Merong church (universal church man ‘yan o local church) dahil sa gospel, sa mabuting balita ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, at makapagpapatuloy ang church sa pagtupad ng layuning dinisenyo ng Diyos para rito sa pamamagitan lang din ng gospel.
Ephesians 2:8-10 • Biyaya, Pananampalataya, at Gawa
Itinuturo sa atin ng salita ng Diyos dito sa Ephesians 2:8-10 na hindi dahil sa mabuting gawa natin kaya tayo naligtas, kundi dahil sa kabutihan ng Diyos at sa pamamagitan ng mabuting ginawa ni Cristo sa krus. Hindi ang mabuting gawa natin ang dahilan at paraan para tayo ay maligtas; ang mabuting gawa ang resulta ng kaligtasang tinanggap natin. ‘Yan ang good news of our salvation.
Ephesians 2:4-7 • Binuhay ng Diyos
Hindi natin dapat tingnan ang sarili natin na bida sa kaligtasang gawa ng Diyos para sa atin. Ang Salita ng Diyos sa Bibliya—mula Genesis hanggang Revelation—ay Story of God, ang Kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa ating mga makasalanan, ang Kuwentong tanging ang Diyos ang Bida.
Galatians 6:1-10 • Ang Kristiyano at ang Kapwa Kristiyano
Ang bawat isang Kristiyano, mga taong pinapatnubayan ng Espiritu, ay may responsibilidad na dapat gawin para sa ikabubuti ng ibang Kristiyano—ng mga nahulog sa kasalanan, ng mga may dinadalang kabigatan, ng sarili rin natin, ng mga leaders natin, at ng bawat member ng church.
