Bless the Lord, O My Soul (Psalm 103)

Isa itong kakaibang uri ng panalangin habang kinakausap din niya ang sarili niyang kaluluwa. Kasi posible na sa pagkakataong ito, gusto mang magpuri ng kanyang katawan, pero hindi mahanap ng kanyang puso o kaluluwa ang mga dahilan para magpuri. dahil ang totoo ay walang silbi ang papuri ng ating mga labi, ng ating mga bibig, ‘yung ating mga awitin, kung ang mga puso natin ay malayo sa Panginoon.

Part 17: Ang Sampung Utos (Ex. 20:1–21)

As we take a look at Exodus 20, ang prayer ko ay mabago itong mga karaniwang attitude na meron tayo tungkol sa mga utos ng Diyos, particularly itong Sampung Utos. Mangyayari ito kung hindi lang tayo nakafocus sa bawat isa sa sampung utos (law) kundi maging sa konteksto o sa kuwentong kinapapalooban nito (narrative context). Hindi lang ito tungkol sa kung ano ang dapat nating gawin, kundi tungkol sa ano ang ginagawa ng Diyos at gagawin ng Diyos na konektado dito.

Part 16: Pagharap sa Diyos na Banal (Ex. 19:1-25)

Ang isang Kristiyano ay isang anak ng Diyos. Meron tayong relasyon sa Diyos. Nagsasalita ang Diyos. Nakikinig tayo. Nag-uutos ang Diyos. Sumusunod tayo. Nilikha at iniligtas tayo ng Diyos. Sumasamba tayo. Meron tayong ugnayan sa Diyos. Pero naiintindihan ba talaga natin kung anong klaseng relasyon meron tayo sa Diyos? Take for example itong ginagawa natin every Sunday morning. Hindi lang ito pagtitipon ng mga tao. It is more than just a gathering. Ito ay pagsamba sa Diyos, pagharap sa Diyos, an encounter with God. Nakikinig tayo ng salita niya, inaawitan natin siya, nananalangin tayo sa kanya. Naiintindihan ba talaga natin ang ginagawa natin kapag natitipon tayo at sama-samang haharap sa Diyos?‌

Part 15: Ang Tulong na Kailangan sa Paglalakbay (Ex. 17:8-18:27)

Saan manggagaling ang tulong na kailangan mo? Anong sagot mo? Kay Lord manggagaling ang tulong na kailangan ko. Hindi niya kailangan ang tulong natin. He is all-sufficient. Siya eksakto ang tulong na kailangan natin. Sa kaligtasan natin. Sa paglago natin sa kabanalan. Sa pakikipaglaban sa kasalanan. Sa desisyong kailangan natin sa araw-araw. Paano tayo makatitiyak na ibibigay niya ang lahat ng tulong na kailangan natin? Ibinigay na niya si Cristo para sa atin. Christ is our salvation. Christ is our banner, our victory. Christ is our wisdom. Saan manggagaling ang tulong na kailangan ko? Kay Lord manggagaling ang tulong na kailangan ko.