Sa halip na tayo’y makibahagi sa mga gawain ng mga di-Kristiyano (mga gawa ng kadiliman), dapat na tayo’y ‘wag matitinag na magpatuloy na mamuhay ayon sa liwanag at maging matapang na ilantad ang mga gawa ng kadiliman sa liwanag ni Cristo. At para mas maging personal sa atin ang application nito, kailangang matutunan natin ang dalawang bagay: gospel-driven confession at gospel-exposing confrontation.
Ephesians 4:1-6 • Pagkakaisa sa Espiritu
Merong isang Diyos, merong isang gospel, merong isang church—kaya dapat na nagkakaisa ang church. Hindi tayo ang lumilikha ng pagkakaisang ito; binabantayan natin at pinagyayaman natin ang pagkakaisang ito sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga katangiang katulad ni Cristo. Ito ang klase ng pamumuhay na consistent sa gospel na pinaniniwalaan natin. Ito ang mensahe ng Ephesians 4:1-6.
Ephesians 3:14-21 • Pagluhod sa Ama
Ang postura ng puso natin sa paglapit sa Diyos sa prayer ay nagpapahayag kung ganito rin ba ang pinaniniwalaan natin tungkol sa Diyos. Paano ba tayo dapat lumapit kung ganito ang Diyos natin?
Ephesians 3:7-13 • Ang Mabuting Balita at ang Iglesya
Kung alam mo ang gospel, kung kilala mo si Cristo, kung lagi mong naaalala kung ano ang ginawa niya para sa atin, Christ is really worth losing our life for. Jesus is our life. This is gospel ministry: ginagawa natin ito dahil kay Cristo at para sa mga taong nangangailangan kay Cristo.
