Ang ating mga pangangailangan ba ang pangunahing tinutugunan ng gospel? Ang ating mga hangarin para magkaroon ng meaning ang buhay? Ang pagbabago ng lipunan? Ang kaayusan ng ating pamumuhay? Ang matulungan ang mga mahihirap? Pagpapayaman at pagbuti ng ating kalusugan?
Sa palagay ng marami, lahat ng ‘yan ay mga problemang nakakapit sa gospel kaya para sa kanila, “Ang gospel ay tungkol sa lahat ng bagay na ‘yan!” Pero tungkol ba talaga sa mga bagay na ‘yan ang gospel? Nandiyan ba sa mga ‘yan ang pangunahing problemang tinutugunan ng gospel?
Sinasabi ng Bibliya, “Hindi, wala sa mga ‘yan ang problema.” Malinaw na itinuturo ng Bible na ang pangunahing problema natin, ng sangkatauhan, ay kasalanan at ang poot ng Diyos laban sa atin dahil sa ating mga kasalanan.
- “Sino ang makakaligtas sa galit ni Yahweh? Sino ang makakatagal sa kanyang matinding poot? Bumubugang parang apoy ang kanyang poot. Batong malalaki ay nadudurog dahil sa kanyang galit” (Nahum 1:6)
- “Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan” (Roma 1:18).
- “Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail.” (Ef. 5:6)
- “Nagtago sa mga yungib na bato ang mga hari sa lupa, ang mga gobernador, ang mga pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, at lahat ng tao, alipin man o malaya. At sinabi nila sa mga bundok at sa mga bato, “Tabunan ninyo kami at ikubli ninyo kami sa mukha ng nakaupo sa trono, at sa poot ng Kordero! Sapagkat dumating na ang kakila-kilabot na araw ng pagbubuhos ng kanilang poot, at sino ang makakatagal sa harap nito?” (Pah. 6:15–17).
Ang poot ng Diyos laban sa ating mga kasalanan ang pangunahing problema na tinutugunan ng gospel. Namatay si Jesus sa krus bilang pantubos, isang handog na pumapawi sa poot ng Diyos (Roma 3:25; 1 Jn. 2:2, 4:10) upang tayo ay maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya.
Salin sa Filipino/Taglish ng What is the Most Fundamental Problem the Gospel addresses?. Mula sa 9Marks.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.


Thank you po..a great encouragement po