Nagpapasalamat ako sa Diyos at nae-encourage sa mga members na aktibong nakikibahagi sa ministeryo ng ebanghelyo o gospel ministry. Sa mga preachers at teachers na matiyagang pinag-aaralan ang Bibliya at pinaghahandaan ang sermon o ituturong lesson para matiyak na tapat na maituturo ang Salita ng Diyos. Sa mga nagtuturo sa mga kabataan kung ano ang gospel; ayaw kasi nating i-assume na dahil dito sila lumaki sa church ay alam na nila ang gospel. Sa mga nagbabahagi ng Story of God sa barangay hall ng San Jose, sa mga kamag-anak sa Primavera at Cedarville. Sa mga nagli-lead ng discipleship groups at grace community gatherings. Sa mga involved sa counseling at sa pagkausap sa mga under church discipline. Sa mga nagta-translate at nag-eedit at tumutulong para sa publishing ministry ng Treasuring Christ PH. Sa mga pastor at misyonerong sinusuportahan natin para dalhin ang gospel sa mga lugar na malayo sa atin.

Mga kapatid, patuloy nating gawin kung ano ang ipinapagawa sa atin ng Diyos to spread the gospel to all nations. Kung dumating man ang panahong parang gusto mo nang huminto, I want to encourage you to keep going. Mapapagod ka, maaaring panghinaan ka ng loob. Pwede kang magpahinga sandali, pero ‘wag kang hihinto, ‘wag kang susuko. Sa mga members naman na hindi ganoon ka-involved sa gospel ministry, I pray na magsilbing encouragement ang mensaheng ito para ma-overcome mo ang anumang fears na meron ka in doing gospel ministry.

For all of us, prayer ko na matutunan natin at masanay tayo kung paano palaging ie-encourage ang bawat isa, lalo na sa mga panahong nakikita mong ang kapatid mo ay pinanghihinaan ng loob. Hindi sa pamamagitan ng pagsasabi lang ng, “Kaya mo ‘yan. Wag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat.” Kundi sa pamamagitan ng pagpapaalala sa bawat isa ng mga mahahalagang theological truths na kailangan nating tandaan at paniwalaan. If you are not yet a Christan, I pray na pakinggan mong mabuti ang mga katotohanang ito, and may the Spirit convict you of your sin, and open our eyes para makita mo ang kagandahan ni Cristo at ang kadakilaan ng kaligtasang siya lang ang makapagbibigay.

To that end, mahalagang pakinggan natin ang sinasabi ni Pablo sa 2 Corinthians 4. We will study the whole chapter in the coming weeks. Pero ngayon, first six verses muna. Pakinggan n’yo kung paanong si Pablo, sa kabila ng maraming mga challenges sa ministry, ay hindi pinanghihinaan ng loob: 2 Corinthians 4:1–6ESV

Therefore, having this ministry by the mercy of God, we do not lose heart. But we have renounced disgraceful, underhanded ways. We refuse to practice cunning or to tamper with God’s word, but by the open statement of the truth we would commend ourselves to everyone’s conscience in the sight of God. And even if our gospel is veiled, it is veiled to those who are perishing. In their case the god of this world has blinded the minds of the unbelievers, to keep them from seeing the light of the gospel of the glory of Christ, who is the image of God. For what we proclaim is not ourselves, but Jesus Christ as Lord, with ourselves as your servants for Jesus’ sake. For God, who said, “Let light shine out of darkness,” has shone in our hearts to give the light of the knowledge of the glory of God in the face of Jesus Christ.

Kung maganda lahat ng nangyayari sa ministry ni Paul, madali pang sabihing hindi siya nadi-discourage at puro encouragement na lang ang nararanasan niya. Pero hindi madali ang ministry ni Paul at ng mga kasama niya. Kung titingnan mo sa chapter 6 ng sulat niya, sinabi niya na sila’y “nagtiis sa lahat ng uri ng kahirapan, kapighatian at mga kagipitan… hinagupit, ibinilanggo at binugbog… [naranasang] magtrabaho nang labis, mapuyat at magutom… ipahiya… laitin… itinuring na sinungaling… hindi kinikilala… itinuturing na patay na… pinaparusahan… nalulungkot… dukha… walang-wala…” (2 Cor 6:4-10). May mga taong sinisiraan siya, ina-undermine ang ministry niya, kinukuwestiyon ang integrity niya bilang apostle. Sabi ni Pablo tungkol sa kanila, “For such men are false apostles, deceitful workmen, disguising themselves as apostles of Christ” (2 Cor 11:13). It is easy to get discouraged kung ganyan ang mga experiences mo sa ministry.

Kaya remarkable na sinabi ni Paul sa verse 1, “we do not lose heart” At inulit pa niya sa verse 16, “we do not lose heart.” Sa Tagalog, “hindi kami pinanghihinaan ng loob.” Hindi lang ‘yan si Paul, kasi sabi niya, “We do not lose heart.” Pati mga kasama niya na mga co-workers sa gospel ministry. That’s my prayer for our church, na masabi rin natin, all of us, “we do not lose heart.” Hindi ibig sabihin na all the time ay ganito si Pablo, at ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng discouragement sa puso niya. Pero nagpapakita ito ng general disposition ng heart ni Paul, na hindi niya hahayaang anumang challenges sa ministry ay makahadlang sa kanya at makapagpahinto sa pagsunod niya sa pagkatawag ng Diyos sa kanya. So, obviously, discouragement is not a problem for Paul sa ministry niya. Pero sa atin kaya? Kung titingnan natin ang sinabi ni Paul sa six verses dito, makikita natin una ang problema natin, sa mga panahong hindi tayo tulad ni Pablo at pinanghihinaan ng loob, verses 1 and 2. Ikalawa, titingnan naman natin kung ano ang solusyon sa problemang ito, kung paano tayo hindi panghihinaan ng loob, verses 3 to 6.

A. Problema: Panghihina ng Loob / Losing Heart (vv. 1-2)

Bago ang solusyon, aralin muna nating maigi ang problema natin. Galing ako sa doctor kahapon, dala ang results ng third MRI sa tuhod ko na nagkaroon ng partial tear sa MCL ko eight months ago na. Same result pa rin. May punit pa rin. May improvement naman sa paglakad ko dahil sa mga therapy sessions. Pero unhealed pa rin ang MCL. Disheartening for me, kasi ang tagal-tagal na pero ganun pa rin pala. Nagrekomenda naman ang doctor ng platelet rich plasma injection, outpatient procedure lang, ang cost ay 25,000, tapos need kong magpahinga nang one week, at pagkatapos ay ituloy ang therapy sessions. May problema, may solusyon naman. Pero yung problema natin kapag pinanghihinaan tayo ng loob ay higit pa sa pisikal na sakit o panghihina na kapag nag-surgery at nagpahinga ay ayos na. This is more serious. Kaya nga kailangan nating dumaan sa xray ng Salita ng Diyos, let the Holy Spirit expose our heart problems, at hayaan ding ang Diyos ang magbigay ng lunas o solusyon.

Bakit tayo pinanghihinaan ng loob?

Kapag narinig natin si Paul na sinabing, “We do not lose heart” / “Hindi kami pinanghihinaan ng loob” (v. 1), tama lang na tanungin natin ang sarili natin, “Bakit ako pinanghihinaan ng loob? Bakit ako hindi katulad ni Pablo?” Kapag pinanghihinaan ka ng loob, nadi-discourage ka, humihina ang resolve o determination o commitment mo na magpatuloy na gawin ang mabuting dapat mong gawin. It is to grow weary, napapagod hindi lang physically, but mentally, emotionally, and even spiritually. Nung sinabi ito ni Paul, specific na tinutukoy niya dito ay yung tungkol sa desire niya sa pagpapatuloy sa paglilingkod sa gospel ministry—para sa conversion ng mga unbelievers at para sa sanctification ng mga believers. So hindi lang ito tungkol sa pagiging discouraged about life in general, sa nangyayari sa trabaho, sa mga relationships na hindi naaayos, sa mga nangyayari sa bansa natin. Ang tinutukoy rito ni Pablo ay mas specific, tungkol ito sa ministry. Malinaw ito sa verse 2 kung saan tinukoy niya ang commitment niya sa ministry ng pangangaral ng katotohanan, ng salita ng Diyos.

Ano ang mga dahilan na pwedeng magtulak sa atin para panghinaan ng loob? Kapag ilang linggo ka nang nagse-share ng Story of God, pero parang walang epekto sa mga nakikinig, walang response, at negative response pa nga. Kapag ilang beses mo nang kinakausap ang kapatid mong nagkakasala, pero wala pa ring nagbabago. Kapag nakakarinig ka ng mga negatibong salita at mga hindi valid na criticisms na kinukuwestiyon ang integrity at motivations mo. Kapag sa kabila ng mga efforts mo, sasabihan ka pa na kulang ang ginagawa mo. Kapag nag-eexpect ka ng good results sa ministry mo, pero parang masasama pa ang nangyayari. Kapag pagod na ang isip, puso, at katawan mo sa ministry, pero parang balewala ang mga efforts mo. That can be extremely discouraging.

Ano ang pwedeng mangyari kapag pinanghihinaan tayo ng loob?

Ngayon, ano naman ang pwedeng mangyari kapag pinanghihinaan tayo ng loob? Sinabi ni Pablo sa verse 2 na sa halip na panghinaan ng loob, nananatiling buo ang loob niya sa ministeryong ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Sabi niya, “But we have renounced disgraceful, underhanded ways. We refuse to practice cunning or to tamper with God’s word, but by the open statement of the truth we would commend ourselves to everyone’s conscience in the sight of God” (2 Cor 4:2). Ang crucial word dito ay yung simula, “But…” (wala sa MBB, merong “Kundi” sa Ang Biblia). Nagpapakita ito ng contrast sa verse 1. In contrast to losing heart, this is Paul’s resolve or firm commitment in ministry. Nang sabihin ni Paul na “we have renounced…” strong statement ‘yan, at sinasabing yung mga susunod niyang sasabihin ay “itinatakuwil” (AB) o “tinatalikuran” (MBB) niya.

So, by implication, kapag pinanghihinaan ka ng loob, ito ang pwedeng maging resulta o diskarte mo sa ministry: “disgraceful, underhanded ways…to practice cunning or to tamper with God’s word.” Hindi ‘yan ang diskarte ni Pablo. Pero kapag pinanghihinaan ka ng loob dahil sa mga di mo inaasahang negatibong resulta kahit faithful ka naman sa ministry, pwedeng maging prone ka na ganito ang gawing diskarte, para lang makuha mo ang resulta na gusto mo. Siguro nga makukuha mo ang approval ng mga tao, siguro nga darami ang mga taong madaragdag sa church, kung yun lang naman ang hanap mo. Pero hindi mo makukuha ang genuine conversion at life transformation na siyang gusto ng Diyos na mangyari. Ang salita ng Diyos na tapat na ipinapangaral ang paraan ng Diyos para madala ang mga makasalanan kay Cristo at para mabago sila at maging katulad ni Cristo. Wala tayong karapatang ibasura ang paraang itinakda ng Diyos at humanap ng ibang pamamaraan.

Ang “lihim at kahiya-hiyang gawain” ay isang ministry na nagkukunwaring may magandang motibo pero may nakatagong selfish motives, merong hidden agenda. “To practice cunning” ang ibig sabihin ay panloloko sa mga tao, tulad ng ginawa ng diyablo na binaluktok din ang salita ng Diyos, “to tamper with God’s word,” may binawas o may idinagdag sa salita ng Diyos. Kapag may idinagdag ka sa salita ng Diyos o binaluktot mo ang salita ng Diyos, tulad ng ginagawa ng mga prosperity gospel preachers, hindi na yun salita ng Diyos kahit tunog salita ng Diyos; salita na yun ng tao, o mas malala pa, salita iyon ng diyablo mismo! ‘Yan ang posibleng mangyari kapag huminto na tayo sa pangangaral ng salita ng Diyos. So…

Sa halip na panghinaan ng loob, ano ang dapat nating tularan kay Pablo?

Hindi babaguhin ni Pablo ang diskarte niya para lang makuha ang resultang ine-expect ng ibang tao. Kaya sabi niya, verse 2 pa rin, “Sa halip, hayagan naming ipinapangaral ang katotohanan. Kaya’t maaari kaming suriin ninuman sa harapan ng Diyos.” When Paul preaches the gospel, it is an “open statement of the truth,” meaning, sinasabi lang niya nang malinaw kung ano ang sinasabi ng Diyos. Ipinapaliwanag, that is, expository. Ine-expose kung ano ang salita ng Diyos. Hindi ito tungkol sa sarili niyang ideya o opinyon. Kahit maraming nagsasabi nang masama laban sa kanya, kumpiyansa si Pablo na ito ang tamang paraan ng paggawa sa ministry, na malinis ang konsensya niya, at hinahamon pa niya ang mga kumakalaban sa kanya na suriin ang ministry niya kung ito ba ay ayon talaga sa salita at kalooban ng Diyos. He can stand before God’s judgment na walang takot. Paul is so confident that it is the right way of doing ministry that he declares that he is doing this with integrity, his conscience is clear, he can stand before God without fear. Sabi niya earlier sa sulat, “Hindi kami katulad ng marami na kinakalakal ang salita ng Diyos. Sa halip, bilang sugo ng Diyos, sa kanyang harapan at sa aming pakikipag-isa kay Cristo ay buong katapatan kaming nangangaral” (2 Cor 2:17).

Kung panghihinaan tayo ng loob, hindi tayo makapagpapatuloy sa tapat na pagtuturo ng salita ng Diyos. Kung hindi naman tayo panghihinaan ng loob, at tutulad kay Pablo, tulad din ni Pablo ay makapagpapatuloy tayo sa faithful gospel ministry. At ito naman ang nais ng Diyos para sa bawat Kristiyano. We are “always to pray and not lose heart” (Luke 18:1). “Huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti” (Gal 6:9 ASD). “Mga kapatid, huwag kayong magsasawa sa paggawa ng mabuti” (2 Thess 3:13 MBB). Instead of losing heart, like Paul we must have “confidence… through Christ toward God” (2 Cor 3:4); “malakas ang aming loob” (3:12); “malakas ang aming loob…malakas ang aming loob” (5:6, 8). Hindi pinanghihinaan ng loob.B. Solusyon: Paano Hindi Panghinaan ng Loob / How Not to Lose Heart (vv. 4-6)

Ngayon, ang susunod na tanong, paano lalakas ang loob natin na tulad ni Pablo? Ano ang solusyon kapag pinanghihinaan tayo ng loob? Hindi naman ganoon kadali na sasabihin mo lang sa isang kapatid na nadi-discourage, “Lakasan mo lang ang loob mo.” Tapos, lalakas na agad ang loob niya. Ang solusyon na makikita natin sa isinulat ni Pablo ay theological, mga theological reasons kung bakit hindi siya pinanghihinaan ng loob. May mga expectations tayo na hindi nangyayari kaya nadi-discourage tayo. So, we need to learn how to adjust o re-calibrate our expectations. At mangyayari ‘to kung aalalahanin natin ang ilan sa mga mahahalagang doktrina na may malaking implications in doing gospel ministry. Ang una ay may kinalaman sa…

1. Human depravity: I-expect mo na ang mga di-Kristiyano ay bulag sa katotohanan (vv. 3-4).

Gusto siyempre ni Pablo na lahat ay maniwala sa mensahe ng mabuting balita. Yun din naman ang prayer natin when we share the gospel. Pero hindi niya ine-expect, at hindi rin natin dapat na i-expect, na lahat ay maniniwala. Malinaw sa verses 3 to 4 na isa sa dahilan kung bakit hindi siya pinanghihinaan ng loob ay dahil para sa kanya expected lang na ang mga unbelievers ay hindi magre-respond naturally sa mensahe niya, maliban na lang kung kikilos ang Diyos supernaturally sa puso nila (na makikita naman natin sa verses 5 to 6).

Kahit na nga malinaw ang presentation niya ng gospel message, convincing ang mga arguments na ginagamit niya para maniwala sila, alam niya ‘to, “na “our gospel is veiled” (v. 3), “may talukbong pa ang Magandang Balitang ipinapahayag namin.” Itong talukbong na ito ay may reference sa talukbong sa mukha ni Moises kaya hindi nakikita ng mga Israelita ang kaningningan ng mukha niya at sa talukbong na nananatiling nakatakip sa puso nila, na binanggit niya sa previous chapter (2 Cor 3:13, 15). So kung ang gospel ay may talukbong, ibig sabihin na ang kagandahan at kaningningan nito ay nakatago at hindi makikita ng unbelievers na ito ay kapani-paniwala, kaibig-ibig, at katanggap-tanggap. “Kung may talukbong pa ang Magandang Balitang ipinapahayag namin, ito’y may talukbong lamang sa mga napapahamak.” O, “perishing.” Ito yung mga unbelievers na naturally, sa kanilang likas na lagay bilang makasalanan, ay patay na walang spiritual life at bulag na walang spiritual light. Itong pagiging “patay” spiritually ang binabanggit ni Paul na dati nating kalagayan sa Ephesians 2:1-3.

Dapat nating i-expect na ito ang kalagayan ng lahat ng mga tinuturuan natin ng gospel. ‘Wag kang panghinaan ng loob kung hindi sila mag-respond positively, kung hindi nila makita si Cristo, kung hindi sila mag-repent, kung hindi sila magtiwala kay Cristo, kung ayaw nilang tanggapin si Cristo ay altogether beautiful and lovely. Ito yung doctrine of total depravity na kailangan nating paniwalaan, na makasalanan ang tao at walang kakahayan (total inability) sa sarili niya na lumapit kay Cristo. Hindi kaya ng bulag na makakita. Hindi kaya ng patay na buhayin ang sarili niya. Hindi kaya ng alipin na palayain ang sarili niya. Kung totoo ito, i-adjust natin ang expectations natin sa kanila. Matutulungan din tayo nito na i-resist ang temptation na baguhin ang mensahe natin para lang maging kapani-paniwala at katanggap-tanggap ito sa kanila. Makakatulong din ito para hindi natin sisihin ang sarili natin kapag ang mga mahal natin sa buhay ay ayaw pa ring lumapit kay Cristo kahit 20 years mo na na binabahagi ang gospel sa kanila. Para hindi mo sabihin, “Kasalanan ko siguro kung bakit. Siguro hindi ako malinaw magsalita. Siguro kung si pastor ang magpi-preach sa kanila, baka mas maging effective.” No, no, no.

Sino ngayon ang dapat sisihin? Siyempre responsible ang unbeliever kapag ayaw niyang maniwala. Hindi lang wala siyang kakayahan, kundi ayaw niya. “People loved the darkness rather than the light because their works were evil” (John 3:19). Bukod sa unbeliever, responsible din ang diyablo, “the god of this world” na tinutukoy ni Paul sa verse 4, “In their case the god of this world has blinded the minds of the unbelievers.” Bulag na ang unbeliever. Pero sinabi ni Paul dito na gawa ni Satanas din kung bakit nananatili silang bulag, para manatili ang talukbong sa mga puso nila. Para ano? “To keep them from seeing the light of the gospel of the glory of Christ, who is the image of God.” Merong liwanag ang gospel. Pero gaano man kaliwanag ang araw, hindi ito makikita ng bulag (John Calvin, Commentary on 2 Corinthians). Wala sa liwanag ng araw ang problema, nasa bulag na hindi nakakakita. The gospel is the gospel of the glory of Christ, who is the image of God. Gaano man kaganda si Cristo, gaano man kaibig-ibig, gaano man kaakit-akit, imposible sa isang bulag na makita ang lahat ng iyon tungkol kay Cristo at sa kanyang pagka-Diyos. Wala kay Cristo ang problema, kundi nasa bulag na hindi nakakakita.

Wala sa gospel ang problema. Wala kay Cristo ang problema. Wala sa preacher ang problema (unless hindi siya faithful, of course!). Ito ay dahil ang unbeliever ay bulag sa espirituwal na liwanag at si Satanas ay powerfully at work para manatiling bulag ang bulag. Alalahanin mo ‘yan para hindi ka panghinaan ng loob kapag ang kapamilya mo ay matigas pa rin kahit ilang beses mo nang ibinahagi ang mabuting balita ni Cristo. Pero siyempre, higit pa riyan, dapat nating tandaan na merong greater power kaysa kay Satanas. Kaya mahalaga ang sumunod na doktrina…

2. God’s sovereignty: I-expect mo ang makapangyarihang pagkilos ng Diyos sa tapat na pangangaral ng kanyang Salita (vv. 5-6).

