Introduction: Do you love Leviticus?‌

Tulad ng sinabi ko last week, magkakaroon tayo ng overview sermons ng Exodus, Leviticus, Numbers at Deuteronomy. Natapos na natin ang Genesis overview last 2021. Last week naman ay Exodus. Ang prayer ko ay makita ninyo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bird’s eye view ng bawat aklat sa Bible—sa personal Bible reading at para makita rin ang unique contribution ng bawat aklat sa katuruan ng buong Bible. Ngayon naman ay Leviticus. Ginamit ang title na ito para sa book na ito dahil karamihan sa mga laman nito ay may kinalaman sa trabaho ng mga pari sa Israel. Ang mga pari ay galing sa lahi ni Levi, mga Levita sila. Pero hindi lahat ng Levites ay mga pari. Pero marami pang laman ang 27 chapters ng Leviticus bukod dito.‌

Kung tatanungin ka kung ano ang pinakapaborito mong bahagi ng 66 books of the Bible, malamang na hindi Leviticus ang isasagot mo. Bakit? Para sa iba, boring basahin. Kasi wala exciting parts tulad ng mga stories sa Exodus. Meron din naman, pero konti lang. Para naman sa iba, confusing basahin. Paano mo nga naman ipapaliwanag sa mga anak mo kapag ganito ang Bible reading ninyo sa bahay? Maraming mga utos diyan na nakasulat na mahirap ipaliwanag. Para sa iba, medyo hindi sila comfortable na marinig na ganito pala kaistrikto ang Diyos sa mga utos niya, para hindi naman “loving” ang Diyos kapag ganun. Para naman sa iba, mukhang irrelevant naman ‘yan sa panahon ngayon. Hindi na naman tayo nag-aalay ng mga animal sacrifices, wala rin naman tayong authority na maggawad ng death penalty, at marami pang ibang utos na hindi naman talaga directly “applicable” sa ngayon. So bakit pa pag-aaralan?‌

Bukod sa ilang mga references sa New Testament na galing sa Leviticus, kung titingnan natin sa kabuuan nito, maraming mga katuruan sa New Testament ang hindi magkakaroon ng sense kung hindi mo maiintindihan ang pinanggalingan nito sa Leviticus: kung bakit kailangan ang sakripisyong ginawa ni Cristo, kung paano tayo naituring na malinis bagamat marumi tayo dahil sa kasalanan, kung paano mauunawaan ang kabanalan ng Diyos, kung paano mamumuhay nang may kabanalan. Kumbaga, hindi nga natin masyadong pinapansin ang Leviticus, pero kapag nawala ‘yan, marami sa New Testament at sa message ng gospel ang walang sense—tulad ng isang mahal sa buhay na palagi mong kasama araw-araw, mapapansin mo lang ang halaga kapag nawala na sa ‘yo.‌

Hindi lang ito isang sa mga 66 books sa Bible. Ito rin ay karugtong ng kuwento ng Exodus. Kumbaga sa isang pelikula, kapag tinanggal mo ang eksenang ito, hindi kumpleto ang istorya. Kapag tinulugan mo ang bahaging ito, hindi mo maiintindihan ang kahulugan at kahalagahan ng mga susunod na bahagi ng kuwento. After 430 years of slavery sa Egypt, pinalaya ng Diyos ang Israel sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang paghatol sa Egypt at pagliligtas naman sa kanila. Mula sa Exodus 19, hanggang Numbers 10, a period of one year, nasa Mt. Sinai sila. Dito nakipagtipan ang Diyos sa kanila, at sinabi sa kanila yung terms of that covenant relationship. Sinabi niya sa kanila, through Moses, “Now therefore, if you will indeed obey my voice and keep my covenant, you shall be my treasured possession among all peoples, for all the earth is mine; and you shall be to me a kingdom of priests and a holy nation” (Ex 19:5-6). Paano sila magiging isang “kingdom of priests”? Paano sila magiging isang isang “holy nation”? Ang sagot nasa Leviticus. Concerned din tayo sa sagot sa tanong na ‘yan dahil tayo, ang church, ay isang “royal priesthood” at “holy nation” (1 Pet 2:9). Kung ‘yan pala ang identity at calling natin, dapat maging malinaw sa atin kung paano tayo makakapamuhay sa paraang naaayon at hindi salungat sa identity at calling natin.‌

