Mateo 19:7-9 Usapang Pamilya: Paghihiwalay

May ilang mga pagkakataon sa relasyon ng mag-asawa na talagang nasusubok ang commitment sa isa’t isa. Walang perfect marriage. Ang kumpiyansa dapat ng bawat Kristiyano ay sa Diyos sa pag-preserve ng relasyon, wala sa 'yo, wala sa asawa mo, kundi nasa Diyos. Kaya mas kumapit pa tayo sa Diyos at humingi ng tulong sa kanya para panatilihing kapit-kamay ang mga mag-asawa, lalo na ang mga nasa bingit ng paghihiwalay o nagkahiwalay na, sapagkat walang imposible sa Diyos.