Preached by Ptr. Marlon Santos from 1 Peter 2: 9- 10
9 Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. 10 Kayo’y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo’y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap nghabag, ngunit ngayo’y tumanggap na kayo ng kanyang habag.
“Tayong mga Kristiyano, o ang Iglesya, ay pinili ng Diyos dahil sa Kanyang habag sa pamamagitan ni Kristo para sa natatanging layunin ng pagpapahayag ng Kanyang mga papuri, kadakilaan, at kagandahan sa mundong ito na puno ng kasamaan dahil sa kasalanan.”
“We Christians, or the Church, were chosen by God out of His compassion through Christ for the unique purpose of expressing His praises, greatness, and beauty in this world full of evil due to sin.”
Good morning to all of you! Happy Lord’s Day!So, ngayon pong umaga ay naka series break tayo sa Church Covenant na pinagungunahan ng ating pastor Derick, ganoon din sa gcgc (si bro. Jhok ang syang nangangaral po ngayon doon). This time ay ating pag-aaralan itong ating text na pinirepare ko po, na binasa kanina sa 1 Peter 2:9-10. Kung saan makikita rin naman natin ang malaking kaugnayan nito sa ating ginagawang pag-aaral sa series nating ito ng church covenant– sa Temang “Life Together” dito sa ating church. Kungsaan, bakit ito rin po ang napili ko text ngayon na ating pagbubulayan. Pero bago lang tayo mag patuloy, ay samahan nyo po ako sa panalangin.
Let’s Pray: Aming Dios na dakila at makapangyarihan sa lahat, kami po ay patuloy na lumalapit sa trono ng iyong biyaya sa oras po na ito. Salamat po sa privilege na mapangunahan ang iyong church sa pag-aaral ng iyong Salita. Salamat po sa Panginoong Jesu-Cristo, dahil sa pamamagitan N’ya ay nagkaroon kami ng kalayaan na makalapit sa’yo, na hindi inaalala na kami ay babalewain mo.Salamat po o Dios sa kagandahang-loob mo na ito. Lalo na kapag naiisip po namin kung gaano kalaki ang aming pagkukulang(kasalanan) sa isang Dios na banal na katulad mo. Ang totoo, talagang kami ay karapat-dapat sa parusa mo dahil sa aming likas na pagiging mga masuwayin. Pero dahil sa laki ng pag-ibig at biyaya mo ay heto kami nakakaharap sa’yo at higit pa ay nakakalapit sa’yo sa panalangin para ipagkatiwala sa’yo ang aming mga buhay.Salamat po sa hindi nauubos na biyaya mo, na laging sapat o higit pa sa aming mga pangangailangan. Dalangin ko ang patuloy na pagsama at pangunguna mo sa amin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na s’yang may kapangyarihan bumabago sa aming mga puso at isipan, sa pamamagitan ng iyong banal na Salita. Dalangin ko po ang kalakasan, karunungan at sustaining grace mo ang maipag-kaloob mo sa iyong abang lingkod, upang maipangaral ko ito ng may katapatan at katotohanan mula lang po sa iyong Salita. Ang lahat po ng ito ay aming dalangin ng may pagtitiwalala sa makapangyarihang pangalan ng aming Panginoong Jesu-Cristo. Amen!
Lesson Proper: Please open your bible on 1 Peter 2:9-10 (basahin ko pong muli ang sinasabi dito, I will prefer to use sa salin MBB, maging sa pagtalakay natin).
