Sino ang dapat mong pakinggan kung saan ka pupunta o kung paano tayo dapat mamuhay? Kung ano dapat ang misyon at ambisyon mo sa buhay? Hindi ikaw siyempre. Kundi si Cristo. Ang makita natin siya nang mukhaan ang pinaka-destinasyon na patutunguhan nating lahat na nakay Cristo. Si Cristo ang pinakapunto ng lahat ng paglilingkod at pagpapagal na ginagawa natin. Christ alone—hindi ang mga idols sa puso natin—is worthy of our exclusive service and devotion.
Part 21: Katarungan, Kapahingahan, at Pagdiriwang (Exod. 22:21-23:19)
Love God and love your neighbor. ‘Yan ang summary ng mga utos ng Diyos. Hindi natin pwedeng paghiwalayin ang relasyon natin sa Diyos sa relasyon sa ibang tao. Ang mga utos ng Diyos na nakapaloob dito ay may kinalaman sa bawat bahagi ng buhay natin. Siya ang Diyos at Hari ng bawat bahagi ng buhay natin.
Part 20: Ang Kabayaran ng Pagsuway (Exod. 20:22-22:20)
Mahalaga ang Old Testament law para sa ating mga Christians ngayon, hindi by way of direct application. Siyempre hindi ganun. Kundi dapat makita natin na ito ay tungkol unang-una sa relasyon ng Diyos sa kanyang redeemed people, kung ano ang gusto niyang gawin nila in response sa pagliligtas na ginawa sa kanila ng Diyos, kung paano sila mamumuhay para sila’y maging “kingdom of priests” at “holy nation” (Ex. 19:5-6).
Part 19: You Shall Not Covet (Exod. 20:17)
Ang ika-10 utos ang huli sa sampung utos ng Diyos—last, but not the least. Mabigat. Bakit? Dahil ito ay kasalanan laban sa Diyos, kasalanan laban sa ibang tao na nilikha rin tulad natin sa larawan ng Diyos, nagbubunga ng marami pang kasalanan, at may parusang kamatayan. So, ang kasunod na tanong, paanong ang ika-10 utos ay nagtuturo sa atin patungo kay Cristo?
