ang ating kapayapaan, “he himself is our peace.” Pero dito sa verse 17, ang emphasis ay si Cristo na preacher of peace. May emphasis sa kahalagahan ng proclamation of the gospel. “Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat ang Magandang Balita ng kapayapaan…” Ang pagparito ni Cristo posibleng tumutukoy sa kanyang incarnation, yung pagbaba niya mula sa langit para magkatawang-tao at magministeryo dito sa mundo. Nakakamanghang isipin ang sabi nga ng church father na si Chrysostom na hindi siya nagpadala ng iba tulad ng mga anghel o ibinalita ang good news na ‘to sa pamamagitan ng iba, kundi siya mismo ang pumarito, in person, para sabihin sa atin ang magandang balitang ito (S. John Chrysostom, Commentary on the Epistle to the Galatians, and Homilies on the Epistle to the Ephesians, 157). Naparito si Cristo “upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita” (Luke 4:18). Sabi niya sa mga disciples niya, “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo” (John 14:27).
Pero, sinabi sa text natin na nangaral si Cristo “sa inyong mga Hentil na noo’y malalayo, at sa mga Judio na malalapit” (v. 17). Literally, sabi lang dito ni Paul “sa inyo na malalayo, at…sa mga malalapit.” Obviously, yung malayo ay mga Gentiles tulad ng majority ng congregation sa Ephesus. Nakita natin ‘yan last week sa vv. 12-13. Malayo sila dahil wala silang mga covenant privileges na tulad ng mga Judio. In that way, malapit ang mga Judio, pero they still need to hear the gospel of peace dahil sila rin ay malayo spiritually sa Diyos. Majority ng mga nakarinig kay Cristo ay mga Jews, although meron ding mga Gentiles. At hindi naman siya personally pumunta sa Ephesus para mag-preach. Paano nasabi ni Paul na nag-preach din si Christ sa kanila? Most likely, ang tinutukoy rito ay ang nagpapatuloy na gawa ni Cristo sa pamamagitan ng Holy Spirit na kumikilos sa mga apostol at iba pang Christians na nagpi-preach ng gospel (see Hoehner, Ephesians, 385). Sa ganitong paraan nagpapatuloy ang preaching ministry ni Cristo, fulfilling Isaiah 57:19, “Bibigyan ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit man. Aking pagagalingin ang aking bayan.” Na siyang binanggit ni Peter na nagkaroon ng katuparan kay Cristo, “Ipinahayag niya sa kanila ang Magandang Balita ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo” (Acts 10:36). Naririnig pa rin natin si Cristo every time na ipinapangaral ng sinuman sa atin ang gospel, “O kay gandang pagmasdan…ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita” (Isa. 52:7).
- Peacemaking as a Trinitarian work (v. 18)
Bakit good news ang gospel? Dahil ito ay mabuting balita na ang dulot ay kapayapaan. Dito naman sa verse 18, ang gospel ay mabuting balita dahil ito ay makapangyarihang gawa ng Trinity—Father, Son, and Spirit: “Dahil kay Cristo, tayong lahat ay nakakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu.” Maikling verse, pero binanggit ang bawat isang persona sa Trinity. Similar ito sa trinitarian emphasis ni Paul sa blessings of our salvation sa Ephesians 1:3-14. Dito naman sa verse 18, again, binanggit niya ang kahalagahan ng gawa ni Cristo, “Dahil kay Cristo,” o “sapagkat sa pamamagitan niya” (AB), kaya lang tayo makalalapit sa Diyos. Ang mga Judio ay hindi makakalapit sa Diyos sa pamamagitan ng kautusan, o ng pagtutuli, o ng mga religious ceremonies, only through Christ. Ang mga Gentiles, hindi makakalapit sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang talino, o kayamanan, o anumang effort o willpower, only through Christ. Sa pamamagitan lang ni Cristo tayo mare-reconcile sa Diyos, there is really no other way.
