Kung paanong pinatatalas ng bakal ang kapwa-bakal, ang tao namaʼy matututo sa kanyang kapwa-tao. (Kawikaan 27:17 ASD)
Ang criticism ay isang bagay na karaniwang iniiwasan ng marami sa atin. Natural sa atin na iwasan ang mga di-komportableng usapan kung saan ang mga galaw, motibo, o ministeryo natin ay nalalagay sa matinding pagsusuri ng ibang tao. Hindi rin natin gustong magbigay ng criticism sa iba dahil ayaw natin na masabihang judgmental o kaya ay makasakit ng damdamin ng iba.
Kahit na hindi ito natural para sa atin, gusto kong i-suggest na ang pagbibigay at pagtanggap ng godly criticism ay mahalagang elemento sa buhay ng healthy relationships at healthy churches. Kung gusto nating tulungan ang mga tao na lumago sa pagiging maka-Diyos pero hindi naman makapagbigay ng godly criticism, hindi rin tayo makakatulong sa kanila. Ginagamit ng Diyos ang mga anak niya para sabihin ang katotohanan sa isa’t isa nang may pag-ibig, at kasama na rito ang katotohanang pumupuna. Kung wala ang elementong ito sa iyong discipling relationships, para kang isang pastol na walang tungkod.
Ano ang Godly Cristicism?
Ang mga salitang “criticism” o “critique” ay hindi gaanong mababasa sa mga English Bibles, pero ang konsepto nito ay makikita roon. Ang mga termino tulad ng pagsaway, pagpapaalala, pagtutuwid, pagsasabi, at pagtuturo ay nagtataglay ng kaparehong ideya.
Heto ang definition ko ng godly criticism: ang magbigay ng corrective evaluation sa isang tao at sa kanyang paglilingkod sa Panginoon na may intensyong tulungan ang taong iyon na lumago sa katapatan sa Diyos.
Para sa article na ito, pagtutuunan ko ang pagbibigay at pagtanggap ng godly criticism sa konteksto ng isang Christian relationship. Ito ay maaaring sa pagitan ng mag-asawa, magkaibigan, kapwa church members, o isang church staff. Gusto ko ring i-emphasize na ang pinag-uusapan natin dito ay godly criticism. Mahalaga ito dahil hindi lahat ng criticism ay maka-Diyos. Ang ibang criticism ay Satanic.
May nagbibigay ng kritisismo ayon sa kanilang makasalanang laman (1 Cor. 3:3) na walang espirituwal na karunungan (San. 3:14–16) at ang nagagawa lamang ay makasakit ng iba (Gal. 5:15). Kadalasan, ang ganitong hindi maka-Diyos na kritisismo ay naglalayong pabagsakin ang iba at itaas ang sarili para magmukhang “spiritual” (Lucas 18:11–14; Kaw. 30:32). Ang ganitong insensitibong pag-atake ay walang constructive grace at iniiwan lamang ang mga tao na sugatan kaysa natulungan.
Para tulungan tayong iwasan ang pagbibigay ng ganoong uri ng kritisismo, gusto kong magbahagi ng ilang suggestions kung paano tayo dapat magbigay at tumanggap ng godly criticism.
Paano Magbigay ng Godly Criticism
1. Ang Goal ay Paglago
Ang pangunahing goal sa anumang Christian relationship ay ang tulungan ang isa’t isa na lumago kay Cristo (Efe. 4:14–15). Ibig sabihin, ang pagpuna ay dapat na patungo sa pagpapatibay, hindi sa pagsira (2 Cor. 13:10). Kaya kapag nagsalita ka, pag-isipan at ipanalangin mong mabuti kung paanong ang mga salita mo ay makapagbibigay ng constructive grace na tutulong sa iba na maging mature kay Cristo (Efe. 4:29). Ipakita mo sa kanila kung paanong ang pagtutuwid mo, kung susundin nila, ay makakatulong sa kanila na higit na ma-reflect ang kaluwalhatian ng Diyos (Mat. 5:16).
2. Gawin Ito nang may Pagpapakumbaba
Nasisiyahan ang pride sa pag-criticize sa iba. Kaya kapag excited kang magbigay ng kritisismo, maaaring sign ‘yan na pride ang nangunguna sa puso mo. Ang pinakamabuting paraan para lumago sa humility ay ang maglaan ng oras sa pasasalamat sa Diyos para sa maraming paraan ng mapagbiyaya niyang pagtutuwid sa iyo. Ulit-ulitin kung paanong ang gospel ay mabuting balita para sa ’yo at muling alalahanin kung gaano naging gracious ang Diyos sa iyo (Efe. 2:1–5). Makakatulong ito na alisin ang troso sa iyong mata bago mo tulungan ang iba na tanggalin ang puwing sa kanilang mata (Mat. 7:1–5).
