Part 18: Pahinga at Pag-asa para sa mga Anak ng Diyos (Ex. 20:8–11)

Lahat tayo ay napapagod at naghahanap ng kapahingahan. Physically, yes. Pero ang puso rin natin ay napapagod. Pinanghihinaan tayo ng loob. Kaya kailangan natin ang kapahingahan at pag-asang kay Cristo lang matatagpuan. Bawat isa sa atin ay kailangan nating tanungin ang sarili natin kung nasaan nga ba ang kapahingahan at pag-asang kailangan natin. Kay Cristo ba natin ‘yan hinahanap o hinahanap natin sa ibang bagay outside of Christ?