Part 14: Pagkain at Pahinga para sa mga Reklamador (Ex. 15:22-17:7)

‌“Sinasamahan ba tayo ng Panginoon o hindi”? Kapag may mga difficulties kasi, napakadali sa atin ang makalimutan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na nagligtas at magliligtas sa atin. Ang dali nating pagdududahan ang kanyang pagsama sa araw-araw, at ang kanyang katapatan na tuparin ang lahat ng kanyang pangako at layunin. Tulad ng nangyari sa mga Israelita sa sumunod na bahagi ng kuwento ng Exodus, mula 15:22 hanggang 17:7. Medyo mahaba ito, at merong tatlong eksena ang nakapaloob dito. Pero merong isang tema na nagbubuklod sa lahat ng ito—yung problema nila sa pagrereklamo. Tingnan natin kung ano ang problema sa puso nitong mga Israelita sa kuwentong ito, at tingnan din natin kung paano ipinapakilala ng Diyos ang sarili niya sa mga responses niya sa pagrereklamo nila.

Abraham Part 12 – The Lord Will Provide (Gen. 22)

Kung nagiging prosperous man tayo financially, galing sa Diyos yun, pero hindi niya promise na he will provide prosperity for everyone. Hindi ipinangako ng Diyos na magkakabahay ka at hindi na mangungupahan, na magkakakotse ka at hindi na magcocommute, na financial breakthrough is around the corner, only if you will believe in God and obey God katulad ni Abraham. That is to mishandle, abuse, and distort this wonderful story.