Isang sermon mula sa 2 Corinthians 4:7-15 na tumatalakay sa mga difficulties sa buhay natin, kung saan mas nae-expose ang mga kahinaan natin. At sa mga panahong yun, mas nagliliwanag ang layunin ng Diyos kung bakit sa atin pa na mga marupok ipinagkatiwala ng Diyos itong gospel message. Tulad ng sinabi ni Paul, “upang ipakilala na ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin” (2 Cor. 4:7). For what purpose? “Upang ang inyong pananampalataya ay masandig sa dakilang kapangyarihan ng Diyos.”
Gospel Encouragement: The Message of 1 Thessalonians
Discouragement is a shared experience, leader ka man ng church o ordinary member ka ng church. Maraming posibleng dahilan para madiscourage ka, pero hindi kailangang lahat ‘yan ay mauwi sa discouragement. Possible, but not certain ang discouragement dahil merong mga paraan na ginagamit ang Diyos para ibigay sa atin yung encouragement na kailangan natin. God’s solution sa discouragement ay hindi palaging yung alisin ang source or cause of discouragement natin, but to give us the grace we need to encourage us na magpatuloy hanggang sa dulo.
Gospel Joy: The Message of Philippians
We know na hindi madali na maranasan ang kagakalan sa oras ng kahirapan. Mas natural sa atin ang kalungkutan, kabalisahan, pag-aalinlangan. Pero dapat makita natin na napakabuti ng Diyos na iniutos niya na magalak tayo dahil ito ang gusto niya para sa atin na maranasan natin hindi pagkatapos ng mga kahirapan kundi sa gitna mismo ng kahirapan.
