“Sinasamahan ba tayo ng Panginoon o hindi”? Kapag may mga difficulties kasi, napakadali sa atin ang makalimutan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na nagligtas at magliligtas sa atin. Ang dali nating pagdududahan ang kanyang pagsama sa araw-araw, at ang kanyang katapatan na tuparin ang lahat ng kanyang pangako at layunin. Tulad ng nangyari sa mga Israelita sa sumunod na bahagi ng kuwento ng Exodus, mula 15:22 hanggang 17:7. Medyo mahaba ito, at merong tatlong eksena ang nakapaloob dito. Pero merong isang tema na nagbubuklod sa lahat ng ito—yung problema nila sa pagrereklamo. Tingnan natin kung ano ang problema sa puso nitong mga Israelita sa kuwentong ito, at tingnan din natin kung paano ipinapakilala ng Diyos ang sarili niya sa mga responses niya sa pagrereklamo nila.
Greater Works and Answered Prayers
Preached By: Ptr. Drin Capili on John 14:12-14 12 “Truly, truly, I say to you, whoever believes in me will also do the works that I do; and greater works than these will he do, because I am going to the Father. 13 Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. 14 If you ask me anything in my name, I will do it.
Part 2: The Grace of Covenant Membership
Ito ang ibig sabihin na mapabilang sa covenant people of God. Kinikilala natin na napabilang tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos. Hindi dahil mas karapat-dapat tayo kaysa sa iba. By grace alone through faith alone in Christ alone. At kasama sa pagiging covenant people of God ang pagtupad ng mga obligasyon na dapat nating gawin para makapamuhay ayon sa nais ng Diyos para sa mga taong kabilang sa kanyang tipan. Hindi tayo ang nagse-set ng sarili nating rules sa covenant na ‘to. Ang Diyos ang sovereign King at tayo ay nasa ilalim ng kanyang pamamahala.
Part 1: The Story of the Church as the People of God
Tama ang sinabi ni Edmund Clowney, “The story of the church begins with Israel, the Old Testament people of God” (The Church, p. 28). So ang church ay hindi lang New Testament reality. Hindi rin ito bagong plano ng Diyos, o plan B ng Diyos. Ito ay nasa isip na ng Diyos mula sa Old Testament. Sabi ni apostle Peter sa church, “You are a chosen race, a royal priesthood, a holy nation, a people for his own possession” (1 Pet. 2:9). Siksik ‘yan ng Old Testament references. Lalo na yung sinabi ng Diyos tungkol sa Israel noong nasa Mount Sinai na sila, “…you shall be my treasured possession among all peoples…you shall be to me a kingdom of priests and a holy nation” (Ex. 19:5-6).
