Ginagamit ni Mark Dever ang salitang “pagdi-disciple” bilang isang paraan ng pagtulong sa iba na sumunod kay Jesus sa pamamagitan ng intentional na paggawa ng kabutihan sa kanilang mga buhay. Ito ay may kaakibat na pagkukusa, pagtuturo, pagpapakita ng halimbawa, pag-ibig, at pagpapakumbaba.
Narito ang mga objections sa pagdi-disciple at ang sagot sa bawat isa na inilahad niya sa chapter 4 ng librong DISCIPLING: Paano Tulungan ang Iba na Sumunod kay Jesus.
Objection 1: “Hindi ideal ang discipler.”
Sagot: Hindi ka rin ideal. Tanging ang Diyos ang perpekto rito. Siya ay napaparangalan sa pamamagitan ng paggamit ng mga hindi perpektong tao na katulad mo at katulad ko. Kapag ikaw ay mas naging mapagpakumbaba, mas makikita mo na mas kailangan mong matuto mula sa iba pang tunay na disciple.
Objection 2: “Kung ang isang tao ay palaging nakikinig sa kanyang discipler, baka hindi na siya mag-submit sa ibang tao na may mabuting awtoridad katulad ng magulang, asawa, o church.”
Sagot: Kung maayos na maisasagawa, ang discipling ay makakahikayat ng nararapat na pagpapasakop sa anumang awtoridad na itinatag ng Diyos.
Objection 3: “Ang buong bagay na ito ay parang nakasentro lamang sa sarili at sa pagmamataas.”
Sagot: Nauunawaan ko kung bakit iyan ang tingin ng iba. Pero tinatawag tayo ng Christian discipling na sumunod sa isang tao kung siya ay sumusunod kay Cristo. Hindi nito tayo tinatawag na sundin ang style ng isang tao, o cultural preferences, o makamundong karunungan, o personal na nakagawian. Dahil tinatawag tayo ng discipling na tularan si Cristo para sa isa’t isa, talaga namang very humbling ito. At
higit sa lahat, ito ay biblikal.
Objection 4: “Hindi ba parang pinipilit natin ang ating sarili sa iba?”
Sagot: Ang Christian discipling ay nangyayari sa pamamagitan ng mutual na pagsang-ayon na magkaroon ng pakikipag-ugnayan.
Objection 5: “Hindi ko ito kailangan. Ang mga pinakamahahalagang bagay tungkol sa buhay Kristiyano ay kitang-kita naman! Kaya nga, sobrang busy na ako para gawin pang prayoridad ang bagay na ito.”
Sagot: Parang katulad ito ng “Lone Ranger” syndrome. Namatay si Jesus hindi para lang sa mga indibidwal, kundi para sa church. Sa pamamagitan ng pag-aampon sa iyo, ikaw ay dinala ng Diyos sa kanyang pamilya, kaya ngayon ay may mga kapatid
ka na. At isa pa, sinasabi niya na naipapakita natin ang pagiging kabilang sa kanyang pamilya at ang ating pag-ibig sa kanya sa pamamagitan ng ating pag-ibig sa iba. Nagagawa natin iyan sa pamamagitan ng ating pagpapasakop at pakikiisa sa isang
local church. Ang Christianity ay personal, oo, palagi!—pero hindi pribado. Kailangan mong maging involved sa buhay ng iba, at ganoon din sila sa buhay mo. Ang Diyos lang ang hindi nangangailangan na turuan!
Objection 6: “Ito ay para lamang sa mga extroverts.”
Sagot: Hindi, ito ay para sa mga Kristiyano. Ang bilang ng mga relasyon na mayroon ka ay maaaring mag-iba depende sa iyong personalidad, sitwasyon sa buhay, at iba pa. Pero ang hindi pagkakaroon ng ugnayan sa iba ay hindi isang option para sa isang pananampalataya na nakasentro sa pag-ibig at pagpapatawad. Makipag-usap ka sa ibang mature Christians para tulungan kang maunawaan at mai-apply ito sa iyong buhay.
Objection 7: “Hindi ko kayang mag-disciple. Hindi ako perpekto, nagkakamali ako, at masyado pang bata!”
Sagot: Kung ikaw ay tunay na sumusunod kay Cristo, ang kailangan mo lamang gawin ay ibahagi kung ano ang nalalaman mo, hindi ang hindi mo alam. Sa maraming tao sa paligid mo, ang ibig sabihin niyan ay ang pagbabahagi ng
gospel! Sa mga kapwa miyembro ng church, ito ay maaaring mangahulugan ng pagsisimula ng mga usapang espirituwal sa pamamagitan ng pagtatanong, pagbabahagi ng iyong natutunan, at pananalangin para sa kanila. Ang sinumang
tunay na sumusunod kay Cristo ay maaaring mag-disciple.
Hango sa librong DISCIPLING: Paano Tulungan ang Iba na Sumunod kay Jesus ni Mark Dever. Isinalin sa Filipino/Taglish ng Treasuring Christ PH. Ito ay bahagi ng Building Healthy Churches Series ng 9Marks.
Available sa shopee.ph/treasuringchristph
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