At mabuti ang Diyos, he is gracious, hindi niya tayo hinayaan to figure out on our own kung paano gagawin ‘yan. Nagsalita siya. May ibinigay siyang mga instructions at paraan kung paano ‘yan. Kaya nga “Torah” o “instructions/law” ang nickname ng first five books of the Bible. Kasi karamihan ay mga utos na galing sa Diyos dito sa Mt. Sinai. Ganun din ang Leviticus. Sa simula pa lang, “Tinawag ni Yahweh si Moises, at mula sa Toldang Tipanan ay sinabi sa kanya, ‘Sabihin mo ito sa mga Israelita…’” (Lev 1:1-2). Paulit-ulit ‘yan sa Leviticus, “Sinabi ni Yahweh kay Moises…” (hal., Lev 4:1; 5:14; 6:1). At sa dulo, “Ito ang mga tuntunin na ibinigay ni Yahweh kay Moises sa Bundok ng Sinai para sa sambayanang Israel” (Lev 27:34). Salita ng Diyos ang Leviticus, dapat nating pakinggan bilang Salita ng Diyos. Meron siyang sinasabi sa atin, hindi man direkta tulad ng sa Israel, pero meron siyang gustong ituro sa atin sa pamamagitan nito. Imagine what will happen kung tahimik lang ang Diyos at hindi siya nagsalita. It will not be good for us. Buti na lang nagsalita ang Diyos. Kaya nga para sa sumulat ng Psalm 119, ganito ang inaawit ng puso niya, “Oh how I love your law (torah)!” (Ps 119:97 ; also vv. 113, 163). Can we say the same thing: “Oh how I love Leviticus!”?‌

Masasabi rin natin ito kung maiintindihan nating mabuti kung gaano kahalaga ang Leviticus sa storyline ng Bible, at kung ano ang theological emphasis nito. Remember the ending of Exodus? Nagawa na ang tabernacle, yung holy tent na nasa gitna ng kampo nila, at bumaba ang glorious presence ni Yahweh sa kalagitnaan nila (Ex 40:34-38). Good news ‘yan, tama? Oo naman, lalo pa kung alam nating hindi makakabuti sa atin ang malayo sa presensya ng Diyos. Pero sa kabilang banda, bad news din ito, nakakatakot para sa Israel na makita at lumapit sa banal na presensya ng Diyos. Alam nilang hindi basta-basta mararanasan ang presensya ng Diyos sa kalagitnaan ni Yahweh nang hindi sila natutupok dahil sa sila’y mga makasalanan. Ano ang solusyon sa problemang ‘yan? Leviticus!

‌Structure of Leviticus‌

Heto ang basic structure.

‌A. Paglapit at Pagsamba sa Banal na Diyos (Lev. 1-10)‌

Ang tungkuling ng mga Israelita at ng kanilang mga pari sa paghahandog (Lev. 1-7)‌

Nakasulat dito ang limang klase ng handog na gagawin ng mga tao (1:1-6:7) at ang tungkulin ng pari sa paghahandog (6:8-7:38).‌

Ang pagtatalaga sa mga pari at ang pagpapahalaga sa kanilang tungkulin (Lev. 8-10)‌

Pagkatapos ng account ng pagtatalaga sa mga pari (Lev. 8-9) ay ang pagkamatay nina Nadab at Abihu (Lev. 10) dahil sa kanilang inihandog na “unauthorized fire.”

‌B. Pamumuhay Kasama ang Banal na Diyos (Lev. 11-27)‌

Pagbubukod ng marumi at malinis (Lev. 11-15)‌

The Day of Atonement (Lev 16)‌

Mga utos tungkol sa banal na pamumuhay (Lev 17-25)‌

Tungkol sa lugar kung saan maghahandog at pagbabawal sa pagkain ng dugo (Lev 17), tungkol sa mga sexual relationships (Lev 18), tungkol sa pagsamba at pagsunod sa Diyos at pag-ibig sa kapwa (Lev 19), tungkol sa hindi pagtulad sa lifestyle ng mga tao sa lugar na pupuntahan nila (Lev 20), tungkol sa kabanalan ng mga pari (Lev 21-22), tungkol sa mga espesyal na araw na ise-celebrate nila, kasama ang parusa sa paglapastangan sa pangalan ni Yahweh (Lev 23-24), at tungkol sa pagtrato sa mga mahihirap (Lev 25).‌

Pagpapala sa pagsunod at sumpa sa pagsuway (Lev 26)‌

Mga panata at mga kaloob kay Yahweh (Lev 27)