Knowing na wala sa kamay natin para ma-convert ang mga unbelievers, wala na rin ang pressure sa atin. We just have to take care of our responsibility. Simple lang, ipangaral lang natin nang tapat ang gospel. Yun naman kasi yung paraan na ginagamit ng Diyos. Without that, walang conversion na mangyayari. Pero kung meron mang faithful preaching, pero wala yung supernatural work of God, wala ring mangyayari. Dito sa verses 5 and 6 ay makikita natin na kumpiyansa si Pablo sa sovereign power ng Diyos na kumikilos sa pamamagitan ng tapat na pangangaral kay Cristo.

Kaya nananatili siyang tapat, tulad ng sinabi na niya sa verse 2, sa pangangaral ng “katotohanan.” Si Cristo ang katotohanan (John 14:6). Kaya sinabi niyang, “Hindi namin ipinapangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus bilang Panginoon” (2 Cor 4:5). Ano ba naman ang admirable and lovely and attractive in us? Ano ba naman ang meron sa sarili natin na maio-offer natin sa iba? Si Cristo ang kailangan nating lahat. So, we proclaim Jesus, siya ang ating Tagapagligtas. We proclaim Christ, siya ang anointed one para maging prophet, priest, and king natin. We proclaim him as Lord of all, si Yahweh mismo na lumikha sa lahat at namamahala sa lahat ng kanyang nilikha. Sinasabi natin sa mga tao na lahat ay kailangang magsisi at tumalikod sa pagrerebelde sa kanya at magpasakop sa kanyang paghahari. Lahat ay kailangang kilalanin siya na katuparan ng plano at pangako ng Diyos. Lahat ay kailangan sumampalataya sa kanya bilang nag-iisang makapagliligtas sa kanila mula sa kadiliman tungo sa liwanag, mula sa kapangyarihan ni Satanas tungo sa Diyos, mula sa pagkakaalipin sa kasalanan tungo sa kalayaan ng buhay na nasa ilalim ni Cristo. Hindi lang good news of salvation ang dala-dala natin, nananawagan din tayo sa mga tao to respond with urgency.

Being faithful to this message is not just how we serve unbelievers. This is also how we serve Christ and his church. Sinabi pa ni Pablo sa verse 5, “At kami ay lingkod ninyo alang-alang kay Jesus.” Ang “lingkod” ay galing sa Greek na doulos, ibig sabihin literally ay “slave” o “alipin.” Unang-una siyempre na identity natin ay pagiging alipin ni Cristo, kaya nga sinabi ni Paul na “alang-alang kay Jesus.” Pero surprisingly, sinabi din niya na sila ay alipin ng mga taga-Corinto. Ibig sabihin, sa preaching of the gospel, hindi sariling agenda o interes ang hangad natin, kundi kung ano ang makakabuti para sa church. Hindi makakabuti para sa church na magkaroon ng mga preachers at teachers na unfaithful sa gospel message. Kung ganun kasi, magkakaroon ng duda ang mga Christians kung sapat ba talaga ang salita ng Diyos for evangelism and discipleship, for conversion and sanctification. Nagdudulot ito ng pagdududa o pag-aalinlangan sa kapangyarihan ng Diyos to accomplish kung ano ang gusto niyang ma-accomplish through the preaching of his Word (Isa 55:10-11).

Kaya pagdating sa verse 6, inalala ni Paul kung paano niya naranasan ang kapangyarihang ito ng Diyos sa sarili niyang conversion experience: “For God, who said, ‘Let light shine out of darkness,’ has shone in our hearts to give the light of the knowledge of the glory of God in the face of Jesus Christ.” Ang conversion experience ni Paul ay naka-record sa Acts 9. Unforgettable ‘yan talaga para kay Paul. May nakita talaga siyang liwanag na bumulag muna sa kanya bago siya nakakita ulit. May narinig siyang audible voice ni Cristo na kumausap sa kanya. Hindi lahat ay merong ganitong spectacular conversion experience na tulad ni Paul. Pero hindi lang si Paul ang nakaranas ng 2 Corinthians 4:6 conversion experience. Pati mga co-workers niya, pati mga Corinthian Christians, at lahat ng mga totoong Christians na born again and converted.

So, para hindi tayo panghinaan ng loob, lagi nating alalahanin kung ano ang ginawa ng Diyos in our conversion. Paano ba tayo naging Kristiyano? Paano ba tayo nakapag-respond in faith sa mabuting balita ni Cristo? Hindi dahil we are better kaysa sa mga kapitbahay natin at sila ay worse sinners than us. No. Ito ay dahil sa gawa ng Diyos. “For God who said, ‘Let light shine out of darkness’…” (2 Cor 4:6). May reference ito sa Genesis 1:3 sa paglikha ng Diyos. Bago magsalita ang Diyos, walang liwanag, puro kadiliman. Nang nagsalita ang Diyos, nangyari ang itinakda niyang mangyari (Isa 55:10-11). Ang conversion natin ay act of creation, a new creation (2 Cor 5:17). Na-convert tayo dahil nagsalita nag Diyos na magkaroon ng liwanag sa bulag nating puso, sa pamamagitan ng preaching of the word. “For God (that creating God)… has shone in our hearts to give us the light of the knowledge of the glory of God in the face of Jesus Christ” (2 Cor 4:6). During our conversion, nakita natin for the first time kung gaano kaganda ang magandang balita, kung paanong si Cristo ang Tagapagligtas na kailangan nating mga makasalanan, and we embraced that truth and that Christ with all our hearts.

Pansinin n’yo na itong phrase na ‘to sa verse 6 ay parallel sa verse 4, “the light of the gospel of the glory of Christ, who is the image of God.” Ang “knowledge” na kailangan nating malaman ay yung “gospel”—kung sino ang Diyos na banal, kung sino tayo na makasalanan, kung sino si Cristo na tunay na Diyos na naging tunay na tao, kung ano ang ginawa niya sa krus (inako niya ang kasalanan natin sa kanyang kamatayan), at kung paano siya muling nabuhay to accomplish everything we need for salvation, at kung paano tayo tutugon in repentance and faith. Pansinin n’yo rin na parallel ang “the glory of Christ, who is the image of God” sa “the glory of God in the face of Jesus Christ.” The glory of Christ, then, is the glory of God. Dahil si Cristo ay ang Diyos mismo. Dapat maging malinaw ‘yan sa preaching natin ng gospel. Ang “gospel” ng Iglesia ni Cristo at ng Jehovah’s Witnesses at ng mga Mormons ay hindi totoong gospel dahil ginagawa nila si Cristo na mas mababa kaysa sa Diyos (see Col 1:15-17; Heb 1:1-3; John 1:14, 18).

The glorious Christ, ‘yan ang nakita natin na nagniningning ang kagandahan sa puso natin noong tayo ay naging Kristiyano. Paano nga mangyayari ‘yan kung tayo ay bulag? “God…has shone in our hearts.” Tinatawag itong “irresistible grace” dahil nung oras na ginawa ‘yan ng Diyos sa puso natin, ang bulag ay biglang nakakita na at nasilayan for the first time the glory of Christ, ang patay ay nabuhay na, at ang mata at puso natin ay so captivated by his beauty na hindi na natin matatanggihan, irresistible indeed. That is why we can sing “Amazing grace, how sweet the sound / that saved a wretch like me / I was once lost, but now am found / was blind, but now I see.”

So, ang sinasabi dito ni Paul ay ganito: kung ganito ang nangyari sa atin, kung naranasan natin ang supernatural power ng Diyos to overcome our blindess, our stubborness, our deadness, kaya niya itong gawin kahit kanino. Of course, hindi naman ‘yan ginawa at gagawin ng Diyos sa lahat. Meron siyang kalayaan—his sovereign prerogative—na gawin ‘yan kung kanino niya gustuhin. Siya ang Diyos, hindi tayo. (See Jesus’ conversation with Nicodemus in John 3:3, 5-8). Walang sinuman ang na-born again sa sarili niyang lakas at kagustuhan, kundi sa kapangyarihan at kalooban ng Diyos (John 1:12-13). Walang patay ang may kakayahang buhayin ang kanyang sarili; Diyos lang ang kayang bumuhay sa patay (Eph 2:5-6). Hindi natin alam ang lihim na kalooban ng Diyos sa kaligtasan, but we can pray and expect na ang bulag spiritually ay makakita, ang patay spiritually ay magkaroon ng buhay. Ginawa niya ‘yan sa ‘yo. Kaya rin niya ‘yang gawin sa iba. ‘Wag mong i-underestimate ang kapangyarihan ng Diyos o i-overestimate ang katigasan ng puso ng tao. Walang imposible sa Diyos. So, do not lose heart.

Heto naman ang ikatlong kailangan nating alalahanin para hindi tayo panghinaan ng loob, lalo na sa panahong hindi nangyayari ang ine-expect nating resulta.

3. God’s mercy: I-expect mo ang awa ng Diyos sa ministeryo natin (v. 1).

Obvious sa last point na ang kaligtasan natin ay dahil lang talaga sa awa ng Diyos. Lagi nating tandaan ‘yan, kung hindi tayo kinahabagan ng Diyos, paano na tayo? Pero kailangan din nating tandaan na itong awa ng Diyos na tinanggap natin sa kaligtasan natin ay ang pareho pa ring awa at habag ng Diyos na tutulong sa atin sa araw-araw. Balikan natin ang verse 1. Bago niya sinabing, “we do not lose heart,” ganito ang sabi niya, “Therefore (pagkatapos niyang sabihin kung paanong ang ministry under the new covenant ay higit na mabuti kaysa sa ministry under the old covenant), having this ministry by the mercy of God, we do not lose heart.” Itong ministry niya, diakonia, paglilingkod sa iba with the life-giving power of the gospel, ay tinanggap ni Paul hindi dahil higit na mabuti siya o more qualified siya kaysa sa iba. No, it is only “by the mercy of God.” Isinalarawan nga niya yung buhay niya bago siya ma-convert bilang pagrerebelde laban sa Diyos, pero iniligtas pa rin siya at in-appoint sa ministry dahil lang sa awa ng Diyos, “I received mercy” (1 Tim 1:13, 16), sabi niya dalawang beses.

His salvation, our salvation, is mercy. His ministry, our ministry, is also mercy. Ibig sabihin, tinanggap natin dahil lang sa awa ng Diyos, at makapagpapatuloy tayo sa paglilingkod at hindi panghihinaan ng loob sa pamamagitan ng awa ng Diyos. Kaya nga sinabi rin ni Paul, at masasabi rin natin, “But by the grace of God I am what I am, and his grace toward me was not in vain. On the contrary, I worked harder than any of them, though it was not I, but the grace of God that is with me” (1 Cor 15:10). O tulad ni David sa Psalm 23:6 “Surely goodness and mercy shall follow me all the days of my life…” Literally, kabutihan at awa ng Diyos ang hahabol sa atin sa bawat araw. Bakit ka panghihinaan ng loob kung hindi ka tatantanan ng awa ng Diyos? Conclusion

So, may problema tayo, pinanghihinaan tayo ng loob. Anuman ang dahilan niyan, tandaan natin na may solusyon. Alalahanin natin ang implikasyon ng doktrina ng human depravity (bulag ang taong wala kay Cristo), God’s sovereignty (makapangyarihan ang Diyos, he can open the eyes of the blind), at God’s mercy (sapat ang awa ng Diyos sa atin bawat araw).

Ang awa ng Diyos ay evident sa pagpapadala niya ng tulong na kailangan natin. Ang tulong na ito ay siya mismo, ang Banal na Espiritu. Obvious ito sa verse na directly sinundan ng passage natin, 2 Corinthians 3:18 “And we all, with unveiled face, beholding the glory of the Lord, are being transformed into the same image from one degree of glory to another. For this comes from the Lord who is the Spirit.” Hindi lang ito para sa mga taong pinaglilingkuran natin. Ito ay para sa atin din, “we all.” Kapag binubuksan ng Espiritu ang mata natin para mas lalo pa nating makita, mas lalo pa nating titigan ang kagandahan ni Cristo sa pamamagitan ng mismong Salita na ipinapangaral natin sa iba. Oh how much we need to listen to the same gospel we preach to others! Si Cristo na sinasabi nating kailangan ng ibang tao ay si Cristo na kailangan din natin. Lalo na kapag pinanghihinaan tayo ng loob. And when Christ is beautiful and lovely in our hearts, we will never ever lose heart.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply