John 6:60-71 ESV

60 When many of his disciples heard it, they said, “This is a hard saying; who can listen to it?” 61 But Jesus, knowing in himself that his disciples were grumbling about this, said to them, “Do you take offense at this? 62 Then what if you were to see the Son of Man ascending to where he was before? 63It is the Spirit who gives life; the flesh is no help at all. The words that I have spoken to you are spirit and life. 64But there are some of you who do not believe.” (For Jesus knew from the beginning who those were who did not believe, and who it was who would betray him.) 65 And he said, “This is why I told you that no one can come to me unless it is granted him by the Father.” 66 After this many of his disciples turned back and no longer walked with him. 67 So Jesus said to the twelve, “Do you want to go away as well?” 68 Simon Peter answered him, “Lord, to whom shall we go? You have the words of eternal life, 69 and we have believed, and have come to know, that you are the Holy One of God.” 70 Jesus answered them, “Did I not choose you, the twelve? And yet one of you is a devil.” 71 He spoke of Judas the son of Simon Iscariot, for he, one of the twelve, was going to betray him.

INTRODUCTION:
Isa po sa malaking suliranin na kinakaharap po ng mundo ngayon ay ang pagdami ng iba’t ibang klase ng fake. Mayroong fake na pera. Fake na piyesa ng motor o sasakyan fake na cellphone. Fake na sabon. At pati po fake na kaibigan, Meron na! At sobrang galing pong mameke ng mga tao. Talaga pong mahihirapan po tayong i-distinguish kung ano ang totoo sa hindi. Kaya marami pong naloloko at marami pong napepeke.

Pero may mas malala po tayong problema maliban po sa mga pekeng nabanggit kong ito. At iyan po ay ang paglaganap ng mga pekeng alagad ni Cristo. Marami po sa atin ay nahihirapang i-distinguish sino ba talaga ang totoong alagad sa hindi. Ito po ay dahil ginagawa din naman ng mga pekeng alagad ang ginagawa ng mga tunay. Kumakanta din sila ng mga songs na kinakanta natin. Umaattend din sila sa church na inaattendan natin. In fact, may mga pagkakataon nga na kasama pa sila sa ministry na kinabibilangan natin! Pero ang worst, hindi po natin sila makilala, kasi maaring tayo mismo ay self-deceived. Inaakala natin na tayo ay tunay na nasa pananampalataya pero in reality po ay hindi. Kabilang po pala tayo dun sa mga hindi tunay. Kaya po kapag may biglang nawala at hindi na nagpatuloy na ating kasama, nakakapagbigay po tayo ng maling conclusion na, “ay ligtas ‘yan dati, eh! Kasabay ko pa nga ‘yan nabaptize. Kaso hindi na nagpatuloy, kaya nawala na yung kaligtasan.”

Well, totoo po bang nawawala ang kaligtasan? Ang isa po bang tao na minsan na nagpahayag na mananampalataya, at biglang tumalikod, ay nawalan ng kaligtasan? Sa umaga pong ito, mga kapatid, gusto ko pong ipakita sa inyo, by making a contrast between 2 kinds of disciples na nakita ko sa ating teksto ngayong umaga, na hindi tunay na nawawala ang kaligtasan ng isang tunay na mananampalataya. At kung mayroon man pong nagpakilalang mananampalataya, ngunit tumalikod, ito po ay nangangahulugang hindi talaga siya naligtas kailanman. Yung akin pong sermon ngayong umaga ay mayroon lamang pong dalawang bahagi. Ang una po ay pinamagatan kong 1) Ang Mga Pekeng Alagad (vv. 60-66). Ang pangalawa naman ay 2) Ang Mga Tunay na Alagad (vv. 67-71). Pag aralan po natin isa-isa, mga kapatid. Ang una po ay…

I. ANG MGA PEKENG ALAGAD (vv. 60-66)

Makikita po natin ang mga ito in vv. 60-66. Sa mga talata pong ito, makikita po natin ang ilan sa mga katangian ng mga pekeng alagad na ito kaya po natin sila natawag na peke o huwad. Unang katangian po nila na makikita natin sa talata ay…

A. Hindi Nila Gusto ang Salita ni Cristo (vv. 60-62)

Makikita po natin iyan in vv. 60-62. Ang sabi po dito, v. 60,

60 When many of his disciples heard it, they said, “This is a hard saying; who can listen to it?” 

Ito po yung naging response ng kanyang mga alagad matapos po nilang marinig yung pagtuturo ng ating Panginoong JesuCristo tungkol sa Kanyang sarili bilang tinapay ng buhay in vv. 22-59. Makikita po natin sa context na gusto po nilang maghimala muli ang Panginoong JesuCristo. Gusto po nila na gumawa muli siya ng tinapay para sila ay makakain at mabusog gaya ng ginawa niya noong una in 6:1-14. Bagay po na hindi tinolerate ng ating Panginoong JesuCristo. Ipinaliwanag po ng ating Panginoong JesuCristo sa mga materyalosong alagad na ito, na ang pinakailangan nila ay hindi ang temporal na tinapay kundi ang tinapay na nagmula sa langit! Ang tinapay ng buhay na walang iba kundi ang Kanyang sarili! At sa conclusion po ng kanyang pagtuturo sa sinagoga sa Capernaum sinabi niya, in chapter 6:53-58,

53 So Jesus said to them, “Truly, truly, I say to you, unless you eat the flesh of the Son of Man and drink his blood, you have no life in you. 54 Whoever feeds on my flesh and drinks my blood has eternal life, and I will raise him up on the last day. 55 For my flesh is true food, and my blood is true drink. 56 Whoever feeds on my flesh and drinks my blood abides in me, and I in him. 57 As the living Father sent me, and I live because of the Father, so whoever feeds on me, he also will live because of me. 58 This is the bread that came down from heaven, not like the bread the fathers ate, and died. Whoever feeds on this bread will live forever.”

Kaya naman po pag dating sa v. 60, nabasa po natin na hindi nila na-appreciate yung sinabi ng ating Panginoong JesuCristo sapagkat niliteral nila ito at hindi nakita ang espirituwal na kahulugan sa likod ng matalinghagang kapahayagang ito ng ating Panginoong JesuCristo. Pero imbis na sila po ay magtanong sa ating Panginoong Jesus sa ibig sabihin nito, sila po ay nagmaktol! Sila po ay nagreklamo! Ang sabi nila in v. 60,

“This is a hard saying; who can listen to it?” 

Yung salita pong “hard” doon po sa phrase na “hard saying” ay galing po sa Salitang Griego na Σκληρός na may ibig sabihin na offensive and intolerable. Ito po ay offensive dahil iniisip ng mga Judio na gusto silang gawing canibal ng ating Panginoong Jesus! Bagay na kabawal-bawalan sa batas ng mga Judio. At ito po ay intolerable o hindi katanggap-tanggap na pananalita dahil ang dine-demand nila from our Lord Jesus Christ ay literal na bread! Pero ang inaalok ng Panginoon na higit nilang kailangan ay ang eternal bread, namely, himself! So, imbis po na magtanong sila sa ibig sabihin noong sinabi ng Panginoong Jesus, nagreklamo lang sila ng nagreklamo gaya ng gawain ng kanilang mga ninuno sa Lumang Tipan. Kung nagtanong lang sana sila sa Panginoong Jesus, sana nalaman nila na hindi ibig sabihin ng ating Panginoong Jesus dito na gusto niyang literal siyang kainin ng mga alagad kundi ito po ay simbolo lamang ng kanyang katawan na ipapako sa krus at dugo na dadanak dito para sa katubusan ng lahat ng mga makasalang sasampalataya sa kanya! Ngunit hindi nila ginawa. At dito nari-reveal yung sinful heart nila na hindi naman talaga sila interesado sa mga sinasabi ng ating Panginoong Jesus.  Ang tanging mahalaga lang talaga sa kanila ay ang mga temporal na bagay gaya ng kagalingan sa kanilang karamdaman at unlimited supply ng bread! At marami pong mga nagpapakilalang “alagad ni Cristo” ang ganyan! Mga nagpapakilalang “Christian” pero in reality ay “Chris-tiyan!” Sapagkat ang tanging mahalaga lang sa kanila ay ang mga mailalaman sa kanilang tiyan! Ang tanging mahalaga lang sa kanila ay ang pera, career, masayang relasyon sa pamilya at lahat ng mga bagay na ino-offer ng sanlibutan! Pero pagdating po sa pag aaral ng mga doktrina tungkol sa ating Panginoong JesuCristo, pag dating po sa pag aaral ng Gospel, hindi na sila interesado! Kagaya po ng mga pekeng alagad na ito na nabasa natin in v. 60. Kaya naman po pag dating sa vv. 61-62, mababasa po natin na ni-rebuke po sila ng ating Panginoong JesuCristo.  Ang sabi po niya,

61 But Jesus, knowing in himself that his disciples were grumbling about this, said to them, “Do you take offense at this? 62 Then what if you were to see the Son of Man ascending to where he was before?

So, sinabi ng ating Panginoong JesuCristo na kung dito pa nga lang sa simpleng pagtuturo niya, eh, hindi na nila matanggap, paano pa kaya kung makikita nila yung pagbabalik ng Panginoong Jesus sa langit kung saan Siya nag mula! And we all know, bago iyan mangyari ay kinakailangan munang magsa-suffer siya ng isang nakakahiya at napakalupit na kamatayan, namely, ang kamatayan sa krus! Bagay na katitisuran sa mga Judio at kamangmangan sa mga Gentil (1 Cor. 1:23)! Paano nila matatanggap na ang Mesias, na inaakala nilang magsasalba sa kanila mula sa kuko ng Roman Empire ay isang araw ay magdurusa sa krus bago siya bumalik sa kaluwalhatian? So, nakita po natin na nirebuke po sila ng ating Panginoong JesuCristo dahil sa kawalan nila ng kagustuhan na maunawaan ang Kanyang Salita. Ngunit ang kanilang kawalan po ng interest na maunawaan ang Salita ni Cristo ay hindi lang po nanggagaling sa struggle nila na maunawan ito.  Ito po ay nanggagaling sa kanilang kawalan ng pananampalataya!  At iyan po yung makikita nating susunod na marka ng isang pekeng alagad. Sila po ay…

B. Hindi Sila Sumasampalataya Kay Cristo (vv. 63-64)

Please note vv. 63-64,

63It is the Spirit who gives life; the flesh is no help at all. The words that I have spoken to you are spirit and life. 64But there are some of you who do not believe.” (For Jesus knew from the beginning who those were who did not believe, and who it was who would betray him.) 

Let’s focus po muna doon sa 1st sentence na sinabi ng Panginoon in v. 63,

63It is the Spirit who gives life; the flesh is no help at all.

Considering yung context, namely, yung bread of life discourse ng ating Panginoong JesuCristo, sinasabi po niya dito, na yung iniisip nila na literal na pagkain ng katawan ni Cristo at pag-inom sa Kanyang dugo ay walang maitutulong sa usapin ng pagkakaroon ng buhay na walang hanggan. In other words, walang maitutulong ang flesh or ang ano mang bahagi ng tao para siya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan! Trabaho iyan ng Espiritu Santo! Siya ang nagpapanganak muli at nagbibigay buhay sa patay na espiritu ng tao at hindi po ang sinomang tao gaano man siya karelihiyoso (gaya ni Nicodemo), katalino (gaya ng mga Fariseo) at kadiskarte (Jn. 3).

Ang sabi po sa Jn 1:12-13,

12 But to all who did receive him, who believed in his name, he gave the right to become children of God, 13 who were born, not of blood nor of the will of the flesh, nor of the will of man, BUT OF GOD (emphasis mine).

Now, ito pong Holy Spirit na ito na nagpapanganak muli sa tao upang magkaroon sila ng kakayanang sumampalataya kay Cristo ay nananahan ng walang sukat sa ating Panginoong JesuCristo (1:32; 3:34). At dahil nananahan sa kanya ang kapuspusan ng Banal na Espiritu, ang kanyang mga salita ay produkto o bunga ng Banal na Espiritu, kaya tinawag itong “spirit” (v. 63).  At ito din ay nagreresulta ng buhay na walang hanggan sa lahat ng sasampalataya, kaya tinawag din niya itong “life” in v. 63. Ngunit kahit gaano po kaganda at kabuti ang ino-offer na benepisyo ng ating Panginoong JesuCristo sa kanyang Salita na puspos ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, wala pa din pong kainte-interest ang mga pekeng alagad dito dahil hindi sila sumasampalataya!

Again, ang sabi po sa v. 64,

 64But there are some of you who do not believe.” (For Jesus knew from the beginning who those were who did not believe, and who it was who would betray him.)

Now, maaari po nating madaya ang ating mga kasama sa church na tayo ay tunay na sumasampalataya. Maari nating madaya ang mga elders ng church at makalusot tayo sa church membership interview because they can’t read our hearts. They will just base on your outward profession of faith.  Maaari tayong magpretend na tunay na alagad by being consistent in attending church gatherings, or by being well-versed sa ating creeds and confessions, or by being generous in our giving and support to the ministries of the church, but the bible says, we cannot fool the Lord Jesus Christ! Alam niya sa simula pa lamang, sapagkat siya ay all-knowing, dahil siya ay Dios, kung sino ang totoong sumasampalataya sa Kanya at kung sino talaga ang nagprepretend lang. In this case, alam din niya kung sino ang magtratraydor sa kanya sa dulo, namely, si Judas according to vv. 70-71 (Titingnan natin iyan mamaya).

Then, as we continue the study of these verses, makikita natin na in-expose pa ng ating Panginoon yung heart ng mga pekeng alagad na ito, pinakita po niya kung ano talaga ang problema nila bakit ayaw nila ang salita ni Cristo at bakit hindi sila sumasampalataya dito.

Ito po ay sapagkat…

C. Hindi Sila Ipinangak Muli

Which is yung 3rd characteristic ng mga pekeng alagad na ito na nakita natin sa talata.

Please note v. 65,

65 And he [the Lord Jesus Christ] said, “This is why I told you that no one can come to me unless it is granted him by the Father.”

Dito po mauunawaan ninyo na hindi ito yung first time na binanggit niya yung problema ng mga pekeng alagad na ito. Makikita po natin in v. 44 ng parehong kabanata, na binanggit na po niya ang issue na ito, namely, na sila po ay hindi mga tunay na ipinanganak muli. Kaya po sila hindi nakalalapit sa Kanya ng may pananampalataya. Ang nagbibigay daw po ng kakayanang lumapit kay Cristo ay ang Dios Ama (v. 65). In ch. 12:32 makikita natin na ito din ay gawain ng Dios Anak. And in chapter 3, ito po ay gawain din ng Dios Espiritu Santo. So, ang kapanganakang muli ay gawain ng Banal na Trinidad sa buhay ng tao upang magawa niyang lumapit kay Cristo ng mayroong tunay na pananampalataya. Sapagkat kung hindi gagawa ang Dios sa buhay natin, mananatali tayong patay sa ating mga kasalanan (Efeso 2:1). Or sa context nito, mananatili tayong nagmamahal sa kasalanan kaysa sa ating Panginoong JesuCristo (Jn. 3:19). Ang kapanganakang muling ito ang hindi po naranasan ng mga Judiong ito kaya hindi po sila tunay na sumasampalataya sa ating Panginoong Jesus. So, dito nakita po natin na ang problema po talaga nila ay hindi dahil matigas at mahirap lunukin ang aral ni Cristo kundi matigas, gaya ng sa isang bato, ang kanilang mga puso, sapagkat hindi ito nakaranas ng pagbabago ng kapanganakang muli na tanging ang Dios lamang ang makagagawa sa kanilang mga buhay. Now, maaaring sa una makapag pretend ang isang taong pekeng alagad. Maaring magpakita sila ng interest na sumunod sa Panginoong Jesus gaya ng makikita natin sa mga unang talata ng kabanatang ito. Maaring nagpapakita sila sa simula ng interest magbible study or umattend ng church pero hindi din sila tatagal. Darating at darating din sa kanilang buhay na mae-expose ang kanilang kulay. At ang pinakamalinaw po na marka nito ay…

