Mahalaga ang iniuutos ng Diyos, kaya mahalaga na sundin at gawin ang lahat ng kanyang iniuutos. Tayo ay walang kalayaang gawin kung ano ang preference natin o i-modify ang instructions ng Diyos bilang Owner at Designer nito. kaya all of us must Trust and Obey, there is no other way, to be happy in Jesus, but to Trust and Obey.‘Yan ang buhay Kristiyano, ‘yan ang buhay na in relationship with God, isinasagawa ang lahat ng utos ng Diyos sa lahat ng bahagi ng buhay natin.
Exodus 30-31 • Banal na Gawain, Banal na Kapahingahan
Kay Cristo lang natin matatagpuan ang tunay na kapahingahan. Christ is “the Sabbath rest for the people of God” (Heb. 4:9). Kaya nga nagtitipon tayo every Sunday, hindi dahil isa itong obligasyon o kabigatan sa atin. Kundi dahil sa pagpapa-alala sa atin ng Diyos sa natapos nang ginawa ni Cristo para sa atin—sa gospel na inaawit natin, sa preaching na pinapakinggan natin, sa Lord’s Supper natin—nararanasan natin ang espiritwal na kapahingahan na kailangan natin.
Exodus 25–27: “Ang Tirahan ni Yahweh”
Kung ang glorious presence ng Diyos ang end goal ng gospel, ang layunin ng existence ng church, ito rin ang end goal ng history. Kung diyan pala patungo lahat ang kasaysayan ng mundo, ‘yan din dapat ang nasa sentro ng buhay mo ngayon. Hindi pera, hindi trabaho, hindi pamilya, hindi sarili mong ambisyon, hindi ang misyon na baguhin ang mundo. Kundi ang makapiling ang Diyos, manirahan sa bahay ng Diyos, maranasan ang presensiya ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. To live for his glory. To enjoy his glory. May we live our lives for only one thing: “that I may dwell in the house of Yahweh all the days of my life” and “forever” (Ps 27:4; 23:6)
Let’s Talk about God’s Story (Week 8)
Here's the discussion guide for Week 8 of The Story of God. This guide includes the story of God's giving of the law in Mt. Sinai, recorded in Leviticus. Use this in your small group, family worship time, Sunday School class, or for sharing to non-Christians. If you want to listen to the sermon related … Continue reading Let’s Talk about God’s Story (Week 8)
