Mahalaga ang Old Testament law para sa ating mga Christians ngayon, hindi by way of direct application. Siyempre hindi ganun. Kundi dapat makita natin na ito ay tungkol unang-una sa relasyon ng Diyos sa kanyang redeemed people, kung ano ang gusto niyang gawin nila in response sa pagliligtas na ginawa sa kanila ng Diyos, kung paano sila mamumuhay para sila’y maging “kingdom of priests” at “holy nation” (Ex. 19:5-6).
Part 19: You Shall Not Covet (Exod. 20:17)
Ang ika-10 utos ang huli sa sampung utos ng Diyos—last, but not the least. Mabigat. Bakit? Dahil ito ay kasalanan laban sa Diyos, kasalanan laban sa ibang tao na nilikha rin tulad natin sa larawan ng Diyos, nagbubunga ng marami pang kasalanan, at may parusang kamatayan. So, ang kasunod na tanong, paanong ang ika-10 utos ay nagtuturo sa atin patungo kay Cristo?