“9 Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. 10 Kayo’y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo’y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap nghabag, ngunit ngayo’y tumanggap na kayo ng kanyang habag. Ang 1 Peter ay sinulat ni Peter (1:1). Isang apostol ng Panginoong Jesu-Kristo. S’ya ay isang mangingisda na tinawag ng Panginoong Jesus at naging isa sa 12 disciples N’ya. Nasaksihan ni Peter ang mga pag-hihirap ni Jesus. Sa 1 Peter 5:1 “..s’ya ay naging isang saksi sa mga paghihirap ni Kristo”.. meaning, nakasama nya ang Panginoon Jesus. Tinatayang nasa 64-65 AD ng ito ay sinulat sa mga christians (mga hinirang ng Dios) sa ibat-ibang lugar o lalawigan ng Ponto, Galacia, Capadocia, Asia, at Bitinia.(verse1b of chapter 1). Ito ay ang Modern Turkey sa panahon natin ngayon. Sa chapter 5:13 sinasabing naisulat ito sa “Babylon” a code word for “Rome.” (meaning s’yay nasa rome). Ayon nga sa mga naunang nag-aral dito, sa pahong ito kungsaan ang mga mananampalataya dito ay dumaranas ng mahigpit na persecutions and suffering sa time ni Nero ng Roman Empire. As in, sa panahong ito ay masasabing mahigpit na pag-uusig, makikita ‘yan sa bawat bahagi o chapter ng letter. (1:6) “Ito’y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba’t ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon.” (2:12) “..pag-paparatang o pagsasabi sa kanila ng masasama.” (2:18-19, 21) “ maltreatment sa kanila..” (3:9a, 16,17 /4:13-16) “paggawa ng masama sa kanila, paghamak, pag-insulto dahil kay Kristo. (5:9)(actually, hindi lang sila) “kahit pati ang iba pang mga kapatid kay Kristo sa buong mundo”
Kaya nga madarama ang tone ng letter dito ni Peter ay very Pastoral, and full of encouragement. So, yung kanyang exhortations are addressed to christians who are scattered over a wide area, na mayroon common problems na mga kinakaharap. Na kanyang ine-encourage sila sa kanilang mga na e-experience na paghihirap dahil sa pagsunod sa Panginoong Jesu-Cristo. Na-magkaroon sila ng tamang response, inspite of difficulties. Na ang mga paghihirap na ito ay pansamantala lang, compare to the coming eternal glory na kanilang makakamtan, dahil sa laki ng biyaya ng Dios Kay Kristo na nasa-kanila. (1:3). Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo’y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa. At makikita ang layunin nya rito o (Purpose) 5:12 “Sinulatan ko kayo sa tulong ni Silas(maaaring secretary o tagapagdala ng kanyang sulat),na isa nating kapatid at lubos kong pinagkakatiwalaan. Sa pamamagitan ng maikling sulat na ito ay nais kong palakasin ang inyong loob at magpatotoo na ito nga ang kagandahang-loob ng Diyos. Manatili kayo sa pagpapalang ito. Ofcourse, makikita nga natin kaagad d’yan, na ito ay hindi lang sa kanila, kundi maging sa atin ngayon na mga may pakiki-pag-isa sa Panginoong Jesu-Cristo, na ito ay ating bu’hay na pag-asa sa buhay na ito. (babalikan pa natin ang ilang mga katotohanan kaugnay nito). Ganoon din, tinatayang karamihan sa mga sinulatan dito ay mga magkahalong mga jews and gentiles ang kanilang backgrounds. At majority ay converted out of “paganism” rather than out of judaism. Chapter 4:3-4”. 