D. Hindi Sila Nananatili kay Cristo (v. 66)

Which is the last characteristic of a fake disciple na nakita natin sa ating teksto.

Please note v. 66,

66 After this…

Ek tou tou in Greek na pwede din nating i-translate, in view of the immediate context, as “as a result of this. ”Meaning, “as a result” noong pagtuturo ng Panginoong JesuCristo tungkol sa kanyang sarili as bread of life at sa kanyang accusation sa kanila na hindi talaga sila tunay na mananampalataya, ang sabi ng talata,

…many of his disciples turned back and no longer walked with him.

“The language indicates that the abandonment was decisive and final” ayon po kay Dr. John Mac Arthur. Meaning, mga kapatid, hindi po ito simpleng panlalamig lang or nagkaroon lang sila ng panandaliang pagsuway or pagrerebelde. This is apostacy! Ito po ay hayag at permanenteng pagtalikod kay Cristo! Sabi nga ni William Hendricksen, commenting on this verse,

They went back to the things that they left behind, not only their ordinary daily pursuit but also their former way of thinking and living, not intending ever to return to Jesus.

Now, does this mean na nawala po ang kaligtasan nila? Batay po sa ating pinag aralan noong una, ligtas po ba sila in the first place? Di ba ayaw nga nila sa Salita ni Cristo? Di ba hindi nga sila sumasampalataya kay Cristo? Di ba hindi nga sila ipinanganak na muli? Therefore, hindi talaga sila ligtas!

Ang permanenteng pagtalikod po sa ating Panginoong JesuCristo (apostacy) ay hindi nangangahulugang nawala ang kanilang kaligtasan! Ito po ay nagpapatunay lang na hindi talaga sila nakaranas ng pagliligtas kailanman!

Pakinggan niyo po ang sabi din ni apostol Juan sa 1 John 2:19,

They went out from us, but they were not of us; for if they had been of us, they would have continued with us. But they went out, that it might become plain that they all are not of us.

In other words, kaya hindi sila nanatili sa pananampalataya, ay sapagkat kailanman ay wala naman silang tunay na pananampalataya sapagkat hindi naman talaga sila ligtas! Si Paul David Tripp, sa page 392 ng kanyang aklat na may pamagat na Do You Believe, ay nagbanggit ng isang malungkot na reyalidad sa buhay ng maraming nagpapakilalang alagad ngunit in reality ay hindi. Ang sabi niya,

Many things can masquerade as true faith. A person may love the intricacies of theology but not love the Lord. A person may love being part of the loving community of faith but not actually be a person of faith. A person may love the process and prominence of a ministry position but not have surrendered his heart to the lordship of Jesus Christ. A person may enjoy the experience of public worship while not having given his heart and life to the worship of the Lord. Not everyone who appears to be a person of faith is a person of faith.

Time will tell, lalabas at lalabas din ang kanyang tunay na kulay sa pamamagitan ng kanyang permanenteng pagtalikod sa Panginoong JesuCristo (apostacy).

