Pangunahing nangyayari ang discipleship sa pamamagitan ng pagtuturo at pagtulad. Pinakaepektibo itong nagagawa sa pamamagitan ng pag-ibig. Habang buong pagmamahal nating tinuturuan ang mga nakababatang mananampalataya sa daan ng kabanalan at pamumuhay na kapuri-puri, sila ay lumalago sa pagiging katulad ni Cristo sa pamamagitan ng pagtulad sa ating buhay at doktrina.
Abraham Part 8 – Being God’s Friend (Gen. 18)
So for this Sunday and the next, dapat lang na sagutin mo ang tanong na ‘to: Ikaw ba ay kaaway na maituturing ng Diyos tulad ng Sodom at Gomorrah, o kaibigan ng Diyos tulad ni Abraham? This is a more important question kesa sa tanong na may covid ka ba o wala, may vaccine ka na ba o wala.
