Good morning po sa ating lahat. Happy Lord’s Day. Tayo po ay nasa ating Lord’s Day number 3 na. Parang kailan lamang ay nagbabakasyon pa ang karamihan sa atin at binabalikan ang mga naganap at mga bagay na dapat ipagpasalamat noong taong 2023. Kahit ngayon po, kapag nagtuturo o may ginagawa nalilito pa rin ako kung ano na nga ba ang petsa na isusulat sa mga papel. At yung mga bagay na ganito ay nagpapakita sa atin, pinapakita sa akin na napakabilis ng panahon, at kasabay non, mas nakikita din sa buhay natin kung gaano kapuri-puri din ang Panginoon sa kanyang katapatan sa bawat isa sa atin. Praise God for his faithfulness.
Muli po, ako din ay nagpapasalamat sa Panginoon para sa panibagong biyaya na ibinigay niya sa akin upang ipangaral ang kanyang mga banal at kamangha-manghang salita sa araw na ito. Paulit-ulit po na sa tuwing ako po ay naghahanda at nag-aaral para sa pangangaral ng kanyang mga salita, ay lagi nyo pong naririnig yung tungkol sa aking mga kakulangan, limitasyon, at kahinaan. And thankfully, ganoon naman talaga yung epekto nang mga salita ng Panginoon. Kaya naman papuri sa Diyos dahil ito ay pagkakataon hindi lang para sa akin, kundi para sa bawat isa sa atin na ilagak yung buo tiwala na mayroon tayo sa magagawa lamang ng Panginoon.
Samahan nyo po ako sa isang panalangin.
Our heavenly and gracious Father, we come to you this morning. LORD Consume our hearts, Panginoon punuin mo nang pag-ibig para sa iyong mga salita ang aming mga puso. Tulungan mo yung bawat isa sa amin na hanapin at lasapin ng aming mga tenga at mga mata ang masilayan kung sino ka sa iyong mga salita. Panginoon, Ipakita mo sa amin ang iyong kadakilaan, iparanas mo sa amin ang iyong habag at kapatawaran, at Panginooon lagi mo kaming ibalik kay Kristo na aming kanlungan. LORD, where else can we go? You have the words of life. Lord, Be our great shepherd today. Help our hearts to enjoy and delight in you. Help our souls to bless you, O Lord. Ito po ang aming panalangin sa pangalan ng iyong anak na si Jesus, Amen.
Sa nakalipas na tatlong Linggo simula nung December 31, kung napapansin nyoo po, tayo po ay nagpapatuloy sa ating mas malalim na pag-aaral sa aklat ng mga awit o Psalms. At isa po sa mga panalangin ko para sa ating lahat ay nawa nagiging mas malalim din ‘yung ating pagtingin at pag-ibig para sa Diyos at sa kanyang mga salita. Sa pamamagitan din nung mga nakaraang sermons, sana po ay nakikita natin yung katotohanan para sa ating lahat ng 2 Timothy 3:16 at napapatunayan natin na ang lahat ng bahagi ng Salita ng Panginoon ay mapapakinabangan ng bawat isa at kagamit-gamit para sa iba’t ibang pangangailangan natin bilang mga mananampalataya.
Kasabay po noon, napakabuti din sa atin ng Panginoon, dahil patuloy tayo na makatanggap at makalasap ng Salita ng Diyos that is faithfully preached by our pastors. Kung nakinig kayong mabuti nung mga naraan ay talagang hitik na hitik sa gospel reminders ang ating mga napakikinggan. at ‘Yun din naman po ang aking sisikaping magawa sa umagang ito sa tulong ng Banal na Espiritu. So last week konting review lang, the week before we studied Psalm 1 and last week we talked about Psalms 46 at isa sa mga pangunahing tema non ay yung paglalagak natin ng tiwala sa ating Panginoon lalo na sa panahon kung saan mahirap gawin ‘yun. Diba yung isang inawit natin nun, Be still my soul. Yung Psalm 46 is labeled as a psalm of trust o awit ng pagtitiwala sa Panginoon. Tinulungan tayo n’on na pakatandaan yung mga ginawa ni Kristo at buong tiwalang umasa sa kanya. Ngayon araw naman, tayo po ay mag-aaral patungkol sa isa sa mga mahahalagang bahagi ng ating mga panalangin at even ng ating church program or liturgy. Ano yun? ‘Yan po ang praises. Kung titingnan nyo po ang ating mga church bulletin, palagi dyang may nakalagay na prayer of praise or adoration, kung mapapansin ninyo, natural na bahagi ng ating church service and hopefully ng ating prayer time ang praise or ang papuri. Napakahalaga nito para sa atin at titignan pa natin mamaya kung bakit natin binibigyan pansin yung bagay na ito. Buksan niyo po ang inyong mga Bibliya sa Psalms 103 at hayaan niyo lamang po na nakabuklat ang inyong mga Bibliya sa pahina na ‘yan dahil babalik-balikan natin ang mga nakasulat dyan.