“…tayong lahat (meaning both Jews and Gentiles) ay nakakalapit sa Ama.” Ang tinutukoy rito ay ang “access” na meron tayo na mga inferior sa isang superior, tulad ng isang ordinaryong mamamayan na hindi pwedeng basta-basta makalapit sa Hari kung hindi siya papayagan o ipapatawag. Pero dahil kay Cristo, bukas na ang daan, meron na tayong access para makalapit sa Ama. Similar yung point ng Hebrews, “Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito’y ang kanyang katawan” (Heb. 10:19-22).
Ang goal ng reconciliation ay ang paglapit natin sa Ama. Ang means of reconciliation ay ang ginawa ni Cristo sa krus. How about the Holy Spirit? “…sa pamamagitan ng iisang Espiritu” o “in one Spirit” ay makakalapit tayo sa Ama. Ano ang ibig sabihin nito? Posible na nag-iindicate ito ng role ng Holy Spirit sa pagbubukas ng isip at puso natin para sumampalataya tayo kay Cristo at nang sa gayon ay maikabit kay Cristo, in union with Christ. Pero sa isang banda, dahil sa emphasis ni Paul sa iisang Espiritu, “in one Spirit,” tumutukoy rin ito sa gawa ng Espiritu na nagbubuklod sa ating lahat sa sama-sama nating paglapit sa Ama. Babanggitin ulit ‘yan ni Paul sa chapter 4, at pansinin mo ang repetition ng “iisa”: “Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo. May iisang katawan at iisang Espiritu” (Eph. 4:3-4). Ang pagkakaisa ay hindi lang posible kundi isa nang reality dahil sa iisang Espiritu na nagbubuklod sa ating lahat na nakay Cristo. Ayon kay Hoehner, “Clearly, this new union replaces the old enmity. Before conversion they were Jews and Gentiles, and after conversion they are now one person in Christ, called the Christians” (Hoehner, 390).
- Theology and Application
Ngayon, ano ang kailangan nating matutunan dito sa verses 17-18? Tingin man natin ay malayo tayo sa Diyos o malapit, religious ka man o rebellious, lumaki sa maayos na pamilya o galing sa sira at magulong pamilya, lahat tayo ay kailangan natin ang gospel para tayo ay makalapit sa Diyos. Kailangan nating lahat si Cristo. Kailangan nating lahat ang ginawa niya sa krus. The gospel is good news dahil ito ang mabuting balita na nag-aayos ng relasyon natin sa Diyos, mabuting balita na nagpapahayag sa atin ng makapangyarihang gawa ng Diyos—Ama, Anak, at Espiritu—to bring us to God himself. At ito rin ay good news dahil ito ang paraan ng Diyos para pagbuklurin tayo, pag-isahin tayo sa isang church bilang isang katawan, bilang isang pamilya ng magkakapatid kay Cristo.
Kung ang gospel ay ang kapangyarihan ng Diyos for our salvation, for reconciling us to himself, hindi ba’t itong gospel na ‘to ang dapat nating palaging naririnig, palaging ipinapaalala sa sarili, at pinagtutulungang ipaalala sa isa’t isa? ‘Wag tayong magsasawa na pakinggan ang gospel. ‘Wag tayong magsasawa na ulit-uliting ipaalala sa isa’t isa ang gospel. Walang genuine conversion—walang reconciliation with God—kung wala ang gospel. Walang tunay na pagkakaisa sa church kung wala ang gospel.
B. The Nature of the Church and the Gospel (vv. 19–20)
Yung natitirang verses, verses 19-22, sa chapter 2 ay nagpapakita ng resulta ng gospel sa hindi lang sa isang individual Christian kundi sa kabuuan ng church. Kaya nga nagsimula ang verse 19 sa salitang “Samakatuwid” o “Kaya nga” (AB) o “So then” (ESV). Nagsimula at naitayo ang church dahil sa gospel, verses 19-20. Nananatili ang buhay at nagpapatuloy sa paglago ang church dahil sa gospel, verses 21-22. Unahin muna natin ang bagong identity ng church at ang pundasyong tinatayuan nito sa verses 19-20, “Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Tulad ng isang gusali, kayo’y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus.” Karamihan sa mga maling attitude ng mga Christians tungkol sa church at sa pagiging miyembro ng church ay nag-uugat sa maling pagkakaintindi sa kung ano ba ang church, or what is the nature of the church.