3 Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, mga pagnanasa ng laman, paglalasing, walang habas na pagsasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan. 4 Nagtataka nga sila kung bakit hindi na kayo sumasama ngayon sa kanilang magulong pamumuhay kaya kayo’y kinukutya nila, So, itong “Paganism” ay paniniwala sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagsamba sa mga dios-diosan at paniniwala sa mga bagay sa mundong ito, kungsaan dito na matatagpuan ang kaligayahan na hinahanap ng mga tao. Wala sa katotohanan tungkol sa espirituwal na bagay, na sinasabi ng Salita ng Dios. Bagama’t ang karamihang mga judio naman (hindi lahat), ay ang kanilang pagkabulag sa Mabuting Balita ni Kristo. (romans 10-11/ acts 28:25-28/ 2 Cor.3:13-15). At alam nating sa bagay na ‘yan para sa mga judiong ito, ay ang kanilang pagkapit sa kautusan para tanggapin ng Dios at sa kaligtasan. Sa punto na ‘yan mapapansin ang kalagayan ng mga taong sinulatan ni Peter, bukod sa mga may maling naka-gisnang paniniwala ng mga ito (yung kanila rin tendency na mahila dito) ay mayroon din ibat-ibang kinakaharap na sitwasyon sa buhay nila. At malamang sa malamang na talagang hindi madali ito. Especially, kung paano rin sila makikipag relasyon sa kanilang mga kapwa, to the church and how they wil liveout itong pananampalataya nila o itong bago nilang identity sa Panginoon. Given that fact, kung ihahambing naman natin itong kalagayan nila noon, sa ating sitwasyon ngayon o panahon ngayon, bagama’t yes not exactly the same, panahon nila ito, context nila ito that time. Pero hindi ito naiiba sa ating mga mananampalataya o bilang mga christians na humaharap din sa ibat-bang hamon, dalahin, pagsubok, problema, pakikipag-laban sa kasalanan sa buhay natin, relational conflicts to the church, to our family, even to other people, yung pag-trato ng ibang mga tao sa mga christians (yung unfair treatment, pag-insulto, or injustices, maybe hindi ganoon kabigat o hirap dito sa atin, pero sa ibang lugar o bansa marahil matindi ang pag-uusig sa mga christians). And for sure alam natin ‘to, we are not exempted for this. Ang tanong lang di ba, paano natin o paano tayo tumutugon sa bagay na ito? At ang maganda naman sa pag-kakatulad natin, same gospel- noon at ngayon, hindi nagbabagong mensahe at kapangyarihan nito, na kailangan nila noon at tayo rin ngayon. At ito ang paulit-ulit nating aalalahanin, pag-uusapan at pag-aaralan. Ito ang dapat natin marinig sa personal mong buhay, sa iyong pamilya, sa ating mag-asawa, sa ating mga anak, sa ating church at atin ibabahagi sa iba. We need to remind ourselves over and over again. Kasi madali tayong madistract sa maraming bagay, lalo na kapag mabigat ang sitwasyon na kinakaharap natin, sa bawat-isa and as a church. Katunayan, hindi maikakaila, kung ikukwento ko, ang maraming beses, panahon o pagkakataon, marahil hindi lang ako, ang nasaksihan ko o natin (or I may say patuloy na nasasaksihan at nararanasan) natin ang ibat-ibang mga (kasama ako) challenges, issues, problems, conflicts, sa buhay natin (kapag naririnig at nalalaman ko’ ang iba, sa journey nila sa Panginoon and as a church). Kung tatanungin tayo bawat-isa, hindi tayo mawawalan ng i-kukwento sa bagay na ‘yan, sa mga ups and downs natin, failure, sablay, struggles natin sa sin o kahit maging sa maayos at sa kaginhawahan ng buhay natin. But praise God, He continually sustains us by His grace through the gospel, His word and His wisdom (amen??!). Hindi tuloy, maiiwasang alalahanin at isipin, lalo ngayon, itong ating anniversary, na itong month na ito, ngayong araw na ito, kaya mamaya sa ating pre-anniversary celebration and next week sa atin din pinaka- okasyon na ito, ay talagang nakaka-siya ng puso, dahil napaka-buti at tapat ang Dios sa atin. 37 years of God’s faithfulness. Ofcourse, hindi lang dahil masasarap ang dadalhin natin pagkain at ating pagsasalusaluhan(kasama yon-napaka evident n’yan sa ating church – God’s provisions), but more than that, ay patuloy na pinakikita ng Dios, kung gaano S’ya kabuti, tapat at makapangyarihan.
Siguro kapag nag-balik tanaw lang tayo sa mga nakaraang pinag-daanan natin as a church, (samut-sari ‘yan di ba?). Maaaring isa sa mahirap talaga ay itong hamon ng pandemic na kinaharap natin. Especially during those times when we can’t gather as a church, bukod don ilan sa atin o pamilya natin ang tinamaan ng sakit o virus na ito(kasama ako) affected ang trabaho o hanapbuhay ng marami sa inyo. Pero, again ang Dios pa rin ang nag-sustain, nag-provide at tumulong sa atin at patuloy na gumagawa nito, na maranasan ang pangunguna at pagkilos N’ya, even at this point in time. At lahat ng ‘yan ay dahil lamang sa masaganang biyaya at habag ng Dios sa atin sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Kristo. At ang katotohanan nito ang patuloy na nagdadala sa atin(ito yung ipanalangin natin) na lalo pang umasa at magtiwala sa kanyang magagawa. Hindi ang ating karunungan, lakas, kakayahan, kayamanan o husay ng pamumuno ng leadership o kahit ang ginagawa ng bawat-isa sa atin na mga paglilingkod. Well, don’t get me wrong, napaka-halaga ng ating responsibilty, that’s why we give more emphasis sa ating church covenant. Pero sa lahat ng ito, makikita ang liwanag ng mabuting balita ni Kristo na mag-dudulot sa atin ng kalakasan na mag-patuloy sa buhay na ito, na S’ya rin namang nagkaloob, tumawag at nag-pasimula nito sa atin. Kasabay ng anumang maaaring pang mga balakid tulad ng mga kahirapan at mga pag-uusig na kakaharapin pa natin. Dahil ang mga ito, kung ating mauunawaan at panghahawakan ay layunin ng Dios, tungo sa kapurihan, karangalan at kaluwalhatian N’ya. At ang mahalaga gagawin natin ito ng mag-kakasama bilang isang pamilya ng Dios na hinirang N’ya. Itong sulat ni Peter ay magbibigay sa atin ng napaka-gandang reminder to all of us, Na una – ay tignan natin itong katotohanan mula sa kanyang Salita, again and again itong Mabuting Balita N’ya. Which is my first point.
1. Our Foundation. (9b-10) ..” Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. 10 Kayo’y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo’y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap ng habag, ngunit ngayo’y tumanggap na kayo ng kanyang habag.
Actually, sa 1:1-4 dito pa lang ay malinaw ng pinapakita ni Peter ang Dios Ama na S’yang humirang o tumawag sa kanila. Sabi d’yan “sa mga hinirang ng Dios”, pinili ng Dios Ama, dahil sa laki ng habag N’ya sa atin.
Ay ano?? “tayo’y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Kristo. Sa ingles sabi dito, he has caused us to be born again to a living hope through the ressurection of Jesus from the dead, Then after sa text natin, 2:24-25 “Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan upang tayo’y mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang mga sugat, kayo’y pinagaling. 25 Sapagkat kayo ay tulad ng mga tupang naligaw, ngunit ngayon kayo’y nanumbalik na upang sumunod sa Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa.
Dito ay pinakikita, una na nga na ang Dios ang S’yang gumawa nito sa atin. S’yang nag-talaga, naglagay sa atin sa katayuang ito. Bumuhay sa atin mula sa kamatayan (espirituwal na kamatayan) tungo sa buhay na inilaan at layunin ng Dios sa atin. (Ephessians 1:4- 14) Ang Dios Ama na S’yang pumili sa atin sa kaligtasan, na tinupad ng kanyang Anak – na ating Panginoong Jesu-Kristo sa Krus sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. At ang banal na Espiritu na nagpapatunay nito sa atin at S’yang kumikilos sa ating buhay, hanggang sa makamtan natin ang ganap ng pagpapalang dala ng 3 persona ng Dios, sa buhay at kamatayan ng bawat-isa sa atin na tunay na sa kanya. At ito ay matibay na pundasyon ng ating pananampalataya, dahilan upang magdala sa atin sa kababaang loob sa harap ng Dios at sa mga tao. Nakakalungkot lang kung minsan, kapag ating oobserbahan, especially to social media ang ilang mga pagtatalo-talo o hindi pagkaka-sundo ng maraming christians tungkol sa mga pinaniniwalaan o halimbawang tinatayuan doktrina o theology. Bagama’t talagang napaka-halaga nito sa atin, pero kung humahantong naman sa kawalan ng pasensya, pagmamahal o pang-unawa sa kapwa, anong halimbawa ang pinapakita natin sa mga tao??Na dapat sana, itong matibay na mga essentials o core doctrines na meron tayo galing sa Salita ng Dios ay nag-uunite sa atin, pero dahil sa pride, arrogance, self centeredness ng ilan, – (mali kayo, kami ang tama) nagkakaroon lang tuloy ng hindi magandang testimony to believers and even to non christians. Pero syempre, we understand kung ang gospel ang nakasalalay, at talagang offending ito sa mga tao. So be it, mangyari ang kalooban ng Dios na magdala sa mga makasalanan sa pagsisi at pananampalataya sa Panginoon. Pero kung nagiging sanhi, para ito ay mapulaan, dahil sa atin, kahiya-hiya ‘yon sa nag-sasabing sya ay kristiano. At malala pa, sasabihin ng iba, di ba doong church ‘yan member. Kasi dapat itong magdala sa atin sa kababaang loob, tulad ng sa Panginoong Jesus. Not only on that particular instance, pero sa lahat ng aspeto o bahagi ng buhay natin bilang kristiano at bilang bahagi ng katawan ni Kristo. Hindi natin mapag-hihiwalay ‘yan. At ang ganda ng sinasabi rito sa verse 10. Bilang katibayan at pag-papatunay kung ano tayo at kung saan naka-kabit itong ating katayuan. Sinabi natin kanina ito ay galing sa Dios na pumili sa atin o nagtalaga nito sa atin. At ito ay dahil sa mayamang awa at biyaya n’ya. “ Kayo’y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo’y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap ng habag, ngunit ngayo’y tumanggap na kayo ng kanyang habag.
May sinasabi mula sa talatang ito mula Hosea (allusion), so balikan natin yung context, na sinabi natin na ilan sa recipient ng letter na ito ay mga jews na kanyang sinulatan dito. Marahil kay peter, alam nyang relate sila rito, mula sa kanilang mga ninuno. Hosea 1:6, 9-10 and 2: 23 – na dito ay makikita ang kaawaaan ng Dios para sa mga israelita. Na sa kabila ng kanilang mga pag-suway, itinuring pa rin sila ng Dios na para sa kanya. Yung calling nila, bagama’t talagang sablay, pero nag-karoon ng katuparan sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Kristo. Ginawang lahat ni Jesus perfectly ang hindi nila nagawa. Kaya dahil kay Kristo, tayo na mga sumasampalataya sa kanya ay maituturing nga na bayan ng Dios, tulad nila. Bilang church, this is our uniqueness. Ito ay katangi-tanging katayuan natin. Sa verse 9 ay mas nagbigay si apostle peter tungkol sa katotohanang ito sa natatanging katatayuan natin dahil kay Kristo. Ito yung pangalawa, sa nais ko bigyang diin.
2. Our Identity. Pero tignan muna natin itong salitang “ngunit” sa esv “but you” makikita una, un contrast dito, na nabanggit sa unang bahagi, bago itong text natin.
Chapter 2:4- 8 “Lumapit kayo sa kanya, sa batong buháy ( sa Panginoong Jesus) na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa kanyang paningin. 5 Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, 6 sapagkat sinasabi ng kasulatan,
“Tingnan ninyo,
inilalagay ko sa Zion ang isang batong-panulukan, pinili at mahalaga;
hindi mapapahiya ang sinumang sumasampalataya sa kanya.”
7 Kaya nga, mahalaga siya sa inyong mga sumasampalataya sa kanya, ngunit sa mga hindi sumasampalataya, natutupad ang mga ito:
“Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
ang siyang naging batong-pundasyon.”
8 At “Ito ang batong katitisuran ng mga tao,
batong ikadadapa nila.”
Natisod sila sapagkat hindi sila sumunod sa salita ng Diyos; ganoon ang nakatakda para sa kanila.
Tumutukoy sa mga taong hindi naniwala sa Panginoong Jesu-Cristo, malamang sa kinuha ng sumulat itong reference na ito sa Awit 118: 22 “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay, ang siyang naging batong-panulukan. At naging mas malinaw ito sa ipinakita sa 1 Corinthians 1:18- 30 na sinulat ni Paul. Hindi na natin babasahin lahat. Pero dito ay pinakikita na sa mga Judio (israelita) ay ano?? verses 22- 24 22 Ang mga Judio’y humihingi ng himala bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griego. 23 Ngunit ang ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para sa mga Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan. 24 Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griego, si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Kung kaya’t sila noon at tayo rin naman ngayon, bilang na nasa lahi ng mga gentiles, na sumasampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo ay tumanggap ng parehong biyaya at awa ng Dios, sa pamamagitan nga ng Panginoong Jesus. Tayo rin ngayon, ay maituturing na bayan ng Dios. We do not replace israel, but new israel. Ngunit kayo ay isang lahing pinili, maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Dios, (2:9a) sa esv But you are a chosen race, a royal priesthood, a holy nation, a people for his own possession
Apostle Peter applies titles used of israel to christians, makikita ito sa ilang references sa O.T. basahin natin – Exodus 19:4 -6 “ 4 ‘Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga Egipcio. Nakita rin ninyo kung paanong dinala ko kayo rito tulad ng isang agilang nagdala sa kanyang mga inakay. 5 Kung susundin ninyo ako at magiging tapat sa ating kasunduan, kayo ang magiging bayang hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo’y aking itatangi. 6 Kayo’y gagawin kong isang kaharian ng mga pari at isang bansang banal.’ Iyan ang sabihin mo sa mga Israelita.”
Deut.4: 20 “Iniligtas kayo ni Yahweh mula sa napakainit na pugon ng pagkaalipin sa Egipto upang maging kanyang bayang hinirang.
7: 6-8 “ Kayo ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan. “Pinili niya kayo at inibig hindi dahil mas marami kayo kaysa ibang mga bansa, sa katunayan, kayo pa nga ang pinakakaunti sa lahat. 8 Pinili niya kayo dahil sa pag-ibig niya sa inyo, at sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno. Ito rin ang dahilan kaya niya kayo iniligtas sa kamay ng Faraon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan
Isaiah 43:20- 21 “Pararangalan ako maging ng mababangis na hayop
gaya ng mga asong-gubat at mga ostrits,
sapagkat nagpabukal ako ng tubig sa disyerto,
upang may mainom ang mga taong hinirang ko.21 Nilalang ko sila upang maging aking bayan, upang ako’y kanilang laging papurihan!”
Hindi ko ito iisa-isahin lahat na mga verses exhaustively na binanggit ko, but I will try to give briefly atleast ano ba ang sinasabi rito ni Peter. Una, makikita sa lahat ng ito our extraordinary privilege na meron tayo, dahil sa ating pakiki-pagisa sa Panginoong Jesus. Pangalawa, pinili tayo ng Dios, hindi dahil karapat-dapat tayo para dito o tayo ay mas mabuti, magaling, at karapat-dapat kaysa ibang tao. Tulad ng mga israelita, na alam nating sila ay pinili ng Dios, hindi dahil mas mahusay, malakas, mayaman o mas marami sila compare sa iba. Pangatlo, bilang mga maharlikang pari, dahil pa rin kay Kristo, ofcourse he is our great high priest. Dito makikita ang kahalagahan ng ating layunin para kumatawan sa kanya bilang pari na mamamagitan sa Dios para sa mga tao, at bilang hari natin sya at kabilang sa kanyang pamamahala sa sambahayan nya. Pang-apat, bilang bayang pag-aari N’ya. Sa ingles nito “A holy nation”. So we are a holy nation. Sa isang comment from the book ni Warren Wiersbe, to quote “We have been set apart to belong exclusively to God. Our citizenship is in heaven (Philippians 3:20) “20 Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Mula roo’y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas. So we obey heavens law and seek to please heaven’s Lord. Israel forgot that she was a holy nation and began to break down the walls of separation that made her special and distinct. God commanded them to put a “difference between holy and unholy, and between unclean and clean” (Leviticus10:10), but they ignored the differences and disobeyed God. (end of quote) Na magpapa-alala sa atin, that we represent the kingdom of God or I may say, His church to the watching world. Kaya nagpapa-alala ito sa atin sa pamumuhay sa kabanalan, (1 Peter 1:14- 17 “Bilang masunuring mga anak, huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo noong kayo’y wala pang tunay na pagkaunawa. 15 Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, 16 sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako’y banal.” 17 Walang kinikilingan ang Diyos. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa mga ginawa nila. At dahil tinatawag ninyo siyang Ama, mamuhay kayong may takot sa kanya habang kayo’y nasa mundong ito.), sa ganitong paraan sinasabi natin sa mundo o sa mga tao na ang Dios ay karapat-dapat sundin. Napaka halaga nito bilang pagkaka-kilanlan natin sa mundo. Kasi kung mapag-hahalo natin ito o hindi ma didistiguish ito sa atin, walang saysay ang sinasabi natin, we belong to the household of God. Kung tayo ay namumuhay na walang pinag-kaiba sa pamumuhay sa nasa labas ng church. But provided, we fall short o sumala man tayo sa kahingian sa atin sa pamumuhay sa kabanalan, and for sure, darating at darating ito sa atin, dahil were not perfect, narito pa tayo sa mundo nasa likas ng ating katawan at pagkatao ang kasalanan, that’s why we struggle and fight for it. Pero ang malaking kaibahan, hindi nagpapatuloy ang isang tunay na kristiano sa kasalanan. Lalapit sya sa Dios at hihinggi ng tawad, pagsisisihan ito sa Panginoon sa anumang ating mga pagkukulang. At tapat ang Dios sa ang puso ay inaamin na kailangan nya ang pagpapatawad sa kasalanan. At ito ay sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Kristo.( that’s the big differnce sa mga unbelievers)
Panglima, tayo’y bayang pag-aari nya, “A people for his own possession” Dati tayo ay kaaway ng Dios, malayo sa Dios, hindi nya kaibigan, hindi ligtas, nasa kadiliman, we were not God’s people, because we belonged to satan and the world. Ephessians 2:1- 3, 11- 19 “Noong una’y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. 2 Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa pinuno ng mga kapangyarihan sa himpapawid, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. 3 Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa pagnanasa ng ating laman, at sumusunod sa mga hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya’t sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos.
11-19 “Kaya’t alalahanin ninyo ang dati ninyong kalagayan. Kayo’y ipinanganak na mga Hentil, at “di-tuli” ang tawag sa inyo ng mga Judio. Ang mga Judio naman ay tinatawag na mga “tuli” dahil sa ginagawa sa kanilang katawan. 12 Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo’y nabubuhay kayo sa mundo nang walang pag-asa at walang Diyos. 13 Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayo na dati’y malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. 14 Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga Hentil. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na naghihiwalay sa atin. 15 Pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga alituntunin nito upang mula sa dalawang lahi ay makalikha siya ng isang bagong bayan na nakipag-isa sa kanya at sa gayon ay magkaroon ng kapayapaan. 16 Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan. 17 Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat ang Magandang Balita ng kapayapaan, sa inyong mga Hentil na noo’y malalayo, at sa mga Judio na malalapit. 18 Dahil kay Cristo, tayong lahat ay nakakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu. 19 Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. At dahil nga sa ating pakikipag-isa na ito sa Panginoong Jesu-Cristo, we are a part of God’s people. We are a “people of his own special possesssion” Bakit? Dahil ang dugo mismo ng Panginoong Jesu-Kristo ang tumubos sa atin. Acts 20:28 “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pangangasiwa. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak.”
1 Peter 1:18- 21 “Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Tinubos kayo hindi sa pamamagitan ng mga bagay na nasisira, tulad ng ginto o pilak, 19 kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya’y tulad ng korderong walang dungis at kapintasan. 20 Itinalaga siya ng Diyos bago pa nilikha ang daigdig, at alang-alang sa inyo ay ipinahayag sa mga huling araw na ito. 21 Dahil kay Cristo, sumasampalataya kayo sa Diyos na sa kanya’y muling bumuhay at nagparangal, kaya’t ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos.
Lastly, on my third point
3. Our Purpose or Mission (9b) “pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan”..sa ingles sa esv “that you may proclaim the excellencies of him who called you out of darkness into his marvelous light. Sa KJV “that ye should shew forth the praises of him who hath called you out of darkness into his marvellous light;
Sabi ni Warren Wiersbe. The verb translated “show forth” means to tell out, to advertise. Si John Piper, sabi nya rito “we are proclaimer”..this is the reason or our glorious purpose of our existence.. “We exist to proclaim the Gospel.” Itong mabuting balita ni Kristo sa mundong ito! S’ya ang ipakikilala, ipo-promote natin, hindi ang ating mga sarili, ang ating talino, kakayahan o mga leaders o pastor ng church. Si jesus lang! Sa biyaya ng Dios!
“Tayong mga Kristiyano, o ang Iglesya, ay pinili ng Diyos dahil sa Kanyang habag sa pamamagitan ni Kristo para sa natatanging layunin ng pagpapahayag ng Kanyang mga papuri, kadakilaan, at kagandahan sa mundong ito na puno ng kasamaan dahil sa kasalanan.”
At lahat ng mga pribilehiyong ito na ipinagkaloob ng Dios sa atin pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo, ay may dalang isang malaking responsibilidad: na ihayag ang mga papuri ng Diyos sa liwanag ng mabuting balita sa mundong ito na balot ng kadiliman at patungo sa pagkasira dahil sa kamandag ng kasalanan. Marami pang mga tao o lahi sa mundo ang hindi pa nakaka-alam ng kadakilaan ng ating Dios na ito. At mahalagang makita nila ito sa ating mga buhay, kung saan, nakikita ang maningning ng kahanga-hangang liwanag, kung saan tayo ay magiliw na tinawag ng Dios, individually and corporately(as a church).After all, nakamit natin ang biyaya at habag na ito ng Dios sa atin, na kailanman hindi natin karapat-dapat tangapin, kundi ang parusa pa nga nya. Sa katotohanang ito, nawa’y lalo pang magdala sa atin sa katapatan sa kanyang panawagan at pagkahirang sa atin, kahit pa sa kabila ng maaaring kakaharapin natin na mga hamon o kahirapan o pag-uusig o pag-subok, kasalatan o kahit ang kamatayan.
Last statement (dito ako mag end) and I would like to quote mula sa author na si Warren Wiersbe, kung saan ilan sa mga pinag-basehan ko rin sa sermon at pag-aaral dito. “We are living in enemy territory, and the enemy is constantly watching us, looking for opportunities to move in and take over. As citizens of heaven, we must be united. (“As a church”). We must present to the world a united demonstration of what the grace, mercy and love of God can do…
Let’s Pray..Our heavenly and gracious father, sobrang thankful po kami sa napakaling biyayang ito na tinanggap namin, sa pamamagitan ng iyong anak na aming Panginoong Jesu- Kristo. Panalangin ko, na patuloy na ilagay mo sa aming mga puso ang lalo pang pakahangarin namin ang ipakilala ka, ibalita, sabihin, ipatotoo, ang mga kahanga-hangang gawa mo na makikita sa MABUTING BALITA NI KRISTO!
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