So bago ang lahat, before we dive deeper doon sa katuruan ng Psalms 103, tignan muna natin ng konti ang konteksto. Ang partikular na tema ng Awit 103 ay nakasentro sa papuri. Sa ESV, ginamit yung salitang “bless”. Sa tagalog naman, “papurihan o purihin”. Paulit-ulit ‘yan. Sinabi sa panimulang verses sa 1 and 2 at inulit din naman sa dulo ng chapter, sa verses 20 hanggang 22. Sa simula at sa dulo. Ito ay mga senyales para sa ating mga readers o hudyat na ang konsepto nang pag-bless o blessing ay ang central theme or major emphasis nung awit na ating pag-aaralan. Yung salita pong bless ay Synonymous o magkahalintulad ang salitang “bless” at “praises” o “papuri”. o bakit ko ba sinasabi ito, bakit ko ba ineexplain na yung synonyms nya. Binabanggit ko ito kasi baka may ibang nagtataka sa inyo kung ano ba ‘yung act of blessing o paano ba natin praktikal na gagawin ‘yung sinasabi duon sa verse 1 na “Bless the Lord”. Paano ba natin sya gagawin? Isa pa, hindi tayo pwedeng basta-basta lang mag-assume kung ano ba ‘yung kahulugan nila.
Kaya naman, let’s look at Psalms 34:1. “I will bless the Lord at all times; his praise shall continually be in my mouth.” makikita natin jaan yung words na bless at praise. Yung original word nya ay hindi pareho, pero overlapping ‘yung meanings nung dalawa. Pareho sila ng gamit at pareho sila ng pinupunto. Ano ‘yun? ‘Yun ay bigyang kapurihan ang Diyos. Another question. So paano nga gagawin, sa pamamagitan ng ano? Ano ba ‘yung sinabi sa dulo nung verse? “…continually be in my mouth; ang aking bibig.” So, closely related ang act of blessing sa vocal praises. ‘Yung paggamit natin ng ating mga boses. Paggamit ng ating mga bibig, saan? sa ating mga pag-awit, sa pananalangin, sa pagbabasa at pagtuturo ng Salita ng Diyos. Kung ginagawa natin yung mga bagay na ito upang bigyang papuri ang Panginoon, then we are blessing the Lord.
Balikan natin ‘yung verse 1 sa ating text ngayong umaga. Ang sabi doon, “Bless the LORD, O my soul, and all that is within me, bless his holy name! Bless the LORD, O my soul.” Kaluluwa? ‘Diba kababanggit lang natin na ‘yung bless ay may kinalaman sa pagpuri gamit ang mga labi? From mouth or lips, naging kaluluwa. Kung ganoon, ano ‘yung kinocommunicate sa atin nang verses na ito?
