Umaasa ako sa Panginoon na gagamitin niya ang sermon series nating ito ng usapang pamilya—para magkaroon ka ng bagong pananaw at gawing pinakalayunin ng buhay mo ang maituring na yaman si Cristo—treasuring Christ—at tulungan ang iba na ituring na yaman si Cristo.
Mateo 19:3-6 Usapang Pamilya: Pag-aasawa
Ang usaping pamilya patungkol sa pag-aasawa ay isang bagay na dapat maunawaan nating mabuti dahil sa kagandahan at hiwaga ng disenyo ng Diyos sa pag-aasawa, kung paano ito sumasalamin sa Diyos na meron tayo, kung paano nito sinasalamin ang mabuting balita ni Cristo at kung paanong ang gospel ay bumabago at dapat na bumago sa relasyon natin sa pamilya. Let us bring the gospel home.