3. Magbigay ng Encouragement sa Iyong Criticism
Ang criticism ay dapat na palaging may kasamang healthy dose of encouragement. Hindi ito psychological trick para iwasang makasakit ng damdamin; sa halip, ito ay isang paraan ng pag-affirm na ang Diyos ay gumagawa sa kanila, sa kabila ng pangangailangan nila sa patuloy na paglago.
Halimbawa, kapag nagbibigay ng feedback ang staff ko tungkol sa aking leadership o preaching, kailangan ko sila para tulungan akong makita kung ano ang kailangang baguhin at ano ang kailangan kong patuloy na gawin. Ang pagpuna sa mga evidences of grace kasama ang mga kailangan ng improvement ay mas makakatulong sa inyong pag-uusap. Puwede mong basahin ito para sa higit pa tungkol sa pagbibigay ng encouragement.
4. Pag-isipang Mabuti
Pag-isipang mabuti ang sasabihin mo bago ito sabihin (Kaw. 29:20). Tutulungan ka nitong alisin ang hindi mahahalagang bagay at maging direkta sa kung ano ang kailangang iparating. Buong pananalangin mong tanungin ang iyong sarili, “Ano ang main issue na kailangan kong i-address? Ano ang gusto kong matandaan nila sa aming pag-uusap? Ano ang kailangang sabihin at ano ang puwede nang palampasin?” Ang ganitong panimula ay makakatulong sa iyo at sa taong kakausapin mo.
5. Maging Malinaw
Kapag nagbigay ka ng critique, maging malinaw hangga’t maaari. Ang tinutukoy mo ba ay isang issue na may kinalaman sa kasalanan o sa personality? Big deal ba ito o maaaring maging big deal? Isang paraan para maging mas malinaw ay ang paggamit ng mga halimbawa.
Halimbawa, ‘wag mo lang basta sabihing “wala kang galang.” Pero puwede mong subukang sabihin, “Alam ko na meron kang magagandang ideas, pero napansin ko na bigla mong pinuputol o ini-interrupt ang iba kapag nagsasalita sila. Hindi ko alam kung aware ka rito, pero puwede nitong iparamdam sa iba na hindi mo gusto o hindi mo kailangang marinig ang sasabihin nila.” Ang pagiging malinaw sa iyong kritisismo ay makakatulong para tiyak na ang issue na kailangang i-address ang mapag-uusapan.
6. Maging Mahinahon
Balutin mo ng kahinahunan ang iyong mga salita ng pagtutuwid. Ang pag-ibig ay nagnanais na ipahayag ang katotohanan sa paraang madaling tanggapin. Isang marka ng spiritual maturity ang buong kahinahunan na tulungan ang mga tao na lumago sa kanilang spiritual health (Gal. 6:1). Ang pagiging mahinahon ay hindi dapat tingnan na isang kahinaan, kundi isang heart posture na maaaring gamitin ng Diyos para akayin ang iba sa pagsisisi (2 Tim. 2:24–26). Isang paraan para lumago sa kahinahunan ay ang pag-isipan kung paano mo gustong kausapin ka ng iba kung sila ang magbibigay ng kaparehong kritisismo (Mat. 7:12). Paano ka magpapakita ng pagpapahalaga o pagpaparangal sa kanila habang tinutulungan sila na lumago (Roma 12:10)? Sa pag-consider kung paano nila papakinggan ang sasabihin mo, maiaayos mo ang iyong mga salita para maipahayag nang may kahinahunan.
7. Maging Matiyaga
“Ang pag-ibig ay matiyaga” (1 Cor. 13:4). Tandaan mo na ang ilang mga habits o kasalanan ay hindi agarang naitutuwid, lalo na kung ang mga ito ay malalalim na heart issues. Magkaroon ka ng pangmatagalang pagtingin sa inyong relationship at hilingin sa Diyos na tulungan kang alalahanin kung gaano siya naging matiyaga sa iyo (Exo. 34:6). Gagawin ka nitong mapagpakumbaba sa harap ng Diyos at matiyaga sa mga taong nais mong tulungan na maituwid.
8. Maging Prayerful
Minsang sinabi ni Ruth Graham patungkol sa kanyang asawa, “Ang trabaho ko ay mahalin si Billy; trabaho ng Diyos ang baguhin siya.” May karunungan sa sinabi niyang iyon. Kahit maaari nating dalhin ang katotohanan sa puso ng isang tao, tanging ang Diyos ang makapagpapalago ng binhing iyon (1 Cor. 3:6). Ang ibig sabihin nito ay kung hindi natin ipinagpe-pray ang mga tao, siguradong hindi natin dapat subukang baguhin sila. Tanging ang Diyos ang may kakayahang baguhin ang isang tao, kaya dapat tayong magsumamo sa kanya para sa mga taong ito.
