Kasamang study guide para sa Balik Tayo sa Church, mainam para sa mga small groups, Sunday School classes, o maging sa buong kongregasyon
Dahil sa COVID-19 pandemic, paiba-ibang mga priorities, at mga political at social issues na nagiging dahilan ng pagkakahati-hati, maraming mga tao ang pinipili ang online worship, o kaya nama’y ayaw na talaga sa church. Ang iba ay nagtatanong, Mahalaga nga ba talaga sa Diyos kung aattend ako sa church sa bahay lang o in-person kasama ang church—o kahit hindi ay okay lang? Sa loob ng siyam (9) na sessions ng pag-aaral, itong study guide na ‘to para sa Balik Tayo sa Church ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng face-to-face na pakikipagkita o fellowship kasama ang ibang mga kapatid kay Cristo. Sa pamamagitan ng study guide na ‘to, gamit ang ilang mga highlights ng Balik Tayo sa Church, mga kaugnay na talata sa Bibliya, at mga tanong na sasagutin at pag-uusapan, makakatulong ito sa sinumang gagamit nito para muling makabalik at makakonekta sa kanilang local church.
Ito ay nai-publish sa pagtutulungan ng The Gospel Coalition, 9Marks, at Treasuring Christ PH.
- Encouraging and Timely: Malaking tulong para ipaalala ang kahalagahan ng local church at kung bakit mahalaga ang pagdalo sa in-person gathering
- A Thought-Provoking Study: Bawat chapter ay may kasamang mga tanong para sa personal reflections, Bible passages, at mga quotes mula sa libro
- A Wide Variety of Uses: Sakto para sa mga Bible study groups, discipleship groups, Sunday school classes, at maging sa buong kongregasyon
Print paperback copies will be available mid-April 2022. Follow our Shopee store for updates.
Authors

Si COLLIN HANSEN (MDiv, Trinity Evangelical Divinity School) ay naglilingkod bilang vice president of content at editor in chief para sa The Gospel Coalition. Siya rin ang host ng Gospelbound podcast at kasama sa sumulat ng Gospelbound: Living with Resolute Hope in an Anxious Age. Naglilingkod siya bilang isang elder para sa Redeemer Community Church sa Birmingham, Alabama, at kabilang sa advisory board ng Beeson Divinity School. Pwede mo siyang i-follow sa Twitter @collinhansen.

Si JONATHAN LEEMAN (PhD, University of Wales) ang editorial director para sa 9Marks at cohost ng The Pastors’ Talk podcast. Siya rin ay sumulat o nag-edit ng higit sa isang dosenang mga libro at nagtuturo sa ilang mga seminaryo. Nakatira si Jonathan kasama ang kanyang asawa at apat na mga anak na babae sa isang suburb sa Washington, DC, at naglilingkod bilang isang elder sa Cheverly Baptist Church. Pwede mo siyang i-follow sa Twitter @jonathanleeman.

Si MEGAN HILL (BA, Grove City College) ang sumulat ng ilang mga libro tulad Praying Together at A Place to Belong. Naglilingkod din siya bilang editor para sa Gospel Coalition. She also serves as an editor for the Gospel Coalition. Siya ay asawa ng isang pastor, at anak ng isang pastor, at naninirahan sa Massachusetts kasama ang kanyang asawa at apat na mga anak. Ang kanyang pamilya ay kabilang sa West Springfield Covenant Community Church (PCA). Pwede mo siyang i-follow sa Twitter @meganevanshill.