So, iyan po yung marka ng mga pekeng mananampalataya. Let’s study naman ang kabaliktaran nito, namely…

II. ANG MGA TUNAY NA ALAGAD (vv. 67-71)

So, matapos po ng malungkot at makabasag puso na pangyayaring ito, na pagtalikod ng karamihan ng mga nagpapakilalang alagad ng ating Panginoong JesuCristo, ay bumaling po siya sa natitirang labing-dalawa (12). Nagtanong po siya in v. 67, ang sabi po niya,

“…Do you want to go away as well?” 

Can you feel the sadness sa mga pananalitang ito ng ating Panginoong JesuCristo? This is heartbreaking! Hindi masaya ang ating Panginoong Jesus sa tuwing mayroong tumatalikod sa pananampalataya. Alam niya na ang dulo nito ay walang hanggang kapahamakan sa impyerno. Pero sa kabila ng malungkot na pangyayaring ito, mayroon pong masaya na tugon si apostol Pedro na nag rerepresent sa labing-dalawang natirang mga alagad (except Judas).

A. Mahal nila ang Salita ni Cristo (v.68)

Please note v. 68,

68 Simon Peter answered him, “Lord, to whom shall we go? You have the words of eternal life…

In contrast sa mga materyaloso at makamundong mga pekeng alagad sa mga naunang talata na hindi nagmamahal sa Salita ni Cristo, ang natirang labing dalawa (except Judas) na nirerepresent ni Peter ay nagpapahalaga at nagmamahal sa Salita ni Cristo! Para sa kanila, ito po ay hindi  lamang isang ordinaryong salita ng tao! Para sa kanila hindi ito boring! Para sa kanila hindi ito walang kabuluhan! Mahal nila ang salita ni Cristo sapagat ito ay salita ng buhay na walang hanggan! Naniniwala sila na ito ay may eternal na benepisyo sa kanilang mga buhay. Higit pa itong matamis kaysa pulot. Higit po nila itong dini-desire than gold and the things of the world. Para sa kanila ito ang pinakaimportante sa lahat! You, Christian, nakakarelate ka ba sa kanila? Masasabi mo ba na kahit walang aircon, kahit walang magagandang sound system, kahit walang instruments, kahit wala si pastor Derick or kung sinomang elders ng church, makakasamba ka pa din sa Panginoon hanggang ipinangangaral ng tapat ang Kanyang Salita! Sapat na ba sa iyo yung truth ng Gospel na tinuturo ng Saita ni Cristo para maging masaya at kuntento sa buhay no matter kung nalugi ang negosyo mo, magulo ang family mo, bagsak ka sa exam, or mayroon kang cancer? Can you say to the LORD, with the Psalmist, “Whom have I in heaven but you? And there is nothing on earth that I desire besides you. My flesh and my heart may fail, but God is the strength[b] of my heart and my portion forever (Psalm 73:25-26).” Kapatid, sapat na ba sa iyo ang Dios at ang Kanyang Salita para manatiling masaya sa buhay pananampalataya? Your answer to that question will determine your spiritual conditon before God.

Maliban po sa nagmamahal sila sa Salita ni Cristo, makikita din po natin sa susunod na talata na sila ay…

B. Sumasampalataya Kay Cristo (v. 69)

Please note v. 69, Apostle Peter continues,

…and we have believed, and have come to know, that you are the Holy One of God.”

Yung salitang “believed” at “know” in the Gospel of John ay madalas na parehas lang ang pakahulugan. They are synonimous. But what do they believe about Jesus Christ? A bread maker? A magician? A political leader? NO!!! Ang sabi ng talata, they believe that Jesus Christ is “The Holy One of God!” The word “holy” means “set apart” or “consecrated” o ibinukod. Meaning siya po ay inihiwalay ng Dios sa iba! Na natatangi sa lahat. Na kayang gawin ang lahat ng kanyang tungkulin bilang Mesias na ating Tagapagligtas! They believe na hindi fake si Jesus Christ! They believe that he is “The Holy one of God.” Ibig sabihin, pag-aari Siya ng Dios at itinalaga Siya ng Dios (Hendricksen).How about you, dear brethren, sino ba si Cristo sa iyo?A genee na magbibigay ng lahat ng iyong mga kahilingan at mga pangarap sa buhay?Pampabuwenas sa iyong negosyo at pag aaral? O isang Banal ng Dios na may kakayanang iligtas ka mula sa karumal-dumal na kabayaran ng iyong mga kasalanan? Do you also acknowledge him as “the holy one of God” , the Christ,  that can take away your sins gaano man ito kadiri-diri, kahiya-hiya at kalaki?