- Our new identity (v. 19)
Ipinapaalala ni Paul sa verse 19 na meron na tayong bagong identity. Wala na ang dating kalagayan natin: “hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa.” Dati, oo. Pero ngayon, hindi na. Kapag dayuhan, foreigner, kapag pumunta ka sa Singapore, kahit na marami kang pera, wala ka pa ring rights and privileges na meron ang local Singaporean citizen. Kahit na doon ka nakatira, resident alien, taga-ibang bansa ka pa rin. Filipino pa rin ang passport na hawak mo. Maliban na lang kung naging citizen ka na. At ito na ang bago nating identity kay Cristo: “mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan” (v. 19). Meron ka nang bagong God-given citizenship, kasama ang mga karapatan at pribilehiyo na meron ang isang kabilang sa bayan at kaharian ng Diyos. Hindi ka na outsider, kundi insider, among the saints, ibinukod sa mundo ng mga taong malayo sa Diyos. At hindi ka lang basta isang ordinary citizen na wala namang access sa Hari. You belong to God’s household, bilang isa sa mga anak ng Diyos. You have access to your Father-King. Meron na tayong bagong citizenship, meron na tayong bagong pamilya. Hindi natin pwedeng isipin ang identity na ‘to in individualistic terms. This new identity is a corporate identity. Walang Kristiyano na nag-iisa. Every Christian is a family member. Kung itinuturing mo ang sarili mo na isa sa mga anak ng Diyos, ibig sabihin, ang bawat isang anak ng Diyos ay mga kapatid mo. Hindi ka nag-iisang anak.
- Our sure foundation (v. 20)
Ayon kay Pablo, ano ang nature ng church? Meron tayong bagong corporate identity, bilang isang pamilya ng Diyos. Siyempre kapag pamilya ang pinag-uusapan, it can be messy. Right? Kaya mahalagang alalahanin natin ang church ay merong sure foundation. ‘Yan ang sumunod na sinabi ni Paul sa verse 20, nag-shift siya from political and familial images to architectural para isalarawan ang nature ng church, “Tulad ng isang gusali, kayo’y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus.” Dito ay ikinukumpara ni Pablo ang church sa isang structure na nakatayo sa isang matibay na pundasyon. At ano o sino yung pundasyon na yun? Normally, siyempre, ang isasagot natin ay, “si Cristo!” Tulad ng hymn na ‘to: “The Church’s one foundation / Is Jesus Christ her Lord.” Tama naman. Sinabi rin ni Paul, “sapagkat wala nang ibang pundasyong maaaring ilagay maliban sa nailagay na, walang iba kundi si Jesu-Cristo” (1 Cor. 3:11). Pero dito sa text natin, sinabi ni Paul na si Cristo ang “cornerstone,” na para bang hindi siya ang buong pundasyon kundi ang batong nasa sulok na sa construction noong unang panahon ay isang crucial part ng foundation na nagbibigay ng stability sa building structure. Siya yung binabanggit sa Old Testament na “a precious cornerstone, of a sure foundation” (Isa. 28:16; cited in 1 Pet. 2:6-7).