Tignan natin ‘yung background nung author. Si David ‘yung sumulat nito pero sino ‘yung kinakausap niya sa verse 1? Ibang tao ba? No. ‘Yung kanyang sarili. “Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa!” Isa itong kakaibang uri ng panalangin habang kinakausap din niya ang sarili niyang kaluluwa. Anong punto nito? Maaaring gustong umawit ni David sa Panginoon. Maaaring gusto ng kanyang katawan na magpuri sa Diyos. At inuutusan niya ang kanyang kaluluwa na gawin din ‘yung ginagawa ng kanyang katawan. Bakit? Kasi posible na sa pagkakataong ito, gusto mang magpuri ng kanyang katawan, pero hindi mahanap ng kanyang puso o kaluluwa ang mga dahilan para magpuri. At kung ganoon nga, may sinasabi sa atin si Jesus sa Matthew 15:8-9 bilang pag-iingat. Sabi dito, “Iginagalang ako ng mga taong ito sa mga labi lang nila, ngunit malayo sa akin ang kanilang mga puso. Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, sapagkat ang mga itinuturo nila ay mga utos lang ng tao.” Bakit ganito? Kasi walang silbi ang papuri ng ating mga labi, ng ating mga bibig, ‘yung ating mga awitin, kung ang mga puso natin ay malayo sa Panginoon.
Ang ating pag-aaral ngayon ay para sa bawat isa sa atin. Paalala ito na tignan nating mabuti ‘yung ating mga puso at i-check kung nagiging routinary o tradisyon nalang ba ang ating pagsamba o kung nagpupuri ba tayo sa Diyos in response doon sa kanyang mga ginawa para sa atin.
Muli, ang nagsulat ng awit na ito ay si David. At alam natin na siya ay kinalugdan ng Panginoon. 1 Samuel 13:14. “…nakakita na ang Panginoon ng taong susunod sa kagustuhan niya…” Sa ESV, ang sabi doon, a man after God’s own heart. Napakagandang titulo. Isang ranggo o title na gugustuhing matawag ng bawat isa satin. people after God’s own heart. Maging sa Hebrews 11:32-33, makikita natin na si David ay isa sa mga heroes of faith. Pero sa kabila nung kanyang puso para sa Panginoon, siya din ay imperpekto at makasalanang tulad natin. Siya ay gumawa ng mga bagay laban sa Diyos, siya ay mamamatay tao, sinungaling, at mangangalunya na kinahabagan ng Diyos. At ‘di natin masisigurado pero maaaring sa panahon na isinulat niya ang awit na ito, kumakaharap siya sa mga pagsubok at temptasyon at pinipilit nung kanyang puso’t kaluluwa na ituon ang kanyang buong tiwala sa kasapatan ng Panginoon.
Mga kapatid, kung nagiging manhid ka sa linggo-linggong pagdalo at kung hindi man manhid pero nandun ka sa punto na nahihirapan na mahanap ‘yung dahilan para umawit at magpuri sa Diyos, narito ‘yung mga paalala at tulong niya sa atin.
Tandaan mo, si David, marami man siyang kinakaharap at hindi man niya alam ang tiyak na pagdating ni Kristo pero inilalagak niya na ‘yung kanyang buhay at tiwala sa darating na tagapagligtas. At bilang kapatid ni David sa pananampalataya, ito ang ilang pagtawag niya sa atin. Sa verses1 and 2, mayroong dalawang calls or imperatives ni David para sa sarili niya at para din sa atin na nagbabasa nito. Sa verse 1, it was a call to praise. “Bless the LORD, O my soul, and all that is within me, bless his holy name! Sa verse 2, it is a call to remember. “2 Bless the LORD, O my soul, and forget not all his benefits…”
Hatiin natin sa dalawa ‘yung text. A Call to Praise God’s Saving Benefits in Christ
First imperative, tinatawag tayo ni David na purihin ang Diyos para sa mga ginagawa niya sa buhay natin. Paano natin gagawin ‘yun? Binigyan niya tayo ng mga dahilan.
Forgiveness through Christ
Verse 1 and 3. “Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki’y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya. Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad.”
Una, dahil pinatawad at patuloy na pinapatawad tayo ng Diyos. Basahin natin ang sinasabi sa Isaiah 53:6, “Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw. Bawat isa sa atin ay gumawa ng nais nating gawin. Pero siya ang pinarusahan ng Panginoon ng parusang dapat sana ay para sa ating lahat.” “And the Lord has laid on him the iniquity of us all.” Sino ‘yung tinutukoy doon? Walang iba kundi si Kristo.
