Hindi lang sa pagpasok ng bagong taon, kundi sa bawat bahagi ng buhay natin ay kailangan natin ang tulong na nanggagaling sa salita ng Diyos, lalo na sa mahihirap na bahagi ng buhay natin. Ito yung ipapahayag ng psalmist sa Psalm 119:105–112 tungkol sa salita ng Diyos habang sinasabi rin niya with all honesty ang hirap na nararanasan niya.
Ephesians 5:7-14 • Paglakad sa Liwanag
Sa halip na tayo’y makibahagi sa mga gawain ng mga di-Kristiyano (mga gawa ng kadiliman), dapat na tayo’y ‘wag matitinag na magpatuloy na mamuhay ayon sa liwanag at maging matapang na ilantad ang mga gawa ng kadiliman sa liwanag ni Cristo. At para mas maging personal sa atin ang application nito, kailangang matutunan natin ang dalawang bagay: gospel-driven confession at gospel-exposing confrontation.
Ephesians 4:25-32 • Ang Bagong Buhay kay Cristo (Part 2)
Ang sanctification ay isang proseso ng pagbabago sa buhay ng mga Kristiyano na dapat seryosohin. Kabilang dito ang pag-aalis ng mga kasalanan tulad ng pagsisinungaling, galit, at pagnanakaw, at pagpapalit dito ng mga virtues gaya ng katapatan at pagpapatawad. Ang tamang motivations para dito ay nakaugat sa ebanghelyo at sa ating pakikipag-isa kay Cristo.
Ephesians 4:1-6 • Pagkakaisa sa Espiritu
Merong isang Diyos, merong isang gospel, merong isang church—kaya dapat na nagkakaisa ang church. Hindi tayo ang lumilikha ng pagkakaisang ito; binabantayan natin at pinagyayaman natin ang pagkakaisang ito sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga katangiang katulad ni Cristo. Ito ang klase ng pamumuhay na consistent sa gospel na pinaniniwalaan natin. Ito ang mensahe ng Ephesians 4:1-6.
