Mateo 19:7-9 Usapang Pamilya: Paghihiwalay

May ilang mga pagkakataon sa relasyon ng mag-asawa na talagang nasusubok ang commitment sa isa’t isa. Walang perfect marriage. Ang kumpiyansa dapat ng bawat Kristiyano ay sa Diyos sa pag-preserve ng relasyon, wala sa 'yo, wala sa asawa mo, kundi nasa Diyos. Kaya mas kumapit pa tayo sa Diyos at humingi ng tulong sa kanya para panatilihing kapit-kamay ang mga mag-asawa, lalo na ang mga nasa bingit ng paghihiwalay o nagkahiwalay na, sapagkat walang imposible sa Diyos.

Part 22: Paano Makakarating sa Destinasyon (Exod. 23:20-33)

Sino ang dapat mong pakinggan kung saan ka pupunta o kung paano tayo dapat mamuhay? Kung ano dapat ang misyon at ambisyon mo sa buhay? Hindi ikaw siyempre. Kundi si Cristo. Ang makita natin siya nang mukhaan ang pinaka-destinasyon na patutunguhan nating lahat na nakay Cristo. Si Cristo ang pinakapunto ng lahat ng paglilingkod at pagpapagal na ginagawa natin. Christ alone—hindi ang mga idols sa puso natin—is worthy of our exclusive service and devotion.