‌Theology of Leviticus‌

‘Yan ang overview ng laman ng Leviticus. Para mas maintindihan natin ang mensahe nito sa atin, mahalagang tingnan natin kung paano nito sinasagot ang dalawang major questions. Una, paano makakalapit ang mga makasalanan sa isang banal na Diyos? Ikalawa, paano dapat mamuhay nang kasama ang isang banal na Diyos? Pero bago natin sagutin ‘yan, mahalaga na makita muna natin ang ilang bagay tungkol dito para mas ma-realize natin ang kahalagahan ng mga tanong na ‘yan.‌

Una, tungkol ito sa covenant relationship. Mahalaga na makita natin ang mga utos na nakasulat dito in that context. Hindi lang ito tungkol sa duties na dapat nilang gawin. Tungkol ito sa kahalagahan ng relasyon na meron sila, at tayo, sa Diyos. Paulit-ulit mong mababasa dito ang “I am Yahweh” (Lev 19:1-18) at “I am Yahweh your God” (Lev 19:4, 10) na nakakabit sa mga utos niya. Kung ginagawa mo nga ang mga dapat gawin (duties), pero hindi naman bilang expression ng pagpapahalaga sa Diyos mismo at sa relasyon na meron ka sa Diyos, balewala rin. It is is not true God-pleasing obedience.‌

Ikalawa, dahil ito ay tungkol sa relasyon ng Diyos at ng tao, binibigyang-diin din ng dalawang tanong na ito kung ano ang Diyos at ano ang tao. Sabi nga ni John Calvin sa simula ng kanyang Institutes, na ang pasimula ng karunungan ay nagmumula sa tamang pagkilala sa Diyos at sa sarili natin (1.1.1). Ang Diyos ay banal. Ang tao ay makasalanan. Habang makikilala mo ang kabanalan ng Diyos, mas nakikita mo ang laki ng agwat niya sa ating mga makasalanan. So, all throughout Leviticus, God is presented as a holy God. Banal ang presensya niya. Lahat ng lalapit sa kanya ay banal. Kapag hindi, hindi pwedeng lumapit sa kanya.‌

Ikatlo, napakahalagang masagot ang dalawang tanong na ito. It is a matter of life and death, really. Sa dalawang bahagi ng Leviticus (1-10 at 11-27), merong dalawang “death” stories. Sa Leviticus 10 ay tungkol sa dalawang anak ni Aaron, sina Nadab at Abihu, na pinatay ng Diyos sa pamamagitan ng apoy dahil nag-offer sila ng “unauthorized fire before the Lord” na hindi naman ayon sa utos niya (Lev 10:1-2). Sinulat ang mga utos na ito sa Leviticus para sundin nila, para hindi sila mamatay (Lev 8:35). Pari ka man o ordinaryong tao. Sa chapter 24 naman ay tungkol sa isang lalaki na half-Israelite, half-Egyptian na lumapastangan sa pangalan ni Yahweh. Ayon sa sabi ng Diyos, ang parusa sa kanya ay batuhin hanggang mamatay. “Whoever blasphemes the name of Yahweh shall surely be put to death” (Lev 24:16). Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan (Rom 6:23). Pero, “Ang sinumang tutupad ng aking mga kautusan at tuntunin ay mabubuhay; ako si Yahweh” (Lev 18:5).‌

Keep these three things in mind—covenant relationship, laki ng agwat ng banal na Diyos at ng makasalanan, at ang danger ng kasalanan at pagsuway—sa pagsagot natin sa dalawang tanong na ito.

‌A. Paanong makakalapit ang mga makasalanan sa isang banal na Diyos?‌

Sa tanong na ito, malinaw na makikita ang sagot sa first 10 chapters ng Leviticus. At nakita na rin natin ‘yan sa Exodus. Dalawa ang sagot, una ay sa pamamagitan ng sakripisyong handog o mga sacrificial offerings. At ikalawa ay sa pamamagitan ng paring mag-aalay ng handog. Kailangan ng mediator (pari) at kailangan ng mga offerings.‌

Sa pamamagitan ng sakripisyong handog.‌

Na non-negotiable at kailangang-kailangan ang paghahandog ay evident sa first seven chapters. Kaya nagbigay ng instructions para sa sinuman na magbibigay ng offerings kung anong klaseng offerings ang ibibigay, kung hayop o ani sa mga pananim, at sa paanong paraan ito ihahandog. Merong limang klase ng offerings—burnt offerings, grain offerings, peace offerings, sin offerings, at guilt offerings. Iba-ibang klase ‘yan. Nasa dulo ng chapter 7 ang summary nito: “Ito ang mga tuntunin tungkol sa mga handog na susunugin, handog na pagkaing butil, handog para sa kapatawaran ng kasalanan, handog na pambayad sa kasalanan, handog sa pagtatalaga at handog pangkapayapaan. Iniutos ito ni Yahweh kay Moises sa Bundok ng Sinai, noong sila’y nasa ilang, nang araw na ang mga Israelita’y utusan ni Yahweh na maghandog sa kanya” (Lev 7:37-38). Pero ang pinakapunto, kailangang gawin para makalapit sa Diyos ang isang makasalanan kahit na ang nagawang kasalanan ay “unintentional.” Ang point, makasalanan ang tao at hindi makakalapit sa Diyos maliban sa itinakda niyang paraan para merong umako ng parusa sa kasalanan. Ganun din sa mga itinuring na marumi ceremonially o ritually dahil sa iba-ibang dahilan, kailangan din ng sacrifices para maging malinis (Lev 12:6-8). Yung mga offerings na ‘to ay itinakda ng Diyos, bagamat bloody ang ilan sa mga preparations at hindi mabango sa pang-amoy ng mga tao, “a pleasing aroma to Yahweh” (Lev. 1:13, 17; 2:2, 9; 3:5). Merong pari na tutulong sa mga tao sa mga offerings na ‘to para sa atonement o pagtubos sa kasalanan at sila’y patatawarin ng Diyos (Lev 4:26, 31, 35; 5:10, 16, 18).‌

Sa pamamagitan ng paring mag-aalay ng handog.‌

Malinaw rin dito na ang isang Israelita na mag-aalay ng handog ay hindi magagawa iyon nang walang pari. Halimbawa, Leviticus 5:16, “Ang tupa’y dadalhin sa pari upang ialay bilang handog na pambayad sa kasalanan, at siya’y patatawarin.” Kaya sa chapters 6 and 7 naman ay dinetalye ang mga instructions sa mga pari kung ano ang gagawin nila dun sa limang klase ng offerings. At sa chapters 8 and 9 ay tungkol sa kanilang ordination o consecration ceremony. Sobrang laki ng role nila sa Israel bilang go-between sa Diyos at sa mga tao. Si Aaron ang unang nag-serve as high priest during that time. Sa dulo ng chapter 9, makikita natin kung ano ang mangyayari kung ginagawa ng high priest ang tungkulin niya: the Lord is pleased.‌

Itinaas ni Aaron ang kanyang mga kamay at binasbasan ang mga tao. Pagkatapos, bumabâ siya mula sa altar na pinaghandugan niya. Sina Moises at Aaron ay pumasok sa Toldang Tipanan. Paglabas doon, binasbasan nila ang mga tao at nakita ng lahat ang maningning na kaluwalhatian ni Yahweh. Sa harapan niya, nagkaroon ng apoy at tinupok ang handog na susunugin pati ang taba na nasa altar. Nang makita ito ng mga tao, sila’y napasigaw at nagpatirapa. (Lev 9:22-24)

‌Baligtad naman ang sumunod na nangyari sa chapter 10 kung saan pinatay ni Yahweh ang dalawang pari dahil sa pagsuway nila sa utos niya. Sila nga kasi ang mangunguna sa pagtuturo sa mga tao sa pagsunod sa mga utos ng Diyos (Lev 10:10-11). Pero kung sila ang mangunguna sa pagsuway, malaking pananagutan ‘yan.

‌Pati mga pari may kasalanan din. Kailangan din nila ng atonement. Kailangan ding may magbabayad ng kasalanan nila. Yung mga kasalanan ng mga indibidwal na tayo na nangangailangan ng sacrifices ay malinaw sa first 10 chapters. Dito naman sa Leviticus 16 ay mas lilinawin na, actually, buong bansa naman talaga ay makasalanan, walang exempted. So, after mamatay ang mga anak ni Aaron, nagbigay ang Diyos ng instructions sa kanya kung ano ang gagawin sa Day of Atonement na gagawin nila once a year. Hindi pwedeng pumasok ang sinuman sa Most Holy Place sa tabernacle. Si Aaron lang, pero hindi any time, once a year lang. Hindi rin basta-basta, kundi mamamatay siya. Kailangan muna siyang mag-offer ng sacrifices para sa sarili niya. At para naman sa buong Israel kailangan ng isang tupa para sa burnt offering, at dalawang kambing para sa sin offering. Ang isang kambing ay magiging isang sin offering, ipapatong niya ang kamay niya sa kambing as a sign of identification at pagtransfer ng kasalanan sa hayop na aako nito, papatayin ang kambing, at ang dugo ay iwiwisik sa mercy seat sa ark of the covenant. “Sa gayong paraan, lilinisin niya ang Dakong Kabanal-banalan sa mga karumihan at kasalanan ng bayang Israel” (Lev 16:16). Yung sa isang kambing naman ay ganito: “Ipapatong niya ang kanyang mga kamay sa ulo nito at ipahahayag ang lahat ng kasamaan, kasalanan at pagsuway ng sambayanang Israel, sa gayon, masasalin sa hayop ang lahat ng ito. Ibibigay niya ang kambing sa isang taong naghihintay doon upang dalhin iyon sa ilang. Tataglayin ng kambing ang kasalanan ng buong bayan at pagdating sa ilang ito’y pakakawalan” (Lev 16:21-22). Ibig sabihin, sa pamamagitan nito ay lilinisin ang marumi at aalisin ang kasalanan na naghahadlang sa mga tao na lumapit at sumamba sa Diyos.

Ito yung larawan ng “penal substitutionary atonement” na ang realidad ay si Cristo—ang ating Punong Pari na naghandog ng kanyang sarili para sa ating mga kasalanan. Siya ang parehong Priest at Sacrifice. Malinaw ‘yan sa book of Hebrews (especially chapters 9 and 10). Siya ang umako ng parusa (penalty) para sa ating mga kasalanan. Siya ang substitution o kapalit natin, by faith in him inililipat natin ang mga kasalanan natin sa kanya at inililipat naman ang kanyang katuwiran at kabanalan sa atin. Kay Cristo meron tayong atonement. Ang ginawa niya ay sapat hindi lang para sa isang tao, hindi lang para sa isang bansa, kundi para sa buong mundo: “the lamb of God who takes away the sins of the world” (John 1:29; also 1 John 2:2). Hindi na kailangan ng paulit-ulit na sacrifices. Sapat na ang ginawa ni Cristo. Hindi na natin kailangan ng iba pang High Priest. Sapat na si Cristo. Wala na tayong ibang kailangan pa.

‌Lahat tayo marumi dahil sa kasalanan natin. Tulad ng ketongin o isang tao na may skin disease na itinuturing na marumi ayon sa Leviticus 13. Isang araw, may isang ketongin na lumapit kay Jesus. Lumuhod at nagmakaawa sa kanya, “Panginoon, kung nais po ninyo, ako’y inyong mapapagaling at magagawang malinis.” Imagine the shock ng mga nakakita nang hawakan ni Jesus ang ketongin, at sinabi, “Oo, nais ko. Maging malinis ka” (Matt 8:1-3). Marumi tayo, makasalanan tayo, hindi tayo karapat-dapat. Kaya kailangan nating lumapit kay Jesus, siya lang ang malinis pero itinuring na marumi nang siya’y patayin sa labas ng lungsod. At kapag sumampalataya ka kay Jesus, sinasabi rin niya sa ‘yo, “Malinis ka na. Pinatawad ka na. Matuwid ka na sa harap ng Diyos.” Anuman ang sabihin ng ibang tao sa atin, ang verdict ng salita ni Cristo ang nangingibabaw sa lahat.

‌Paanong makakalapit ang isang makasalanan—tulad mo at tulad ko—sa isang banal na Diyos? Sa pamamagitan ng paring nag-alay ng sakripisyong handog bilang pantubos sa ating mga kasalanan. At ang pari at handog na yun ay walang iba kundi si Cristo. For the second question, which is also very important:

‌B. Paano dapat mamuhay nang kasama ang isang banal na Diyos?

‌Ngayong malapit ka na sa Diyos, ngayong narestore na ang relationship mo sa Diyos, how then should you live? Long answer: basahin n’yo ang chapters 11 to 27. Short answer:

Leviticus 11:44–45, “Panatilihin ninyong malinis ang inyong sarili, sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay banal. Ako ang naglabas sa inyo sa Egipto upang maging Diyos ninyo. Dapat kayong maging banal sapagkat ako’y banal.” “Magpakabanal kayo, sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay banal” (Lev 19:2). Hindi lang ‘yan para sa Israel, kundi para sa atin mga iniligtas ni Cristo. Kaya nga binanggit ‘yan ni Peter sa 1 Peter 1:15-16. Dahil ang Diyos ay banal at kasama natin ang Diyos na banal, kaya dapat rin tayong mamuhay nang may kabanalan na tulad niya. Hindi tayo naligtas dahil sa kabanalan natin—dahil hindi naman tayo banal. Naligtas tayo para mamuhay nang may kabanalan. ‘Yan yung summary answer sa tanong kung paano tayo mamumuhay. Pero para mas maintindihan natin ang unique emphasis ng Leviticus tungkol sa holiness at sanctification, magbibigay ako ng limang sagot sa tanong na ‘yan.‌

Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kaligtasang tinanggap natin.‌

Mahalaga itong una. Kasi usually naiisip natin na ang kabanalan ay tungkol na sa gagawin natin. Tama naman in a sense. Pero dapat nating tandaan na hindi ito nakahiwalay sa kaligtasang tinanggap natin. Nakakabit sa utos ng Diyos na magpakabanal ang Israel ang paalala na “ako ang naglabas sa inyo sa Egipto upang maging Diyos ninyo” (Lev 11:45). Ngayong malaya na kayo, live like people who are free. Malaya hindi para gawin lahat ng gusto ninyong gawin. Kundi malaya na gawin kung ano ang gusto ng Diyos. At ang paalala na ‘yan, na siyang bungad din ng Sampung Utos (Exod 20:2), ay paulit-ulit na nakakabit sa mga utos sa Leviticus. Halimbawa: “Ang inyong timbangan, kiluhan, sukatan ng harina, at sukatan ng langis ay kailangang walang daya. Ako ang nag-alis sa inyo sa Egipto. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos” (Lev 19:36). “Huwag ninyong lalapastanganin ang aking pangalan. Sa halip, ako’y inyong dakilain sapagkat ako si Yahweh. Inilaan ko kayo para sa akin. Ako ang naglabas sa inyo sa Egipto upang maging inyong Diyos. Ako si Yahweh” (Lev 22:32-33). “Huwag ninyong patutubuan ang pera o pagkaing inutang niya sa inyo. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos na nagpalaya sa inyo sa Egipto upang ibigay sa inyo ang Canaan at upang maging Diyos ninyo” (Lev 25:37-38). Ilan pa lang ‘yan.‌

Sa tingin ko, ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ipinagbawal sa kanila ng Diyos ang pagkain ng dugo: “Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay” (Lev 17:11). Hindi para pagbawalan na rin tayong kumain ng tinumis. “Ipinahayag ni Jesus na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin” (Mark 7:19). ‘Wag lang siyempre abusuhin ‘yan! Ang point: Mahalaga na sa regular nating inaalala ang ginawa ni Cristo para sa atin. Kaya merong “gospel” sa mga teachings sa church, sa Lord’s Supper, sa singing, sa personal conversations. Para matulungan tayo sa buhay ng kabanalan at para matulungan ang iba, hindi lang natin sinasabi kung ano ang dapat nating gawin, kundi regular na inaalala kung ano ang ginawa na ng Diyos para sa atin. We struggle sa pagpapatawad at pagmamahal sa ibang tao dahil nakakalimutan natin kung paano tayo pinatawad at minahal ng Diyos (Eph 4:32-5:2).‌

Sa pamamagitan ng pagbukod sa anumang bagay na makapagpaparumi sa atin.‌

Isa sa basic ideas tungkol sa holiness ay ang paghiwalay—paghiwalay sa mga bagay na marumi. Tulad ng Diyos na nakahiwalay sa anumang marumi, masama, at kasalanan, ganun din dapat tayo. “Panatilihin ninyong malinis ang inyong sarili” (Lev 11:44). Kaya trabaho ng mga pari na ituro sa mga tao kung ano ang malinis at ano ang marumi (Lev 10:10-11). Kaya merong five chapters (Lev 11-15) na nagdedetalye kung paano sila iiwas sa marumi at kung paano magiging malinis ulit pagkatapos maging marumi. Hindi lang ito tungkol sa hygiene, health, diet, o pagiging OC sa kalinisan, kundi ito ay sumasalamin sa nais ng Diyos na sila’y maging banal sa pamamagitan ng pagbukod sa mga bagay na marumi. Gusto niyang mamuhay sila sa paraang naiiba sa mga taong nasa paligid nila: “Huwag ninyong gagawin ang gaya ng ginagawa sa lupain ng Ehipto na inyong tinirahan; at huwag din ninyong gagawin ang gaya ng ginagawa nila sa lupain ng Canaan, na pinagdadalhan ko sa inyo. Huwag kayong lalakad ng ayon sa mga alituntunin nila” (Lev 18:3; also Lev 20:23). Para lagi nila itong maalala, sinabi ng Diyos: “Sundin ninyo ang aking mga tuntunin. Huwag ninyong palalahian ang hayop na inyong alaga sa hayop na di nito kauri. Huwag din kayong maghahasik ng dalawang uri ng binhi sa isang bukid. Huwag kayong magsusuot ng damit na yari sa dalawang uri ng sinulid” (Lev 19:19). Ang point: Wag piliting pagsamahin ang gusto ng Diyos na magkahiwalay. “Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito” (Rom 12:2). Sabi pa ni Pablo:

‌Huwag kayong makisama sa mga di-sumasampalataya na para bang kapareho ninyo sila. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya’y ang liwanag at ang kadiliman? 15 Maaari bang magkasundo si Cristo at ang Diyablo[a]? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di- sumasampalataya? O di kaya’y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba’t tayo ang templo[b] ng Diyos na buháy? Siya na rin ang maysabi (citing Lev 26:12), “Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila.” (2 Cor 6:14-16)

‌Sa pamamagitan ng pamumuhay nang may kabanalan sa lahat ng bahagi ng buhay natin.‌

Hindi selective obedience, but total obedience. Kasama ang pagkakaroon ng purity sa mga relationships, high sexual ethic ang makikita sa Leviticus 18, na hindi tulad ng mundo natin na basta gawin mo kung ano ang makapagpapasaya sa ‘yo. At ang pagmamahal sa kapwa, “Love your neighbor as yourself” (Lev 19:18), na binanggit ni Jesus na second greatest commandment (Matt 22:39). Kasama dito ang pagmamahal sa magulang, sa asawa, sa mga anak, sa mga matatanda, sa mga mahihirap, sa mga dayuhan, sa mga alipin, sa mga may utang, sa mga bingi, at iba pa. Sino ang “kapwa” mo na mamahalin? Sino mang may pagkakataon ka na pagpakitaan ng pagmamahal na ipinaranas din sa ‘yo ng Diyos. At ang pagmamahal na ito ay ipinapakita sa mga praktikal na paraan. Tulad nito: “Huwag ninyong aanihin ang nasa gilid ng triguhan at huwag din ninyong pupulutin ang inyong naiwang uhay. Ipaubaya na ninyo iyon sa mga mahihirap at sa mga dayuhan. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos” (Lev 23:22). Ang kabanalan ay dapat na nakikita sa bawat bahagi ng buhay natin. Hindi lang dito sa loob ng church, kundi sa loob ng bahay, sa pagnenegosyo, sa pagtatrabaho, sa pag-aaral, at sa pamamasyal—kahit saan, kahit anong oras, kahit sino ang kasama natin.‌

Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa laki ng pagkakaiba ng consequences ng pagsunod at pagsuway.‌

Makakapamuhay tayo nang may kabanalan hindi lang sa pagtingin sa nakaraang pagliligtas ng Diyos sa atin kundi sa pagtanaw rin sa future, tulad ng consequences ng pagsunod at pagsuway sa mga utos ng Diyos. Kaya nagbibigay ang Diyos ng warning sa kanila. Na kapag tinularan nila ang mga taga-Canaan sa pagsuway nila sa mga utos ng Diyos, matutulad din sila sa kanila na palalayasin sa kanilang lupain at ititiwalag sa covenant community (Lev 18:28-29). Ang iba ay papatawan ng parusang kamatayan, tulad ng nag-alay ng kanilang anak sa diyos-diyosan o ng sumumpa sa kanyang magulang, o ng sinumang guilty ng sexual immorality tulad ng adultery, incest, bestiality, at homosexuality, o ng sinumang nagtrabaho kapag Day of Atonement (Lev 20:2, 9-16; 23:30).‌

At siyempre, merong isang chapter na devoted sa laki ng contrast ng kahihinatnan ng pagsunod at pagsuway. Nasa chapter 26 yung listahan ng mga blessings kapag sumunod sila at mga curses naman kapag sumuway sila. Kapag sumunod sila, pasasaganahin ng Diyos ang mga ani nila, ipagtatanggol sila sa mga kaaway nila, at higit sa lahat, they will enjoy their relationship with God: “Maninirahan ako sa kalagitnaan ninyo at hindi ko kayo pababayaan. Ako’y inyong kasama saanman kayo magpunta; ako ang magiging Diyos ninyo at kayo naman ang magiging bayan ko” (Lev 26:11-12). Kapag susuway sila, iba’t ibang sakuna at sakit ang mararanasan nila, sasalakayin sila ng mga kaaway nila, magugutom sila, palalayasin sila sa lupain, at Diyos mismo ang makakalaban nila (Lev 26:14-39). Sa kabila nito, nangako ang Diyos na naroon pa rin ang awa niya, ang pagpapatawad kapag nagsisi sila, at ang kanyang covenant faithfulness (Lev 26:40-45).‌