‘Yung mga kasalanan na pumipigil kay David para magpuri, darating ang panahon na bibitbitin itong lahat ni Kristo sa krus. Sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus sa kalbaryo, tayong mga dapat ay walang pag-asa, walang dahilan para magpuri dahil sa ating mga kasalanan ay mayroong kalayaan para magalak at papurihan ang Diyos. By nature, we are children of wrath. Hindi tayo nalulugod sa mga gawa ng Panginoon at habang nandito tayo sa mundo, habang buhay tayong maghahanap ng papawi sa ating uhaw na ang tanging sasapat lamang ay si Kristo. Isipin mo, kung hindi dahil kay Kristo, tayong lahat ay uhaw sa mundong ito at pagkatapos nating mamatay, ibubuhos sa atin ng Diyos ang poot at galit niya laban sa ating mga kasalanan. Sinong tao na ganoon ang kahihinatnan ang makakayang magpuri at magsaya? Wala. Pero dahil kay Kristo, magagawa na nating magpuri. Ang kasalanan mo, ang kasalanan ko, lahat nang pagkukulang natin ay dala dala na ni Kristo nung siya ay nasa krus.
Una pa lang, naka-angkla na kay Kristo. At bawat isang dahilan na ibibigay sa atin ni David sa awit na ito ay posible lamang dahil kay Kristo. Ang buong awit na ito ay tinuturo tayo pabalik kay Kristo palagi.
Healing through Christ
Ikalawang dahilan para magpuri, “Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa dahil anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.”
Kagalingan o healing. Makapagpupuri tayo sa Diyos dahil siya ang nagbibigay sa atin ng kagalingan. Ang mga ito ay kasunod at parallel ng kapatawaran ng kasalanan. Maaaring tumutukoy ito sa pagbabago hindi lang ng ating mga pisikal na pangangatawan ngunit maging ng ating mga kaluluwa. It is a restoration of our bodily and spiritual life. Tayo ay napanunumbalik sa Panginoon. Sa tulong nino? Ni Kristo. Totoong nangyari ‘yon dahil lamang kay Kristo. Pero totoo ring pinagagaling ng Diyos ang mga karamdaman. Si Kristo ang dakila nating manggagamot at may kapangyarihan siyang pagalingin ang anumang sakit. Pero paano kung kumakaharap ka ngayon ng matinding karamdaman? Paano kung may taning na ang buhay mo o ang mga mahal mo sa buhay? Paano kung walang naging kagalingan ang sakit at tuluyan kang mamatay? Nasaan na ang dahilan natin para magpuri? Na kay Kristo pa din.
Dahil gumaling man o hindi ang ating mga sakit at karamdaman, mayroon tayong pag-asa pagkatapos ng buhay na ito. Dahil sa ginawa ni Kristo, tayo ay makakasiguradong sinumang nananampalataya sa kanya ay bubuhaying muli. Romans 8:17-18. “If indeed we share in his sufferings in order that we may also share in his glory.” At higit pa sa karamdaman, tinalo na ni Jesus ang kamatayan kaya’t ang sinuman sa ating sa kanya nagtitiwala, mayroon din tayong muling pagkabuhay na aasahan. Muli, posible lamang dahil kay Kristo.
Redemption through Christ
Ikatlong dahilan para magpuri, “Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa dahil sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas.”
Hindi lang kagalingan mula sa mga sakit ang ibinigay sa atin ng Diyos. Kagaya ng sinabi kanina, tayo ay iniligtas ng Diyos mula sa panghabang buhay na parusa ng kamatayan. Kung tayo ay nakay Kristo, ‘di lang tayong bubuhayin muli. Tayo rin ay mabubuhay pang-walang hanggan. When the time comes, either when we die or when Christ comes back, we will start living for him and with him forever. Wala nang katapusan. Wala nang sakit, wala nang hirap, at wala nang muling pagkamatay. And in that eternity, we will spend our lives doing what we are made to do, Bless the Lord O my soul.
