Mateo 19:13-15 Usapang Pamilya: Mga Anak

Tandaan nating ang success ng parenting ay hindi nakasalalay sa gawa at sipag natin. Oo, may gagawin tayo. At gagawin natin ang lahat ng magagawa natin para mailapit sila sa Panginoon. Magpatuloy tayo sa pagsunod kay Jesus at akayin silang sumunod kay Jesus. Mangarap ka para sa kanila. Ituro mo sila patungo kay Jesus. Ipaglaban mo sila. Ipanalangin mo sila, at kasama ng church ay sama-sama tayong lumapit kay Jesus.

Mateo 19:7-9 Usapang Pamilya: Paghihiwalay

May ilang mga pagkakataon sa relasyon ng mag-asawa na talagang nasusubok ang commitment sa isa’t isa. Walang perfect marriage. Ang kumpiyansa dapat ng bawat Kristiyano ay sa Diyos sa pag-preserve ng relasyon, wala sa 'yo, wala sa asawa mo, kundi nasa Diyos. Kaya mas kumapit pa tayo sa Diyos at humingi ng tulong sa kanya para panatilihing kapit-kamay ang mga mag-asawa, lalo na ang mga nasa bingit ng paghihiwalay o nagkahiwalay na, sapagkat walang imposible sa Diyos.