Lahat tayo ay napapagod at naghahanap ng kapahingahan. Physically, yes. Pero ang puso rin natin ay napapagod. Pinanghihinaan tayo ng loob. Kaya kailangan natin ang kapahingahan at pag-asang kay Cristo lang matatagpuan. Bawat isa sa atin ay kailangan nating tanungin ang sarili natin kung nasaan nga ba ang kapahingahan at pag-asang kailangan natin. Kay Cristo ba natin ‘yan hinahanap o hinahanap natin sa ibang bagay outside of Christ?
Part 17: Ang Sampung Utos (Ex. 20:1–21)
As we take a look at Exodus 20, ang prayer ko ay mabago itong mga karaniwang attitude na meron tayo tungkol sa mga utos ng Diyos, particularly itong Sampung Utos. Mangyayari ito kung hindi lang tayo nakafocus sa bawat isa sa sampung utos (law) kundi maging sa konteksto o sa kuwentong kinapapalooban nito (narrative context). Hindi lang ito tungkol sa kung ano ang dapat nating gawin, kundi tungkol sa ano ang ginagawa ng Diyos at gagawin ng Diyos na konektado dito.
Part 16: Pagharap sa Diyos na Banal (Ex. 19:1-25)
Ang isang Kristiyano ay isang anak ng Diyos. Meron tayong relasyon sa Diyos. Nagsasalita ang Diyos. Nakikinig tayo. Nag-uutos ang Diyos. Sumusunod tayo. Nilikha at iniligtas tayo ng Diyos. Sumasamba tayo. Meron tayong ugnayan sa Diyos. Pero naiintindihan ba talaga natin kung anong klaseng relasyon meron tayo sa Diyos? Take for example itong ginagawa natin every Sunday morning. Hindi lang ito pagtitipon ng mga tao. It is more than just a gathering. Ito ay pagsamba sa Diyos, pagharap sa Diyos, an encounter with God. Nakikinig tayo ng salita niya, inaawitan natin siya, nananalangin tayo sa kanya. Naiintindihan ba talaga natin ang ginagawa natin kapag natitipon tayo at sama-samang haharap sa Diyos?
Ano ang Gospel?
Ano ang ibig sabihin ng mga Kristiyano kapag sinabi nila ang tungkol sa “gospel ni Jesus”? Ang ibig sabihin ng salitang “gospel” ay “mabuting balita.” Kaya ang tinutukoy ng mga Kristiyano na gospel ay walang iba kundi ang mabuting balita tungkol kay Jesus! Ang mensahe ng Diyos ay ito, “Mabuting balita! Narito ang paraan kung paano ka maliligtas!” Iyan ay isang balita na hindi mo maaaring balewalain. Hindi lang dapat pakinggan. Kailangan din ng pagtugon.