Glory through Christ
Ikaapat na dahilan para magpuri, “Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa dahil pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.” Let me read sa ESV, “who crowns you with steadfast love and mercy…”
Tignan natin ‘yung imahe na ginamit dito ni David. “Crowns you with steadfast love and mercy.” May coronation. At ang coronation ay ginagawa lamang para sa mga may dugong bughaw. Sa mga taong may mataas na estado. Sa mga taong lubos na pinapahalagahan. Alam na alam ni David ang larawan ng isang koronasyon at ang glory na mayroon ito dahil siya mismo ay naranasang maging hari dito sa mundo. Pero katulad ka man niya na nakaranas ng glory dito sa lupa o isa ka lamang ordinaryong tao, ito ang pangako sa atin ng Diyos.
Ephesians 2:6-7. “Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo’y muling binuhay na kasama niya upang mamunong kasama niya sa kalangitan. 7 Ginawa niya ito upang sa darating na mga panahon ay maipakita niya ang di-masukat na kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob, sa kabutihan niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus.”
Higit na biyaya ang mararanasan natin kung iniligtas tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan at ginawang alipin niya. Higit na biyaya sa atin kung iniligtas tayo at matapos ay hinayaan nalang tayo sa ating mga sarili for all eternity. Higit na biyaya sa atin kung tayo ay iniligtas at kinupkop ng Diyos sa pinakapayak na bahagi ng langit. Pero hindi. Matapos tayong iligtas ng Diyos, pinangakuan niya rin tayong bubuhaying muli at mamumunong kasama niya. Ito ‘yung ‘di masukat na kagandahang loob ng Diyos. He is restoring our original design in the creation. Isang pribilehiyo at responsibilidad na hindi natin karapat-dapat. Sino ba tayo para biyayaan ng ganong tungkulin? But because of Christ, we will glory and rule the universe with him forever. Hindi ba sapat ‘yun para magpuri sa Diyos?
Satisfaction and Renewal through Christ
Ikalimang dahilan para magpuri, “Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa dahil sa sarili ang dulot niya’y kasiyahan habang buhay, kaya naman ang lakas ko ay lakas ng kabataan, katulad ng sa agila ang taglay kong kalakasan.”
Ang sabi sa ESV, “your youth is renewed like the eagle’s.” Sino ba sa inyo ang sumasakit na ang likod? Ang mga kasu-kasuan? Ang nagsisimulang makalimot ng mga maliliit na bagay? Habang tayo ay tumatanda, lalo ba tayong lumalakas? No. As we grow old, we also grow weak. Kung gayon, ano ang tinutukoy rito na pinapanumbalik ng Panginoon?
2 Corinthians 4:16. “Kahit na humihina ang aming katawang-lupa, patuloy namang pinalalakas ang aming espiritu araw-araw.”
Isaiah 40:31. “Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila’y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila’y lalakad ngunit hindi manghihina.”
Dahil sa ginawa ni Kristo, ang mga kaluluwa natin ay nabigyan ng buhay at bagong lakas. Mula sa mga patay, tayo ngayon ay mayroong buhay at kakayahang magpuri sa Diyos. At darating ang araw na lahat ng nilikha ay mababago dahil gagawa ang dakilang Diyos ng bagong mundo at bagong kalangitan kung saan siya maghahari at kung saan tayo magpupuri at sasamba.
A Call to Remember God’s Saving Work in Christ
Ilan lamang ‘yan sa mga unang dahilan natin sa pagpuri sa Panginoon. Marami pang ibinigay si David at ‘yun ay kaakibat ng ating pag-alala sa mga ginawa ng Diyos. David’s second imperative to his soul and to us is to remember God’s saving work in Christ.
Para sa ating mga madaling makalimot, napakahalaga na aktibo nating aalalahanin araw-araw ang mga kamangha-manghang ginawa ng Diyos hindi lang para sa atin kundi sa buong kasaysayan. Sabi nga sa inawit natin kanina, we are prone to wander, we are prone to leave the God that we love. At upang maiwasan ang mga ganoong pagkakataon, we look to Jesus and remember him.
Ano ang una nating aalalahanin?