So, yung mga tunay na alagad po ay mahal ang Salita ni Cristo at sumasampalataya kay Cristo. Ngunit gusto ko pong makita ninyo ang isa pa nilang katangian na hindi natin halata sa unang basa. Na sila po ay…

C. Nananatili kay Cristo (vv. 70-71)

Please note the last 2 verses of our text, vv. 70-71,

70 Jesus answered them, “Did I not choose you, the twelve? And yet one of you is a devil.” 71 He spoke of Judas the son of Simon Iscariot, for he, one of the twelve, was going to betray him.

Dito po malinaw na ang emphasis ay ang pagpapagamit ni Judas sa diablo, kaya niya trinaydor ang ating Panginoong JesuCristo, at kaya siya tinawag ding diablo. Siya po ay nagpanggap na kasama nila physically but in reality ay hindi spiritually. Ngunit lumipas lang po ang ilang panahon, lumabas din ang kanyang tunay na kulay, trinaydor niya ang ating Panginoong JesuCristo kapalit lamang ng tatlongpung pirasong pilak (Matthew 27:3).

Ngunit, gusto ko pong mapansin ninyo, na hindi po lahat ng alagad ay nagtraydor kay Jesus! May mga nanatili po sa kanya hanggang sa huli nilang hininga! Si Pedro po na prinopesiya ng Panginoong Jesus ang kamatayan in John 21:18 ay namatay ng isang martyr.  Ayon po sa church tradition, siya po ay ipinako sa krus gaya ng ating Panginoong Jesus ngunit hindi po siya pumayag. Aniya, hindi siya karapat-dapat mamatay ng kagaya ng sa Kanyang Panginoon! Kaya ipinako po Siya ng patiwarik ng mga sundalong romano. Ngunit bago po ang kanyang kamatayan, gaya ng alam ninyo, tatlong beses po niyang dineny ang ating Panginoong JesuCristo at siya po ay nanlamig. Pero ang kaibahan po niya kay Judas, siya po ay nanumbalik sa Panginoong Jesus at nagsisi at naging mas matatag pa sa pananampalataya at naglingkod kay Cristo hanggang sa huli niyang hininga. Ang buhay po ni Pedro ay nagpapakita ng buhay Kristiyano. May mga times na mafe-fail natin si Christ sa ating Christian life. Pero palaging may nakaabang na biyaya upang tayo ay makabangon muli at makapag simula muli ng bago.

Si apostol Juan, na human author ng aklat ng ating pinag-aaralan, ay pinakuluan sa isang kumukulong langis ngunit hindi pa din tumalikod sa ating Panginoong JesuCristo. Siya po ay himalang nabuhay at nanirahan sa lugar ng Patmos at patuloy na naglinkgod doon sa ating Panginoon hanggang sa kanyang pagtanda at pagkamatay.

Si Apostol Santiago, na kapatid ni Jesus, ay inihulog mula sa tuktok ng templo ng Jerusalem na may taas na humigit kumulang 100 talampakan dahil hindi niya dineny ang kanyang pagsampalataya sa ating Panginoong Jesus. Noong natagpuan siyang naghihingalo pa, matapos po ng kanyang pagbagsak, pinagpupukpok pa siya ng mga sundalong Romano hanggang sa tuluyan ng malagutan ng hininga.

Ilan lamang po ito sa ilang mga patotoo ng katapatan ng mga mananampalataya hanggang sa kamatayan. Hindi po sila perfect, gaya natin, pero sa biyaya ng Panginoon, nanatili sila sa pananampalataya hanggang dulo, nagpapatunay na sila ay hindi peke kundi mga tunay na mananampalataya.

