Jesus Christ, the Seed of the Woman

Ito ay isa sa mga sermon sa series ng "Name Above All Names" na batay sa Filipos 2:9. Tinalakay rito ang kahalagahan ng pangalan ni Cristo, na ipinapaalala lalo na sa panahon ng Pasko, at ang mensahe ng kaligtasan na nagsimula sa Genesis (the protoevangelium) upang ipakita ang katuparan ng mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo bilang “the seed of the woman,” na siyang dumurog sa ahas. Sa huli, ipinahayag na ang tagumpay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan ay nagdudulot ng tagumpay sa mga mananampalataya laban sa kaaway. Kaya ituon natin ang ating paningin kay Cristo.

Gospel Discipline: An Overview of Numbers

Ang Numbers ay isang aklat sa Bibliya na nagkwekwento ng kasaysayan ng Israel, na sumasalamin sa kundisyon ng puso natin bilang mga makasalanan na nangangailangan ng Tagapagligtas. Lahat tayo ay makasalanan, mamamatay rin dahil sa kamandag ng ahas. Meron lang isang paraan—only one way—para tayo’y mabuhay. Si Cristo lang. So we look to Christ para sa ating kapatawaran, kaligtasan, kapahingahan, at kagalingan.