Nagiging malamig ang puso mo sa salita ng Diyos. Nababawasan ang pagpapahalaga mo sa salita ng Diyos. Nababawasan ang tiwala mo sa pangako ng Diyos. Nagiging ordinaryo na lang ang salita ng Diyos na para bang salita rin ng tao. Dito sa Psalm 119:113–120 ay matututunan natin kung paano magkaroon ng mas malalim na pagmamahal, pagtitiwala, at pagkatakot sa salita ng Diyos.
#14: Psalm 119:105–112 • The Joy of My Heart
Hindi lang sa pagpasok ng bagong taon, kundi sa bawat bahagi ng buhay natin ay kailangan natin ang tulong na nanggagaling sa salita ng Diyos, lalo na sa mahihirap na bahagi ng buhay natin. Ito yung ipapahayag ng psalmist sa Psalm 119:105–112 tungkol sa salita ng Diyos habang sinasabi rin niya with all honesty ang hirap na nararanasan niya.
Ephesians 3:14-21 • Pagluhod sa Ama
Ang postura ng puso natin sa paglapit sa Diyos sa prayer ay nagpapahayag kung ganito rin ba ang pinaniniwalaan natin tungkol sa Diyos. Paano ba tayo dapat lumapit kung ganito ang Diyos natin?
I-encourage Natin ang Isa’t Isa
Dahil napakahalaga ng encouragement sa church, hindi lang ito basta nirerekomenda ng Diyos; ipinag-uutos niya ito. Bakit ba natin kailangan ng encouragement? Paano tayo lalago sa pagiging encouragement sa iba?
