Easter Sermon: “My Holy One, Why Oh Why?” (Hab. 1:12-17)

Sa tweet ni Dustin Benge two days ago, sabi niya,

The gospel of Jesus – his death and resurrection – changes everything. As in, everything! Kasali na siyempre yung coronavirus outbreak na nagdudulot ng maraming sufferings ngayon. 

In our sufferings tulad ngayon, marami tayong di maintindihan. Kahit yung mga disciples naman ni Jesus nang sabihin niya yung darating na suffering and death niya (Mark 8:31; 9:31; 10:31), di nila maintindihan. But they finally understood when he rose from the dead. E kasali naman yun sa sinabi na niya sa kanila noon pa. Also for us today, we have lots of questions and doubts, but one day we will understand, and our doubts will turn to deeper trust in God.

And now we can understand what God has chosen to reveal to us. Because of the cross, the gospel. We know that our sufferings are from the hand of our sovereign and gracious God. Alam natin yun, pero mahirap unawain, mahirap tanggapin, mahirap lunukin.

Ito ang dahilan bakit Habakkuk ang sermon series natin. Nagsimula tayo ng overview ng book last Sunday. Then nagkaroon ng Bible studies during the week sa Hab. 1:1-11. Sa vv. 2-4 nakita natin ang prayer of complaint ni Habakkuk dahil sa kaguluhan, karahasan at kasamaang nangyayari sa Judah. Bakit parang di sumasagot si Lord sa prayer niya, bakit parang tahimik siya, bakit parang wala siyang ginagawa. Sa vv. 5-11, sinagot niya ‘yan. Sinabi niya na, “Akala mo wala. Pero meron, meron akong ginagawa. Yun nga lang, pag sinabi ko sa ‘yo, di ka makakapaniwala.” Sinabi niya kasi na may ginagawa siya hindi lang sa Judah, but among the nations. At gagamitin niya itong rising power ng Babylon as instrument of God’s judgment sa Judah.

Makikita natin dito na anumang nararamdaman natin, anumang sakit, anumang daing, kahit pagrereklamo pa ‘yan, pwede nating ilapit, at dapat naman nating sa Diyos ilapit. Wala siyang duty na sagutin yun. Pero grace niya yun, pangako niya yun na makikinig siya, magrereply siya. Pero, don’t expect na ayon sa pahanon o paraan na ineexpect natin. Itong sagot ni Lord, buti sumagot siya, pero totally unexpected at unbelievable ang sagot niya.  

Di naman talaga natin kasi lubusang maaarok (malalaman, oo, pero lubos na maiintindihan? No) ang pag-iisip at pamamaraan ng Diyos (Isa. 55:8-9). “We cannot comprehend God’s ways. Since he is kind and compassionate toward his people, we cannot comprehend the manifold ways in which he desires to bless us. God surprises his people and exceeds their greatest expectations. Paul cites Habakkuk 1:5 in Acts 13:41 as he preaches the marvelous work of Christ. Grace is receiving that which we do not deserve, and, when received from God, it is also that which we cannot fully comprehend.” (ESV Knowing the Bible series)

Di natin lubos na maiintindihan, yes, but we can receive this by faith. Faith is not merely, “Just believe, no questions asked.” Dito sa vv. 12-17, God allows Habakkuk to ask questions about him and his work. Kahit nagpaliwanag si Lord, alam niya na di maiintindihan lahat ni Habakkuk. God allowed him to ask more questions. Parang si Job din di ba? Yun nga lang individual suffering, itong kay Habakkuk, national at international ang scope. May time for silence and reflection. Meron ding time to talk to God, even with our doubts, questions, and kahit anong conflicting emotions natin. 

Like sa Hab. 1:5 walang transitional statement kung sino na ang nagsasalita. Dito naman sa v. 12, klaro na hindi na si Lord kundi si Habakkuk na once again addressing God. We rarely pray this kind of prayer, we rarely hear this kind of prayer. Yung first two verses pwede pa sa prayer of praise natin, but after that? Parang irreverent ang dating, walang respeto sa Diyos, walang tiwala sa Diyos. Para lang. But God accepts even these kinds of prayers. Tulad sa v. 2, “O LORD,” dito rin sa v. 12, “O LORD my God,” yung address niya. This is a prayer ng isang taong merong relasyon sa Diyos, kilala ang Diyos. Prayer is not just about praying the right prayers, saying the right words, but having a right relationship with God. And this side of the cross, mangyayari lang yun if we are in Christ by faith. Kaya nga nasasabi rin natin, “Our Father in heaven,” sa simula, at “in Jesus’ name. Amen.” sa dulo. Now, let’s see kung ano ang uniqueness nitong second prayer of complaint ni Habakkuk at kung ano ang itinuturo ni Lord sa atin ngayon, especially in light of what is happening in the world right now.

Who God is in conflict to what he is doing? (Hab. 1:12-14) 

Sa vv. 12-14, sinabi niya kung ano ang pagkakilala niya sa Diyos (who God is) at parang hindi tugma ang character niya sa ginagawa o gagawin niya. Parang out of character kumbaga, “Parang hindi ikaw ‘to, Lord.” Nasasabi niya yun kasi kilala niya si Lord, tama ang theology niya about God. “Are you not from everlasting, O LORD my God, my Holy One? We shall not die (sa ibang manuscript/version, “You will not die.”). O LORD, you have ordained them as judgment, and you, O Rock, have established them for reproof. You who are of purer eyes than to see evil and cannot look at wrong…” (vv. 12-13).

Sakto ang pagkakilala niya kay Lord.

  • Eternal. “…from everlasting…” Walang hangganan. Not bound by time, the beginning and the end, the alpha and omega. From everlasting to everlasting he is God (Psa. 90:2; 93:2).
  • Sovereign and holy. “my Holy One.” Namumukod-tangi. Wala nang mas mataas pa sa kanya. Wala siyang katulad.
  • Covenant-keeping God. “O LORD my God, my Holy One.” LORD, all caps, Yahweh, God’s personal name for Israel. Ganyan din sa v. 2. Pinakamataas siya, pero pinakamalapit din siya. Exceptional, but also personal and relational. Kaya nga nakakapagpray si Habakkuk at nakapagsasalita ng ganito. Kung wala kang personal relationship sa Presidente di ka pwedeng magsalita ng ganito. But if the President of the Universe is your Father, you have this kind of personal access, merong intimacy. 
  • Immortal. “We shall not die” sa ESV. Pero merong textual variant dito. Kung ano ba yung original. Sa CSB, using traditional Jewish reading, “You will not die.” Sa Tagalog ganun din, “Diyos na walang kamatayan” (ASD). Whatever the case, implied yun sa “everlasting.” Wala nga siyang katapusan, so hindi siya mamamatay. Immortal ang Diyos (Rom. 1:23; 1 Tim. 1:17). God is life, siya ang pinagmulan ng buhay, siya rin ang babawi nito, he holds our life in his hands. This is becoming more true in our experience today.
  • Protector of his people. “O Rock.” Siya ang tanggulan, masisilungan, proteksyong kailangan natin sa oras ng kaguluhan (Psa. 18:2, 31). Siya lang ang maaasahan natin at di nagbabago. It also implies na perfect ang justice niya, hindi nababaluktot, “just and upright is he” (Deut. 32:4).
  • Righteous and Just. “…of purer eyes than to see evil and cannot look at wrong.” Di siya natutuwa sa masama, kinamumuhian niya ang gumagawa ng masama, at paparusahan niya (Psa. 5:4-6).

Okay naman ang theology niya. Kaso hindi ito basta nabasa lang sa Bible o sa isang theology book, hindi ito basta intellectual o academic lang sa kanya. Merong heart struggle kung paanong itong theological statements na ‘to ay nagfi-fit sa reality. Parang merong puzzle pieces na hindi “fit”, out of place ba. Hindi naman ibig sabihing unbelief na agad yun o lack of trust. But a struggle in understanding how his theology fits with reality. “These are not questions of doubt, but rather they are questions coming out of a deep faith seeking understanding of the deep things of God”(Erik Raymond, Exalting Jesus). Kaya balik na naman siya sa questions niya similar sa Hab. 1:2-4. Dito lang mas informed na dahil sa first answer ni God sa kanya. Nagtanong siya ulit not because kulang sumagot si Lord, di mahusay mag-explain. The problem of course is not with God, but in our understanding – we have a finite understanding of the Infinite One. Kaya sa limited perspective ni Habakkuk, si Lord daw ay…

  • Parang blind – You are perfectly holy and pure. Ayaw mo nga ng anumang masama o marumi sa paningin mo, sa presensiya mo, but “why do you idly look at traitors” (v. 13). Mga traydor, mga unfaithful sa covenant, mga sumusuway sa utos mo. Paano mo silang natiis? Areyou playing blind? Bakit di mo pinapansin? Bakit parang binabalewala mo? Bakit parang passive at deadma ka lang?
  • Parang mute – “…why do you…remain silent when the wicked swallows up the man more righteous than he” (v.13). Yung wicked dito ay yung mga Babylonians. Yung “the man more righteous than he” ay ang Judah. Siyempre paparusahan nga ang Judah kasi di sila righteous. Pero comparatively speaking, more righteous sila kumpara dito sa Babylon. Maiintindihan ko pa kung righteous angels ang gagamitin mo, pero wicked Babylonians? Why o why? Wala ka na bang ibang paraan?
  • Parang nag-resign na as ruler of mankind. God is King of his people. Pero dito sa v. 14 ikinumpara niya ang mga tao sa mga isda sa dagat o mga hayop na gumagapang na walang “ruler.” “You make mankind like the fish of the sea, like crawling things that have no ruler.” Parang sumuko na si Lord, ayawan na. Parang mga die-hard supporters ng presidente, pagod na daw siya kakaintindi sa bayan. Yung mga protesters naman, “Resign.” Ganyan ba si Lord? Yung sinimulan niya iiwanan niya, yung mga anak niya pababayaan niya?

Of course that is far from reality. God sees and knows all things. God cares about evil and injustice. God is speaking. God is still on his throne. And it is always good to trust God for who he is. Pero naturally we have doubts, we have questions, merong tension ang theology natin sa reality. May we grow in faith, yes yan ang prayer natin. But this passage gives us permission to come to God with all our doubts and questions. Di naman din tama na maniwala na lang tayo basta, without struggling, without asking questions. 
Tulad ni Habakkuk, we must be good theologians. Basahin ang Bibliya. Kilalanin kung sino ang Diyos. Pero hindi lang puro aral at basa lang. We must be keen observers of what is happening around us. 

Who the wicked oppressors are and how they can be compatible instruments of God’s justice (Hab. 1:15-17)

We must be mindful of what is happening around us. Not apathetic, but sympathetic. We must share in the sufferings of others. Lalo na kung mga brothers and sisters natin in the faith. Weep with those who weep. Habakkuk complains about what was happening sa Judah sa vv. 2-4. Now he complains about the Babylonians na gagamitin ni Lord to discipline their nation. He knows them, aware siya kung sino ang mga ‘to. Nababalitaan na nila ang istilo nito, at mas pinakilala pa sila ni Lord sa sagot niya sa unang complaint ni Habakkuk.

Sa original, hindi sinabi ni Habakkuk kung sino na ang tinutukoy niya na “he” simula sa v. 15 hanggang v.17. Although sa Tagalog nakalagay na Babylonia ang tinutukoy niya, yun yung “wicked” sa v. 13. Si Nebuchadnezzar yung eventually, representing Babylon. At ang image na ginamit dito ay sa fishing, hindi yung namimingwit lang, small time yun. But deep-sea fishing, yung pang-big time. Sino ang mga isda? Judah. “He brings all of them up with a hook; he drags them out with his net; he gathers them in his dragnet; so he rejoices and is glad. Therefore he sacrifices to his net and makes offerings to his dragnet; for by them he lives in luxury, and his food is rich” (Habakkuk 1:15-16 ESV)

Ang focus ng v. 15 sa helplessness ng Judah sa power and might ng Babylon. Kung ano gawin nito sa kanila magagawa nila. Magsa-suffer ang Judah, pero kasiyahan naman ito ng Babylon, “so he rejoices and is glad.” Pleasure, pursuit nila ay ang pag-conquer ng mga nations like Judah. Di sila titigil. They were driven, motivated to do this. Ito na ang dinidiyos nila. Sinasamba nila, nag-aalay sila… (v. 16 MBB). Sa v. 11, their might is their God. Power nila ang sinasamba nila. Dito naman, yung success and achievements nila – na sa kahirapan at pagdurusa ng ibang bansa ay ma-achieve nila ang karangyaan at kayamanan (“luxury…rich”). Ganyan din naman ang idolatry ng mga tao ngayon na ineexpose ni Lord through this pandemic.. More about this idolatry sa chapter 3.

