Malinaw ang sinabi ni Pablo na lahat ng Kristiyano, lalo na ang mga pastor, ang dapat na nagbabahagi ng ebanghelyo at dapat tayong “maging handa na mangaral ng Salita ng Diyos napapanahon man o hindi” (2 Tim. 4:1–5). Paano ngayon natin ibabahagi ang ebanghelyo sa mga naniniwala sa prosperity “gospel”?
Siyam na Marka ng Isang Prosperity Gospel Church (DA Horton)
Paano mo masusuri ang isang prosperity gospel church? Ang unang siyam na taon ng aking buhay Kristiyano ay ginugol sa gayong kapaligiran, na sinundan ng dalawang taon sa theological rehab, na naghanda sa akin para sa susunod na anim na taon ng pagpapastor. Naging malinaw sa akin na ang siyam na marka ng isang healthy church ay nagbibigay ng isang kapaki-pakinabang na grid para sa pagsusuri ng anumang church, kabilang iyong mga nagtuturo ng prosperity gospel.
Ano ang ilan sa mga inaakala ng mga tao na “gospel”?
Heto ang ilan: 1. Gusto ng Diyos na yumaman tayo. May mga preachers ngayon na nagsasabi na ang mabuting balita ay gusto ng Diyos na tayo ay pagpalain ng maraming pera at ari-arian—at ang kailangan lang natin na gawin ay humingi! Pero ang gospel ay isang mensahe patungkol sa pang-espirituwal na pagpapala (Eph. 1:3): Ipinadala … Continue reading Ano ang ilan sa mga inaakala ng mga tao na “gospel”?
Limang Pagkakamali ng Prosperity Gospel
Sa article na ito ay nais kong suriin ang limang mga doktrina kung saan nagkamali ang mga nagtuturo ng prosperity gospel. Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri sa mga maling katuruang nakapaloob sa mga pangunahing doktrina nila, inaasahan kong malinaw ninyong makikita ang mga panganib ng prosperity gospel. Ang mga doktrinang tatalakayin ko ay may kinalaman sa Abrahamic covenant, sa atonement, sa pagbibigay, sa pananampalataya, at sa panalangin.