Ayon kay John Calvin, “In the strict sense of the term, Christ is the only foundation. He alone supports the whole church. He alone is the rule and standard of faith. But Christ is actually the foundation on which the church is built by the preaching of doctrine; and, on this account, the prophets and apostles are called builders” (Galatians and Ephesians, 242-243). So, hindi natin pwedeng paghiwalayin si Cristo at ang preaching ng mga apostles sa New Testament. Wala tayong time para i-identify mabuti kung sinu-sino yung apostles and prophets na tinutukoy dito, kung magkaiba ba ‘yan, o pareho lang. Malinaw na tumutukoy ito sa foundational role nila sa paglalatag ng gospel doctrine sa New Testament, yung teaching nila kung sino si Cristo at kung ano ang ginawa niya para sa atin. Consistent ito sa sinabi ni Christ kay Peter matapos niyang i-confess kung sino si Cristo: “And I tell you, you are Peter, and on this rock I will build my church, and the gates of hell shall not prevail against it” (Matt. 16:18). Hindi natin kailangang mamili kung si Cristo ba o si Pedro representing the apostles ang bato ang pundasyong matibay na tinatayuan ng church. Ang di-magigiba, di-matitinag, di-mabubuwag na pundasyon ng church ay si Cristo at ang katuruan ng Bibliya tungkol kay Cristo at sa kanyang mabuting balita, the gospel.
- Theology and Application
Ano ngayon ang dapat nating matutunan dito sa verses 19-20? Dapat nating maintindihang mabuti kung ano ba ang church. Ang church ay creature of the gospel, nilikha ng Salita ng Diyos. Individually, na-born again tayo sa pamamagitan ng gospel na narinig natin (1 Pet. 1:23). At ang gospel na ‘to ang gospel din na naglagay sa atin sa church bilang pamilya ng Diyos. So, corporately, nalikha ang church sa pamamagitan ng gospel. Walang gospel, walang church. Kahit marami pang tao, kahit marami pang activities, kahit masaya ang tugtugan at awitan, kahit maganda pa ang building. Kapag si Cristo ay hindi malinaw na ipinapangaral, hindi pinaniniwalaan, at hindi sinusunod, para lang tayong nagtatayo ng church sa pundasyong puro buhangin. Maaring tumayo sandali at akalain mong totoong church, pero balang araw ay guguho at maglalaho rin. Malabnaw ang pundasyon ng isang church na tao lang ang nagtayo.
Ano ang implikasyon nito sa church natin? Marami, pero magbibigay lang ako ng ilan. Kami na mga pastor ninyo ay committed sa expositional preaching. Ibig sabihin, we will make sure na ang naririnig ninyong turo sa pulpitong ito ay kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos, hindi ang opinyon namin, o kung ano ang gusto ninyong marinig. So, dapat din kayong maging expositional listeners, to devote yourselves to the apostles’ teaching (Acts 2:42), to make sure na salita ng Diyos ang naririnig ninyo, to demand from your preachers na si Cristo ang ibinibida sa lahat, at sawayin kami kapag hindi ganyan ang narinig n’yo, “Pastor, si Cristo ang ibigay mo sa amin, hindi kung anu-anong mga bagay na infinitely less than Jesus. Give us Jesus!”
Bukod sa preaching, committed din kami na palaging i-emphasize ang kahalagahan ng church membership. Hindi pwedeng naririnig mo lang si Cristo every Sunday, pero ayaw mo namang magkaroon ng covenant commitment sa ibang mga tagasunod ni Cristo. Hindi kami makukuntento na makita lang kayo every Sunday sa loob ng church building na ‘to. We long and pray na ang church na ito ay maituring mong sariling pamilya. Pero bago siyempre kayo maging miyembro, titiyakin namin sa abot ng aming makakaaya na totoong gospel ang pinaniniwalaan ninyo at siyang bumabago sa buhay ninyo. Ang church ay binubuo ng mga Kristiyano. Kaya mahalagang tiyakin na mga tunay na Kristiyano ang mga miyembro ng church.
C. The Life of the Church and the Trinity (vv. 21–22)
We need the gospel sa simula ng buhay Kristiyano. We also need the gospel sa pagpapatuloy ng buhay Kristiyano. Ganun din sa church. Nagsimula at nagpapatuloy ang church sa pamamagitan ng gospel. Kaya dito sa huling bahagi, verses 21-22, makikita natin kung paanong utterly dependent tayo as a church sa Diyos—Ama, Anak, Espiritu—para matupad ang layunin ng Diyos para sa church: “Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang templo na nakatalaga sa Panginoon. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay sama-samang itinatayo bilang tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.” Ano ang layunin ng Diyos para sa church? Ano ang gusto niyang mangyari?
Titingnan natin ‘yan, pero tingnan muna natin kung paano mangyayari ‘yan. Paano? Simula sa verse 21, “Sa pamamagitan niya (ni Cristo)…” Sa dulo ng verse 21, “in the Lord,” si Cristo rin ang tinutukoy diyan. Sa simula ng verse 22, “Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya…” In him, in Christ. Ang buhay Kristiyano natin ay nakakabit kay Cristo. Ang buhay ng iglesya ay nakakabit din kay Cristo. Hindi lang kaligtasan natin ang dependent kay Cristo, pati na rin ang sanctification and growth natin bilang isang church. Habang patuloy tayong nakakabit kay Cristo, the more we bear fruit, not just individually, but together. Present tense yung nangyayari rito. Yung sa nakaraang verses, itinayo ang church sa pundasyon, dito naman lumalago o “lumalaki” (v. 21 AB) at “itinatayo” (v. 22), present tense, nagpapatuloy na buhay ng church. So, ano ang layunin ng Diyos para sa church?
- Growing in holiness together (v. 21)
Sa verse 21, para tayo ay lumago sa kabanalan nang magkakasama. “Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang templo na nakatalaga sa Panginoon.” Again, tulad kanina, ang image na ginagamit sa church ay architectural, “ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay…” Ang emphasis nito ay ang bawat miyembro ng church ay magkakadikit, magkakakonekta, nagtutulungan para sa paglago ng church. Hindi lang tayo nakakonekta kay Cristo, konektado tayo sa isa’t isa. Bawat miyembro ay mahalagang bahagi ng church.
Para saan? “At nagiging isang templo ng nakatalaga sa Panginoon.” Literally, “lumalaki tungo sa pagiging isang banal na templo sa Panginoon.” Meron nang paghahalo ng paglalarawan dito. Hindi lang structure na walang buhay, kundi parang puno na lumalaki, merong buhay. Hindi church building ang tinutukoy dito, hindi dami ng pera na pumapasok sa offerings, hindi sa dami ng tao na nadaragdag, bagamat pwedeng maging indicators of growth ang mga ‘yan. Pero yung paglago na tinutukoy rito ay sa paglago sa kabanalan at pagsunod. Yun ang point ng “holy temple,” tayo ay ibinukod mula sa kasalanan, mula sa mundo, tungo sa pagsunod sa Diyos. Ang church ay dapat na minamarkahan hindi kung paano tayo nagiging katulad ng mundo at nagiging attractive sa mga non-Christians, kundi minamarkahan ng presensya ng Diyos sa kalagitnaan natin. ‘Yan ang layunin ng church, kaya nga ang mga Kristiyano ay tinatawag na “saints” (v. 19). Ang layunin natin ay matulungan ang isa’t isa na lumago sa kabanalan, labanan ang kasalanan, mamuhay na ang buhay ay passionate for the glory of God sa lahat ng aspeto ng buhay.
- Growing in intimacy with God together (v. 22)
Ano pa? Kaugnay nito yung sinabi sa verse 22, “Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay sama-samang itinatayo bilang tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.” Again, image pa rin ng construction, na unfinished building project pa ang church. Hindi pa tapos ang Diyos sa church. Marami pang kailangang ayusin. Again, hindi ito mangyayari kung hiwa-hiwalay tayo. “Kayo man ay sama-samang itinatayo…” Ano ang goal? Na-reconcile na tayo sa Diyos. Objectively, malapit na tayo sa Diyos. Pero subjectively, by experience, alam nating we are not yet as close to God as we can possibly be. Ito ang gusto ng Diyos, na maitayo tayo “bilang tahanan ng Diyos.” “A dwelling place for God.” ‘Yan naman ang isang implication ng image ng church as temple of God. Tahanan, tirahan, merong intimate relationship with us. Ang church, tayong mga nakay Cristo na pinagsama-sama, ang tahanan ng Diyos. Isang bagay na tayong mga kaaway ng Diyos ay patawarin, isa pang bagay na tayo ay ampunin at ituring na kanyang mga anak at patirahin sa kanyang bahay. Pero ito ang more staggering, for that God to make us his dwelling place. So, hindi lang fellowship with one another ang purpose ng church. Mas higit pa dun, fellowship with God himself. At paano mangyayari ‘yan? “Sa pamamagitan ng Espiritu.” Ibig sabihin, hindi natin ‘yan magagawa on our own. Supernatural work ‘yan. Dependent tayo sa Espiritu.