Righteousness through Christ
Unang paalala. V.6 “at huwag mong kaliligtaan, Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan; natatamo ng inapi ang kanilang karapatan.” “The Lord works righteousness and justice for all who are oppressed.”
Gumagawa ba para sa katarungan at katuwiran ang Diyos? Yes. Makikita natin ‘yun sa ginawa ni Kristo sa krus para sa atin. Doon sa kalbaryo, nagtagpo ang katarungan at pag-ibig ng Diyos. Naranasan ni Kristo ang katarungan at paghahatol ng Diyos sa lahat ng kasalanan nang akuin niya ang dapat na parusa para sa atin. At naranasan din naman natin ang dakilang pag-ibig ng Diyos Ama para sa Diyos Anak ng mangyari ang lahat ng ‘yun sa krus. Para tayong lahat ay mapatawad at ituring na matuwid, ibinigay ni Kristo ang kanyang buhay. Lahat ng nagtitiwala kay Kristo para sa kanilang katuwiran ay mapapawalang sala sa paghahatol ng Diyos dahil ang lahat ng kanilang kasalanan ay na kay Kristo na. Pero kung ikaw ay nananatiling malayo sa Diyos at pinupuri ang sarili nang higit sa Panginoon, mararanasan mo ang katarungan at katuwiran ng Diyos sa impyerno. Anuman ang mangyari, ganap na matatamo ng bawat isa ang tamang paghahatol at katarungan ng Diyos.
Steadfast Love through Christ
Ikalawang paalala. “at huwag mong kaliligtaan, Mga plano niya’t utos kay Moises ibinilin; ang kahanga-hangang gawa’y nasaksihan ng Israel. 8 Si Yahweh ay mahabagi’t mapagmahal, hindi madaling magalit, wagas ang pag-ibig.”
Isipin mo si David nung panahong isinusulat niya ang mga ito. Siya ang hari ng Israel at sa kanyang paghahanap ng mga dahilan para magpuri, kanyang inalala ang isa sa pinaka-kamangha-manghang pagliligtas ng Diyos. Ano ‘yun? Ang exodus. Nang gamitin ng Diyos si Moises at nung kanyang iniligtas ang sambayanan ng Israel. Nasa kalagitnaan pa rin tayo ng ating sermon series sa Exodus at nakikita natin kung paanong tapat ang Diyos sa lahat ng kanyang mga sinabi. Pinalaya niya mula sa pagkakaalipin ang mga Israelita. Ginabayan niya sila sa disyerto. Niligtas mula sa paraon at mga sundalo nito. Hinati ng Diyos ang dagat. Binigyan sila ng makakanin. Inutusang magpahinga para sa kanilang ikalalakas. Ang lahat ng ginawa ng Diyos para sa bayan ng Israel ay larawan ng isang pambihirang biyaya. Sila man ay bayang pinili ng Diyos, karapat-dapat ba sila para sa pabor ng Panginoon? No. Napakita man lamang ba nila na deserving sila sa lahat ng ibinigay ng Diyos sa kanila? Hindi. Nagampanan ba nila ang tungkulin nila bilang bayan ng Diyos? Hindi. Sa kabila ng lahat ng kabutihan ng Diyos sa kanila, napakarami nilang reklamo at mga pagkakamali. Mga kasalanang laban sa Diyos na nagligtas sa kanila. Kaya naman, kapag naaalala ito ng sinumang Israelita, nagbibigay ito ng kumpiyansa at rason para sila ay magpuri at magbalik-loob sa Panginoon. ‘Yung verse 8, “Si Yahweh ay mahabagi’t mapagmahal, hindi madaling magalit, wagas ang pag-ibig.” Ito ay direktang kotasyon mula sa Exodus 34:6. Again, paalala nang kabutihan ng Diyos para sa bayang kinabibilangan ni David.
