Dapat talagang magkaroon ng pagbabago ang perspective natin sa pagtingin o pag-evaluate sa mga hirap na nararanasan natin. Heto pa ang tatlong dahilan kung bakit tayo hindi dapat panghinaan ng loob.
2 Corinthians 4:1-6 • Do Not Lose Heart (Part 1)
Isang sermon na mula sulat ni apostol Pablo na nagpapahayag ng pananampalataya niya sa Diyos, tapat na pangangaral, mga paalala at encouragement sa gitna ng mga pagsubok. Pinagtuunan din ng pansin dito ang kahalagahan ng pag-encourage sa isa't isa lalo na sa panahon ng panghihina ng loob. Tinalakay at binigyang-diin din ang doktrina ng human depravity, sovereignty ng Diyos, at awa ng Diyos bilang mga dahilan upang hindi manghina. Ang mensahe ay nagtuturo na sa kabila ng mga hamon, dapat nating patuloy na ipangaral nang tapat ang ebanghelyo at umaasa sa kapangyarihan at awa ng Diyos.
Exodus 32 • Ang Gintong Baka
Ang Diyos ng Exodus 32 ay ang Diyos nating mga Kristiyano. At ang Diyos na ito, si Yahweh, ay committed at zealous para sa kanyang sariling karangalan. Hindi niya hahayaang ang puso natin ay magpatuloy na tumingin sa mga bagay na higit na mababa ang halaga kung ikukumpara sa Diyos. God is committed in exposing our idols—hangga’t meron pang natitirang diyos-diyosan sa puso natin. At ‘wag tayong matatakot kapag ginagawa ‘yan ng Diyos.
Part 19: You Shall Not Covet (Exod. 20:17)
Ang ika-10 utos ang huli sa sampung utos ng Diyos—last, but not the least. Mabigat. Bakit? Dahil ito ay kasalanan laban sa Diyos, kasalanan laban sa ibang tao na nilikha rin tulad natin sa larawan ng Diyos, nagbubunga ng marami pang kasalanan, at may parusang kamatayan. So, ang kasunod na tanong, paanong ang ika-10 utos ay nagtuturo sa atin patungo kay Cristo?
