Walang Nakakakuha ng Church na Gusto Nila

Walang sinuman—totoo 'yan, walang sinuman—ang makakakuha ng church na gusto nila. Lahat tayo ay may kanya-kanyang opinyon, kagustuhan, o minsa’y paninindigan na hindi perpektong aakma sa mismong church. Kailangan nating lahat na unahin ang interes ng iba bago ang sarili nating interes, at isakripisyo ang kagustuhan natin alang-alang sa pangangailangan ng buong katawan. 

Bakit Lubhang Mahalaga sa Preaching na Kilala Mo ang Iyong mga Miyembro

Ang ministry ng preaching ay hindi pwedeng ihiwalay sa ministry ng soul care o pangangalaga sa mga kaluluwa; sa katunayan, ang preaching ay karugtong ng soul care. Napakaraming rason kung bakit napakahalaga para sa mga pastor na nais maging makabuluhan ang kanilang preaching na kilalanin ang kanilang mga miyembro sa abot ng kanilang makakaya, ngunit ito ang tatlo sa mga pinakamahalaga.