Ano naman ngayon para sa atin ang relevance nung kwentong ito? E Israel ‘yun e. Mga Hentil tayo. Gaya ng mga Israelita, tayong mga na kay Kristo na ay nananatili sa makasalanang katawan. Nagpapatuloy pa rin ang ating pagkakasala. Gaya nila, tayo rin ay nakakalimot sa ginawa ng Panginoon. At kung gaya ni David, ating babalikan ang pagliligtas na ginawa ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Kristo, tayo din ay magkakaroon ng lubos lubos na dahilan para umawit at magpuri. Dahil kay Kristo, naranasan natin ang sukdulang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang biyaya at habag para sa ating mga lapastangan at hindi karapat-dapat. ‘Di tayo kinakailangang iligtas ng Diyos ngunit dahil sa pag-ibig niya sa atin, ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang anak na siya namang naging masunurin hanggang sa kamatayan sa krus. Basahin natin kung gaano kalawak at kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa pagpapatawad sa atin.
9 Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim; yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim. 10 Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa, hindi tayo sinisingil bagama’t tayo’y may sala.
Again, hindi kailangang gawin ng Diyos ang mga bagay na ito.
11 Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya. 12 Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan.
Hindi ba sapat na dahilan ‘yun para tayo ay magpuri? Kapatid, dapat magkaroon ng pagbabago sa ating mga puso. Hindi dahil sanay ka nang naririnig ang gospel ay hindi mo na ‘to kailangan. Sa totoo lang, habang tumatagal, mas lalong lumalaki ang pangangailangan natin sa gospel. Mas lalo nating kailangang kumapit sa mga pangako ng Diyos. Mas lalo natin dapat makita ang sukdulang pangangailangan natin sa gospel reminders mula sa Diyos.
Fatherly Compassion through Christ
Kaya naman, dapat din nating alalahanin na “…kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon si Yahweh nahahabag sa may takot sa kanya.”Dahil sa ginawa ni Kristo, tayo ay iniibig ng Diyos na tila mga anak. Kung paanong perpekto ang pagmamahal at pagtingin ng Diyos Ama kay Hesu Kristo, ganoon rin niya tayo tinitignan. Kung paanong bukas palad na inakap ng ama ang alibughang anak, ganoon din tayo niyayakap ng Diyos papalapit sa kanya. Kaya kung nahihirapan ka na magpuri sa Diyos dahil malayo ang iyong puso sa kanya, ito ‘yung pagkakataon at paalala na mayroon kang mababalikan. Gaya nung alibughang anak na lumimot sa pag-ibig ng kanyang ama at mas inasam na masiyahan sa mundong ito, may paanyaya ang Diyos para sa iyong pagbalik. Hindi ka lang niya hinihintay. Hinahanap ka niya. Gaya ng isang tupa na nawawala, gaya ni Adan na nagtatago sa likod ng mga puno at ng kanyang kahihiyan, hinahanap ka ng Diyos at yayakapin ka niya ng buong-buo. In your weakness, experience the renewal of your spirit in Jesus.
The Withering Man and the Everlasting God
Kapatid, karapat-dapat ang Diyos para sa iyong buong pagsamba. Karapat-dapat siya para sa pagpupuri na iyong ibibigay. God is worthy of your praise, adoration, and blessing. God is worthy for who he is, for what he has done, and for what he will continue to do. Tapat, mabuti, at banal ang Diyos. Kaya ibigay mo sa kanya ang nararapat.
14 Alam niya na alabok itong ating pinagmulan, at sa alabok din naman ang ating kahahantungan. 15 Ang buhay ng mga tao’y parang damo ang katulad, sa parang ay lumalago na katulad ay bulaklak; 16 nawawala’t nalalagas, kapag ito’y nahanginan, nawawala na nga ito at hindi na mamamasdan.
A Call to Repent
Kung ikaw ay wala pang relasyon kay Kristo at hindi pa sa kanya nakalagak ang iyong buhay at pagtitiwala, kailangan mong tandaan, napakabilis ng buhay. Ngayon ay naririto tayo, maaaring bukas ay wala na. Kailan ka pa magpupuri sa kanya, kapag huli na ang lahat? Kapag nakaharap ka sa kanyang paghahatol? Kapag wala ka ng ibang magagawa kundi sambahin siya mula sa impyerno? Hindi ito pananakot kundi pakiusap at pagsusumamo dahil darating ang panahon na pupurihin siya ng lahat ng lahi, bansa, at mga labi. Lahat ay magsasabing siya ang Diyos na buhay magpakailanman.