Sabi ni Hassell Bullock, An Introduction to the Old Testament Prophetic Books (p. 184): “The absurd limits of idolatry were evident among the Chaldeans. The primitive stage, represented by idols of wood and stone guildedwith gold and silver was perhaps, relatively speaking, the most ‘innocent’ phase. If the worshiper could understand that the idol cannot breath, cannot speak, cannot comprehend,perhaps he could be turned toward the truth. But a nation that had made power and success its god had advanced to the ultimate stage of idolatry. To turn human attributes and achievements into idols that are worshiped is the greatest defiance of the true and truly sovereign God.”

Kung ganito ang image ng Babylon, di nakapagtataka na magtatanong si Habakkuk sa Diyos, v. 17, “Is he then to keep one emptying his and mercilessly killing nations forever?” Valid question. Kasi walang awa ang mga ‘to. Papatay at papatay nang libu-libo. Pero “forever”? Exagg naman yun. Pero in effect, he’s asking, “Gaano mo katagal (how long na naman) hahayaang ganito sila? Sila ang gagamitin mo para magparusa sa bansa namin? E paano naman sila, di mo paparusahan? Hahayaan mo lang ganyanin kami?” Kilala kasi ni Habakkuk ang Diyos kaya ganito siya magsalita. Kilala din niya ang Babylon. Kalaban nila. Pero bakit parang kakampi ng Diyos. E ang diyos nga nila ay si Marduk. And they were so unlike the merciful God. Kalaban din dapat sila ng Diyos. Bakit nakikipag-alyansa pa ang Diyos sa kanila? Something “fishy” is going on? May conspiracy? Deserving ng judgment ang Judah, yes. Pero ang Babylon, deserving of worse judgment! Bakit ganun?

The Problem: Seeming Injustice of God

Ang tawag dito sa theological discourse during times of evil and suffering tulad ngayon ay “theodicy”, at sinusubukang sagutin ang tanong na, “How can a holy, sovereign and good God allow evil and suffering?” At dito Habakkuk mas matinding problema pa, How can God use evil to deal with evil? Nasaan ang hustisya dun? Many attempts are being done to answer this question. But we must be careful, tulad ng reminder sa atin ng Deut. 29:29. May revealed answers si God sa Scripture. Merong boundaries yung inquiry natin, yung revelation ni God. Beyond that, speculations na. But even those revealed answers may not satisfy us or di rin natin maiintindihan lahat, tulad ng sagot niya kay Habakkuk. This is a call to faith. Kasi meron ding mystery only known to God. Trust him that he is wise and powerful. Kahit di natin maintindihan lahat.

The Answer: Judgment and Salvation

Kasi yung ipinaalam niyang sagot sa atin ay sapat na. Dito sa Habakkuk sasagot na naman si Lord sa chapter 2, mas mahaba na. Sasabihin niya na, “I will bring judgment sa mga oppressors n’yo, pati ang Babylon. And I will accomplish salvation for my people. Hintayin mo ‘yan.” We’ll study more of that sa mga Bible study sessions this week. 

At itong judgment and salvation, justice and mercy of God, find its fullest expression sa kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. Hindi siya basta tao lang, he is fully God sa simula’t simula pa. Lahat ng tungkol sa Diyos na sinabi ni Habakkuk totoo din kay Jesus. He’s the eternal Son of God, from everlasting to everlasting. Siya yung holy and righteous one. Immortal siya, but he embraced mortality, ang Diyos naging tao. In living as one of us, wala nang more righteous than he. Pero pinalibutan din siya ng masasamang tao, mga Romano at mga mga kapwa niya Judio, pati nga isa sa disciples niya trinaydor siya sa halagang 30 pcs of silver. Wala siyang kasalanan pero inaresto siya. Binaluktot ang hustisya para lang masentensyahan siya. Ipinako siya, pinatay. Nasaan ang Diyos? Nasaan ang hustisya ng Diyos at hinayaan niya ang pinakamamahal niyang Anak ang walang awang patayin, e wala naman siyang kasalanan.

Mukhang tahimik ang Diyos, tinalikuran ang kanyang Anak. But he is sovereignly at work in accomplishing his redemptive purposes for us sinners. Na-recognize ito sa prayer ng mga persecuted Christians sa Acts 4:24-28:

“Panginoon, kayo po ang lumikha ng langit at ng lupa, ng dagat at ng lahat ng nasa mga ito! 25Kayo po ang nagsalita sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod nang sabihin niya sa patnubay ng Espiritu Santo,‘Bakit galit na galit ang mga Hentil,at ang mga tao’y nagbalak ng mga bagay na walang kabuluhan?26Naghanda para sa digmaan ang mga hari sa lupa,at nagtipon ang mga pinunolaban sa Panginoon at sa kanyang Hinirang.’27Nagkatipon nga sa lungsod na ito sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang buong Israel, laban sa inyong banal na Lingkod na si Jesus, ang inyong Hinirang. 28Nagkatipon sila upang isagawa ang lahat ng bagay na inyong itinakda noong una pa man ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban.” (MBB)

Sa sermon naman ni Pedro during the day of Pentecost sabi niya, “Ang Jesus na ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama. 24Subalit siya’y muling binuhay ng Diyos at pinalaya mula sa kapangyarihan ng kamatayan” (Acst 2:23-24 MBB).

Sa krus ni Cristo, nasaksihan natin, ebidensya na ang pinakamasamang nangyari sa isang tao ang siyang pinakamabuting balita sa lahat ng tao. Ang pinakamalalang trahedya sa kasaysayan ang nagbibigay ng pinakamalaking pag-asa at kaaliwan sa ating mga nagdurusa ngayon. Ang pinakamalungkot na araw ay nauwi sa pinakamasayang araw sa kasaysayan. This hope is for all of us who put our trust in Jesus for our salvation. Inako niya ang parusa na dapat ay sa atin, para matanggap naman natin ang kaligtasang hindi para sa atin. Do you now believe in Jesus?

One day, babalik siya, para matanggap natin nang buung-buo ang fullness of his salvation, para palayain na tayo fully sa lahat ng kasalanan, lahat ng kasamaan, lahat ng kahirapan, kasama ang kamatayan. Sa araw din na yun, and this is a warning for those whose trust ay tulad ng Babylon na nasa kanilang power and achievements pa rin, igagawad niya ang final judgment sa lahat ng masama, sa lahat ng unrepentant at di kumikilala sa kaligtasang nakay Cristo. And that day will be a worse tragedy than this coronavirus pandemic.

Right now, we are living between the first and the second coming of Christ. We feel yung tension. Iniligtas na tayo ng Diyos, but still awaiting yung fullness of our salvation. We hold on to God’s unchanging character. We believe, yes, pero wag mo namang i-deny yung pain and sufferings mo. Maki-simpatiya din tayo sa injustice and oppression and suffering around us. Embrace them, feel them, bring them to God. Cast your burdens upon him (Psa. 55:22; 1 Pet. 5:7). Wag mong isiping napapagod na si Lord sa mga questions mo. Tulad nating mga parents, sa mga anak natin kapag tanong ng tanong ,”Ang kulit mo naman!” Ang Diyos natutuwa pa nga kasi sa halip na lumayo tayo sa kanya, patuloy tayo sa paglapit, at pangungulit. Kahit pangalawang beses, kahit paulit-ulit. Lapit ka lang sa kanya. Intayin mo lang kung ano ang gagawin n’yo. Wag mainip, wag mag-give up. Hold on to the hope we have in Jesus. Grieve, yes. But let us not grieve as those who have no hope (1 Thess 4:13).

Like Habakkuk, lamenting, in pain, yes. But trusting, waiting, and expectant sa sasabihin at gagawin ng Panginoon: “Aakyat ako sa bantayan at hihintayinang sasabihin ni Yahweh sa akin, at ang tugon niya sa aking daing” (Hab. 2:1). But we will look at that next time.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.