Merong isang Diyos, merong isang gospel, merong isang church—kaya dapat na nagkakaisa ang church. Hindi tayo ang lumilikha ng pagkakaisang ito; binabantayan natin at pinagyayaman natin ang pagkakaisang ito sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga katangiang katulad ni Cristo. Ito ang klase ng pamumuhay na consistent sa gospel na pinaniniwalaan natin. Ito ang mensahe ng Ephesians 4:1-6.
Ephesians 2:17-22 • Ipinagkasundo sa Isa’t isa
Merong church (universal church man ‘yan o local church) dahil sa gospel, sa mabuting balita ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, at makapagpapatuloy ang church sa pagtupad ng layuning dinisenyo ng Diyos para rito sa pamamagitan lang din ng gospel.
Ephesians 2:8-10 • Biyaya, Pananampalataya, at Gawa
Itinuturo sa atin ng salita ng Diyos dito sa Ephesians 2:8-10 na hindi dahil sa mabuting gawa natin kaya tayo naligtas, kundi dahil sa kabutihan ng Diyos at sa pamamagitan ng mabuting ginawa ni Cristo sa krus. Hindi ang mabuting gawa natin ang dahilan at paraan para tayo ay maligtas; ang mabuting gawa ang resulta ng kaligtasang tinanggap natin. ‘Yan ang good news of our salvation.
Ephesians 2:1-3 • Patay dahil sa Kasalanan
Paano tayo nasadlak sa ganitong miserableng kalagayan? Halina't pakinggan at basahin ang napakalinaw na pagkakalatag ng sermon na ito patungkol sa pagiging patay sa kasalanan katulad din ng sinasabi sa Heidelberg Catechism Questions 6-8. Ito rin ay nag-iiwan ng isang hamon na siyasatin ang ating mga sarili at maaalala natin na ang tanging solusyon sa pinakaproblemang ito ay si Cristo, wala nang iba.