Kapatid, pangwalang-hanggan ang nakasalalay rito. Kalimutan mo ang iyong sarili at simulan mong purihin ang banal na Diyos na lumikha sa iyo. At pagkatapos, panghawakan mo na ang pag-ibig ni Yahweh na tunay at walang hanggan, sa sinuman na sa kanya’y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. Kapuri-puri ang habag at pag-ibig ng Diyos. Lumapit ka rito.
A Call to Bless
At kung ikaw naman ay na kay Kristo, ang lahat ng mga dahilan at rasong nabanggit ko kanina ay paanyaya pa lamang para sayo na araw-araw magsumikap na tumingin kay Jesus. Ito ‘yung limang gospel applications para sa bawat isa sa atin.
Application
Una, heart-check. Balikan mo ang estado ng iyong puso. Sumisigaw ba sa pagpupuri ang iyong kaluluwa? Umaawit ka ba ng may galak dahil kay Jesus? Whatever your answer is, dapat ito ‘yung pangalawa mong gagawin.
Tignan mo si Kristo. Tignan mo ang kanyang ganda at kanyang ginawa. Alalahanin mo ang kanyang mga salita at araw-araw na kumapit dito. Para sa iyong joy, sa iyong satisfaction, sa iyong endurance and motivation to persevere until the end. Para sa paglaban sa sufferings. Para sa katagumpayan sa temptations. Para sa pusong puno nang pagpupuri sa Panginoon. Panghawakan mo ang mga pangako at kanyang mga gagawin para sayo. Mula rito, hanapin mo ang bawat dahilan na magtutulak sayong magpuri sa Diyos. We have hope for a blessed future in Christ. Hindi lang para sa atin kundi para sa ating mga lahi. Kaya sa kanya mo hanapin ang iyong pag-asa. Kapatid, tingin kay Kristo.
Ikatlo, mamuhay ka nang may pagpupuri. Hindi ‘yung puro reklamo sa mga bagay na wala ka o hindi mo makuha kundi may pagpapasalamat dahil nasa iyo na ang dakilang katapatan at pag-ibig ng Diyos ng kalawakan. At syempre, kaakibat ng pamumuhay na may pagpupuri ang pamumuhay na may pagsunod. Hindi dapat sila nagkakahiwalay. The outflow of our praises must be obedience.
Ikaapat, hayaan ninyong basahin ko ang verses 20-22a.
O purihin n’yo si Yahweh, kayong mga anghel ng Diyos, kayong mga nakikinig at sa kanya’y sumusunod! 21 Si Yahweh nga ay purihin ng buong sangkalangitan, kayong mga lingkod niyang masunurin kailanman. 22 O purihin ninyo siya, kayong lahat na nilalang, sa lahat ng mga dakong naghahari ang Maykapal;
Ano ang implikasyon ng mga ito? Ito ay paalala na hindi ka lang magpupuri mag-isa. Ang pagpupuri ay inilaan ng Diyos para sa lahat ng kanyang nilikha. Kasama ang mga anghel sa langit. Mga kapwa mananampalataya sa iglesya at lahat ng nilalang. Pagdating ng katapusan, lahat ay magpupuri sa Diyos. What better way than to practice it now. Kaya naman, ‘wag mong kaliligtaan ang mga pagtitipon. Bless the Lord with your church.
At panghuli, kung lahat ay itinalagang papurihan ang Diyos, sikapin mo rin dapat na matulungan ang iba na magpuri sa kanya. Sanayin mo ang mga kasama mo sa church at mag-reach out ka naman sa mga wala pa kay Kristo.
Puro tayo pagpupuri sa Diyos. Well, yes. That’s the point. This sermon is not about you. It’s about Jesus. Tungkol ito sa karapat-dapat at buhay na Diyos na manlilikha at tagapagligtas.
Muli, He is worthy of your worship and praise. Jesus is worthy. Kaya naman sabay sabay nating sambitin sa Panginoon, Bless the Lord, O My Soul. Bless the LORD, kapatid.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