Paano Tumanggap ng Godly Criticism
1. Maging Gutom sa Paglago
Ninanais mo bang lumago sa spiritual maturity? Gusto mo bang maging mas katulad ni Jesus? Kung oo, dapat mong gawin ang lahat para patayin ang pride na nagnanais protektahan ang image mo. Kapag kini-criticize tayo ng iba, ang natural na reaksyon natin ay ipagtanggol ang ating sarili at gumawa ng mga excuses para sa mga kritisismo na binibigay nila.
Mga kapatid, patayin ninyo ang diyos-diyosan ng imahe o reputasyon. Sinasabi ng Kawikaan 12:1, “Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo” (MBB). Matigas ang ulo ng mga ayaw mapaalalahanan dahil wala nang mas mabuti pa kundi ang maituwid para sa kaluwalhatian ng Diyos. Kaya makiusap ka sa Diyos na gawin kang nagnanais na lumago sa kabanalan at pagiging kagamit-gamit higit sa anuman. Hilingin sa kanya na tulungan kang huwag matakot na maging mas matibay sa pamamagitan ng pagiging mapagpakumbaba sa tulong ng mga taong nangungusap sa buhay mo.
2. I-assume na Kailangan Mong Maituwid
Ipinapaalala sa atin ng Kawikaan 12:15 na, “Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa” (MBB). Iniisip mo bang kailangan mo ng mga tao sa buhay mo para sawayin at ituwid ka? Ina-assume mo ba na nakikita ng mga tao ang mga bagay tungkol sa iyo na hindi mo nakikita? Kahangalan ang isipin na kahit sa best days natin ay hindi tayo matutulungan ng paalala ng iba.
3. Huwag Agad Ma-offend
Minsan nang ipinayo ni Spurgeon, “Kung hindi maganda ang tingin sa iyo ng sinuman, huwag kang magalit sa kanya, dahil mas malala ka pa kaysa sa iniisip niya sa ‘yo.” Madalas na sumisiklab ang pride sa puso natin kapag may nagtutuwid sa atin. Manalangin sa Diyos na tulungan kang alalahanin na anuman ang sabihin ng iba sa iyo, wala ito kumpara sa sinabi ng Diyos sa iyo sa gospel.
4. Magtanong para Maging Malinaw
Kapag may nagbigay sa iyo ng criticism, pasalamatan sila sa pagtulong sa iyo na lumago at pagkatapos ay mag-follow up sa pamamagitan ng mga katanungan. Humingi ka ng mga halimbawa para mas maunawaan mo. Humigi ng suggestions kung paano ka maaaring magbago. Sa paggawa nito, ang mga critiques ay nagiging conversation, na siyang pinakamagandang lugar para mangyari ang paglago.
5. I-assume na May Katotohanan sa Sinasabi ng Iba sa Iyo
Nagkakamali ang mga tao, kaya may mga pagkakataon na ang critique nila ay may pagkakamali o kaya ay hindi makatuwiran. Ang una mong response dapat ay hindi hanapan ng mali ang sinasabi nila, kundi tingnan kung anuman ang katotohanan sa sinasabi nila. Bihirang hindi ka makakita ng maliit na ginto kahit sa pinakamalaking tambak ng basura.
6. I-consider ang Church
Kapag ikaw ay tinutuwid ng iba, hindi lang ikaw ang nakikinabang. Dahil ikaw ay bahagi ng Katawan ni Cristo, ang paglago mo ay nangangahulugan ng mabubuting bagay para sa bawat isa (1 Cor. 12). Siguro ay makapaglilista ako ng 10–15 corrections na natanggap ko sa mga nakaraang taon na talagang bumago sa takbo ng aking buhay at ministeryo.
Ang isang madalas kong matandaan ay natanggap ko sa unang taon ng pangangaral ko noong i-point out ng isa sa mga kaibigan ko na madalas kong ipangaral ang krus pero madalang kong mabanggit ang muling pagkabuhay ni Jesus. Hinikayat niya akong ipangaral ang muling pagkabuhay ni Cristo. Masaya akong sinabi niya iyon, at nagpapasalamat ako sa marami pang iba na minahal ako nang sapat para ibahagi ang godly criticism nila sa akin.
7. Gawin Ito Para sa Kaluwalhatian ng Diyos
Sinasabi ng 1 Corinto 10:31, “Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos” (MBB). Sinasabi nito na ang layunin natin sa pagbibigay, pagtanggap, at pag-apply ng critique ay upang makita ang Diyos nang malinaw sa buhay natin at sa buhay ng ibang tao. Kung ang karangalan ng Diyos ang ating pinakalayunin, babantayan nito ang ating mga puso sa mahirap at mabigat na mga usapan.
Paglikha ng Kultura ng Pagtutuwid sa Church
Hindi natin gustong lumikha ng isang culture of critics na palaging naghahanap ng mali sa isa’t isa. Ang gusto nating makita ay isang church na lumalalim sa kanilang pag-ibig at malasakit sa isa’t isa na handa silang mag-engage sa malalim, masakit, punô ng biyaya, nakakatulong, humuhubog ng karakter na mga usapan na magbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos.
1. Ipangaral ang Gospel
Habang mas regular nating ipinapangaral at ina-apply ang gospel sa ating sarili at sa iba, mas lalo rin tayong nasasanay na magbigay at tumanggap ng grace-centered critique. Para matuto pa tungkol sa cross at criticism, nirerekomenda ko ang article na ito ni Dr. Alfred J. Poirier.
2. Imodelo Ito
Ang mga pastor at ang mga spiritually mature ay dapat na maging modelo sa mga nasa paligid nila (1 Cor. 11:1). Paano ka nagiging bukás sa criticism bilang modelo sa iyong kawan? Paano ka nagbibigay at tumatanggap ng godly criticism bilang parte ng iyong date nights, family meetings, staff meetings, o discipling relationships?
3. Hingin Ito
Gawing normal na bahagi ng iyong discipling relationships ang pagbibigay at pagtanggap ng godly criticism. Hindi ibig sabihin na palagi n’yo nang iki-criticize ang isa’t isa, pero gusto mong bigyan ng permiso ang bawat isa na malayang magsalita sa isa’t isa. Madalas kong sabihin sa mga tao, “Pwede mong i-point out ang anuman sa buhay ko na tingin mo ay dapat kong marinig.” Hindi ko sinasabi ‘yan sa lahat, pero alam ng mga dini-disciple ko na malaya silang tingnan ang puso ko at magtanong ng kahit ano sa akin. Napatunayan ko na ito’y mabunga at mapagpalayang gawain para sa akin.
4. I-organize Ito
Maghanap ka ng mga paraan para gawing bahagi ng iyong buhay ang pagbibigay at pagtanggap ng feedback. Sa aming date nights, minsan ay tatanungin namin ng asawa ko ang isa’t isa, “Ano ang isang bagay na gusto mong itigil ko nang gawin? Ano ang isang bagay na gusto mong simulan kong gawin? Ano ang isang bagay na gusto mong ipagpatuloy kong gawin?” Ganundin naman, ang staff meetings namin ay binubuo ng panalangin, pagpaplano at pagre-review ng services mula sa nakalipas na Linggo. Ang oras na ito ng pagtanggap ng feedback sa preaching ko ay talaga namang napakahalaga sa aking paglago bilang minister ng Salita ng Diyos.
5. Bantayan ang Iyong Sarili sa Pagkakaroon ng Critical Spirit
Kung ikaw ay bahagi ng isang church na nagbibigay at tumatanggap ng godly criticism, may mga pagkakataon na matutukso kang magkaroon ng critical spirit. Bawat awitin, bawat panalangin, bawat sermon, bawat usapan ay maaaring mapailalim sa matinding pagsusuri. Dapat nating bantayan ang mga puso natin laban dito. Hindi maka-Diyos ang maging critical o mapamuna o palapintas, pero maka-Diyos ang makatulong sa iba sa pamamagitan ng criticism. Ang pagkaunawa sa pagkakaibang ito ay mahalaga sa buhay ng bawat tao.
6. Linangin Din ang Culture of Encouragement
Ang culture of encouragement ang susi sa isang healty culture of criticism. Hindi ako sigurado kung ano ang healthy ratio, pero sana ang aking asawa at mga anak at mga kaibigan at mga partners sa ministry ay nakakarinig ng 5–10 beses na mas maraming encouragement mula sa akin kaysa sa critique. Kung ang encouragement ay intentional, persistent, at honest, ang kritisismo kung ganon ay magiging polishing cloth sa puso ng bawat isa. Kung hindi, ito ay magiging flamethrower.
7. Ipanalangin Ito
Ipanalangin sa Diyos na lumikha ng kultura sa iyong church na nagnanais na tulungan ang isa’t isa na lumago. Ipinalangin na bigyan ka niya at ang iba pa ng karunugan para gisingin ang isa’t isa patungo sa kabanalan (Heb. 10:24–25). Ipanalangin na i-cultivate niya ang kapakumbabaan sa inyong church na nasisiyahan na maituwid ayon sa katotohanan ng Diyos (Gawa 17:11). At higit sa lahat, manalangin na sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan nang may pag-ibig, ang church ay mapapatibay bilang isang katawan na nagbibigay ng kaluwalhatian kay Jesus (Efe. 4:15).
Salin sa Filipino/Taglish ng Giving and Receiving Godly Criticism: Sharpening Each Other with Your Words na isinulat ni Garrett Kell; isinalin ni Marie Manahan.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