Because we are under the new covenant, hindi eksaktong ganito rin ang blessings at curses na mararanasan natin. Dahil kay Cristo, dumadaloy siyempre ang pagpapala sa atin, at hindi natin mararanasan ang sumpa ng Diyos dahil inako na niya yun para sa atin (Eph 1:3; Rom 8:1). Pero dapat din nating alalahanin na merong magagandang bagay na dulot ang pagsunod at meron namang mga negative consequences ang pagsuway sa utos ng Diyos. Pinangako ng Diyos ang pagpapatawad sa kasalanan natin, pero hindi ibig sabihin na hindi na natin mararanasan ang mga consequences nito bilang paraan din ng Diyos sa pagdidisiplina sa atin.‌

Sa pamamagitan ng ibayong pagpapahalaga sa mga araw ng sama-samang pagsamba.‌

Kasama sa banal na pamumuhay nila ang paglalaan ng oras para alalahanin ang mga banal na araw o “holy days.” Hindi tulad ng mga holidays natin ngayon na bakasyon lang ang iniisip natin. Ang mga holy days na ito ay araw na ilalaan sa pagsamba sa Diyos, pamamahinga sa kanyang presensya, pasasalamat sa mga pagpapala niya, at pag-alala sa past faithfulness ng Diyos sa kanila. Nakasulat ito sa chapter 23, tulad ng weekly Sabbath, annual Passover, Feast of Firstfruits, Feast of Weeks o Pentecost, Feast of Trumpets, Day of Atonement, Feast of Booths, Sabbath Year (every seventh year), at Day of Jubilee (every 50 years). Ito rin ang dahilan kaya we set apart Sunday as Lord’s Day gathering ng church para sama-samang sumamba sa Diyos. Ito rin ang dahilan bakit meron tayong twice a month na Lord’s Supper. Kasama sa pamumuhay ng may kabanalan ang araw-araw na buhay siyempre, pero mas lalo na ang mga espesyal na araw tulad ng Linggo. Hindi ka makakapamuhay nang malapit sa presensya ng Diyos kung malayo ka naman sa church o palaging absent (o present nga pero lagi namang late!) sa mga pagtitipon ng church.

‌Conclusion‌

So, ayan ang sagot mula sa Leviticus sa dalawang major questions: Paano makakalapit sa Diyos? Sagot: sa pamamagitan ni Cristo; at Paano dapat mamuhay nang kasama ang Diyos? Sagot: sa pagpupursigi sa kabanalan, “without which no one will see the Lord” (Heb 12:14). Sa pagtatapos, mag-iiwan lang ako ng dalawang paalala tungkol sa pagsunod sa utos ng Diyos at pamumuhay nang may kabanalan. Galing ito sa passage na ‘to: “So you shall keep my commandments and do them: I am Yahweh. And you shall not profane my holy name, that I may be sanctified among the people of Israel. I am Yahweh who sanctifies you” (Lev 22:31-32).‌

Commitment: Mamumuhay tayo nang may kabanalan upang maitanghal ang kabanalan ng Diyos.‌

‘Yan ang passion ng puso ng Diyos: “that I may be sanctified.” Banal na siya. Kaya ibig sabihin nito ay para makilala siya at maipakilala na banal, kung sino siya talaga. ‘Yan ang essence ng first petition sa Lord’s Prayer, “Hallowed be your name” (Mat 6:9). Sanctify o make your name holy. Sa pag-pursue natin ng holiness, hindi ito for making us look good. Kundi para maipakilala sa iba kung sino talaga ang Diyos. Sa buhay mo ba ngayon, naipapakilala mo na banal ang Diyos? O ang buhay mo ay nagsasabi ng kasinungalingan tungkol sa Diyos?‌

Dependence: Makakapamuhay lang tayo nang may kabanalan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na nagpapabanal sa atin.‌

“I am Yahweh who sanctifies you.” Dahil sa limitasyon natin, dahil sa kasalanan natin, hindi natin maaabot sa sarili natin ang perfect holiness na required ng Diyos sa atin. Pero dahil kay Cristo, ibinukod na tayo ng Diyos mula sa kasalanan at para maging sa kanya na tayo. At dahil sa Banal na Espiritu na nasa atin, hindi imposible na tayo ay maging banal din na tulad ng Diyos. Gagarantiyahan ng Diyos na tayo’y magiging tulad ni Cristo. Unti-unti. Araw-araw. Patuloy tayong magtiwala sa gagawin ng Diyos sa bawat isa sa atin. Ang kabanalan at paglago sa kabanalan ay hindi lang posible para sa sinumang nakay Cristo. Ito ay garantisado. Ang Diyos na nagligtas sa atin sa pamamagitan ni Cristo ang siya ring Diyos na magpapabanal sa atin pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply