Gospel Blessing: An Overview of Deuteronomy

Ang Deuteronomy ay isang aklat sa Bibliya na nagkwekwento ng patuloy na kabutihan ni Yahweh sa paglalakbay ng mga Israelita, at pag-uulit sa kanila ng mga mabuting utos ng Diyos upang ihanda sila sa pagpasok sa lupang pangako, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagsunod sa mga utos ng Diyos at pagtitiwala sa Kanya. Ito'y sumasalamin sa paglalakbay natin sa buhay bilang mga Kristiyano at walang lubos na nakasunod sa kautusan, kundi si Cristo lamang, kaya ang Deuteronomy, at lahat-lahat sa Bibliya, at lahat-lahat sa buhay natin ay tungkol kay Jesus!

Exodus 35-40 • Ang Pagtapos ng Gawain ng Diyos

Mahalaga ang iniuutos ng Diyos, kaya mahalaga na sundin at gawin ang lahat ng kanyang iniuutos. Tayo ay walang kalayaang gawin kung ano ang preference natin o i-modify ang instructions ng Diyos bilang Owner at Designer nito. kaya all of us must Trust and Obey, there is no other way, to be happy in Jesus, but to Trust and Obey.‘Yan ang buhay Kristiyano, ‘yan ang buhay na in relationship with God, isinasagawa ang lahat ng utos ng Diyos sa lahat ng bahagi ng buhay natin.

Exodus 30-31 • Banal na Gawain, Banal na Kapahingahan

Kay Cristo lang natin matatagpuan ang tunay na kapahingahan. Christ is “the Sabbath rest for the people of God” (Heb. 4:9). Kaya nga nagtitipon tayo every Sunday, hindi dahil isa itong obligasyon o kabigatan sa atin. Kundi dahil sa pagpapa-alala sa atin ng Diyos sa natapos nang ginawa ni Cristo para sa atin—sa gospel na inaawit natin, sa preaching na pinapakinggan natin, sa Lord’s Supper natin—nararanasan natin ang espiritwal na kapahingahan na kailangan natin.