Ano ba inheritance o mana na tinanggap natin nang tayo ay nakipag-isa kay Cristo? Gaano ba ito kahalaga at paano tayo makakasigurado na ang manang tinutukoy rito ay matatanggap talaga natin nang buong-buo, hindi babawiin, hindi babawasan, at hindi magbabago ang isip ng Diyos?
Ephesians 1:4-6 • Pinili ng Ama
Ang election na tinutukoy dito ay tungkol sa pagpili ng Diyos sa atin. Ang Diyos ang pumili kung sino ang gusto niyang iligtas. Kaya ang election ay hindi lang isa sa mga spiritual blessings, ito rin ang pasimula at dito dumadaloy ang lahat.