- Theology and Application
Ano ngayon ang itinuturo sa atin ng verses 21–22? Ang layunin ng church ay lumalim sa relasyon sa Diyos at lumago sa kabanalan na tulad ng Diyos. Mangyayari lang ‘yan kung ang Diyos Ama ang hinahangad ng puso natin, kung tayo ay nakakabit kay Cristo, at kung tayo ay nakadepende sa Espiritu. Kung ‘yan pala ang layunin ng church, hindi ba’t babaguhin nito ang goals natin sa corporate worship? Magtitipon tayo tuwing Linggo ng umaga hindi para ma-entertain, hindi para magawa lang ang duty natin para we will not feel guilty, hindi para makita lang ang mga taong masaya tayo na makita at makasama. Higit sa lahat ng iyon ay para ma-enjoy natin ang relasyon natin sa Diyos, maitanghal ang kanyang dakilang gawa sa buhay natin. Pati ang layunin ng pagdi-disciple natin magbabago rin. Ang goal natin ay hindi lang makatapos ng isang book study o isang series of lessons, kundi mailapit ang bawat isa kay Cristo, mas maging dependent sa work ng Holy Spirit, mas maging intimate sa Diyos. Kaya rin tayo may church discipline, kasi dapat nating pagtulungan ang paglaban sa kasalanan at paglago sa kabanalan. Hindi natin kakayanin ‘yan nang mag-isa. Kaya merong church. Kaya kailangan natin ang church. Kaya regalo ng Diyos sa atin ang church.
Conclusion
Dito sa Ephesians 2:17–22, ipinakita sa atin ni Pablo ang di-mapaghihiwalay na koneksyon ng Trinity, ng gospel, at ng church. Putting all these together, masasabi nating merong church (universal church man ‘yan o local church) dahil sa gospel, sa mabuting balita ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, at makapagpapatuloy ang church sa pagtupad ng layuning dinisenyo ng Diyos para rito sa pamamagitan lang din ng gospel. Kaya naman dapat nating tiyakin na ang gospel ang palaging naririnig sa church, at ang church ay nagiging gospel-centered sa lahat ng aspeto ng buhay at ministry nito. Ito ang commitment ko bilang pastor ninyo, kasama ng iba pang mga elders ng church, na pangunahan ang church sa pagsisikap na lumago at mas lumalim sa gospel, that we will grow deeper into the gospel together.
Kung miyembro ka ng church, ito rin ang sinumpaan nating pangako sa church covenant natin: “Sama-sama nating pagtutulungan ang pagpapatuloy sa iglesyang ito ng tapat na ministeryo na nakasentro sa Mabuting Balita ni Cristo, sa pagpapanatili ng pagsamba nito, mga ordinansa, pagdidisiplina, at pagtuturo ng mga tamang doktrina, nang may mapagpakumbaba at masayang pagpapasakop sa mga itinalaga ng Diyos na mga tagapanguna nito.” Sama-sama. Kaya nga hinahanap kayo kapag nawawala kayo sa church nang walang paalam, walang sapat na dahilan. Kaya nga pinapa-attend namin kayo ng members’ meetings. Oo, may trabaho ang pagiging member ng church. Pero ito rin ay makakabuti sa ‘yo. Kaya, kung hindi ka pa miyembro ng church, inaanyayahan ka namin na paniwalaan ang mabuting balitang ito, isentro ang buhay mo rito, at samahan kami in growing deeper into the gospel together.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

