Psalm 119:113–120 • I Hope in Your Word

Nagiging malamig ang puso mo sa salita ng Diyos. Nababawasan ang pagpapahalaga mo sa salita ng Diyos. Nababawasan ang tiwala mo sa pangako ng Diyos. Nagiging ordinaryo na lang ang salita ng Diyos na para bang salita rin ng tao. Dito sa Psalm 119:113–120 ay matututunan natin kung paano magkaroon ng mas malalim na pagmamahal, pagtitiwala, at pagkatakot sa salita ng Diyos.