CONCLUSION:

Ikaw, kapatid, anong klase kang alagad? Kagaya ka ba ng mga pekeng alagad na tinalakay natin ng una? Or ikaw ay tunay na mananampalataya? And this calls us to self-examination, mga kapatid. Hindi po masama na siyasatin natin ang ating mga sarili kung tayo ay nasa pananampalataya. In fact, inutos iyan ni Pablo in II Cor. 13:5. This is healthy para maiwasan nating madaya ang ating mga sarili. Baka tayo po pala ay nasa kategorya ng mga pekeng mananampalataya. At ang marapat mong gawin, oras na marealize mo iyon, ay tumakbo ka kay Cristo. Repent from your hypocricy! Run to Christ! Habang hindi pa po huli ang lahat! Huwag ka mahiya! Alalahanin mo na hindi naparito si Cristo para sa mga matutuwid at walang diperensya. Naparito siya para iligtas ang mga makasalanang gaya natin. Now, if you realize na ikaw ay tunay talaga na mananampalataya! Praise God! Keep on! Ipakita mo sa buhay mo na ikaw nga ay tunay hanggang wakas!

This also calls us to discernment. Huwag po tayo madaling humatol sa mga kapatid nating maaaring dumadaan sa low points ng kanilang buhay pananampalataya.Hanggat may oras, may pag-asa. Patuloy po natin silang ipanalangin sa Panginoon. Patuloy po natin silang tulungan sa kanilang struggle. Huwag po natin silang susukuan, mga kapatid, gaano man kamessy ang kanilang naging kalalagayan. Pero kung talagang hindi na siya nanumbalik, huwag din nating ipilit na ligtas talaga siya pero nawala lang ang kanyang kaligtasan. In the light ng ating mga natutunan ngayon, ang apostasy ay malinaw na marka ng isang taong hindi talaga ligtas.

Panghuli, this also calls us to persevere in the faith. Knowing na ang malinaw na marka ng tunay na pananampalataya ay ang pananampalataya hanggang wakas, manampalataya tayo hanggang wakas! And take heart, kasi ipinangako na ni Cristo na lahat ng ibinigay sa kanya ng Ama ay hindi niya iwawala at ibabangon niya sa huling araw (6:39). Iyon yung Gospel! Sampalatayanan mo iyan! Madadapa ka, magkakamali ka, magkakasala ka, pero hindi pa tapos sa iyo ang Dios!I am sure of this, that he who began a good work in you will bring it to completion at the day of Jesus (Philippians 1:6).

Pero hindi ibig sabihin noon na wala ka ng gagawin! Na magiging pabaya ka na lang sa buhay Kristiyano mo. Sabi nga ni Paul Tripp,

The doctrine of perseverance doesn’t teach us that the way we live doesn’t make any difference. It calls us to the very opposite.

May mga tools po o instrumento ang Dios para panatilihin tayo sa pananampalataya hanggang wakas. Nandiyan po ang regular meditation ng word and prayer. Regular participation sa church worship service. Church discipline. Observance of the Lord’s table, atbp. Sabi nga ni Paul Tripp, let me quote him again one last time,

God exercises his keeping power through the vehicle of regular means. You are not kept because you have regular personal worship, but your Savior employs that regular habit to keep you. You are not kept because you are faithful in participating in the gathering of your church for public worship and teaching, but God uses that commitment to keep you. You are not kept because you commit yourself every day to live inside the boundaries of God’s commands, but God uses that discipline to keep you. You are not kept because you abandon your kingdom to give yourself to the work of God’s kingdom, but God employs that surrender to keep you. God does the extraordinary work of keeping us until the end through the ordinary means of the regular habits of the Christian life.

Mga kapatid, let’s maximize these God’s means of grace, for us to persevere to the end. And trust Him! Trust Him! He will hold us fast! He will hold us fast! Praise be to God!

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply